Lemonsquare Kahanga-hanga ang paruparong ginawa nitong juenaks ko na si Poohfly. Sure ako na mapapansin ito ng mga nilalang dito. Kasalukuyan kaming nandirito sa himpapawid at patungo kami sa direkyon ng silangan. Iyan ang direksyon na binigay ng mga Illdeers sa amin bago kami tuluyang umalis sa kaharian. Si Yellowbalaelae ang agaw eksena dahil tila isa itong bulaklak na tinatanggay lamang ng hangin kung lumipad. Siya ang tunay na eksahedara. “Kumusta ka?” tanong sa akin ni Icer Hans na ngayon ay nasa gilid ko. Bakit naman kaya nagtatanong ito e samantalang magkatabi lang naman kami? Hindi pa naman naliligaw ang diwa ko. Nandito pa naman siya at kasakuluyang dinarama ang mga rebelasyon niya sa buhay. “Ayos lang naman, bakit?” normal na salita ko. Tumango siya at matapos ay ngumiti..

