Binebendahan nina Hyacinth, Aliya, at Chantel ang mga sugat na natamo naming tatlo nina Primo at Romeo. Nandito na kami ngayon sa isang clinic na matatagpuan sa maliit na village malapit sa paanan ng Mount Blaze. It turned out na si Romeo at ang dalawang kasama niya ay ipinadala rito para sa isang misyon. Marami raw kasi ang nagtatangkang mga rebelde ang pumuslit papasok sa Wind Palace gamit ang daan na ito sa Mount Blaze. Pero nang malaman nila na taga Magi Academia kami, at nakilala nila si Elijah, e pinakawalan na rin sila na kanina'y mga bihag nila. "I'm really sorry for what Romeo did," sinserong sinabi ng lalaking kulay putik ang mga mata. Taro daw ang pangalan niya. Bigla namang nagsalita si Romeo na nakaupo sa kabilang kama. "Ano'ng sinasabi mo sa Juliet ko?" singhal nito kay Ta

