Hyacinth Isang araw na ang nakalipas matapos ang insidente sa Suicidal Square ngunit hindi pa rin nakakabalik sa Krymmenos si Lierre. Nabalitaan ko mula kay Vergel, ang pinsan ni Lierre, na binuhat siya ni Trevor nang mawalan siya ng malay at dinala sa Supreme House. Lalo akong nanlumo dahil doon. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa akin at kay Lierre. Kung hindi ko lang sana ipinagpilitan ang sarili ko kay Trevor hindi sana mangyayari ito. Sa ilang araw na nag-a-adjust ako rito sa Magi Academia, una kong nakilala si Trevor. Nilibot ko nang mag-isa ang Academia upang maiwasan ang pagkaligaw ko rito kapag hindi ko kasama si Lierre. Kung kaya't napadpad ako sa isang lugar na hindi madalas puntahan ng mga tao. Ang unang napansin ko ay ang preskong hangin na binubuga ng lugar sapagkat nap

