Ang mga tingin nila ay nasa akin pa din, mga nagtataka at tila hindi makapaniwala sa nakikita nila
Nandito padin kami sa gitna ng gubat
Ano bang meron sa akin bakit kakaiba ang tingin nila?
"Bakit ganyan kayo makatingin?"
Sina De Kaa at Chunli ay palipat- lipat lang ang tingin sa amin ni Rama
"Sino ka?" Tanong ni Rama at Itinutok pa nya sa akin ang hawak nyang pana at once na bitawan nya ang arrow nito ay tiyak na tatama ito sa akin
Napakunot ang noo ko, bakit kailangan nya pa akong tanungin kung sino ako gayong kilala naman na nya ako
Unti-unti kong ibinaling ang aking katawan palikod baka kasi may tao sa likod ko at hinihintay lang nito ang paglingon ko sa kanya at saka nya ako aatakihin pero wala akong ibang nakita kundi mga puno lang
"Tinanong mo pa kong sino ako? Malamang ako si Rhen na asawa mo-- tsaka ano ba talaga nakita nyo para maging ganyan kayo na naguguluhan?" Nagtataka kung tanong sa kanila
"Teka! Nasaan nga si Rhen?" Si chunli na nilinga-linga pa ang ulo nito para lang hanapin ako
"Ano bang nangyayari sa inyo? Andito ako oh, nababaliw na ba kayo?" Sagot ko sa kanila
Nagkatinginan muna sila tapos sa akin naman sila tumingin
"Ano bang nakikita nyo sa akin?" Tanong ko muli
"Isa kang impostor ni Rama" sagot ni De Kaa sa akin
"Luh!"
Paano ako magiging impostor gayong wala naman akong powers
Chineck ko ang katawan ko at "what!" gulat kong turan, Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, iba ang damit na suot-suot ko, parehong pareho ito sa damit na suot ni Rama
"Hala paanong nanyari ito?" Nagugulahang tanong ko sa kanila
Mukang naniniwala na sila na nagsasabi ako ng totoo
"Siguro lumalabas na ang kapangyarihan mo at iyon ay may kakayahan kang gayahin ang isang tao" lumakad pa palapit sa akin si de kaa at huminto ito sa harapan ko, hindi naman sobrang lapit tama lang sa isang dipa ang agwat namin
"Paano ako makakabalik sa totoong ako?"
Wala talaga akong ka ideya-ideya kung paano gamitin ang ganitong kapangyarihan
"Hindi ako sigurado kung paano pero siguro si Aeron ang pwede mong makausap"
Maging sina rama at chunli ay lumapit na din sa aming pwesto
"Aeron?" Tanong ko
"Sya ang gabay at diwata dito sa colonus" sagot naman ni chunli
"Paano at saan sya makikita?"
"Buong puso mong tawagin ang pangalan nya at sya ay dadating" pahayag ni Rama
"Okey" huminga ako ng malalim at saka ko ito pinakawalan, pumikit pa ako para damhin ko ang puso ko "Aeron kailangan ko po ang tulong mo"
Pagkasabi ko nang mga katagang iyon ay unti-unti kong iminulat ang aking mata
Sa pagmulat ko ay "Ako ang diwata na magbibigay ng sagot sa iyong mga katanungan, ano ang iyong kailangan?"
Nagulat ako nang makita ko ang isang babae, hindi ko akalain na babae sya dahil aeron ang pangalan nito inexpect ko na lalaki ito
Diwata nga ang itsura nito dahil sa puti nitong kasuotan na abot pa sa lupa ang laylayan ng dress nito, ang buhok nito na naka braid tapos nakapalibot pa sa buong ulo nito, may mga paru-paro din na nakadesign sa buhok nito, na amazed ako sa ganda ng kulay ng mata nito, kakulay nito ang kulay asul na kalangitan, ang buo pa nitong katawan ay parang may ilaw na naggo-glow
"Ano ang kailangan kong gawin sa kapangyarihan na ibinigay sa akin at paano ko mababalik sa totoong anyo ko talaga"
"Kakaibang kapangyarihan ang meron ka, kakaibang lakas ang taglay na inaasam ng karamihan at maaari ring katakutan ka, kayang-kaya mong gayahin o tularin ang sinuman na nandito-- maging ako, para magamit mo ang kapangyarihan mo, utak ang kailangan mong paganahin, itatak mo lang sa utak mo kung sino ang gagayahin mo, isipin mo lang ang mga kakayahan at pagkatao ng sinuman ay wala pang isang segundo magagawa mo na ang ninanais mo, naisin mo, hilingin mo"
Hilingin ko lang?
'Gusto kong bumalik sa totoong ako'
Humiling ako sana bumalik na ako
Chineck ko ang katawan ko at laking saya ko na makita ko na suot ko na ang damit ko, meaning bumalik na nga ako sa dati
Nakita ko ang mga reaction nina De Kaa at gulat ang makikita sa muka nila
"Salamat po sa itinulong mo diwata" baling ko sa diwata
"Walang anuman, ano man iyong katanungan ay sasagutin ko, wala ka na bang itatanong pa?" Malumanay nitong sagot
Actually may tumatakbo pa sa utak ko na gusto kong itanong
"As in lahat masasagot mo?" Tanong ko dito
"Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?"
"Meron po! kaya gusto ko pong malaman kong paano ako makakauwi sa totoo kung mundo? Makakauwi pa ba ako?"
Tumingin muna sya sa kalangitan bago sya tumingin sa akin "Makakauwi ka kapag nahanap mo ang totoong pag-ibig"
Pag-ibig?
"Alam kong naguguluhan ka ngayon sa nararamdaman mo pero sana mahanap mo kaagad dahil kapag nagtagal ka na hindi mahanap ito maaaring mawala ka dito man o sa mundo mo, hindi ka din pwede na magtagal dito, kamatayan din ang mangyayari sayo---aalis na ako"
"Sige po, salamat po muli"
Pagkatapos nang isang liwanag ay wala na ang diwata sa kinatatayuan nito kanina
"Anong sinabi sayo ng diwata at muka kang seryuso dyan" tanong ni rama sa akin
Nagtataka akong tumingin sa kanila hindi ba nila narinig ang sinabi ng diwata sa akin
"Kayo lang dalawa ang makakarinig sa pinaguusapan nyo" mukang nakuha nito kung ano ang tumakbo sa isip ko
Sinabi ko sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ng diwata liban lang sa tungkol kung paano ako makakauwi sa mundo ko
Thankful ako na hindi pala nila narinig iyon, hindi ko muna sasabihin kahit kanino kung paano ako makakabalik, sasarilinin ko nalang muna ang mga sinabi ng diwata
Napagpasyahan namin na umuwi na para naman makapagpahinga na
____
Ako ngayon ay nakahiga na sa kama ko habang nakaunan sa mga braso ko
Napatingin ako sa bumukas na pinto at nakita ko na pumasok si Rama mula dito
Naglakad ito papalapit sa akin at umupo sya sa may gilid ng kama"Kamusta ang pakiramdam mo?" Ani ni rama
"Ayos naman ako, matutulog kana ba?"
"Mamaya pa, chineck lang kita" sagot nito sa akin
Umalis ako sa pagkakahiga ko at umupo sa katapat ni Rama
"Malulungkot kaba kapag nawala ako?"
"Yan ba ang tumatakbo sa utak mo ngayon?"
"Sagutin mo na lang kaya ako"
"Hmm syempre kaya hwag mo akong iiwan pero hindi pwede yon eh, kailangan mo pa rin talaga umuwi sa mundo mo, siguro susulitin ko na lang ang mga araw habang nandito ka pa"
Hinawakan ko ang mga palad nya "Pwede pa akong makahingi kahit saglit lang na yakap" request ko dito
"Chansing ka Rhen huh"
Pero nabigla ako ng mabilis syang lumapit sa akin para yakapin ako
Chansing daw pero sya ang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit
"Sana mawala na ang mga bumabagabag sa iyo"
"Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari Rama"
Niyakap ko din sya pabalik
.
---ASNEE POV----
Nagagalit ako dahil sa nakikita ko ngayon pero kailangan kong respetuhin kung ano ang meron sa kanila
Tumalikod ako sa kwarto na kung saan nakikita ko na magkayakap ang dalawa at lumakad ako palayo sa kwartong iyon, sa may sala lang muna ako pumunta at umupo sa silyang nandito, sumandal ako sa sandalan ng silyang inuupuan ko at pumikit
Hindi nila ako napapansin na nakapasok na ako sa bahay ni Rhen marahil ay natatalo ng emosyon ang senses na meron sila
Pero talaga gustong gusto ko nang sugudin sila doon pero nangako na ako sa sarili ko magbabago na ako, na hindi ko na papairalin ang galit ko, ang pagiging masama ko
kasi naman eh dahil hindi ako pinayagan ni Adrianus na tumira kung kaninong bahay. Tumakas pa ako para makapunta dito tapos ito pa ang maaabotan ko dito magkayakap sila na tipong nahiya nang dumaan ang hangin sa kanila dahil sa sobrang dikit.
'arggg' napapa-iyak na lang ako, gusto kong magwala, ang daya mo rhen buong atensyon ko nasa iyo na pero ako may kahati na nga tinitipid mo pa kung ako ay iyong pansinin
Gusto kong gumanti, gusto kong iparanas sa kanya kung anong pakiramdam na hindi ikaw ang priority, makikita mo gagawin ko ang lahat para ikaw naman ang manglilimos ng atensyon ko
Sana lang mapagtagumpayan ko ang plano ko, hindi pa naman ako sanay nang natatalo kahit tagilid ang laban ko dahil feeling ko gusto ni Rhen ang bwesit na Rama yan
Lalaban naman ako ng patas
***************************************