Ang mga nilalang naman na makikita dito ay similarity din sa kung anong mga animals o nilalang na mayroon sa mundo ko tulad nalang ngayon isang malaking crocodile na 5x ang laki kay lolong, tinatawag nila itong crocko, ang weird nga eh kasi naman sa halip na gumagapang ito ay hindi dahil nakatayo ito kung lumakad bukod pa doon dalawa ang buntot nito na ginagamit nya pampalo o panghampas sa mga umaatake sa kanya, mabilis nyang iginagalaw ang buntot nya kaya naman mapapaaray ka talaga kapag natamaan ka ng buntot nito
Naghahanap ako ng magandang pwesto para madali kong masapulan ang ulo ng crocko
Sa pag-usog ko hindi ko namalayan na nagkalapit na pala kami ni rama, nabungo ko sya sa tagiliran nito
humingi lang ako ng sorry tapos saglit ko lang itong tiningnan, binalik ko ang tingin sa monster na agresibo na ngayon
"Liksihan nyo ang kilos nyo, masyado kasing malikot ang mga buntot nya"
Patuloy lang ang pagbaril ko sa dambuhalang crocodile at ganoon din ang ginagawa ni rama gamit ang pana nya
Habang sina de kaa at chunli ay inaataki nila ito ng kanilang espada
Mahirap itong mapatay dahil sa laki nito at ang tigas pa ng balat nito
Nagpatuloy lang kami sa pag-atake sa crocko hanggang sa nasusugatan na namin ito
Ngunit may ibang umatake din kay de kaa, may bumato sa kanya na isang buong apoy mabuti nalang at hindi sya grabeng naapektuhan
"Nice to see you again mga loser"
Bakit ba lagi nalang namin na-iencounter ang black squad na ito
Napansin ko na tumabi sa akin si chunli
"Nabubwesit na ako sa mga yan" bulong sa akin ni chunli
"Shhh baka marinig ka nila"
"So what naman"
"Gamitan mo kaya sila ng powers mo, para macontrol sila"
"Aware na sila sa powers ko kaya imposible na magamit ko iyon sa kanila, hindi mo ba napapansin na may suot silang mask"
Tiningnan ko nga sila isa-isa at totoo nga ang sinabi ni chunli
Sa pagtingin ko sa kanila napansin ko na nakatingin din sa akin yung nagiisang babae sa black squad si asnee
"Sino-sino ba sila?"
Curious kong tanong kay chunli
"Yung dalawang kambal sila si Marco at Luigi, kaibahan lang nila si Marco walang hikaw tapos si Luigi ang mayroon, sobrang lakas nila kayang kaya nilang buhatin kahit na ang pinaka-mabigat na bagay pa iyon, si Adrianus naman yung isang lalaki na ang powers ay teleport at kaya nyang makalikha ng apoy gamit ang kamay nya at yung nagiisang babae ay si Asnee at ang powers nya ay kaya nya tayong kausapin gamit ang isip nito at may kakayahan din syang magpakidlat at ito ang ginagamit nya sa kalaban para makuryente nya ito"
Nakakatakot nga pala sila maging kalaban dahil sa lakas ng mga powers nila
Bigla akong nablangko ng itulak ako ni chunli at kaya pala nya ako naitulak ay dahil sa apoy na kamuntikan na tumama sa amin
"Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong sa akin ni chunli, tinulungan nya akong makatayo
At para akong nanlumo dahil yong effort namin kanina na pag-atake sa crocko ay nasayang lang
Nasusunog na kasi ngayon ang crocko at sa tingin ko patay na ito
"Paano ba yan we win" mayabang na sabi ni Marco
"Ano sila naman ba isusunod natin?" Sabi naman nitong si Luigi na nakangisi pa sa amin
"Sure parang magka thrill naman, sa akin na yung isa na yon" bigla akong nakaramdam ng kaba nang ituro ako ni Marco
Sya kasi yung huling isa sa kambal na nakaaway ko noong nakaraan
Papalapit na sya sa akin, natatakot na ako dahil sa maaari nyang gawin sa akin pero hindi ko pinakita sa kanya na natatakot ako
"Marco!" Tawag sa kanya ni Asnee
"Oh bakit?"
"Ibigay mo sa akin ang isang yan"
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
Naglalakad na ito papalapit sa akin "Gusto ko lang gawin yong napagkasunduan namin nitong nakaraan at magpapasalamat na din ako dahil hinayaan nya ako na mabuhay pa at salamat din sa gamot na binigay nya na sa pagkakaalam ko galing pa iyon kay Rama, hindi ba?"
Dahil sa sinabi ni Asnee, napatingin sa aming gawi ang mga kasama ko at parang naguguluhan sila sa mga sinasabi ni Asnee
"Naawa lang ako dahil may kahinaan ka din pala, tsaka hindi ko na kailangan ang thank you mo hindi ka naman sincere eh, patayin mo na lang ako kung yon ang gusto mo" matapang kung sabi sa kanya
Dahil sa sinabi ko parang biglang nag-iba ang timpla ng muka nya at mukang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko
Mayamaya pa ay parang may mga kuryente sa kamay nito, at sobrang lapit na nya sa akin
"Any last wish"
"...." Sasagot na sana ako nang makita ko kung anong kaganapan sa likudan ni asnee
Nagbitaw ng malaking apoy si Adrianus na ibabato nya kay de kaa ngunit dahil sa mala the flash si de kaa nakailag ito at ang apoy na ibinito ni adrianus ay papunta sa amin, tiyak nang mamamatay na kami
Hindi ko maintindihan kung bakit kusang ginagawa iyon ng katawan ko kasi naman iniligtas ko na naman ang babaeng ito
Dahil malakas ang pagkakahigit ko kay Asnee ay ito ang naging dahilan kung bakit nagpagulong-gulong kami
Napapikit na nga lang ako dahil sa nakakahilo kung nakamulat ako
Nagmulat lang ako nang tumigil kami sa paggulong at parang gusto ko nang pumikit muli dahil sa hindi magandang nangyari
Nasa ibabaw nya ako habang ang mga labi namin ay magkalapat, hindi ko naman maigalaw ang katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko
Nakikita ko na nakapikit pa ito
Hanggang sa nakita ko na unti-unti nang nagmumulat ang mata nito
Pinagkakatitigan nya muna ako bago nya ako
'ahh' malakas nya akong itinulak kaya napalupagi ako sa lupa
Tumingin ako sa kanya at nakakunot ang kilay nito na nakatingin sa akin
Sana pala hindi ko nalang sya niligtas
"Bakit mo ginawa iyon ha?" Yung kiss ba?
"Hindi ko sinasadya yong kiss" paliwanag ko dito
Napansin ko pa na namula ito, grabe naman ang galit nito sa akin, namumula na sya sa galit eh
"Hindi iyon ang tinutukoy ko, bakit mo ako hinila, dapat hinayaan mo na lang akong nasunog doon, ano bang trip mo sa buhay mo? Eh magpapatayan din naman tayo"
"Hindi ko din alam kung bakit kita hinila, kusang kumilos ang katawan ko"
"Please dont do that next time kung mabubuhay ka pa, you make me confused"
Hindi na ako nakapagsalita pa nang maramdaman ko na may biglang humigit sa akin
Parang nangyari na ito dati, tumakas na naman kami sa kanila, daladala kami ni de kaa nasa 1000x speed ata kami
Tumigil na lang kami nung nasa loob na kami ng bakuran, medyo nahilo-hilo pa ako
"Mag-usap tayong lahat" seryusong utos ni Rama at mukang galit pa ito
"Hayy" napabuntong hininga nalang si de kaa
"Beast mode ang lola nyo"
"Thanks de kaa itinakas mo na naman kami"
"Wala yon, kapag nalaman natin kung anong kahinaan nila matatalo natin ang mga iyon"
Pagkapasok na pagkapasok namin sa isang room dito sa bahay ni rama, naabutan namin si rama na nakatayo sa may gilid, naka cross arm sya at feeling ko nga sa akin lang ito nakatingin ng masama
"Maguusap lang tayo dahil sayo Rhen, can you explain kung ano ang sinabi ni Asnee"
Mahahot seat ata ako
"Tinulungan ko sya sa mga tao na pinagtutulungan syang patayin"
"Bakit mo yon ginawa? Sana hinayaan mo na lang sya"
"Masama bang tumulong? Ginawa ko iyon dahil hindi pair yung laban"
"Hindi din naman sila pair sa laban eh, masakit lang na pinagtanggol mo pa yong pumatay kay Titus"
"So dahil hindi sila pair gagaya na din kayo sa ginagawa nila, bad sila kaya wag nyo silang gayahin, tsaka tanong ko lang nagiisa ba si Titus nyo noong pinatay siya, hindi ba nya kayo kasama?"
"Magkakasama kami" hindi sumagot si rama kaya si de kaa ang sumagot
"Ang point is tinulungan mo ang mortal naming kalaban dahil kasama ka namin kalaban mo na din sila"
"Ugali ko na ang tumulong, at hindi ko ugali ang pumatay, paghuhunting lang ang kaya kung gawin dahil iyon naman ang priority, kaya pasensya na kung nagawa ko iyon"
"Binigay mo pa sa kanya ang binigay ko sayong gamot, para ka na din nagbigay ng sandata sa taong papatay sayo"
"Dahil sa ginawa mo hindi ka na makakatanggap ng gamot galing sa akin at hindi na din kita papagalingin" dagdag pa nito
"Okey kung yun ang gusto mo"
"Umuwi kana sa mundo mo dahil ayaw na muna kita makita"
"Grabe na yon rama" suway sa kanya nina de kaa
Ouch naman yon, mali ba talaga ang ginawa ko
Pinigilan ko ang mga luha na gusto nang kumawala sa mata ko
"Kung ganon sige masusunod, salamat sa pagkupkop nyo sa akin at salamat sa mga itinuro nyo sa akin" tumayo na ako
"No rhen dito ka lang" pigil sa akin ni chunli
"Ano ba rama mabuti syang tao kaya nagawa nya iyon, baka naman pwede mo namang palampasin na kung anong nagawa nya" pilit na kinukumbinse ni chunli si rama
"Okey lang chunli, sige na aalis na ako"
Inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin at naglakad na
"Sandali!"
Dahil sa sigaw nya napatigil ako sa paglalakad ko
"May gusto ka ba kay Asnee?"
Seryuso ba sya sa tanong nya? bakit naman ako magkakagusto kay Asnee? Hindi ko pa ngang kilala masyado si asnee para magustohan ko at iyon ba talaga ang tumatakbo sa utak nya ngayon?
"Hindi ko na kailangan pang sagutin yan, aalis na ako"
Tumakbo na ako palabas ng bahay ni rama
Akala ko kaya nya ako pinigilan ay hindi na nya ako papaalisin at papalampasin na nya ang nagawa ko
Nagkamali ako
Kinuha ko lang ang gamit ko at tsaka na ako mabilis na umalis
Sa paglabas ko marami agad katanungan ang nabuo ko
Saan ako ngayon pupunta, hindi ko alam kung paano ako uuwi ng bahay namin, paano ako makakabalik sa mundo ko, kung hindi man ako makabalik sa mundo ko, saan ako titira ngayon
Matagal na din siguro gusto ni rama na mapaalis ako wala lang syang reason para mapaalis ako, ngayon meron na kaya mabilis na nya ako mapapaalis
Naglakad lang ako ng naglakad bahala na kung saan ako makakarating
RAMA POV
Pagkaalis ni rhen ay nagalit din sa akin yung dalawa, bakit ko daw iyon ginawa
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sarili ko
Naiinis ako, siguro nagalit lang ako kaya kung ano-ano na ang nagawa at nasabi ko
I didn't mean it lalo na ang mga nasabi ko kay rhen
Sa twing nakikita ko kasi ang muka nya ay naaalala ko kung paano ko nakita ang magkalapat na labi nila sa isat-isa ni asnee
At naalala ko din kung paano nya inililigtas si asnee sa nalalapit nitong kamatayan
Kaya ganon na lang ang sinabi ko na ayaw ko itong makita dahil naiisip ko na may gusto ito kay asnee at mas lalo pa akong nakakapag-isip ng kung ano-ano dahil hindi nya sinagot ang huli kong tanong
Gusto ko syang sundan para pigilan pero natatakot ako at parang wala akong lakas ng loob na makaalis dito sa kinatatayuan ko, walang akong lakas ng loob na harapin sya muli
Ano ba rhen? Ano ba itong ginawa mo sa akin
ASNEE POV
Nakainis, sobrang nakakainis bakit iniisip nya na papatayin ko talaga sya, hindi ba nya narealize na kaya ko sya inagaw kay marco ay para hindi sya nito masaktan
Ginawa ko lang iyon dahil ilang beses nya akong iniligtas, at para na din wala akong utang na loob sa kanya
'ayy s**t bakit ko na naman sya iniisip'
Ayos lang ba ang pakiramdam nya? Napalakas ang tulak ko sa kanya kanina kasi naman eh nagulat ako na makalapat ang labi namin
Biglang uminit ang pakiramdam ko sa muka ng maalala ko ang naging kiss namin
Ngunit ang weird dahil ngumiti ako nang maalala ko na sya ang first kiss ko, ibig sabihin kailangan ko na gumawa ng paraan para sa akin sya mapupunta dahil iyon ang nasa tradisyon namin, ang tradisyon namin dito
Kaya kung ayaw mong mapakasal sa taong ayaw mo, ingatan mo ang labi mo na hindi mahalikan ng kung sino
Pero hindi madali dahil ang taong nakakiss sa akin ay kasama sa grupo na mahigpit namin na kalaban
Gabi na at nandito pa din ako sa gubat, nagbabakasakali kasi ako kanina na makita nya muli ako at tulungan na naman nya ako kapag may naging kalaban muli ako pero bigo ako
Hay nagugulohan na ako sa sarili ko, hindi ako ganito dati, ang iniisip ko lang ay kung paano pumatay, kung paano makakuha ng madaming diamond
Distracted talaga ako ngayon, its not me
Nasa state pa ako ng pag-iisip nang may natalakid ako
Ginamit ko ang powers ko para makalikha ng ilaw at nagulat ako sa nakikita ko ngayon
Destiny ba talaga o nagkataon lang
Bakit naman dito ito natutulog, wala ba itong bahay?
Hindi ako naaawa pero pagdating sa kanya exempted sya
Its time na gagawin ko ang lahat, dapat maramdaman nya kung
ano ang nararamdaman ko
Kung gusto ko sya dapat gusto nya rin ako
***************************************