Tiningnan ko nang diretso sa mata si Primo. Alam kong may tinatago siya sa akin bago kami makapasok dito sa Wind Palace at alam ko ring may itinatago pa siya hanggang ngayon. Kanina pa siya hindi makatingin nang diretso sa akin mula noong iwan kami ni Elijah. "I'd appreciate it if you tell me now," malumanay kong sinabi sa kanya, pinipilit na huwag manaig ang emosyon ko sa kanya. Ngunit mukhang mananatiling tikom ang bibig niya. Ngumiti ako sa kanya nang sarkastiko. We were just fine noong naghiwalay kami, pero ngayong nakita ko siya ulit, alam kong may mali. "Lierre," tanging nasambit niya. "If I find it out later, I won't be able to trust you ever again," madiin na sinabi ko sa kanya ngunit desidido itong itago sa akin ang kung ano man iyon. "Look at me, Primo Klausser. Will it bring

