Nilalaro ko ang inuwi kung mga threehead, pinangalanan ko pa sila na si popo at nunu at kung yung mga magulang nila ay mababangis, ibahin nyo sila dahil ang kukulit nila lagi nalang nilang nilalaro ang paa ko, at kung ano ang makita nila sa lapag ay kinukuha nila iyon at nilalaro
Lumabas ako ng bahay para lang mag-aliwaliw sa labas, sa paglabas ko nakita ko si rama na nandoon sa may lamesa sa labas at sa batong upuan sya nakaupo, busy ito sa mga dahon nya
Parang gumaganda sya ngayon, well maganda naman talaga siya pero parang mas gumanda pa siya lalo
"May pupuntahan ka yata, bakit dala mo ang armas mo?"
Naisipan ko lang dalahin ang b***l ko baka may maka-engkwentro ako sa labas
Tumigil ako sa harapan nya, hindi man nya ako tinapunan ng tingin
"Maglalakad-lakad lang dyan, nagdala na din ako ng armas baka may makasalubong akong kalaban"
"Magiingat ka sa paglabas mo, baka matiempuhan ka ng black squad mahirap na, lalo na at may galit pa sila sa atin" yieh concern din ang lola nyo
"Oo hindi naman ako lalayo dyan lang ako"
"Oh, baka kailanganin mo" nagbigay nanaman siya ng gamot niya na nasa bote
"Salamat" kinuha ko ang binibigay nya sa akin
Naglakad lakad na ako gusto ko lang din makalanghap ng sariwang hangin
Nakikita ko ang iba pang mga bahay na nandito din
Patuloy lang ako sa paglakad habang pinagmamasdan ko ang paligid, sa aking paglalakad hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa isang dagat
May narinig ako na parang may naglalaban sa malapit lang sa akin, hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-control ang katawan ko na kusang pumupunta kung saan nanggagalin ang ingay
"Dito ka na mamamatay"
Nang makita ko kung nasaan sila ay tumago ako sa likod ng puno ng niyog
Tiningnan ko kung ano ang nangyayari
"Matapang lang kayo dahil magisa lang ako" himala nakakapagsalita pala ito ng ibinubuka ang kanyang bibig, may powers itong telepathy kaya kaya nyang makipagcommunicate sa iba gamit ang isip nya, im not sure kung kaya rin ba nyang basahin ang nasa utak ng iba
"Kaya nga kukunin na namin ang pagkakataon, kapag nawala ka at least kahit papaano mapipilayan ang team nyo" sabi ng isang mukang galit na galit
Naaawa naman ako sa babae, nakatalikod lang ito kaya hindi ko makita ang muka nito
"Masyado ng gahaman ang grupo nyo hindi lang kayo ang kailangan mamuhay dito"
"Kasalanan ko bang mahina kayo" matapang nitong sagot,
Ako ang natatakot sa sinabi nya dahil doon baka lalo syang patayin ng apat na nasa paligid nya
"Nagtatapang-tapangan ka pa huh"
Nagulat ako sa nasaksihan ko bigla kasing nagiba ng anyo ang kamay nung isang lalaki, naging isang espada ang kamay nito
Gagamitin na nung lalaki ang kamay nya doon sa babae ngunit hindi iyon natuloy nang ikinumpas lang nung babae ang kamay nya at bigla nalang may mga kuryente na lumabas galing sa kamay nito at natamaan nito ang lalaking aatake sana sa kanya, dahil sa lakas ng voltage ng powers nito ay tumilapon ang walang buhay na lalaki
"Neri!!!" Sigaw ng mga kasamahan nito ng makita nila ang nangyari sa lalaki
Ilan bang powers ang mayroon sya at ang dami nyang ipinamamalas na kapangyarihan
Dahil sa namatay ang lalaki ay mas lalong nagalit ang mga ito sa babae
"Wala kang awa Asnee! Lahat kayo ng mga kasama mo, " Sigaw nung isang babae, so Asnee pala ang pangalan nang nagiisang babae sa black squad
"1 out, 3 remain" may pang-iinsulto pa ang boses nito "sa pagkakaalam ko siya ang unang aatake sa akin, alangan naman na hayaan ko lang na patayin niya ako, hindi naman masama na ipagtanggol ko lang ang sarili ko"
Nagngi-ngitngit na sa galit ang tatlo
Humangin nang malakas at yung mga bato sa paligid ay nagsisilutangan na din
Ang hangin ay nabuo na parang isang malaking buhawe, umiikot lang iyon sa paligid na tinawag nilang Asnee, nakikita ko na pilit umaalis si asnee sa loob ng buhawe
Mas lumakas pa ang buhawe ng kumapit sa likod nung lalaking may kagagawan ng buhawe ang isang babae nagglow ito habang nakapikit
Bigla akong naawa kay asnee nang makita ko itong nahihirapan, dapat pa nga na matuwa ako sa nangyayari sa kanya ngayon dahil sinabihan nya ako dati nang mas mahina pa ako sa uod
Mayamaya yung isa naman ang gumalaw ang kamay na parang may ginagawa ito
Kaya naman napatingin ako kay asnee na unti-unting lumiliit
Tumalikod na ako, ayaw kong makialam sa g**o nang may gulo
Nakakalimang hakbang palang ako nang bumaling muli ako at pumunta sa kanila,
Nagpaputok ako sa may paanan nung tatlo kaya nawala bigla ang buhawe na bumabalot kay asnee
"At sino ka namang epal ka? Baka gusto mong mapagaya sa kanya" turo nya kay asnee na hanggang binti ko na lang ang taas nito at nanghihina pa ito
"Hindi nyo na kailangan nakilala pa ako"
"Hahaha masyado ka pang pacool pero okey lang mamamatay kana din naman"
Unti-unti nyang itinataas ang kamay niya siguro gagawa na muli ito ng buhawe,
Hindi nya pwede gawin iyon
Binaril ko ang kamay nya para hindi nya magawa ang binabalak nya sa akin, nakahawak na sya sa dumudugo nyang kamay at dumadaing siya dahil sa sakit dahil halos masira ang kamay nito
"Ikaw" turo ko sa babaeng naging dahilan kung bakit lumiit si asnee "ibalik mo sya sa dati nyang anyo kung hindi sasabog ang ulo mo"
Para na akong si cardo sa lagay ko ngayon
Natatakot ang nakikita ko sa muka nya pero hindi pa din nya ginagawa
"ISA!!" sigaw ko kasunod non ang isa pang b***l sa paanan nya
"Ahhh" napasigaw sya sa pagkagulat
"I-ito na, ito na" natataranta sya sa ginagawa nya
"Subukan mo lang gumawa ng hindi maganda, sasabog talaga ang ulo mo"
Itinaas nya ang kamay nito at parang nagku-concentrate sa ginagawa nya
Muli na ngang bumalik sa dati si asnee
"Bakit mo siya ipinagtatanggol? Hindi mo ba alam na gahaman ang grupo nila? Hindi ka naman nila kasapi ah"
"Alam ko"
"Kakampi kaba nila?"
"Hindi? Gusto ko ako ang papatay sa kanya kaya baboshh"
Agad kong hinila si asnee at tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyon
Mabuti na lang at hindi na kami sinundan pa ng mga iyon
Dahil nahihirapan na ding tumakbo si asnee ay tumigil muna ako kaya napatigil din sya
Pinasakay ko ito sa likod ko, sumunod naman ito agad, natatakot din ako baka kasi habang nasa likod ko sya baka patayin nya ako, isang kuryente niya lang sa akin patay na ako
Nang makarating na kami sa mga bahayan dito ay ibinaba ko na sya
"Kaya mo na siguro makauwi nuh?"
"Bakit mo ako tinulongan? Mali, tinulongan mo nga lang pala ako dahil gusto mo ikaw ang papatay sa akin, Bakit hindi mo na ako patayin ngayon?"
"Sinabihan mo ako dati na mas mahina ako sa uod, gusto ko lang din sabihin sa iyo ngayon na mas mahina ka sa kung sino mang nilalang na nabubuhay ngayon, hindi ako tulad nyo na sinasamantala ang kahinaan ng iba, gusto ko maging pair sa lahat kaya saka na natin patayin ang isat-isa kapag malakas kana"
"Tingnan natin magsisisi ka na binuhay mo pa ako"
"Umuwi ka na at magpagaling saka mo ako hanapin para patayin mo"
Tumalikod na ako pero humarap muli ako sa kanya
May kinuha ako sa bulsa ko at ibinigay ko sa kanya
"Inumin mo ito para sa painkiller ito" ibinigay ko sa kanya ang bote na ibinigay sa akin ni rama
Hinawakan ko ang kamay nito para ilagay ang bote, natigilan pa ito nang bigla kong hinawakan ang kamay nito, ayaw pa kasi nya kuhanin "wala itong lason para mamatay ka gamot ko yan"
Mabilis akong tumalikod at tumakbo pabalik ng bahay namin
Makakabalik naman siguro yun sa bahay nila hindi naman siguro yon maliligaw taga dito sya alam na nya ang pasikot sikot dito
Lagot ako sa tatlo kapag nalaman nila na tinulongan ko pa ang isa sa black squad