
Nagpakalayo-layo si Isabelle upang takasan ang kanyang madilim na nakaraan. Ngunit kasabay ng kanyang paglayo ay ang isang pangako na babalik siya sa lugar na kanyang kinalakhan para maghiganti at bawiin ang ninakaw na kayamanan ng kanyang tiyuhin. Nagsikap siya sa buhay, mahirap man ay itinaguyod niya ang kanyang sarili at nang makatapos siya sa pag-aaral at magkaroon na ng kakayahan upang lumaban ay bumalik nga siya sa kanyang lupang sinilangan. Inihanda niya ang kanyang sarili para sa paghihiganti. Pumasok siyang private nurse sa asawa ng kanyang tiyuhin at doon ay plano niyang simulan ang paghihiganti ngunit palaging humaharang sa mga plano niya si Isaac, ang katiwala at pinunong tagabantay ng kanyang tiyuhin. Sa isip ni Isabelle ay gagawin niya ang lahat para lamang sa kanyang inaasam, kahit pa kapalit noon ay ang pagsuko niya ng sarili kay Isaac basta ba ay makuha lamang niya ang panig nito.
