"Goodmorning World!"
Patalon-talon pa ako habang pinupuntahan sina Kuya sa baba, they're having their breakfast now at alam kong nagtataka na sila sa kinikilos ko.
"You're too happy today." Ani Kuya Traveon.
Umupo ako sa tabi ni Kuya KD. "Huh? I'm just happy."
Kinuha ko na yung pancake at gatas at nagsimula na rin akong kumain.
Paggising ko kanina ay wala na si Sevhire, napangiti ako nang makitang nakahawi ang kurtina ko sa bintana. Doon din pala siya dumaan, how sneaky. Anong oras kaya siya umalis? Nag text kasi siya sa akin kaninang umaga.
"Kuya can I borrow Israel?" Tanong ko, Israel is a white horse at akin siya.
Tumigil sa pag kain si Kuya KD at saglit akong tinignan. "Why? He's your horse."
Regalo kasi siya ni Kuya sa akin noong 13th birthday ko. "Oo pero kasi, gagamitin ko siya sa labas. Going to Sitio Lucas."
"Sitio Lucas is way too far, Just.. Anong gagawin mo dun?" Ani Kuya Trav.
"Uh.. shoot for our movie trailer?" Sagot ko sa kanya habang umiinom ng gatas.
Sumandal si Kuya KD sa upuan, tinignan ko yung plato niya. He's done. "But it's still your exam today, right?"
Tumango ako.
"Anong oras ka nanaman uuwi?"
"Kaya nga po, mga kuya," Tumayo ako at inakbayan yung dalawa. "gagamitin ko si Israel."
Napapayag ko rin sila. Ang akala ko mahihirapan pa ako, e. Dadalin ni Kuya Lito si Israel pagkatapos ng exams ko. Sana nga lang at sumakto ako sa oras, kundi baka pagkaguluhan yung kabayo ko at makasakit siya.
Mabait naman si Israel, kayanga sa lahat ng mga kabayo sa rancho ay siya ang paborito ko.
Nakaupo ako malapit sa canteen kasama si Carmen. Kiana's not around, she's absent and I don't know why, maybe she's sick? Dalawin ko na lang siguro.
"Teka, ano ba yung sa Science? Mole to Mass? Tapos ano? Yung sa English? Yung sa writing a short story? Jusko!"
Tinitignan ko si Carmen na halos sabunutan na ang kanyang buhok sa sobrang inis. Miski rin naman ako. Bakit ba kasi kailangan pag-aralan ang mga 'yon? Hindi rin naman magagamit paglaki.
"Ano bang gusto mo sa lalaki?" I said out of nowhere while playing with my Mikmik.
Saglit na natigilan sa pagbabasa si Carmen sa reviewer niya. "Kailan muna yung nangyari sa Paris?"
Umirap ako. "November 13, 2015."
Tumango siya.
"Ano na? Anong gusto mo sa lalaki?"
"Wala.."
"Wala? Anong wala? Imposible!" I exclaimed.
Tinapunan niya ako ng isang masamang tingin. "Why? Kapag ba nainlove ako sure ba na mamemeet ng lalaking yun lahat ng standards na gusto ko? Hindi diba?"
"Teka.. teka.." I raised my hands just to stop her with her own novena. "Easy lang diba? Wala ka bang gusto? Katulad ng hmmm, katulad ni Christian Grey?"
Nanlaki naman ang mata ni Carmen. "What?! Gugustuhin ko ba yung lalaking kung ano ano ipinapasok sa akin? Yung kulang nalang pati yung sinasabit na christmas balls ay--"
"Shhh! Ingay mo." Tinakpan ko ang bibig niya. Nakakahiya!
"Sorry." Kibit balikat ni Carmen.
"Eto na lang, do you want a guy na parang fictional character?" I asked her.
Tumango siya ng mabilisan "Who wouldn't?"
"Then yun! Yun ang standard mo sa lalaki! Yung parang fictional character!"
"But it doesn't mean na iyon na ang standard ko. Fictional is fictional. Kung may gusto man ako, he's just a fictional character, besides, may leading lady siya. Ako? Ako ba yung kapartner niya ? Hindi diba? Bakit ko kakailangan ng isang fictional boy kung hindi naman ako yung ka partner niya?" She put down her notes. "Ikaw, Just.. Diba ikaw si Justine? Ikaw ka, hindi ka pwedeng maging isang fictional girl na gusto mo para lang makakuha ng isang fictional boy na kagaya ng pinapangarap mo. You have your own man. You don't need to be someone else just to have your dream guy. May lalaking magmamahal sayo kasi ikaw ka."
Literal na nalaglag ang panga ko kay Carmen. Kaya minsan ayoko kausap 'to, e. Standard lang naman ang pinag-uusapan namin tapos inabot na kami sa kung saan saan. Naligaw ligaw na!
"Eh ako? Hindi naman ako nagpapaka fictional ha?"
"Anong problema mo?" Pumangalumbaba siya.
Yumuko ako saglit. "Bakit hindi ko makuha si Sevhire?"
Yung tingin sa akin ni Carmen, parang sawang-sawa na siya marinig yung pangalan ni Sevhire kahit na kagabi ko lang sinabi yung pagkagusto ko.
"You don't just get what you want immediately. Lahat nakukuha kapag pinaghihirapan." Ayan nanaman siya.
"But I like him so much! Kagabi nga, bumalik pa siya.. dumaan siya sa bintana, and you know what? He didn't like it when I called him Kuya! Feeling ko.."
"May gusto siya sayo? Eh bakit hindi ka niya nililigawan?"
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Carmen. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, maybe he's waiting too? But I already confessed right? Biglang gumuho ang pag-asa ko sa simpleng tanong ni Carmen sa akin.
"Look Just, truth always hurts." Tipid na ngumiti sa akin s Carmen.
Tumango ako. Always.
Habang nagrereview kami ni Carmen ay parang walang pumapasok sa isipan ko. Titigil ko na ba ang kahibangan na ito o hindi? Hays!
Napalingon kami ni Carmen nang biglang tumunog yung bell. Sabay kaming pumunta sa classroom, as usual, sa tabi nanaman ako ng bintana. Ito kasi yung pinaka gusto ko. Yung nakikita yung labas? Para hindi ako masyadong maboring.
"Goodluck!" Ani Greg at naupo na sa gitna.
"Paano na yan? Kiana's absent. Dapat tinuloy na lang natin yung movie trailer nung isang araw!" Padabog na sabi ni Jessica.
"Last day na ng exam ngayon, sa Friday pa naman pasahan, e."
Hindi na ako nakasali sa kanila, nakapangalumbaba lang akong tumititig sa labas, dadalin pa naman ni Kuya Lito si Israel tapos wala si Kiana.
"Trent! Ikaw na lang kaya kumuha?" Ani Jessica.
"What? Eh kasali ako sa mga characters dun!"
"Justine! May ideas ka ba? Mag share ka naman!" Ani Jessica.
Napatingin ako sa kanila. Ano? Ideas? "I-I don't have."
Para naman silang nabigo sa narinig sa akin. Sa exam nga walang pumapasok sa utak ko, dito pa kaya?
Natahimik na ang ingay nang dumating yung adviser namin. May dala dala siyang test papers, isa isa niya yung binigay sa amin. Nanlula ang mga mata ko nang makita ang mga questions.
Inaral ba ang mga 'to?
"Sa one.."
Kumunot ang noo ko at nilagay ang takas kong buhok sa aking tainga.
"Just.. anong sagot sa one?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at napalingon saglit kay Jessica. Umiling ako. Hindi ko alam.
"Letter A." Narinig ko si Carmen, nilingon ko siya. "A yung sagot."
"Monteverde, Buenavista at Mendiola! Anong ginagawa niyo?"
Bigla akong napaayos ng upo! Ramdam ko ang pamamasa ng palad ko. s**t!
"Not-Nothing ma'am.."
"Anong wala? Miss Buenavista, I caught the three of you looking at each other!" Mapanganib na wika ni Miss Corpuz.
"Eh-Eh kasi.... kasi ma'am, we're both singing the same song.. tapos po... tapos napatingin na lang kami sa isa't isa.." Nanginginig na sabi ko.
Tila naman bumenta yung dahilan ko sa adviser namin.
"Sinong nagpahintulot sainyo na kumanta sa gitna ng pagsusulit?" Ani Miss Corpuz, bakit ako yung tinitignan niya? "Dumikit ka sa pader, Monteverde. At kayo, Buenavista at Mendiola umusog kayo!"
Wala kaming nagawa. Mas namroblema ako at parang yung number one lang yung tamang sagot ko. Kung bakit kasi hindi ako nakapag review!
Sa thirty minutes na nagtetest kami ay one pa lang ang nasasagutan ko. Damn it! Patay ako kina Kuya KD pag bumagsak ako, or what if? I'll just throw the paper? Nice idea, Just!
Pagtingin ko sa labas ay nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki. He's wearing a black ball cap. Naka itim na polo shirt din siya at pants. Si Sevhire!
Mabilisan siyang naglalakad. He's holding a bond paper and a pen. Buti na lang hindi sakop ng school yung labas kung saan ako nakapwesto ngayon. Yumuko ako at tinaas yung folder. Sumilip ako kay Sevhire na tinaas ang hawak na bond paper.
Use pencil please.
Naguluhan ako. Bakit naman niya gustong gamitin ko yung pencil? Mukha namang naintindihan niya na hindi ko siya ma gets kaya nagsulat ulit siya.
Just use it.
Sinunod ko na lang siya, nanghula na lang ako ng nanghula sa mga isasagot ko. Si Sevhire? Ayun, lumapit siya at talagang malapit na malapit na sa bintana, nagulat ako nang bigla siyang maglahad ng kamay habang nakataas yung papel niya.
Give me your paper. Don't be too stubborn.
Sinunod ko nalang. Luckily, Miss Corpuz isn't looking. Pasimple kong binuksan yung bintana at mabilisan kong binigay yung test paper kay Sevhire, may binigay naman siyang papel sa akin ni Blangko. Lumingon ako sa likod at napansing wala namang nakakita sa ginawa namin.
Habang tumatakbo yung oras ay hinihintay ko naman sa pagsagot si Sevhire, Math ang exam namin ngayon kaya talagang wala akong marereview. Lahat na ipaaral niyo sa akin, 'wag lang ang Math.
Saktong pasahan na ng papel nang ibinigay sa akin ni Sevhire yung test paper ko. Hindi ko na naicheck kung tama ba yung pinag lalagay niya dun. Hindi rin naman ako sure kung ano ang dapat ilagay, e.
Natapos yung dalawang exam namin na si Sevhire yung sumagot. Carmen caught me once, pero syempre hindi naman niya ako sinumbong... nung dismissal na ay nagmadali akong lumabas. I want to talk to Sevhire!
"Sev!" I called his name. Lumingon naman siya, nagulat ako nang kasama na niya pala si Israel.
"Morning.." Napapaos na wika niya sa akin.
Hinila ko ang manggas na suot niya at nilapit siya sa akin. "Anong ginawa mo?"
"Ginawa?" Nagtaas si Sevhire ng kilay. "Answered all your exams?"
"Bakit?"
Hindi siya sumagot sa akin. Kinuha niya yung backpack ko at inilagay iyon sa harapan niya, sumakay siya ng mabilisan kay Israel at naglahad ng kamay sa akin.
"Come, I will show you my gift."
Without any hesitation ay tinanggap ko ang kamay niya at sumakay na rin kay Israel. Pinatakbo niya ang kabayo ng medyo mabilis.
"Kapit." Ani Sevhire habang patuloy sa pagpapatakbo sa kabayo ko.
"No, kaya ko." Ano yun? I will hug him?
"Justine."
Nagbabanta ang kanyang tono kaya humawak nalang ako sa balikat niya, bigla akong napayakap nang biglang tumalon si Israel!
"Sevhire!" Reklamo ko.
"I told you.." aniya.
Napairap ako. Ang suplado naman nito minsan kaya nakakainis din, e. Nakakainis pero ang pogi pogi pa rin.
Dinala ni Sevhire si Israel sa likod ng D'eondre, ang likod nito ay gubat na. Hindi ako kinakabahan. Bakit naman? Sevhire's with me. He's my superman. Hindi na lang ako umiimik. Medyo masukal na ang dinadaanan ni Israel, panay lingon ko sa likod. Hindi ko na naririnig yung tubig sa D'eondre.
Hininto ni Sevhire yung kabayo sa harap ng malaking puno. Napatingala ako, pinaliit ko ang maya ko para makasiguro kung tama ba yung nakikita ko.
"Is that a house?" Tanong ko. "A tree house?"
"Uh-huh." Ani Sevhire at tumingala din. "Come." Aniya umakyat siya sa nakalapag na ladder.
"Safe ba 'to?" Tanong ko.
"Yes." Ani Sevhire.
Parehas kaming umakyat na dalawa, nang makarating na kami ay hinawakan ni Sevhire ang aking kamay para makatayo ng maayos dito sa puno.
"Happy birthday." Ani Sevhire, binuksan niya ang pintuan ng bahay.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang lahat. Para siyang bahay na walang divider. Kitang kita ko agad yung kama at yung dining table, CR lang ata yung may harang, e. Although lahat ay kita na. Malaki naman yung space.
Gawa din ata sa kawayan 'to.
"You like it?" Narinig ko ang pagsara ng pintuan.
"Huh?" Tumingin ako sa kanya.
"This is my birthday gift to you." He said then smirked at me.
Muntik na 'kong matunaw sa ngiti niyang 'yon!
"Ang... Ang grande naman." Totoo yun! Hindi ko inaakala na magreregalo siya ng ganito kalaki at kagara. Grabe! Ang ganda!
"All for you." Lumapit siya sa akin. Palapit ng palapit.
Magkaharap na kaming dalawa ngayon. I would like to appreciate his handsome face right now but my heart is beating fast! It's beating literally so fast! Hindi ko na nga masabayan ang bawat pintig ng puso ko!
"Just.." Nalanghap ko agad ang bango ng hininga niya. "Thank you."
Napakurap ako. "Sa-Saan?"
He held my face. Gusto ko nalang na pumikit at damhin ang kamay niyang nakahawak sa akin. "For everything. Thank you."