"Saan ka galing at tela nagmamadali ka?" Kamuntikan ko pang mabangga si De kaa na nasa may malapit sa gate
"Nakita ko ang isa sa mga black squad, baka kasi masundan ako, lagot tayo kapag nagkataon" iyon na lang ang sinabi ko kay de kaa baka kapag sinabi ko pa ang nangyari talaga kanina ay magalit pa sya
"Okay lang na masundan nila tayo hindi naman sila makakapasok dito, tsaka kayang kaya natin sila"
"Malay mo abangan tayo dyan sa labas, hindi natin masasabi na kaya natin sila baka may tinatago pa silang powers"
"Sa susunod na makakaharap ko muli ang black squad sisiguraduhin ko na matatalo ko na sila"
"Bakit parang ang laki ng galit mo sa kanila?"
"Sila ang pumatay kay Titus ang dati naming kasamahan at kung galit ako siguro mas galit sa kanila si rama" nacurious ako bigla ng mabanggit nya si rama
"Bakit?"
"He's special to her"
Natapos ang usapan namin ni de kaa, hindi na ako umimik pa nong marinig ko ang sinabi nya, hindi ko na tinanong kung kapamilya nya ba ito, kaibigan o mahal niya ito
I dont know why bakit may kakaiba akong nararamdaman at kung ito ang feelings na nasa isip ko natatakot ako na lumala ito, hindi ko pwede ipagpatuloy iyon dahil mali at mahirap, mali dahil pareho kaming babae at mahirap dahil hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ako dito sa mundo nila, hindi ako taga dito, any time pwede akong mawala dito
Kaya habang maaga pa dapat kung iwasan lalo pa ako lang ata ang nakakaramdam nito
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay sumalubong na kaagad sa akin sina popo at nunu, namiss agad ako ng mga ito, nakakatuwa talaga sila kakaiba talaga dito, saan kaba makakakita ng asong tatlo ang ulo tsaka hindi sila nagugutom, mas okey yon hindi ko na poproblemahin kung saan ako bibili ng dog food
Kinalong ko sila at saka naman ako umupo sa upuan, hinaplos ko ang mga balahibo nila at mukang nagustuhan nila iyon, nakakatulog sila sa ginagawa ko dahil nakikita ko silang nakapikit at nakakaramdam din ako ng pagka antok
Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko at pumikit na din, nararamdaman ko nang malapit na akong makatulog
___
Naalimpungatan ako nang naramdaman ko na may gumalaw sa ibabaw ng tiyan ko kaya napamulat ako bigla at automatic din na napabangon ako
Ngunit ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay nawala rin ng ang makita ko na lumilikot pala sa may tiyan ko ay ang threehead na nakadapa na at tila inaabangan na nila ang paggising ko, inilagay ko ang palad ko sa ulo nila, ang ku-cute talaga nila
Ibinaba ko muna sina popo at nunu dahil may nafefeel ako na ibang presensya, ngayon ko lang talaga naramdaman iyon
Kinuha ko ang b***l na nasa tabi lang ng kama ko, dahan-dahan akong lumabas
Ano ginagawa nya dito bakit sya nandito
Naglolock na ako ng pinto kasi naman hindi uso dito ang privacy at wala silang paki sa trespassing
"Paano ka nakapasok?"
"I can use portal"
"Bakit ka pumasok dito, anong kailangan mo?"
Hindi sya sumagot bagkos ay lumapit sya sa mga ibang bagay na nakadisplay dito, hindi iyon sa akin, nandito na ang mga bagay na iyon ng dumating ako dito
Hinawakan nya ang mga iyon, biglang may pumasok sa isip ko na baka kay titus ang mga gamit na hinahawakan nya, baka namimiss nya ang taong yon
Papasok na sana ako sa kwarto ko para ibalik sa nilalagyan ko ang b***l na daladala ko
"Wala ka bang alam na paraan para makabalik sa totoong mundo mo?" Bakit iba ang dating ng tanong nya sa akin parang gusto na nya akong umuwi
"You sound na gusto mo na akong umalis?"
"Bakit ayaw mo ba? Hindi mo ba namimiss ang buhay na mayroon ka sa mundo mo? Kaya naman namin kahit tatlo lang kami" ouch naman
"Wala nga akong idea kung paano ako nakapunta dito makauwi pa kaya, hayaan mo oras na malaman ko kung paano makakauwi hindi ako magdadalawang isip na bumalik na sa mundo ko"
Iniwan ko siya magisa doon, pumasok ako sa kwarto ko at pasalampak na nahiga sa higaan
Nafefeel ko na ayaw sa akin ni rama, bago sa akin iyon dahil sanay ako na madaming may gusto sa akin not in romantic way dahil nga sa streamer ako, gusto nila ako dahil nakikita nila na magaling ako sa online games
Okey kung ayaw nya sa akin wala na akong magagawa doon siguro kailangan iwasan ko na din sya kahit hindi maiiwasang magkasama kami sa paghuhunt para naman matigil na din agad ang pagkacrush ko sa kanya
Pinanood ko lang yung mga alaga ko na naglalaro sa lapag
Hay kamusta na kaya sa bahay, miss ko na si mama, bestfriend ko at yong mga kateammates ko sa laro at yong paglalaro ko sa cellphone ko
Bumangon ako sa pagkakahiga ko, may naipon na din siguro ako para may mabili
Nagkumpas ako ng kamay sa ere katapat lang sa dibdib ko, lumabas ang hologram nagtingin tingin ako kung ano ang mabibili ko, more on mga items lang na kailangan sa paghuhunt mo, ipinagpatuloy ko pa ang paghahanap ng mapansin ko ang nasa pinakahuling item
Bullet ito at parehong pareho sa ginagamit ko na bala
May kamahalan nga lang ito, pero kailangan ko ito para sa b***l na ginagamit ko, lalo pa na ito lang ang mapagkukunan ko
Agad kong pinindot ang buy na nakalagay dito, itinapat ko ito sa ibabaw ng kama para dito ito malagay
Mayamaya pa nagumpisa na itong umilaw, pagkatapos ng pagilaw ay naiwan dito ang item na binili ko
Kinuha ko iyon at saka ko inilagay sa bag na kinalalagyan din ng baril
Lumabas na muli ako ng kwarto, feeling ko wala narin naman dito si rama dahil wala na iyong nafefeel ko na hindi familiar sa akin, siguro iyong naramdaman ko kanina nung pumasok dito si rama ay katulad noong sinasabi ni chunli sa akin dati na mararamdaman daw ng taong bahay na may pumasok sa loob ng bahay nila kahit trespassing ito
Mabuti naman wala na sya, uncomfortable na ako kapag nasa malapit si rama
Took took took
Napatingin ako sa pinto ko may kumakatok dito eh
Inalis ko ang sara mula sa loob at bumungad sa akin ang muka ni de kaa
"Sinabi ko lang na may hunting tayo bukas"
"Sige, salamat sa pag inform"
Hay bahala na bukas