"I want you to write every piece of memories you have with us, Lierre. I will do the same." Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako dahil doon. His eyes and voice were sincere at bigla akong na-guilty dahil pinagdudahan ko siya nang wala namang sapat na ebidensya. Of course he's still Forest, ang isa sa mga unang kaibigan ko sa Magi Academia. Sisiguraduhin ko na makakausap ko siya tungkol sa bond namin pagbalik namin sa Magi Academia. Ayokong pangunahan siya sa bagay na iyon. Baka may rason din siyang alam kung paanong nawala 'yong malakas na bond na iyon na dahilan ng pagsilip namin ng memorya ng isa't isa sa tuwing magkakadikit kami. Nagulat pa si Forest nang bigla ko siyang yakapin. "I'm sorry, Forest. I should have trusted you more. You sacrificed everything for me, I know. I'm really

