One
Marami na ang nagbago. Kahit ilang araw na ang nakalipas mula noong makabalik ako, hindi pa rin ako masanay-sanay sa lahat ng mga pagbabago. Mas lalong hindi ako sanay sa mga estrangherong tingin sa akin ni Primo Klausser. Siguro nga'y interesado pa rin siya sa akin ngayon, ngunit naiinis pa rin ako sa katotohanang hindi na niya ako maalala at ang lahat ng mga pinagsamahan namin noon.
Ngunit wala naman akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko. Anuman ang sakit na naidudulot sa akin ng pagbabagong ito ay kasalanan ko.
"It will be next week," masiglang sambit ni Hyacinth habang nakatingala sa kisame. Katabi ko siya ngayon sa aking kama rito sa silid ko sa Krymmenos. Natatakot pa rin siya sa ibang mga estudyante, kung kaya't nakiusap siya sa akin na makisiksik dito. Ayaw ko man ay hindi naman tumatanggap ang babaeng ito ng pagtanggi.
Tumaas ang isang kilay ko at bahagya siyang nilingon. "Next week? Anong meron?"
Mabilis siyang napalingon sa akin at kunot-noo akong pinagmasdan. "The game of thrones! All houses will be competing in this game where the victor claims the throne."
Napaupo ako sa sinabi niya at kunot-noo siyang nilingon. "What?" She didn't even seem bothered by the fact that we'll be going against the powerful houses within the Academia.
Upang mawala ang pagkalito sa inyo, kukunin kong oportunidad ito upang ipaliwanag ang sitwasyon. Ang Supreme Student Council ay nagbago na sa loob ng dalawang taon. Nang dahil sa pagkawala ni Trese, tuluyan nang nagiba ang pundasyon ng council. Kung kaya't nagkaroon ng eleksyon at nailuklok ang mga bagong mukha ngayon.
Vergel already finished his sixth year, so he doesn't meddle in school politics. Nakakalabas at pasok pa rin siya sa Academia sapagkat kasalukuyan niyang nagta-trabaho bilang isang intern sa ilalim ng committee. Isa raw requirement sa kolehiyo ang magtrabaho bilang trainee sa kung saang departamento nila gustuhin.
Umismid ako kay Hyacinth. "Why do you seem cool about it?" tanong ko nang makitang hindi pa rin nagbabago ang masayang ekspresyon niya sa mukha.
"Syempre nangangamba pa rin ako," hindi mawala ang ngiti sa mga labing tugon niya. "Pero hindi ko maalis ang galak sa puso ko nang marinig ang tungkol sa laro."
My brows arched. "What about the game?"
Muling nagningning ang mga mata ni Hyacinth nang lumingon siya sa akin. "Capture the Flag with a twist!"
Napangiwi ako sa reaksyon niya at sa hassle na hatid ng titulo ng laro. Ano na naman kayang pakulo ito? Bago lahat ang mga mukha ng nakaupo sa council at hindi ko alam kung ano ang magiging trip nila sa buhay-estudyante namin. Sa kanila nakasalalay ang ikagugulo o ikapapayapa noon. That is exactly what I dislike in this Academia. The stupid hierarchy and the discrimination!
"What twist?" maingat kong tanong.
Ngumisi siya. "It's exciting because there will be no betrayal involved when capturing other houses' flags! Instead, one house should challenge another in order to collect its flag."
Natigilan ako. Fair enough. I don't want another lame capture the flag game ever again. Naaalala ko lang ang laro namin ng Mortal Seven noon.
"What kind of challenge?"
"It could be anything. A game, a gamble, anything! Two parties must agree to the chosen game and rules before the challenge officially begins. There will also be moderators to keep the game clean and fair," mahabang paliwanag ni Hyacinth. It seems like games and gambles excite her, even though she is a complete scaredy cat!
"Ha, fairer than I thought," balewalang komento ko at isinandal ang likod ko sa head board ng kama.
Tumango si Hyacinth. "The game will run for a whole week. The house with the highest acquired flags wins. Prizes are to be announced, but they said it will be really grand. I am really excited!" Bakas sa boses ni Hyacinth ang matinding galak. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong mga kamay habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. "Lierre, let us win this game." She really is determined to win; I could see that in her hazelnut eyes. Mukhang mayroon na siyang naiisip na premyo sa isip niya.
Nginisihan ko siya at binawi ang mga kamay ko mula sa kanya. "Depends on the prize."
Napasimangot siya sa naging sagot ko at hinampas ako nang mahina. "Grabe! Hirap kausap!" Saka siya biglang natigilan at muling napalingon sa akin. "Oh, right. The Supreme House will be joining the game! They will grant power to the house that stands on them."
Natigilan din ako sa impormasyon na isiniwalat ni Hyacinth. Just who the hell are they to grant anyone power? It makes me want to crush them.
"What kind of power?" I asked.
Nagkibit-balikat si Hyacinth. "They must be willing to vest you power and authority, or grant you a wish! I'm not sure."
"Oh... boring." Nagkibit-balikat ako at akmang hihiga na muli sa hindi kalambutan kong kama upang matulog na at muling harapin ang bukas, nang biglang magsalita si Hyacinth.
"There are rumors that they work for the Lord of the Rebels, Shiro, since they all lived in Terra City." Lumingon siya sa akin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagbabago ng ekspresyon niya sa mukha. "And that they are formidable. When it comes to gambling, at least."
Tuluyan na akong humiga at diniretso ang tingin sa maalikabok na kisame. Nababalutan din iyon ng mga sapot. But that didn't bother me at all dahil punong-puno ang isip ko ngayon nang dahil sa Game of Thrones na sinasabi ni Hyacinth. Ngayon ko lubusang naintindihan kung saan nanggagaling ang konsepto ng laro. Since naisipang sumali ng council sa larong iyon, literal na laro para sa trono ang mangyayari.
Kailangan manalo ng isang House upang makuha ang trono at pamunuan ang lahat ng Houses. Binibigyan ng Council ng pagkakataon ang mga nasa ilalim na umangat sa tuktok kung saan makikita at mako-kontrol nila ang lahat. It is a game where the lowest house can completely turn the table in an instant.
But what are they trying to achieve in devising this game?
Napangiti ako sa biglaang excitement na rumagasa sa buong katawan ko. "Don't worry, Hyacinth. Laking tore din ako," I said pertaining to the infamous gambling tower at the center of Terra City.