Sumama ako kina Primo at Troye na bumaba nang kaunti kung saan nakatayo ang ospital na tinutukoy nila. Tago raw iyon at maliit lang. Doon daw dinadala lahat ng mga nawala sa tamang katinuan nang dahil sa giyera noon, mga namatayan. Karamihan din ay mga matatanda na nag-uulyan na. "It just doesn't make sense," ani Troye, kinukumbinsi pa rin si Primo na umatras kahit na naglalakbay na kami pabalik. "Nadadala ka lang ng emosyon mo, Primo," dagdag pa nito. Hindi umimik si Primo, nakatingin lang sa dinadaanan. Ilang beses napabuga nang hangin si Troye dahil wala na rin siyang magagawa. "What made you so determined?" tanong ko kay Primo, hindi na ako nakatiis. Hindi siya huminto sa paglalakad pero at least sumagot siya. "You still don't know Lierre's story, do you?" Natigilan kami ni Troye

