bc

My Possessive Step Brother

book_age18+
365
FOLLOW
1.1K
READ
possessive
student
stepbrother
school
friends
like
intro-logo
Blurb

"Remember this Kreisha, you're only mine, mine alone. I don't share!" mariing wika niya sa akin.

"Hindi tayo pwede Triton!" naiiyak na sigaw ko.

"I don't care! Gagawin ko lahat tayo lang sa huli." seryosong saad nito.

Napaatras naman ako ng kinulong

niya ako sa pader. Ang mga mata nito ay mapupungay na tumititig sa akin, na nagpapadagdag sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Dahan dahan nitong nilapit ang mukha niya sa tenga ko.

"You're mine Kreisha."

And that night I just let my body control my mind.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Start HABANG naglalakad ako papuntang garden ng school namin. Naalala ko ang mga sinabi ni Mommy sa akin kagabi. "Kreisha anak may sasabihin sana ako sayo." Umupo naman ako ng maayos sa kama at pinaupo si Mommy. "Ano po iyon Mommy?" "Anak kilala mo naman siguro si Tito Fernand mo diba?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy. "Oo naman po Mommy! Araw-araw nga binibisita niya po kayo dito, tapos ang bait po niya sa akin. Tinuturing niya po nga akong parang tunay na anak." nakangiting sagot ko. Nakita ko naman kung paano sumigla ang mukha ni Mommy kaya tinanong ko ito. "Bakit po niyo natanong Mommy?" "Sorry Kreisha-anak kung tinago ko sayo na.... matagal ng kami ni Fernand." saad ni Mommy sabay haplos sa mataas kong buhok. "Talaga? As in matagal ng kayo!?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tela natakot naman si Mommy sa reaksiyon ko kaya tumawa ako. "Naku Mommy kung nakita niyo lang ang mukha niyo sa salamin!" natatawang saad ko. "Ikaw talagang bata ka! Akala ko ay galit kana sa akin." nagtatampong saad ni Mommy. Yinakap ko naman ito ng napakahigpit.  "Mommy huwag niyo na akong intindihin. Kung masaya ka kay Tito Fernand, huwag mong pigilan ang sarili mo para lang sa akin. Kung saan ka masaya doon din ako sasaya Mommy." nakangiting saad ko. "Alam mo Kreisha hindi ka lang maganda sobrang bait mo pa! Pero anak may isa pa akong sasabihin sayo." hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ano po iyon Mommy?" "Ikakasal na kami ni Fernand sa susunod na taon at bukas doon na tayo titira sakanila." Syempre pumayag ako, kung para kay Mommy gagawin ko lahat kahit nag aalinlangan pa ako. Pero hindi ko din naman mapagkakaila na gusto ko ding makilala ang anak ni Tito Fernand, sabi ni Mommy lalake daw ito, matagal ko na kasing gustong magkaroon ng kapatid na lalake. Naiingit nga ako sa mga kaklase kong may mga kuya, nakikita ko talaga kung paano nila kamahal ang mga kapatid nito. Hindi nila ito gustong masaktan, kaya binabakuran nila ito. And I find it sweet. Ng makita ko ang paborito kong pwesto dito sa garden, dali dali akong pumunta doon. Nilapag ko ang mga libro ko at nagsimula ng magbasa. Gusto ko ang ganitong lugar, nakakarelax. Madami kasing mga halaman at puno dito kaya ganito nalang kasarap ang hangin na nalalanghap ko ngayon. Hindi pa ako nakakalahati sa pagbabasa ng libro ay bigla nalang akong nakarinig ng kakaibang ungol hindi kalayuan sa kinauupuan ko ngayon. Nilapag ko muna ang libro at pinuntahan ang tunog. Nakita ko na parang may gumagalaw galaw sa likod ng malaking puno kaya doon ako tumungo. "Hmm. Triton!" "f**k Triton!" Pagkarating ko doon ay napasigaw ako sa nakita. "Omg sorry!" Pero bago pa ako makatalikod nakita ko pa kung paano tumaas ang sulok ng labi ng lalake. s**t! Ba't ba pumunta pa ako doon? Ayon tuloy nakita ko 'yong hindi dapat makita. Kainis! Nakita ko si Triton Rivera ang lalakeng mahilig mangolekta ng mga babae, sikat siya sa campus namin dahil sa angking kagwapohan at kakisigan nito. Lahat siguro ng babae dito napaiyak na niya, pwera lang ako. I don't entertain suitors. Dahil sa nakita ko, dali dali akong umalis doon at pumasok nalang sa susunod na klase. Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang maalala ang ginagawa ng dalawa kanina. Si Triton nakasandal sa puno samantalang ang babae naman ay nakaupo sa hita niya. Halos makita na ang kaluluwa ng babae habang naghahalikan ang dalawa. Nasampal ko bigla ang sarili ko dahil bigla nalang nag init ang mukha ko sa naisip. "Kreisha ano ba ang iniisip mo!" saway ko sa isip ko. "Haha you're cute!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tawa. Napangiti naman ako ng makita ang kaibigan ko. "James!" "Alam mo para kang baliw, ano ba binubulong bulong mo kanina?" natatawang saad nito. Napasimangot naman ako. "Wala!" "Sus, meron e nagsesekreto ka na talaga sa akin!" nagtatampong saad nito. "James naman!" hindi ko naman pwedeng sabihin diba? Nakakahiya kapag nalaman niya ang iniisip ko. "Joke lang, ito namang bestfriend ko!" saad nito sabay akbay sa akin. Matagal na kaming magkakakilala nitong si James. Pareho kasi kami ng course na kinuha, business management. Simula first year college hanggang ngayong third year college, matibay parin ang samahan namin. Alam na din namin ang bawat ugali ng isa't isa kaya ganito kami ka close. Pero kahit na ganoon kami ka close, nakakahiya naman sigurong sabihin ang mga nakakahiyang iniisip ko diba? Lalo na kanina. "Tutal sabado naman bukas, bibisita ako sa inyo a. Nami-miss ko na kasi ang luto ni Tita Luisa." biglang saad ni James habang naglalakad kami. Naalala ko naman ang pinaguusapan namin ni Mommy. "Sorry James, lilipat na kasi kami ng bahay bukas." "Huh? Saan naman kayo lilipat?" Nagbuntong hininga ako dahil mukhang mahaba haba ang kwentuhan namin nitong si James. Sinabi ko lahat ng pinaguusapan namin ni Mommy kagabi. Kagaya ko nagulat din ito ng malamang matagal ng may relasyon si Mommy kay Tito Fernand. "Grabe hindi ako makapaniwala!" hindi makapaniwalang saad ni James. "So magiging tatay mo na si Tito Fernand?" nakangiting tanong sa akin ni James. Tumango ako. "Yes James, mukhang magkakaroon na naman ako ng bagong tatay." I suddenly remember my deceased father. Namatay ito dahil sa cancer sa baga. Gumuho ang mundo namin ni Mommy ng mawala si Daddy, kaya mag isa akong tinaguyod ni Mommy para hindi kami maghirap. Mabuti nalang at nakahanap agad ito ng trabaho at naging sekretarya siya sa isang companya, doon niya nakilala si Tito Fernand na boss niya. Pagkatapos ng klase namin ni James ay pinauna ko muna ito dahil may hihiramin muna akong libro sa library. Dahil nagmamadali ako hindi ko nakitang may nabangga na pala ako. "Sorry!" Napayuko ako ng makilala ang lalake. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. "Wait!" Napataas naman ako ng tingin. "B-bakit?" kabadong tanong ko. Shit! Sana hindi niya ako makilala. Nakakahiya! Tinignan niya naman ako ng mariin, napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko makayanan ang intesidad ng kanyang titig. Hindi na din ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil hawak hawak niya ang braso ko. "Panyo mo, nahulog." Napatingin naman ako sakanya sa sinabi niya. "Ahh...haha s-salamat!" kinuha ko sa kamay niya ang panyo ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng binitiwan niya ako. "S-sige mauna na a-ako." nakayukong saad ko sabay talikod. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may sinabi itong nagpapatigil sa akin sa paglalakad. "Do you like what you saw earlier?" Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng sariling laway. Hindi ko na kinayanan ang kahihiyan at dali dali ng tumakbo. Narinig ko pa ang malakas na tawa niya kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. Shit! I bumped with the notorious playboy in town!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook