Chapter 1
Argel's Pov
"Dito sa lugar ng Barsulan, maraming mga kwentong kababalaghan na tila kinakatukan ng nakararami. Mga kwento na maaaring gawa gawa lamang ng iba o may kaakibat na katotohahan, may mga taong naniniwala at may mga tao ring hindi naniniwala."
"Okay cut!" sabi ni Kio na siyang nagdidirect sa kung ano ang gagawin namin.
Sa haba ng ibinigay saaming oras ni Ms. Monday ay ngayon lang namin ginawa ang proyekto kung saan ay gagawa kami ng documentary tungkol sa mga Urban Legend.
Sabado na ngayon at sa martes na ang pasahan kaya kailangan naming magawa ito hanggang bukas.
"Ok lang ba ang boses ko, ki?" tanong ni Megan kay Kio na kasalukuyang pinapanood ang video ni Megan na nagpapaliwanag kanina.
"Hm, ok lang. Relax ka lang, make it normal." sabi nito at muli na niya kaming pinaghanda para magvideo.
Pumwesto na si Megan sa kung saan siya nakatayo kanina, naghanda na rin si Carson na siyang cameraman at si Mara na naghahawak ng lighting.
Kung tinatanong niyo kung ano ang ambag ko sa proyektong ito, ako ang naassign sa pageedit ng video.
"At ngayon tutuklasin natin ang isa sa mga kwento na nagsimula pa noong 90's at hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil. Ito ang kwento patungkol sa kagubatan ng Barsulan," pagpapaliwanag ni Megan, lumakad siya pakaliwa kung saan makikita ang malawak ng gubat na sinundan naman ito ng cameraman.
"Sinasabing sa gitna ng kagubatan daw na ito ay may naghihintay na kapahamakan, matinding pinapapaalahanan ng mga naninirahan dito karamihan sa mga matatanda na huwag na huwag pupunta sa gitna ng kagubatan na 'yon.
"Ngayon, samahan niyo ako upang interviewhin ang ibang naninirahan dito upang hingin ang kanilang opinyon ukol dito." sabi ni Megan.
Naglakad lakad siya at pumunta sa mga kabahayan na sinundan naman ito ng cameraman. Ang una niyang nilapitan ay ang isang babae na nakaupo habang may hawak hawak na isang baby na mahimbing ang pagkakatulog.
"Ate, maaari ka po ba naming mainterview ngayon? para lang po documentary project namin sa school," tanong ni Megan sa kaniya, tila nagdalawang-isip pa siya ngunit pumayag din 'di kalaunan.
"So ate, ano ho ang inyong opinyon patungkol sa gitna ng kagubatan ng barsulan? Naniniwala ho ba kayo dito o hindi?" agad na tanong sa kanya ni Megan.
Nang matapos siyang magtanong ay itinapat naman niya ang microphone kay ate para kahit mahina ang kaniyang boses ay malinaw pa rin na maririnig ito sa video.
"Ay hindi po, hindi ho ako naniniwala. Gawa gawa lang po ito ng iba para panakot sa mga batang gabi na ay nasa labasan pa rin, panakot ito para umuwi na sila bago magtakip silim," opinyon ni ate.
Tumango tango kami, "Pero ano po ba yung sinasabi nilang kapahamakan na maaaring mangyari kapag pumunta sa gitna ng kagubatan na 'yon?" tanong muli ni Megan sa kaniya.
"Sa totoo lang po, iba iba rin po ang kwento nila patungkol doon kaya mahirap din paniwalaan, sabi ng lola ko kapag pumunta ka raw sa gitna ng kagubatan na 'yon ay may isang maligno at papatayin ka kapag nahuli ka nito,
"Naririnig ko naman pong sabi ng iba na kapag pumunta ka raw doon ay hindi ka makakabalik," sabi niya.
Nang matapos sagutin ni ate ang lahat ng katanungan ni Megan ay nagpasalamat na ito sa kaniya, "Okay ate, maraming salamat sa pagallow saamin na mainterview kayo ngayon," sabi ni Megan at tumungo kami sa iba pang kabahayan.
Nakita namin ang isang ginang na nagwawalis, hindi naman nagatubiling lapitan ito ni Megan at tinanong ito na agad naman itong pumayag.
"Naniniwala ako na totoo ang kababalaghan tungkol d'yan sa gitna ng barsulan dahil naaalala ko yung kapatid kong si Althea naranasan daw niya na pumunta doon at may humabol daw sa kaniyang kakaibang nilalang.
"Nagpapakita daw ito tuwing papalubog na ang araw kaya kayo magsiuwi na kayo mga iho at iha anong oras na," sabi ng ginang at nagpasalamat naman si Megan sa kaniya.
Naginterview pa kami ng ibang residente, marami ang naniniwala at marami din ang 'di naniniwala at sinasabi ito'y kathang isip lamang. Iba't iba rin ang kwento ng iba.
Mayroon pa nga kaming narinig na may nangangain daw ng tao doon sa gitna ng gubat na 'yon. Nakakatakot ngunit dahil sa hindi pagkakareho ang kanilang mga kwento, masasabi kong ito'y galing lamang sa imahinasyon ng iba.
Pero alam niyo ba kung bakit kami nagcomeup sa kwentong ito? Dahil kay Lolo, lagi niya kasi itong kinukwento saamin ng mga pinsan ko noong bata pa kami at hanggang ngayon kapag naiisipan niya ay patuloy pa rin niya itong kinuwkwento.
"Mom, Lo" katok ko mula sa pinto ng ng bahay ni Lolo.
Lumang luma na ang bahay na ito, yung ibang mga pader ay sira na ang mga pintura pero malawak siya. May 2nd floor ito at may tatlong kwarto.
Dito kami tumira no'ng nagsisimula pa lang kami 'di nagtagal ay napagpasyahan ni Mom na magpagawa ng sariling bahay.
Inaaya na nga namin si Lolo doon sa bahay namin ngunit mas pinili niyang manatili dito at ang rason niya ay nangako daw silang dalawa ni Lola Eleanor na kaniyang minamahal na asawa na hindi nila iiwan ang bahay na ito hanggang sa huli.
Naiintindihan namin dahil pinagpaguran din nila ang pagpapagawa ng bahay na ito.
"Wala yatang tao," sabi ni Carson dahil nakailang katok na kami ay hindi pa kami pinagbubuksan.
Napatingin ako sa kalangitan, papalubog na ang araw.
"Takte, bukas naman pala," sabi ko sa kanila nang ipihit ko ang doorknob at bumukas ito.
Siguro ay sinadya rin ni Mom ito para pumasok na lang kami at tsaka expected naman na niya na pupunta kami ngayon dito para interviewhin ito.
"Ang lawak din pala ng bahay ng lolo mo no? Luma na pero maganda pa rin," sabi ni Mara na nililibot ang paningin nang makapasok kami sa loob.
Naabutan namin si Mom at Lolo Crisanto sa salas, nakaupo sila sa sofa at nanunuod ng TV.
Tatawagin ko na sana si Mom pero napalingon na siya sa'kin, dali dali naman siyang pumunta sa direksyon namin.
"Good Afternoon po, tita" bati ni Megan sa kaniya, maging ng tatlo.
Binigyan naman sila ni Mom ng isang malawak na ngiti. "Anyway, kumain na kayo? Luto na ang hapunan at kumain na muna kayo bago magsimula," tanong niya.
Napansin kong umiling iling naman si Mara, "Ah, tita. Ayos lang po, busog pa po kami," nahihiyang sabi niya.
Narinig ko naman na napatawa ng mahina si Carson na tila natawa sa sinabi ni Mara, "We? Mara? Talaga ba? Ikaw tatanggi? Diba sabi mo nagugutom ka na kanina?" pang-aasar niya kay Mara.
Natawa naman kami sa sinabi ni Carson dahil ayan nanaman siya at binubully nanaman niya itong si Mara na ngayon ay namumula ang mukha at tila hiyang hiya, "Hoy carson, hindi ako tulad mo na patay gutom no," irap niya dito.
Babanat pa dapat muli si Carson kaso ay pinigilan na silang dalawa ni Megan na ngayon ay parang nanay na pinapangaralan ang kaniyang dalawang anak.
"Pasensya na po tita dito sa dalawa, ganyan po talaga sila," mahinhin na pagkakasabi ni Megan.
Nagkatinginan naman kami ni Carson at Kio at tumawa kami ng malakas dahil sa inasta ni Megan dahil yung pinapakita niya ngayon ay napakalayo sa personalidad niya.
"Para kang anghel ngayon, huh?" natatawang sabi ko, napansin kong sinamaan naman niya ako ng tingin na parang binubugbog na ako sa isip.
Kung hindi namin kaharap ngayon si Mom baka nabatukan na niya ako.
Strong kasi ang personality nito ni Megan, napagkakamalan siyang masungit pero 'di naman. Kapag may hindi pagkakaunawaan, hindi siya nagpapatalo. Malakas yung boses niya, matindi kung magalit.
"Hoy ano ba, nakakahiya kayo. Pasensya na po talaga tita," sabi naman nitong si Kio at nagtawanan ulit kami dahil ang wi-weird ng kinikilos nila ngayon.
"Nako, isa ka pa Ki eh nasa loob din ang kulo." sabi sa kaniya ni Carson at inakbayan siya.
"Alam niyo mga iho at iha, gutom lang 'yan. Tara na sa lamesa," sabi naman ni Mom pero napagdesisyonan ng lahat na mamaya na pagkatapos namin mainterview si Lolo.
"Sure na ba kayo? Oh sige maiwan ko muna kayo dito, kayo na muna bahala sa lolo mo Argel. May aasikasuhin lang ako sa taas," sabi ni Mom at tumango lang kami sa kaniya.
Sumenyas ako sa mga kaibigan ko na puntahan ko muna si Lolo at pinaupo ko muna sila.
"Lo," sabi ko nang makaupo ako sa sofa, napalingon naman siya sa'kin at tinitigan ko.
Tatlong buwan na rin ang nakakalipas simula ng huli niya akong makita dahil busy ako lagi sa school. Ulyanin na itong si Lolo, eight five na ang kaniyang edad. Makakalimutin na siya kaya posible na hindi na niya ako matandaan ngayon.
Lumipas pa ang ilang segundo at gumuhit sa kaniyang mukha ang isang malawak na ngiti, "Argel, ang aking gwapong apo" masayang sabi niya at ginulo niya ang aking buhok.
Hindi ko maiwasang mapangiti, akala ko ay nakalimutan na niya ako. "Kumusta na po Lo, sorry ngayon lang ako nakapunta dito muli," sabi ko sa kaniya.
"Heto, pogi pa rin," sabi niya at inilagay niya sa kanyang baba ang kanyang hinlalaki at hintuturo na ikinalawak ng ngiti ko halos mapunit na ito.
"Naiintindihan ko apo sabi ng mommy mo ay marami ka raw ginagawa, bakit ka nga pala nagpunta rito?" tanong naman niya saakin.
"Ah, Lo. Naaalala mo pa yung kinukwento mo saamin no'n? Yung patungkol po sa gitna ng kagubatan ng barsulan?"
Tumango tango naman siya, "Oo, apo 'di ko makakalimutan ang nangyaring 'yon dahil ayon ang isa sa masilamuot na pangyayari na naranasan ko sa buong buhay ko," sabi niya.
"Hm, lo. Mayroon po kaming documentary project sa school," at itinuro ko yung mga kaibigan ko at binati naman nila si Lolo, "Maaari mo ba ulit na ikwento ito saamin?" sabi ko sa kaniya.
As I expected, hindi naman nagdalawang isip si Lolo Crisanto na pumayag na magpainterview. Isa sa mga hilig niya kasi ang magkwento patungkol sa kung anu-ano.
Alam niyo yun na the way siya magkwento is with feelings at may action pa na talagang damang dama niya ito.
"Teka apo, ako ay pupunta muna sa kwarto at magpapalit ng damit. Dapat pogi ako sa camera," sabi niya sa'kin, sasamahan ko pa dapat siya pero tumanggi siya, "Huwag kang mag-alala, malakas pa ang lolo mo," sabi niya sa'kin.
Tinawag ko na yung mga kaibigan ko at nagset up na kami ng kailangan iset-up. Tinanggal ko na muna ang mga ibang nakakalat sa sofa, isinarado ko na rin yung TV at mabilis na nagwalis sa sahig para maaayos at maganda tignan ang paligid.
Sakto naman ang pagdating ni Lolo, lumabas siya ng kwarto habang may hawak na suklay at inaayos ang kaniyang buhok.
Nakasuot siya ng isang kulay asul ba polo shirt na kung 'di ako nagkakamali ay binili ito ni Mom sa kan'ya noong nakaraang taon.
Pinaupo ko na siya sa sofa at gayundin si Megan na nasa kabilang side ng sofa, "Okay na? Start na tayo pre?" tanong sa'kin ni Kio, tumango lang ako at pumunta sa isang gilid.
"Okay, 1,2,3 action." sabi ni Kio at agad na sinimulan ni Megan ang pagsasalita.
"At ang huli nga nating iinterviewhin ay nagsasabi na isa raw siya sa nakaranas ng kapahamakan na dulot ng pagpunta sa gitna ng kagubatan. Ngayon nga ay ikukwento niya sa'tin ito kaya naman sa ating mga manonood, ipinapakilala ko sa inyo si Lolo Crisanto," pagpapakilala ni Megan.
Inusod naman ni Carson ang camera kung saan ay mahahagip nito si Lolo Crisanto na ngayon ay malawak ang mga ngiti habang kumakaway sa camera.
Hindi pa rin nawawala ang kanyang self confidence at sanay na sanay pa rin siya, "Good Afternoon sayo, Lolo Crisanto. Una sa lahat, gusto ka naming pasalamatan dahil binigyan mo kami ng pagkakataon na mainterview ka," masayang sabi sa kaniya ni Megan.
"Magandang hapon din sayo iha," matipid nitong sagot.
"So Lolo Crisanto, ano nga ba itong karanasan mo patungkol sa gitna ng kagubatan ng Basulan? Maaari mo ba itong ibahagi sa'min?" tanong ni Megan sa kaniya.