RHEN POV
Im so curious sa konseho nila dahil lagi ko nalang naririnig sa kanila iyon, ano kayang meron doon at saan ba makikita iyon? Siguro tatanungin ko na lang sila mamaya
Kinuha ko ang isang bag na may laman ng b***l ni papa, pinagsusuri ko lamang ang bawat sulok ng b***l ni papa
Nagposisyon ako na parang may babarilin ako at nagsipat sipat pa kung saan-saang parte ng silid hanggang sa may pinto ko ito naitutok, nagkagulatan kaming pareho ni chun liang, ako nagulat dahil sa nandoon sya sa may pinto ko ng hindi ko man lang namamalayan na nakapasok na pala sya
Nagulat siguro siya sa akin dahil sa tinutukan ko siya ng b***l.
"Nakakagulat ka naman, Bakit ka ba pasok ng pasok?" Maski ako ay hindi ko inasahan ang pagkatuno ng pagsasalita ko dahil sa sobra kong pagkagulat
Masyado din siguro akong focus sa b***l na hawak ko para hindi ko napapansin na naaamoy ko na ang halimuyak nya
"Pasensya na nasanay lang ako na pumapasok basta-basta nakalimutan ko na wala ka nga palang powers para maramdaman mo na may tao na pumasok sa bahay mo"
"Paano kung naiputok ko itong b***l dahil sa pagkagulat ko, ede baka nadigrasya ka pa "
"Sorry na hindi na mauulit"
"Bakit ka pala naparito?" Ano naman kaya ang gagawin nito dito
"Bawal ba pumunta dito?" Balik nyang tanong sa akin
"Hindi naman pero bakit nga?
"Wala lang, gusto ko lang pumunta dito"
Tumango lang ako sa kanya, binalik ko sa lalagyang bag ang b***l ni papa tsaka ko ito binalik sa gamit ko
Naalala ko yung konseho nila kaya lumapit ako kay chun liang para magtanong sa kanya
"Chun liang?"
"Pwede naman na chunli nalang itawag mo sa akin, kaibigan na din naman kita"
"Okey Chunli, ahm pwede magtanong?"
"Sure, ano ba yun?"
"Lagi nyo kasi nababanggit yong konseho dito, kunti palang ang alam ko doon, gusto ko sana na mas malaman pa kung anong meron doon at saan pala matatagpuan iyon?"
"Hmm hindi namin alam kung saan matatagpuan ang konseho, kahit sino dito walang nakakaalam"
"Huh? Paano yon hindi ba't sabi nyo dati sila yong nagpaparusa sa inyo?"
"Oo sila nga, ganito kasi yon, sila ang nagrereward, sila ang gumagawa ng lahat ng items na gusto nating bilihin at kapag paparusahan ka may mga lalabas nalang sa tabi mo na nakasuot na itim na damit na bumabalot sa kanilang buong katawan kaya hindi namin makikilala kung sino sila at kapag kinuha ka nila wala ka nang magagawa kahit lumaban kapa dahil walang epekto sa kanila ang powers mo kahit ikaw pa pinakamalakas"
Sila ba yong developer? Tapos i-babanned kapag lumabag sa mga rules
"Akala ko mapupuntahan ko"
"Bakit mo ba inaalam ang tungkol sa konseho?" Tanong sa akin ni chunli na iniintay na ang magiging sagot ko
"Wala lang nakucurious lang ako"
"Nga pala may gagawin na muli tayong hunting bukas"
"Sige game ako dyan"
____
Naisipan ko na dalhin ang b***l ni papa sa paghuhunting namin ngayon, aanhin ko naman iyon kung hindi ko gagamitin, bahala nalang kapag naubos ang bala nito
Katulad ng dati naglalakad pa din kami ang kaibahan lang medyo syudad dito dahil sa may mga gusali na makikita sa paligid hindi katulad dati na puro mga puno at kagubatan lang ang makikita
May mga nakalaban na din kami kaninang mga naliliit na nilalang bigla nalang kasing lumabas sa harapan namin buti nalang talaga at alerto kami
"DAPA!!" Sigaw ni rama kaya naman napadapa din taga kami
Nagulat ako nang may biglang tumama na karayom sa tabi ko at muntikan pa talaga akong matamaan
"Dalian nyo! takbo na sa loob ng building"
Mabilis akong tumayo at sinundan si de kaa na papunta sa isang building
Isang ROBUS ang umatake sa amin, kasing laki sila ng isang human size, isa silang mga robots na may binabato na malalaking karayom, kapag natamaan ka ng karayom nila ikaw ay manghihina dahil inuunti-unti nito ang lakas na meron ka
Pumasok kami at Tumago muna kami sa mga naglalakihang mga haligi nitong building
Tyume-tiempo muna kami bago namin atakihin
"Nakatalikod na sila tayo nang umatake"
Inihanda ko ang dala kong b***l para oras na kailanganin madali nalang akong makakabaril
Tumatago-tago kami habang lumalapit pa sa mga robus na aatakihin namin ngunit hindi pa kami nakakabwelo ng lumingon sa amin ang isang robus mabilis itong pinana ni rama ngunit hindi man lamang ito tumagos sa robus, dahil doon pati na din yung ibang mga robus ay nasa amin na ang atensyon at nagsimula na din silang magbato ng karayom
"Sikapin nyong huwag matamaan ng kanilang karayom" sigaw ni de kaa na busy na sya sa pag-iwas sa mga karayom
"Hindi ko sila ma-control" sigaw ni chunli na tila na ubusan ng pagasa
Walang pang-amoy ang mga robus kaya hindi nila maaamoy ang halimuyak ni chunli para ma-control sila, ayos sana kung macocontrol sila para less hassle
Tumingin sila sa akin para alamin siguro kung ano ang gagawin ko
Dahil sa mga tingin nila bumalot sa akin ang kaba para kasing nasa isip nila na ako ang pag-asa nila
"Idi-distract namin sila tapos saka mo gamitin ang sandata mo laban sa kanila"
Mahigpit kong hinawakan ang b***l ni papa
'Papa ipahiram mo sa akin ang kakayahan mo'
Pumwesto ako para barilin ang robus na dine-distract ni chunli
1 2 3
Bang!! Tunog ng pagbaril ko
Nakita ko sa mga mata nila na parang nawalan sila ng pag-asa dahil hindi tumama ang bala sa robus na binaril ko
"Sorry kinakabahan ako" paghingi ko ng paumahin sa kanila
"Wag kang kabahan, mag focus ka lang" pampalakas ng loob sa akin ni rama
"Okey!" Huminga ako ng malalim at saka ko ito pinakawalan
Sinipat ko nang maayos para tumama ito
'Pa! Kailangan ko ang kakayahan mo!'
1 2 3 muli kong binaril ang robus na malapit sa akin
Bang!! At sa pangalawang pagkakataon ay tumama ito sa ulo ng robus kung saan iyon ang nagsisilbi nilang buhay, tumagos hanggang sa likod ng ulo nito ang bala ng b***l na gamit ko
Para ding may sumapi sa akin habang bumaril ako
Tumingin ako sa mga kasamahan ko at nakita ko na para silang nakahinga ng maluwag
Muli akong bumaril sa isa pang robus at maswerteng natamaan muli ito
Dalawang robus nalang at matatapos na ang laban na ito
Muli kong itinutok ang b***l ko sa isa pang robus
"Umalis na kayo kung ayaw nyong mamatay"
May kung sinong nagsalita saan at parang ibinulong ito sa akin
"Kayo ang umalis kung ayaw nyo ding mamatay" sigaw ni de kaa
Napatingin ako kay de kaa so hindi lang ako ang nakadinig niyon
Mayamaya pa ay may biglang lumabas na apoy sa ibabaw ng isang robus at nilamon nito ang nasa ilalim na robus hanggang sa natupok ang isang robus
Lumabas sa ibabaw ng natupok na robus ang apat na tao at nagulat pa ako kung sino sila
Sila yung apat na tao na una kong nakita nang mapunta ako dito sa colonus, sila na ang nagsabi sa akin na isa akong mahinang nilalang
Ang Black squad
"Umalis na kayo!" Sigaw nung isa sa mga kambal
"Kayo ang umalis nauna kami dito"
"Matapang ang isang ito"
Dami naman nilang dada
Well kung sino naman ang makakapatay sa huling robus sa kanilang team mapupunta ang premyo
Pasimple kong itinutok ang b***l sa ulo ng robus
Bahala na
Bang!!
Boom sapol
"At talagang matigas ang ulo nyo ha, sisiguraduhin namin na ito na ang huling laban nyo"
Kailangan lang ng isa sa amin ang makakuha nung mga diamond na reward namin
Bigla umataki sa amin ang apat, lumapit kay de kaa ang isang lalaki na ang pagkakaalam ko siya ang may powers na teleport sa kanila, kay chun li naman ay iyong isa sa kambal, ang lumapit naman kay rama ay iyong nagiisa na babae na may masungit din na aura dahil na nga rin sa may maitim ito sa mata nya
"Wala bang malaki-laki akong makakalaban at ang isa pang patpatin na tulad mo ang makakaharap ko"
Nasa harapan ko ang kakambal na kinakalaban ngayon ni chunli
"Wala sa laki ng katawan yan kuya" matapang na sabi ko dito kahit na nangangatog na ang tuhod ko
"May naaamoy ako na kinakabahan ka"
Lumapit sya sa akin at umaatras naman ako, kinakabahan ako sa mangyayari sa akin
"Natatakot kana ba?"
Barilin ko kaya ito nang makita nya hinahanap nya
Mabilis nyang hinawakan ang may collar ko at parang isa lang akong magaan na bagay na inangat nya
"Ngayon katapusan mo na hahaha"
Paano ba ako makakawala sa hawak nya sa akin gayong 10x ata ang lakas nito sa akin
Magkaroon sana ako ng dagdag na lakas para maprotektahan ko ang sarili ko
Pilit kong inaalis ang kamay nya sa damit ko dahil nasasakal na ako sa ginagawa nya, kung magtatagal pa ako baka tuluyan na nga akong mamatay
Bigay tudo kung ipinadyak ang paa ko sa pagsipa
Nabitawan nya ako sa pagkakahawak sa akin kaya naman sumalampak ako sa semento, sa masilang nyang parte tumama ang sipa ko
Agad din akong tumayo at sinamantala ko ang pagkakataon na makalayo sa kanya dahil iniinda nya pa ang sakit, tumakbo ako papaalis sa kinatatayuan ko
Tumigil muna ako saglit para lingunin sya
Nakita ko na nakatayo na ito at sobrang sama na nang tingin nya sa akin
"Timing ka rin eh no?" Nagulat ako nang may umimik sa tabi ko
Tiningnan ko ito at nakatutok sa akin ang pana nya
Hala! Bakit ako papanahin ni rama
"Teka!! Bakit mo ako papanahin?"
"Hindi naman ikaw eh at Siya" napatingin ako sa tinutukoy nya at nakita ko doon ang nagiisang babae ng black squad
Nakaupo ito at may sugat sa braso nito marahil ay natamaan ito ng sibat ni rama
Nakatingin ito sa akin at makikita sa muka nito ang galit
"Tumabi ka nga, bigla-bigla ka nalang sumusulpot dyan" reklamo ni rama sa akin
Inalis ko ang tingin sa babae at kay rama ko ito ibinaling, dahil sa paglingon ko sumagi ang tingin ko sa papalapit na sa akin si kuya malaki ang katawan
Shit!
Tumatakbo na ito papalapit sa akin, naka tikom pa ang kamao nito at ang sama ng tingin nya sa akin, hay ang dami na talagang nagagalit sa akin
Papalapit na siya ng papalapit sa akin hanggang sa bigla nyang binuwelo ang kamay niya para suntokin ako
'aaaaa' napapikit na lang ako dahil sa sobrang takot ko, naramdaman ko na lang na parang may nakahawak sa bewang ko at nararamdaman ko na din ang hangin na humahampas sa akin
Nagmulat ako at halos mapapikit ko na din ang mata ko dahil sa sobrang bilis ng nakikita ko sa paligid
Mayamaya pa ay tumigil na kami
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni de kaa sa aming tatlo
"Oo" sagot namin
"Ikaw ba?" Tanong ni chunli kay de kaa
"May konteng sugat lang ako, kaya ko pa naman"
Konte lang pala yung halos duguan na sya
Pero wait lang parang may nakalimutan kami
"Teka!! hindi natin nakuha yung diamond"
Sayang naman kung hindi namin makukuha iyon, pinagkahirapan pa namin yun eh
"Pahinga muna tayo"
Dahil nasa gubat na muli kami at umupo si de kaa sa madamong damo
Umupo nga ako dahil feeling ko napagod talaga ako
Hindi pa nagiinit ang pwet ko nang may marinig kami
'grrr grrr grrr' kaya naman napatayo muli kami parang may isang battalion ng aso dahil sa inggay
Pinuntahan pa namin kung saan nanggagaling ang mga tahol
Sa halip na matakot ay nakyutan ako sa itsura ng aso dahil ang isang aso ay may tig tatatlong ulo at apat na aso ang nakahilera paharap sa amin.
Mayamaya pa ay nagsugudan sa amin ang mga threehead or yung mga asong may tatlong ulo
'shhsss'
Hindi ko pa nahahawakan ang b***l ni papa ay itinumba na agad nung tatlo yung mga aso, naawa naman ako sa sinapit ng threehead
Umpisa na nawawala ang mga aso at silver ang naiwan doon
At mas lalo akong nahabag ng may naiwan na dalawang tuta ng threehaead
"Tayo na umuwi" sabi ni rama sa amin
Kinuha ni de kaa ang silver na pinaghirapan nila kasi wala naman akong na-ambag
Lumapit sa amin si de kaa at inabot ang piraso ng diamond at ang silver
"Paano napunta sa iyo ang diamond?" Tanong ko dito
"Pasimple ko kaninang kinuha"
"Salamat"
Akala ko wala ni isa sa amin ang nakakuha non
Nagumpisa na kaming maglakad
Naririnig ko ang dalawang threehead na umiiyak
Tiningnan ko sila at naaawa ako sa nakikita ko, pwede ko ba silang iuwi
Bahala na
Mabilis akong bumalik at kinuha ko ang dalawang umiiyak na tuta
Baby ko na kayo ngayon