Kabanata 5

1392 Words
Crush NAGSISISI akong pumayag na sumama kay Triton. First time kung makapunta sa isang bar. Pagkababa ko sa kotse niya parang gusto ko ng umatras at umuwi na. Akala ko ba dadalhin niya ako sa restaurant kagaya ng sinabi sakanya ni Daddy? Gusto kong magtanong kung bakit dito? Pero hindi naman ako sumama sakanya para magdemand, nandito ako para maging malapit kami sa isa't isa at hindi na niya iisipin ang mga plano niya sa amin ni Mommy. I sighed. "Kaya mo yan Kreisha!" Napatingin naman ako kay Triton ng marinig ko itong mahinang tumawa. "Hindi ka pa ba nakakapunta ng bar?" tanong niya. Napakamot ako ng ulo. "A-ah hindi pa, bawal kasi." sagot ko. "But you're already eighteen." "Hindi ko din naman gustong pumunta sa ganitong lugar, sabi kasi ni Mommy, ang mga taong pumupunta ng ganitong lugar ay pinapahamak lang ang mga sarili nila." nasobrahan yata ako sa pagdadaldal, baka ma-offend ko siya sa mga sinasabi ko. Akala ko maiinis siya sa akin at magagalit sa mga sinabi ko. Alam ko naman kasi na palagi siyang nandito sa mga bar at yung sinasabi ko kanina parang pinupunto ko sakanya. Hindi ko din naman sinasadyang patamaan siya. Kaya nabigla nalang ako ng ngumiti ito sa akin. "Right. Kaya ikaw huwag na huwag kang pumupunta dito kung ikaw lang mag isa, kahit may kasama ka pang kaibigan hindi pwede. Makakapunta ka lang dito kapag kasama mo ako." sumeryoso ito habang nagsasalita. Napangiti ako sa isip. I think he cares for me like I'm his little sister. Ito na ba ang simula? I hope so. Sumunod ako sakanya ng magsimula na itong maglakad. Tinignan ko naman ang pangalan ng bar na nakaplastar sa itaas. "Redship." basa ko. "Let's go, baka mawala ka pa." nabigla ako ng bigla niya akong higitin sa braso ko. Napatingin naman ako sa mga kamay niyang hawak hawak ako ngayon. I smiled. Protective and sweet brother huh? "Good evening Mr. Rivera." bati sakanya ng lalaking nakaitim na may malaking katawan. Napalunok naman ako ng pasadahan niya ako ng tingin. Jusko nakakatakot naman ang lalaking ito! Ang laki laki ng katawan, may mga tattoo pa ito sa braso at singsing sa ilong. Isang pitik lang siguro nito, tumba na ako dito. Napabuntong hininga naman ako ng maakaalis na kami doon. Pero pagkapasok namin napapikit naman ako kaagad. Andaming naghahalikan dito, jusko! Nagkakainan din ang ilan! Ang iba naman ang lilikot ng mga kamay. Para silang zombies na gutom na gutom sa isa't isa! "Don't mind them." Napatingin naman ako kay Triton ng sabihin niya iyon, parang wala lang ito sakanya. Hindi ba siya naiilang na may naghahalikan sa gilid niya? Kasi ako OO! Kagaya ng sinabi niya, hindi ko nalang binalingan ang mga taong nagkakainan. Nanatili nalang akong nakatingin sa kamay niyang hawak ang braso ko ngayon. Nagsimula na naman akong magsisi, andami kasing tumitingin tingin sa akin. Sino bang hindi? Akala nila naliligaw ako dahil sa suot ko. Nakadress kasi ako, parang simbahan ang pupuntahan ko hindi bar! Si Triton kasi eh! Ilang minuto pa ay nakita ko na sa isang lamesa ang mga kaibigan ni Triton. Kaya napahinto ako. Sila ang mga sikat na basketball player sa campus namin kasama si Triton. Matagal ko na silang kilala dahil halos bukangbibig ng mga kababaihan sa campus namin ang limang mga lalaking ito. They standout in every aspect. Mula nga sa kinatatayuan ko ngayon sila kaagad ang nakaakit ng mga mata ko. They have a strong and charming aura that girls flocks towards them. Lalo na itong katabi ko na captain pa nila. "A-ahm Triton, sa kabilang lamesa nalang ako. Baka makaistorbo pa ako sa inyo." nahihiyang paalam ko. Truth is nahihiya ako sakanila. Never in my dreams na makakasama ko sila sa iisang lamesa, lalong lalo na si Evo, ang matagal ko ng crush. Baka maihi lang ako doon kapag matitigan lang ako ng konti ni Evo! Tss. Lumingon naman ito sa akin. Nakakunot ang noo nito. "Are you shy with my friends?" Am I that visible? "N-no." pagsisinungaling ko. "Then let's go!" hihilain niya sana ako ng kinuha ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "T-triton kasi..." aaminin ko na sana na nahihiya ako para sa ibang lamesa nalang ako uupo ng bigla itong tinawag ng mga kaibigan niya. "Triton here!" "What Kreisha?" Tinignan ko siya sa mata. Hindi naman siguro siya naiinis sa akin diba? O sadyang magaling lang talaga siyang magtago ng feelings. Pakiramdam ko kasi naiinis na siya sa akin. Ang arte arte ko kasi e, parang makiupo pang sa lamesa nila, hindi pa magawa. Ehh nandoon kasi si Evo! "Ahh wala wala. Tara na baka naghihintay na ang mga kaibigan mo!" pinaligaya ko ang boses ko. Bahala na nga! Hindi nalang ako masyadong titingin sakanila para hindi ako mahiya, lalong lalo na kay Evo. "Triton!...oppss may kasama ka pala!" saad ni Nyx ng makita niya ako sa likuran ni Triton. Binigyan ko lang sila ng maliit na ngiti sabay upo sa katabing upuan ni Triton. I feel uncomfortable, alam kong tinititigan nila ako ngayon kung hindi lang ako nakayuko. "Sino siya Triton? Bago mo?" natatawang tanong ni Leonard na nagpapapula sa pisngi ko. "No. She's Kreisha Sanchez ." sagot naman ni Triton. Tumaas naman ang tingin ko sa magkakaibigan, tinititigan nila si Triton sa susunod na sabihin. "What?" Unfortunately mukhang ayaw niya akong ipakilala bilang kapatid, naiintindihan ko naman siya dahil hindi pa kami legal na magkapatid dahil hindi pa sila kasal nila Mommy. I should understand him. Hindi dapat ako maglungkot lungkutan dito. Napatingin ako kay Jhon ng bigla itong tumawa. Naalala ko tuloy ang pinag uusapan nila Triton over the phone, siguro kilala na niya ako. He's Jhon Radweck, bestfriend of Triton, siya ang mas pinakaclose ni Triton dito kaya positibo akong alam na niya ang tungkol sa akin at alam na niya ang plano ni Triton... "She's Triton future sister guys!" natatawang saad ni Jhon. Anong nakakatawa? Nakita ko naman kung paano sumama ang mukha ni Triton sa sinabi ni Jhon, ng makitang nakatingin ako sakanya, umiwas ito ng tingin sabay inom ng kanyang inumin. "Talaga!? May bago ng asawa si Tito Fernand?" hindi makapaniwalang tanong ni Nyx. Napayuko naman ako dahil mukhang buong gabi nila ito pag uusapan, sana talaga hindi nalang ako pumunta. Napailing ako at kalaunay napataas ng tingin kay Evo na tahimik na umiinom sa harapan ko. Siya ang pinakatahimik sa barkada at siya din ang pinakamabait. Nanlaki saglit ang mga mata ko ng makitang nakatingin din pala ito sa akin, pinamulahan kaagad ako ng mukha ng dahan dahan itong ngumiti sa akin. Kahit gusto ko nang yumuko para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko ay hindi pwede! Baka sabihin niyang suplada at snobber ako, na kasalungat naman sa ugali ko. Binigyan ko ito ng maliit na ngiti at yuyuko na sana ng binigyan niya ako ng baso. Tatanggihan ko na sana ito dahil hindi ako umiinom ng mga alak ng ngumiti ito. "Juice lang yan, alam kung hindi ka umiinom ng mga alak." nakangiting saad nito. Maiihi na talaga ako dito kapag patuloy pa din siyang ngumingiti ngiti diyan. Kainis! Bakit ang gwapo gwapo niya kapag ngumingiti? Evo Fuentellan is a good looking guy with a smart look. His gorgeous eyes that can melt someone like me in this freaking seat! And his hair? Oh I love to touch those silky hair. Not to mention his lean and magnificent body. I wonder if he have abs? Dahil sa kahalayan ng isip ko, hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatulala kay Evo kaya hindi ko nadinig na kanina pa pala ako tinatawag ni Triton. Mabilis ko namang binalingan si Triton na nakakunot noong nakatingin sa akin. "S-sorry! Ano yong sinabi mo?" kinakabahang tanong ko, alam ko kasing nakatingin sa akin ang lahat ng nasa lamesa, pati si Evo. "Hindi mo ba kukunin ang binigay na juice ni Evo?" nakakunot na tanong ni Triton. Nanlaki naman ang mata kong napatingin kay Evo. Hanggang ngayon hawak hawak pa din niya ang baso ng juice at binaba niya ito ng makitang nakatingin ako sakanya. "Ayaw mo? Mag oorder nalang ako ng bagong juice. Ano ang paborito mon--!" "No Evo! G-gusto ko yan. Sorry." dahan dahan kong kinuha ang juice sa harap ko. Ngumiti lang ito sa akin. Kaya napainom ako kaagad. Gosh Evo Fuentellan made me crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD