PART 17

1472 Words
Kasama ko na sa bahay ang dalawa kong misis basta may pahintulot na pwedeng makitira sa bahay ng hindi mo ka-squad pwede makapasok ng walang problema Hindi ko na itinuloy ang pag-iwas ko kay Rama wala rin naman kwenta lagi ko din naman sya iniisip noong iniiwasan ko pa siya Umuuwi din naman sila sa kanilang mga bahay si Rama minsan inaasikaso nya ang kanyang mga ginagawang gamot tapos si Asnee umuuwi kapag maghahunting sila ng mga ka-squad nya, ginagamit nya ang powers nya para makausap ang mga ito kahit nasa malayo iyon, astig nga e hindi na nya kailangan ng load para makausap ang ka squad nya, buti na lang din at hindi naghihinala ang mga kasamahan nya dahil hindi alam ng mga kasamahan nya na kasal ito sa akin at dito ito tumitira ngayon Kung dati lagi kaming bangayan ni Asnee, ngayon naman ganon pa din pero konte nalang, nagiging close na din kami at isa lang din ang masasabi ko tungkol sa kanya ang sarap nya.. ...Magluto Dahil tamang duda si Rama pinapainom nya ako ng gamot na kontra sa lason baka daw kasi nilalason na kami Hindi naman alam ni Asnee yon kaya shhh lang Ang laging nagbabangayan ay ang dalawa kong asawa Para silang nagpapaligsahan kung sino ang una kong papansinin Dapat din alerto ako sa mga galaw nila kapag makasama baka kasi magpatayan eh Safe naman si Asnee dito, diba nga mahigpit na rules na dapat kung papatay ka ay nasa hunting area dapat Feeling ko din naman na unti-unti na ngang nagbabago si Asnee Minsan pa nga nakakafeel ako na kinikilig sa ginagawa nya, tulad ng pasimple nya akong yayakapin, minsan ginagawa nya pa yung tinititigan nya ako ng hindi ko napapansin tapos kapag naabutan ko sya na nakatitig sa akin ngumingiti siya Kapag naman naaabutan kami ni Rama na nasa ganon haharangan nya si asnee tapos saka sya lalapit sa akin tapos mabilis nya akong ikikiss sa pisnge Alam na din naman nina De Kaa at Chunli ang kwento sa aming tatlo, kinakantyawan pa nga nila ako dahil ang tahimik ko daw pero may tinatago pala daw akong tinik sa babae Pero ang support lang nila para sa akin ay si Rama dahil kaibigan daw nila ito at nakita daw nila kung paano ito nagsisi noong pinaalis ako, kung paano daw ito nag-alala ng husto, hindi na nga daw ito umuuwi ng bahay nya para lang hanapin ako non Nagagalak naman ang puso ko nang marinig ko ang mga kwento nila tungkol sa mga nangyari noon habang nasa bahay pa ako ni Asnee Hanggang kailan kaya magtatagal ang ganitong set up naming tatlo, hindi pwede na dalawa sila para sa akin at hindi ko din talaga inaasahan na magkakagusto ako sa kapwa ko babae, ang dami talagang twisted ng buhay ko Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko, may gusto ako kay rama pero may kakaiba na din akong nararamdaman para kay Asnee Lalo pa at pinapakita na nga nya na nagbago na ito formal at sincere na syang humingi ng tawad sa nagawa nya sa tatlo, sa nagawa nya kay Titus Aminado sya na kapangyarihan ang umiiral sa pagkatao nya, natalo sya ng sarili nyang powers, hindi na nya nakikita kung gaano sya kasama, labis na syang nasisisi, at labis din daw syang nagpapasalamat sa akin dahil ako daw ang naging dahilan nya kung bakit sya nagbago ______ Kasalukuyan kaming naglalakad dito sa gitna ng kakahuyan, pauwi na kami galing sa paghuhunting inabot na lang kami ng hapon, siguro mga ala singko na ng hapon ang oras ngayon, si Asnee ay umuwi muna sa kanila Habang naglalakad kami sa damuhan at napapaligiran ng matataas na puno may kung anong mahabang kamay ang pumalibot sa aming apat at isang lalaki ang may kakagawan nito si lastikman ba sya? hindi ito nag-iisa dahil may tatlo pa itong kasama at puro mga babae ang kasama nya "Anong kailangan nyo?" Kalmadong tanong sa kanila ni De Kaa "Wala lang gusto lang namin malaman kung hanggang saan ang kaya nyo" sabi ng lalaking may elasticity power habang may nakakalokong ngiti na makikita sa muka nito "Pauwiin nyo na lang kami hindi kami makikipaglaro sa inyo" nandoon pa din ang pagiging kalmado ni de kaa "No! Makakauwi lang kayo kapag nakipaglaro kayo sa amin" pagkasabi nya ay inilabas pa nya ang mahaba nitong dila "Sige! Pagbibigyan namin kayo at kapag natalo kayo huwag na huwag na kayo magtatangka na harapin kami" "Game! Iyan kung matatalo nyo kami" mayabang pa nitong sagot Ang kaninang mahaba nyang kamay na pumapa-ikot sa amin ay bumalik sa normal nitong anyo Nagsilapitan pa ang tatlo nitong kasamahan Ngunit hindi pa nangsisimula ang laban ay may mga dambuhalang paniki ang pumunta sa amin, at pauli uli lang ito sa paligid namin habang lumilipad, hindi ito kakampi ng apat na tao na humarang sa amin kundi isa itong Monster "Tingnan mo nga naman may nakikisawsaw pa" saad ni boy lastik tukoy nya marahil sa paniki na bigla nalang lumabas galing kung saan Umangat sa ere ang isa sa mga babae na kasama ni lastikman at inatake nya ang paniki, nakakalipad ito kahit walang pakpak katulad ng mga superhero na napapanood sa movie, mga pagaspas ng pakpak ng paniki ang aming naririnig, Habang nakikipag laban ang babae sa paniki ay iniangat ko ang b***l ko, itinutok ko iyon kung saan naroroon ang paniki hindi nagtagal bumaba ang babae at kita sa mga braso nito ang mga hiwa, tela napuruhan ata sya ng mga matatalas na kuko ng paniki na nasa pakpak nito Sinamantala ko ang pagkakataon na barilin ang paniki pero parang may pumigil sa b***l ko para sa ibang direksyon iyon napunta, nakakapagtaka na wala naman akong nakikita May kumurit sa tainga ko kaya napatingin ako sa may gilid ko kung saang tainga ako kinurit ngunit wala na naman tao Peste may nag-iinvincible ata dito "Ako ang trip mo ha, siguro pangit ka kaya hindi ka nagpapakita" insulto kong sabi ko sa nangti-trip sa akin, nakita ko naman sila kanina pero kasi hindi ko naman binigyan ng pansin ang mga itsura nito "Anong pangit ka dyan! Maganda ako!" At lumabas nga sa harap ko ang isa sa mga babae, at doon ko nakita ang itsura nito Ayos lang naman ang look nya "Oh diba pangit ka talaga" Biglang sumama ang tingin na ipinukol nya sa akin Nag-invincible sya muli at naramdaman ko na lang ang pagsuntok nya sa aking sikmura Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa sakit na naramdaman ko Umayos ako ng tayo "ang daya mo ha, naku hindi ka mamahalin ng taong mahal mo" gusto ko lang sya inisin para magpakita ito sa akin, ni hindi ko nga alam kung may minamahal ba ito "Ang dami mong dada" nagpakita nga muli ito at hahampasin nya ako ng hawak nyang baston, mabuti nalang na naging alerto ako kaya nakaiwas ako sa ginawa nyang paghampas Nag-invincible muli ang babae kaya naman mas nagiging alerto ako dahil hindi ko nakikita ang babae 'bang' aksidente kong napindot ang trigger ng b***l mabuti na lang at sa lupa tumama ang bala "Ahh" nalipat sa dumadaing na babae ang aking tingin, paano ito nasaktan na para syang binaril pero hindi naman nya ito natamaan Palaisipan sa kanya ang nangyari, paano ito masasaktan kung sa lupa nga tumama ang bala imposible naman na natamaan ito gayong sa kabilang side ko na ito nagpakita Itinapat ko sa lupa ang dulo ng b***l, itatry ko kung totoo ang hina ko, muli kong binaril ang lupa "Ah..tama na please, suko na ako" namimilipit ito sa sakit So totoo nga na, kapag ang lupa ang sinaktan, ang babae ang magdudusa "Okey! Tigilan nyo na ang pakikipaglaro" Pinagmasdan ko ang iba pa na nakikipaglaban pa din si De Kaa kay boy lastik na hawak hawak ni De Kaa ang leeg nito, at sina rama at chunli naman ay busy din sa pakikipag bardagulan sa iba pang babae "O-Out na kami, malalakas nga kayo --- tara na ladies" pagsuko nong lalaki sa naging paglalaban dito "Yung pinagkasunduan natin tuparin nyo" sagot ni De Kaa sa lalaki "Oo" Lumakad na papalayo ang apat Hay, naghanap lang ng sakit sa katawam Sinamantala na namin ang pagkakataon na maghunting kaya hindi na kami nagpa-echus echus pa, sinimulan na namin ang pag-ataki sa paniki, binaril ko ang paniki na palipad lipad lang, at ganon din ang ginawa nilang tatlo, umataki gamit ang kanilang powers hindi na kami nahirapan na patayin ito Nalaglag ang walang buhay na paniki sa lupa hanggang sa naging apat na gold ito Tigiisa kaming dumampot ng gold "Hay gusto ko nang magpahinga, i need portal power para hindi na tayo maglalakad" Bakit parang nagiba ang pakiramdam ko Napatingin ako sa tatlo at nagtataka ako sa tingin nila sa akin, parang gulat na gulat sila Anong meron? ***************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD