1. Isla Nagaray
KABANATA 1
-
-
"Itay!?" malakas na sigaw ko habang inaabangan sa dalampasigan sina Itay at kuya Mateo na paparating galing sa pamamalaot.
Nakita kong kumaway sila sa akin nang marinig nila ang tawag ko. Kitang-kita ko ang sigla sa mga mukha nila kaya malamang ay maramin silang huling mga isda.
Maaga talaga akong gumisint para maghanda ng makakain nila pag-uwi hintayin sila dito.
"Anak? Kanina ka pa ba dyan naghihintay?" bungad agad ni Itay nang nang tumalon ito sa bangka at hinila nya ito papunta sa pangpang. Sumunod din naman si kuya Mateo sa kanya at tinulungan ito.
"Ganyan naman lagi yan si Elijah, di ka na nasanay sa kanya 'Tay." sabat ni kuya Mateo nang makalapit na sila sakin.
"Wala naman akong ginagawa kaya hinintay ko na kayo dito. Marami po ba kayong huli 'Tay?" sabi ko dito at tumingin ako sa bangka nila. Nagulat ako dahil ang daming laman na isda ang mga banyera nila at halos mapuno nila 'yon.
"Oo anak, swerte tayo ngayon dahil marami kayong maibebenta sa bayan mamaya." sagot ni Itay sakin.
"Sana pakyawin na ni aling berta ang lahat ng 'to para maaga tayong makauwi." singit ni kuya Mateo at mabilis nilang ibinaba ang mga nahuli nilang mga isda.
"Tulungan ko na po kayo." sabi ko nang hawakan ko din ang banyerang buhat nila pero pinigilan ako ni Itay.
"Wag na anak, kaya na namin 'to. Kumpara mo naman 'yong katawan mo sa katawan namin ng kuya mo. Baka mamaya ay mabalian ka pa ng buto." sabi ni itay at natawa pa ito habang inaasar ako.
Tama naman sya dahil di hamak na mas malaki ang katawan nila ni kuya kaysa sa akin. Hindi naman ako payat at medyo slim kase ang katawan ko. Balak ko ngang sumama kay kuya Mateo na maggym minsan sa bayan pag tumuntong na ako ng labing walo sa susunod na buwan.
Madalas kasing magpunta ng bayan si kuya Mateo para maggym kaya napakaganda ng katawan nito sa tangkad na 6'2 na halos magkasing-taas lang sila ni Itay. Samantalang ako ay nasa 5'6 lang ang taas.
Sya nga pala! Hindi ko pa pala sila napapakilala. Ang itay ko ay si Markus Salvador, 42 years old na sya pero parang nasa 30's lang ang edad nito dahil mukhang bata parin ang mukha nito at pangangatawan dahil laging batak sa pangingisda kaya maraming mga kababaihan at mga bading ang nagkakagusto dito sa bayan.
Pero di pinapansin ni itay ang mga 'yon dahil mahal na mahal nito si inay na si Olivia Salvador. Maganda naman kase si Inay kahit may edad na kaya patay na patay parin si Itay sa kanya. Di namin madalas na kasama si inay sa bahay dahil nagtatrabaho ito sa bayan bilang isang mananahi don pero umuuwi naman sya isang beses sa isang linggo.
Mateo Jay Salvador naman ang pangalan ng kuya ko at sya ang panganay namin. 24 years old at may kasintahan na nasa maynila ngayon. Gwapo din si kuya dahil halos magkahawig lang sila ni Itay at parehas moreno ang kulay ng balat nila dahil madalas itong sumama sa pangingisda sa laot. Katulad ni Itay ay habulin din si kuya Mateo sa bayan pag nagbebenta kami ng isda don. Dahil sa angkin kagwapuhan at tikas ng mangangatawan ay mabilis namin naibebenta ang mga dala naming isda.
Ako naman si Elijah Salvador ang Bunso sa pamilya namin. Katulad nga ng sinabi ko kanina ay maglalabing-walong taon gulang na ako sa susunod na buwan. 1st year collenge na ako sa susunod na pasukan kaya todo ang kayod nila itay para matustusan ang pag-aaral ko. Pag pumapalaot sila tatay at kuya ay ako ang madalas na nag-aasikaso ng gawaing bahay lalo na't minsan ay wala rin si nanay.
Pero may isang bagay pa akong di nasasabi. Ampon lang ako nila Itay at Inay dahil namatay daw sa aksidente ang mga magulang ko nung bata pa ako. Kaibigan ni Inay ang tunay kong mga magulang kaya nung nawala sila ay kinuha ako ni nanay at tinuring na nila akong tunay na anak ni Itay. Ganoon din si kuya Mateo na tinuturing akong bunsong kapatid.
Dito kami nakatira sa Isla Nagaray at kaunti at iilan lang ang nakatira dito. Magkakalayo ang mga bahay dito sa isla at kami lang ang medyo malapit sa dagat kaya naman mangingisda na ang naging kabuhayan ng pamilya namin.
Sarili naming bangka ang ginagamit namin pag tumatawid kami papuntang bayan na ilang minuto lang layo mula dito sa isla.
Salat man kami sa pera ay gusto parin nila Itay na makapagtapos ako ng pag-aaral kaya todo kayod sila para makaipon.
Sa ngayon ay wala na akong balak na hanapin pa ang tunay kong mga kamag-anak dahil para sakin sila itay, Inay at Kuya ang tinuturing kong tunay na pamilya at masaya na ako sa bagay na 'yon.
"Elijah?! Natulala ka na dyan!" maya-maya ay untag sakin ni kuya.
"A-ano 'yon kuya?" sa sobrang lalim ng iniisip ko ay di ko na narinig yung mga sinabi nya.
"Ang sabi ko, kumuha ka ng mga timba para mapagpiliaan natin yung mga ibebenta natin sa bayan." sabi nito at natawa pa.
"Mukhang malalim ang iniisip mo anak ah?" singit ni itay habang inaayos yung lambat na ginamit nila.
"Naku 'Tay! Malamang babae na naman yang iniisip ni Elijah!" asar ni kuya sakin.
"May nililigawan ka na ba anak?" seryosong tanong ni Itay sakin.
"Naku 'Tay! Wala po akong nililigawan. Wag ka pong maniwala dyan kay kuya, nang-aasar lang po 'yan!" simangot na sagot ko.
Totoo naman kase! Wala pa akong napupusuhan na babae dahil pamilya at pag-aaral muna ang pokus ko ngayon. Isa pa! Madalas lang akong pumunta ng bayan kaya bihira akong makakita ng magagandang babae.
Tanging yung kaibigan ko nga lang na si Harold ang laging kasama ko nung nag-aaral pa ako dahil simula grade 7 ay magkaklase na kami. Siya lang ang naging kaibigan ko at ganon din sya sa akin kaya super close kaming dalawa na parang magkapatid. Kaya ngayong wala kaming pasok ay madalas na binibisita ako ni Harold dito sa isla kahit na sa bayan pa sya nakatira.
"Wala naman kaso sakin 'yon anak, basta mo munang buntisin dahil di pa ako handang maging lolo." sabi nito at natawa nalang si kuya Mateo.
"Itay naman!" nakasimangot kong turan dito.
"Binibiro lang naman kita anak, sige na at kunin mo na yung mga timba para matapos na tayo dito. Ipagtimpla mo na rin kami ng kape.
"Opo!" sabi ko at umalis na ako pumunta sa bahay namin na ilang kilometro lang ang layo mula sa pangpang.
Pagpasok ko sa bahay ay nagtimpla na muna ako ng kape para sa kanila. Simple lang naman itong bahay namin na gawa sa pawid at kawayan. May tatlong kwarto sa kanan na para sakin, kay kuya ay yung isa naman ay kila tatay at nanay. Sa kaliwa naman ay yung kusina at sala namin. Nasa likod naman ng bahay namin yung palikuran at may poso doon.
Matapos kong magtimpla ng kape ay iniwan ko na muna 'yon at kinuha na yung mga timba para dalhin kila tatay. Nakapagsaing na rin at ako nagluto ng ulam kanina para kakain na lang sila pag-uwi.
Pagdating ko kila tatay ay mabilis na naming pinagpilian ang mga nahuli nilang mga isda. Nang matapos na kami ay umuwi muna sila itay at kuya para makapag agahan na at iniwan na muna nila ako dito.
Naisipan kong magbukod ng ilang mga isda para naman may maiulam kami mamayang tanghali at gabi. Balak konh paksiwin ang ilan sa mga ito dahil ayun naman ang paborito nila tatay.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na si kuya at nilagay namin yung limang timba na puno ng mga isda sa bangka. Nagulat pa ako nang ihagis sakin ni kuya yung palabal.
"Mataas na 'yung araw, ipandong mo dahil baka pasira yang kutis mo at umitim ka." sabi nito nang makasakay na kami ng bangka.
"Kuya naman e, ginagawa mo akong babae. Ano naman kung mangitin ako? Gwapo pa rin naman ako." sabi ko dito pero tinakip ko parin sa buong katawan ko yung balabal na binigay nya dahil medyo mataas na yung araw at masakit na sa balat.
Ganito lagi si kuya Mateo, sa twing pupunta kami ng bayan ay ingat na ingat 'to sa balat ko. Maputi kase ang balat ko dahil minana ko raw sa tunay kong mga magulang. Pero kahit naman mabilad ako sa araw ay hindi naman ako umiitim bagkus ay namumula lang yung balat ko.
"At sino naman may sabi sayong gwapo ka? Baka nakakalimutan mo? Mas gwapo pa rin ako sa'yo!" nakangisi nitong sabi at pinaandar na yung motor ng bangka para makaalis na kami.
"Ang yabang!" sabi ko dito at natawa nalang si kuya.
Totoo naman kasing gwapo itong si kuya kaya di na ako nagtataka na maraming naghahabol sa kanya sa bayan. Maswerte ang kasintahan nyang si Lisa dahil bukod sa gwapo na si kuya ay napakabait pa ito at maaalahin. Maganda din naman sila Lisa dahil madalas na dinadala sya ni kuya sa bahay. Sa pagkakaalam ko ay sa bayan nakilala ni kuya yung kasintahan nya at halos mag dadalawang taon na rin sila.
Nagtataka nga ako dahil 2 year na sila ni kuya ay di pa nila napagdisyunang magsama. Sabagay kase mas inuna na muna ni ate Lisa ang pag-aaral sa maynila.
Nang makarating na kami sa bayan ay isa-isa namin nilagay sa kariton ang mga timba. Sakto dahil ilang hakbang lang ay nasa palengke na kami.
Kapansin-pansin na pinagtitingan kami ng mga tao lalo na kay kuya dahil sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan pero patay malisya lang sya.
"Maganda araw aling berta!" bati ni kuya nang makarating na kami sa pwesto ni aling berta na tindera ng mga isda.
"aaaaaaaaaayyyyy!! Papa Mateo, mabuti nalang at dumating ka at buo na naman ang araw ko dahil nakita na naman kita." tili ni aling berta at lumapit pa ito kay kuya para himasin ang malaki at matigas nitong braso.
Hindi naman pinansin ni kuya 'yon dahil sa sanay na kami sa ginagawa ng byudang tindera. Ganito umasta ang matabang bansot na 'to pag nakikita si kuya at minsan ay si tatay. Pero hinahayaan lang naman nila kuya 'yon dahil mabait naman si aling berta at lagi nitong pinapakyaw ang mga dala namin isda.
"May dala po kaming mga sariwang isda dito na nahuli namin kanina ni tatay. Baka gusto nyo nang kunin lahat." nakangiting sabi ni kuya at hinayaan lang nya si aling berta sa paghimas sa braso niya.
"Tamang-tama dahil paubos na din yung dala nyong mga isda nung isang araw. Sige kukunin ko na yan lahat." malanding sabi nito at di man lang nahihiya kahit maraming tao sa paligid namin.
"Talaga po? Mabuti kung ganon para maaga kaming makauwi ng kapatid ko." tuwang-tuwa na sabi ni kuya.
Dun lang napatingin sakin si aling berta at mas lumawak pa ang ngiti nito nang makita ako. Parang kinilabutan na naman ako sa mga tingin ng bansot na 'to sakin.
"Aaaaayyyyy!! Nandyan ka pala baby boy Elijah! Sorry hindi kita napansin pero inggit na inggit talaga ako sa kaputian at kagwapuhan mo. Parang kang babae." sabi nito at napaismid ako sa mga tinuran nya. Ginawa ba naman akong babae?
"Magandang araw po aling berta!" labas sa ilong na bati ko dito at di ko pinahalata na naaalibadbaran ako sa kanya.
"Ah saan na po yung mga banyera nyo para mailipat na namin 'tong mga isda?" singit ni kuya Mateo.
"Madaling-madali ka naman papa Mateo! Osya! Dito mo nalang isalin." sabi nito at taranta pa itong nilabas ang mga banyera nya.
Maya-maya pa ay binigay na ni Aling berta ang bayad sa binili nyang mga isda samin. Hindi parin nakakaligtas sa mga mata ko madalas nitong paghipo sa katawan ni kuya.
"Kailan ka ba kase dadalaw sa bahay? Ako lang naman mag-isa don!" narinig ko pang bulong nito kay kuya.
Sanay na ako sa paglalande nito kay kuya Mateo dahil sa twing pupunta kami dito ay lagi nyang inaaya si kuya sa bahay nila. Syempre alam mo na kung anong ibig sabihin non. Halata naman kase na patay na patay ito kay kuya Mateo na halos tumuwad na ito sa harapan nya.
"Sa susunod nalang po pag hindi na ako busy." sabi ni kuya at nilagay nya sa bulsa nang pantalon nya yung perang ibinigay ni aling berta.
"Lagi nalang ganyan ang sinasabi mo, kahit si papa Markus ay ganon din." sabi nito at naglungkot-lungkutan pa yung panget nitong mukha. Malakas din kase ang tama nito kay itay kahit alam nitong may asawa na si tatay.
"Basta pag nagkaroon po ako ng oras ay bibisita ako sa inyo. Pero sa ngayon ay ito lang muna ang maibibigay ko sa inyo." sabi ni kuya at tinaas nito ang laylayan ng tshirt nya para ilabas ang mga nagmumutukan nitong mga pandesal sa tiyan. Kinuha ni kuya ang kamay ni aling berta para ipatong sa mga abs nya pero saglet lang naman 'yon at mabilis nyang binaba ang damit nya.
Napatingin naman ako sa paligid kung may nakakita ba sa ginawa nila pero mukhang busy ang mga tao sa paligid namin.
Kitang-kita sa mukha ni aling berta ang pagkabitin pero mahahalatang masaya ito at kinilig dahil sa nahaplos nyang mga abs ni kuya.
Maya-maya pa ay nagpaalam na kami at mabilis na namin nilisan ang pwesto ni aling berta habang hila-hila namin yung kariton.
"Mukhang nabitin ata si aling berta sa ginawa mo kuya." natatawang sabi ko dito nang makasakay na kami ng bangka.
"Mas maganda na pinapatakam ko s'ya para lagi nyang pakyawin ang mga isda natin" sabi nito at pinaandar na yung bangka.
"Kailan mo ba kase sya pagbibigyan kuya? Halatang gigil na gigil na kase sya sayo haha!" natatawa kong sabi dito.
"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Elijah! Di ko papatulan 'yon." natatawang sabi nito.
"Talagang lang hah?" pang-aasar ko dito.
"Madyadyakol nalang ako kesa patulan ko sya!" sabi nito at ikinagulat ko.
"Ang bastos ng bibig mo kuya!"
"Bakit totoo naman ah? Pavirgin ka pa dyan! Bakit di ka pa ba nagdyadyakol?" natatawang sabi nito.
"Ewan ko sayo kuya, sumbong kita kay tatay!" sabi ko.
"Hedi magsumbong ka! Natural lang naman sa mga lalaki yung ganon. Syempre wala si Lisa, kaya minsan ginagawa ko rin yung mga ganong bagay. Hayaan mo minsan sabay natin gawin 'yon" sabat nito na ikinagulat ko lalo.
"Tumigil ka nga kuya!" naiinis na sabi ko dito at malakas syang tumawa kaya mas lalo akong naasar.
"Hahahaha! Bakit namumula ka diyan?" malakas na sabi nito habang tumatawa.
Hindi ko nalang sya pinansin. Ang lakas ng trip ng taong 'to. Alam ko naman parehas kaming lalaki at madalas ko namang ginagawa na magsarili pero ngayon lang namin napag-usapan yung ganitong bagay kaya parang ang awkward!
Nang makarating na kami sa pangpang ay ako na yung naunang bumaba at naglakad pauwi sa bahay. Pero nagulat ako nang hinabol ako ni kuya Mateo.
"Hoy Elijah? Galit ka ba?" sabi nito nang mahabol ako.
"Hindi noh!" sabi ko dito.
"Hedi payag ka na sabay tayong magdyakol?" natatawang sabi nito.
"Kuya ang bastos mo talaga? Ang aga-aga!" sabi ko dito at iniwan ko sya.
"Hahaha ang cute mo pala pag namumula." narinig ko pang sigaw nito. Pero di ko sya pinansin hanggang makapasok na ako sa bahay.
"Oh? Bakit nakasimangot ka? Hindi nyo na nabenta yung mga isda?" nagtatakang sabi ni itay nang maabutan ko ito sa loob ng bahay at nanonood ng tv.
"Nabenta naman po namin lahat 'tay. Pero si kuya kase! Ang bastos!" sumbong ko dito at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.
"Bakit? Anong bang ginawa ng kuya mo?" tanong ni tatay at sakin nakatingin.
Biglang pumasok si kuya at mukhang narinig nya yung tanong ni tatay. Nakita ko pang ngumisi ito.
"Tinatanong ka ni tatay! Ano daw ginawa ko sayo." sabi nito habang nagpipigil ng tawa.
"Ikaw nga mateo, wag mong inaasar 'tong kapatid mo! Sige na magbanlaw ka na!" sermon ni tatay dito pero palihim parin itong tumatawa.
"Ang cute kase ni Elijah pag namumula 'tay tignan mo!" sabi pa nito at nakipag kampihan pa kay tatay.
Nakita kong nakatingin sakin si itay at nagulat ako nangngumisi ito. Siguro dahil nakita nyang namumula ako.
"Tumigil ka nga mateo sige na magbanlaw kana sa likod." sabi ni itay na medyo nakangiti at bumalik ang atensyon sa panonood.
"Eto nga pala ang benta sa isda 'tay." sabi nito at inabot yung pera kay tatay. Maya-maya hinubad nito yung longsleeve nitong suot kaya nakita ko ang perpekto nitong katawan.
Magiging ganyan din ang katawan ko balang araw at marami din mga babae ang magkakagusto sakin katulad niya.
Dumaan pa sa harap ko si kuya Mateo at inaasar pa ako bago ito pumunta sa likod ng bahay para maligo.
Mukhang busy naman si tatay sa pinapanood nya kaya pumasok muna ako sa kwarto para magpahinga. Lalabas nalang ako mamaya para magsaing at magluto ng ulam para sa tanghalian namin.
Ganito lang ang ginagawa ko araw-araw dito sa bahay. Minsan naman pag hindi pumapalaot sila itay ay tumatawid kami sa bayan para mamasyal at dinadalaw si nanay sa trabaho nya.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay nahiga muna ako at nagmuni-muni. Nang maburyo ako ay naisipan kong maglinis nalang muna ng kwarto ko. Balak ko din mamasyal mamaya sa dalampasigan dahil ayun naman ang madalas kong ginagawa. Natutulog kase sa tanghali sila tatay at kuya pag pumapalaot sila.
Maya-maya ay naisipan kong ayusin ang mga damit ko sa aparador dahil mukhang magulo ito. Pero nagulat ako nang mapansin ko ang isang bagay na nakasingit sa ilalim ng mga nakatupi kong mga short.
Kinuha ko 'yon at tinignan. Bigla kong naalala ang mga tunay kong mga magulang. Eto nalang kase yung kaisa-isang bagay na iniwan nila sakin bago sila mawala kaya iningatan ko ito.
Naisipan kong suotin ang kwintas na binigay sakin ng mga magulang ko at humarap ako sa salamin. Tinignan ang sarili kong repleksyon habang suot-suot ang kwintas na may nakasabit na..... Medalyon!
Itutuloy....