Chapter 2

2109 Words
                                                                                      Argel's Pov Lahat ay kami ay natahimik nang magsimula na ang interview, nakatingin lang kami kay Lolo Crisanto at kay Megan na hindi na rin makapaghintay na magkwento siya. Nang maikwento ko kasi ito sa kanila, nacurious sila ng sobra dito at sabi nila ay ngayon lang nila ito nalaman. Hindi naman talaga alam ng iba patungkol sa kababalaghan na ito kundi tanging mga naninirahan lamang dito sa probinsya ng Barsulan. Mga ilang segundo ang lumipas at nagsimula ng magkwento si lolo, "Matanda na ako ngunit pamilyar pa rin sa'kin ang nangyari noong mga panahon na 'yon. Seventeen years old ako at papauwi na kami sa bahay, nakagawian namin na pumunta doon sa bandang gitna ng kagubatan para manguha ng prutas para makatipid na rin kami sa meryenda dahil maraming puno doon ng bayabas, duhat, mansanas. "Nang papauwi kami at isusukbit ko na yung bag ko sa likod, biglang lumakas ang hangin, dumilim ang paligid pero alas kwarto pa lang ng hapon 'yon. Hindi namin maiwasan na magtaka, natatanungan kami sa isa't isa kung ano nangyayari hanggang sa makakita kami ng isang portal," "Portal?" nanlalaking mga matang tanong ni Megan. Napatingin ako kila Carson, Kio, at Mara. Bakas sa mukha nila ang kuriosidad. "Oo portal, isang malaking portal. Natakot kami at napasigaw ng makita namin 'yon, sinubukan namin tumakbo papalayo doon sa gitna ng kagubatan pero mas lalo lang lumakas ang bugso ng hangin. Sinubukan namin pigilan pero sobrang lakas at hindi namin namamalayan na tinatangay na kami ng hangin papunta sa isang malaking portal hanggang sa namalayan namin na wala na kami sa gubat nasa isang malawak na daan na kami," pagkukuwento niya. Kahit na naikukuwento na ito saamin ni Lolo noong bata pa kami, hindi ko pa rin maiwasan macurious sa mga kinukwento kung totoo ba ang lahat ng 'yon pero hindi talaga ako naniniwala tungkol dito dahil isang napakalaking imposible na makakita ng isang portal dahil sa mga libro at pelikula lamang ito nakikita. "Tapos ano na po ang nangyari pagkatapos noon?" tanong muli ni Megan. Napatigil si Lolo sa tanong niya at tila nag-iisip pero ilang segundo rin ay nagsalita na muli siya, "Pasensya ka na iha, hindi ko na maaaring ikwento sa inyo ang nangyari patungkol doon. Kabilin bilinan sa'kin ng aking kaibigan na huwag daw namin itong ikwento at baka balikan kami nila," Nagkatinginan kaming lahat, lagi rin namin tinatanong si Lolo about d'yan pero hanggang doon lang ang kan'yang kinukwento. Pansin kong nabitin sila sa kwento ni Lolo, pero wala kaming magagawa hindi namin dapat ipilit ito sa kaniya dahil kung ayon lang ang kaya niyang ikwento, ayon lang talaga. "Pero Lo, isang tanong na lang po. Sino po yung 'nila' na sinasabi niyo? Yung baka balikan po kayo?" nakakunot na tanong na ni Megan. Napatigil muli si Lolo, mukhang nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ito o hindi hanggang sa... "Pasensya na talaga kayo ngunit hindi ko ito masasabi, basta lagi niyo itong itatak sa kukote niyo. Huwag na huwag kayong pupunta sa gitna ng kagubatan ng basulan kung ayaw niyo mapahamak," seryosong sabi niya saamin. Tumingin saamin si Megan tila tinatanong ng kanyang mga mata kung ano na gagawin, sumenyas ako ng ok at tapusin na ang interview. "Oh, okay Lolo Crisanto, maraming salamat sa iyong oras para ikwento saamin ang iyong karanasan patungkol sa kababalaghan na ito. Muli, maraming salamat." pagconclude ni Megan sa interview. Inistop na ni Carson at Mara ang video at nag-ayos na kami agad. Sakto namang bumaba na rin si Mom mula sa taas. "Tapos na kayo?" tanong ni Mom saamin, tumango lang kami bilang tugon. Lumapit siya saakin at inutusan ako na maghain na ng pagkain para makikain na kami ng mga kaibigan ko at inihatid na niya si Lolo sa kwarto dahil alas syete pa lang ay natutulog na siya. "Finally, tapos na rin natin. Nakakapagod din," sabi ni Megan nang matapos na magligpit sa salas. "Anyway guys, alam kong nagugutom na kayo. Let's eat, huwag na kayong mahiya bawal tanggihan ang grasya, " tugon ko at bago pa magkahiyaan sila ay naghain na ako ng pagkain, bigla na lang kumalam ang aking tiyan nang makita ko ang niluto ni Mom na adobong manok na maanghang. Nakisalo na rin si Mom sa hapagkainan, "Kain lang kayo at magpakabusog" masayang sabi niya habang naglalagay ng kanin sa pinggan niya. "Napakasarap po ng luto niyong adobo tita, the best po" puri ni Mara kay Mom. "Oo nga po tita, mas sumarap pa kasi maanghang," Bahagya naman siyang natawa na tila masaya dahil may pumuri ng kan'yang luto, "Ano ka ba kayo,  may lutong adobo ba ang hindi masarap?" tanong niya saamin. "Meron po, kung ilalagay niyo eh yung katoyoan ni Mara," pang-aasar muli ni Carson na ikinatuwa naming lahat, inirapan naman siya ni Mara at akmang ibabato sa kaniya yung kutsarang hawak hawak niya. "Pansin ko iho lagi mong inaasar itong si Mara, may gusto ka ba sa kanya?" tanong ni Mom dahilan para muntik ng mabilaukan si Carson at Mara. Mabilis naman na umiling-iling si Carson at tila namukha ang kaniyang mga tenga, "No way tita, never" sabi nito habang nakalukot ang kaniyang ilong na tila nandidiri. "Mas lalo naman sayo, hinding hindi ako magkakagusto sayo 'no," pagtatanggol naman ni Mara sa sarili niya, ayan nanaman sila at nagsisimula nanamang maging aso't pusa. "Hindi ba? Sige sabi niyo eh," sabi naman ni Mom. Tumahimik naman ang paligid, tanging mga kalansang lang ng pinggan ang tanging naririnig. Nagfocus lang ang lahat sa pagkain hanggang sa binasag ito ni Megan. "Ah tita, I have a question," tanong ni Megan sa kaniya nang matapos niya ang kaniyang kinakain at nang makainom na ng tinimpla ni Mom na mango juice. Tinignan naman siya ni Mom nang may pagtataka,  maging kami rin. "Ano 'yon, iha?"  "Hm, gusto ko lang po sana itanong kung naniniwala ba kayo sa kwento ni Lolo Crisanto? patungkol po doon sa naranasan niya sa gitna ng kagubatan ng barsulan?"  Tinapos na muna ni Mom ang kaniyang kinakain at kumuha ng tubig bago niya sinagot ang tanong ni Megan, "Alam mo iha, hindi ko rin alam kung maniniwala ako o hindi. May part saakin na 'di ako naniniwala dahil hindi ko pa nararanasan pero may part din saakin na naniniwala ako dahil may posibilidad na naranasan niya talaga 'yon." tugon ni Mom. "Paano niyo po nasabi na may posibilidad na nangyari talaga  po 'yon kay Lolo? Kasi ako po personally, hindi po talaga ako naniniwala kasi po yung portal na binanggit niya kanina. It's fantastic sa mga teleserye o movie ko lang po 'yon nakikita." sambit ni Carson. Napahinga ng malalim si Mom bago magsalita, hindi rin talaga siya komportable na pag-usapan ito dahil matatakutin siya at buti na lamang ay hindi ko namana masyado, sakto lang. "Tinanong ko rin ito kay nanay noong kabataan, magkapitbahay kasi sila ni tatay crisanto kaya kilalang kilala na niya ito. Naikwento niya saamin na nawala si tatay at pinaghahanap siya noon to the point na nagpatulong na rin sila sa pulis pero pagkaraan ng mahigit tatlong buwan nahanap nila si Lolo doon sa gitna ng kagubatan ng barsulan, may mga sugat sa kaniyang braso at binti, nakatulala at tila takot na takot kasama niya yung dalawang kaibigan niya," pagpapaliwanag ni Mom. Kung kanina ay nagtatawanan kami ngayon ay biglang sumeryoso ng paligid, alam ko na yung kwento pero bakit parang nakakaramdam pa rin ako ng takot. Pansin kong 'di makapagsalita yung apat, parang nabigla sa nalaman mula kay Mom. Takte, madilim na rin ang paligid. Ba't ba kasi nila tinanong ito? "Anyway mga iho at iha, gabi na at baka hinahanap na kayo sa inyo." sabi niya at pinagpatong patong na ang mga plato at inilagay ito sa lababo, tinulungan ko na rin si Mom at pinunasan ko na ang lamesa. "Parang ayoko ng umuwi," sabi ni Megan, napatingin kami sa kaniya at biglang nagtawanan. Hanep rin ang babaeng ito, may itinatago rin palang takot. Si Megan kasi yung klaseng tao na palaban, matapang siya at kapag nasa tama talaga siya ipagtatanggol niya ang sarili niya kaya maraming naiintimidate dito sa school. "Ikaw kasi eh nagtanong-tanong  ka pa kay Tita eh, 'yan tuloy," sabi ni Carson sa kaniya, natawa naman si Mom. "Huwag kayong matakot, ako nga naglalakad ng hating gabi d'yan minsan napupundi pa yung ilaw ng poste wala namang nangyayari sa'kin," sabi ni Mom habang naghuhugas ng pinggan na pinagkainan namin. "Huwag kang mag-alala, kung makakita man tayo ng maligno d'yan handa ka namang ipagtanggol ni Kio, yie" pang-aasar ko kay Megan na sinakyan naman ni Carson at Mara. "Loko kayo, ba't ako nadamay d'yan?" sabi naman ni Kio. Halos mapatalon kami sa gulat ng biglang tumunog yung cellphone ni Mara, napakalakas pa no'ng tunog nito. "Hutek naman Mara, natatakot na nga ako dito oh," sabi ni Megan, hindi namin maiwasan na matawa dahil ngayon lang ata namin nakita si Megan na natakot. "Sorry, wait sagutin ko lang 'to" sabi naman ni Mara at lumayo mula saamin. "Takte megan, seryoso natatakot ka? that's impossible" sabi ni Carson sa kaniya at inakbayan niya ito. "Tao lang din ako carson natatakot pero mas nakakatakot pa rin 'yang mukha mo," pang-aasar niya dito at nagpumiglas mula sa pagkakaakbay. Napanganga naman si Carson sa sinabi niya at tila hindi inaasahan na sasambitin niya 'yon, "Talaga lang megan, sa gwapo kong 'to? seriously?"  "Self- proclaim, amputek" sabi ni Kio sa kaniya na ikinatawa naming lahat. Maya maya ay dumating na si Mara na 'di namin alam kung saan pumunta, "Guys, pinapauwi na ako ng parents ko. Kapag daw 'di ako nakauwi within nine sa labas daw ako papatulugin," sabi ni Mara, alalang alala. Napatingin ako sa sa orasan namin, magaalas otso na rin pala ng gabi, kailangan na namin talagang umuwi. Medyo strict kasi itong parents ni Mara pinapayagan siya na pumunta kahit saan huwag lang aabutin ng hating gabi pero 'di rin namin kasi inaasahan na aabutin din kami ng hating gabi. "Ah, tita una na ho kami. Maraming salamat po sa pagpapatuloy at sa pagpapakain sa'min ngayong gabi," sabi ni Carson gayundin si Mara, Kio at Megan. "Mag-iingat kayo," pagpapaalala ni Mom. Sobrang dilim na ng paligid, kumukurap kurap pa yung ilaw ng poste. May mga naririnig din kaming huni ng iba't ibang hayop. Nauunang maglakad si Kio, nasa magkabilang gilid kami ni Carson samantalang yung dalawang babae ay nasa gitna. "Seriously guys, tutuloy pa ba tayo sa pagpunta sa gitna ng kagubatan bukas?" tanong ni Megan saamin habang papalapit na kami sa kotse ni Carson. "Hindi ko sure sa inyo, don't tell me Megan naniniwala ka talaga sa kwento ni Lolo Crisanto?" tanong naman ni Kio. "Hindi naman sa ganon, Kio alam niyo yung pinaalalahanan niya tayo kanina kinilabutan ako no'n parang totoo. The way siya magkwento kanina, kung titignan mo siya sa mata yung takot, yung pangamba na baka raw babalikan siya I think it's true 'di ko makalimutan." hindi mapakaling sabi ni Megan. "I felt that too, pero may mga tao kasi na magaling magkwento at maaaring isa doon yung Lolo ni Argel. Walang kasiguraduhan ang lahat, maaaring totoo nga ito or not." si Carson. "Pero what if kung totoo nga? Baka mapahamak tayo n'yan. Jusko, mahal ko pa ang buhay marami pa akong pangarap sa buhay," sabi muli ni Megan. "Siguro ganito na lang, let's vote kung pupunta ba tayo roon or not. Kung sino ang majority ayon ang susundin natin, ano deal?" sabi ni Kio, nandito na kami kung saan nakapark ang kotse ni Carson. "Ako okay lang, gusto rin malaman ng dalawang mata ko kung totoo nga ba 'to o hindi," mabilis na tugon ni Carson. "Sorry guys, pero masama talaga ang kutob ko na may mangyayari saatin doon. Kilala niyo akong matapang pero gusto kong isipin niyo kung kapahamakan na mangyayari sa'tin sa pagpunta sa gitna ng kagubatan," pailing iling na sabi ni Megan. This time, tumingin naman kami kay Mara. Wala siyang imik kanina pa dahil siguro nag-aalala na baka totohanin ng parents niya yung sinabi sa kaniya kanina, "Kayo na ang bahala, sa'kin kung tuloy o hindi. Kailangan ko na makauwi," sabi ni Mara at pumasok na sa kotse. "Ako, gusto kong ituloy." matipid na sabi ni Kio. "How about you, Argel?" sabi naman sa'kin ni Megan. Napatigil ako sandali.  Sa totoo lang, hindi ako makapagdecide pero matagal ko na talagang gustong makapunta sa gitna ng kagubatan na 'yon dahil matagal na akong binabalutan ng kuriosidad. Mahal ko si Lolo Crisanto, gusto ko siyang paniwalaaan ngunit hindi ko kaya. Siguro para malinawan na rin ako, I should take a risk. Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Yes, gusto ko ring ituloy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD