Chapter Seven

1708 Words
Umiwas ako ng tingin kay Sevhire. Hindi ko mawari ang pinapahiwatig niya, ano? Aasa pa ba ulit ako o hindi na? Ang gulo! Para akong sumusugal. Para akong gumagawa ng isang desisyon na walang kasiguraduhan.   "Nagustuhan mo ba?" Tanong niya, lumayo din siya sa akin ng kaonti.   Tumango ako. "Sino bang hindi?"   Nagkibit balikat si Sevhire at hindi na sumagot, bigla siyang lumakad at lumabas sa bahay, sinundan ko siya. Pag labas ko, nakita kong nakababa na pala si Sevhire kaya bumaba na rin ako. Gustong-gusto kong tanungin kung anong nasa isip niya pero natatakot ako.   Bakit nga pala ako matatakot? Hindi ko alam. Siguro sa pwede niyang isagot?   "Uuwi na ba tayo?" Tanong ko kahit na hindi ko rin alam kung ihahatid niya ba ako pauwi.   "May pupuntahan tayo." Ani Sevhire at sumakay kay Israel, ang sarap lang purihin kung paano siya sumakay ng kabayo!   Ang gwapo gwapo!   Nagmamadali akong sumakay na rin kay Israel, naramdaman ko agad ang init niya ng makasakay na ako. Kumapit ako sa balikat ni Sevhire, ang tigas! Parang batak na batak. Goodness, Justine!   "Where are you taking me?" Tanong ko kay Sevhire.   "Neverland." Ani Sevhire at tumawa ng pagak.   Napanguso ako, hinayaan ko na lang siyang patakbuhin ang kabayo. May lugar pa ba rito? Parang wala naman. Kahit na matagal na ako dito sa Vista Verde ay hindi ko naman kabisado yung mga daan.   Tahimik lang si Sevhire kaya ninamnam ko nalang yung mga nakikita ko sa paligid. Pabagal ng pa bagal ang takbo ni Israel, kunot noo kong tinignan ang lugar kung saan ako dinala ni Sevhire.   Para siyang playground. May karatolang luma ang nakatayo. Phase 2 ang nakalagay doon.   "Ano 'to?" Tanong ko, bumaba si Sevhire sa kabayo at inalalayan din ako.   "D'eondre's playground." Aniya at naglakad na kaming dalawa.   Talaga? May playground pala ang D'eondre? Bakit ngayon ko lang alam? May Monkey bar, slide at swing ang nandito. Tumakbo agad ako sa may swing.   "Dito ka!" Nguso ko sa katabi kong swing. Mabilis naman na pumunta si Sevhire at umupo.   "Ayaw mong itulak ko?" Tanong niya.   Tumango ako. "Dito ka na lang sa tabi ko."   Hindi ko naman intensyon na lagyang kahulugan yung sinabi ko. Natahimik siya, ako rin. Tanging simoy na lang ng hangin ang nararamdaman ko, ginalaw galaw ko yung swing para may mapaglibangan.   "Do you want a mature relationship?" He asked na kinagulat ko.   Kusang tumigil ang paa ko sa paglalaro ng swing at tinignan siyang nakatingin na pala sa akin.   "O-Of course... lahat naman ata ng babae gusto ng ganoong relasyon." Sagot ko.   "You talked about it like an expert." Aniya at ngumisi. "Why do you want a mature relationship?"   Teka. Hindi ko naman alam na magtatanong siya ng ganito sa akin. Wala akong makapang sagot. Sige, kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko.   "Syempre, all girls want a guy that can act like a big brother to them. Alam mo yun? When we're acting silly or childish may lalaking magpapaka mature para sa amin? I mean, yung kaya kaming pagtiyagaan? Ahh! Ang hirap.."   "Mature relationship ba 'yon? Parang hindi naman." Ani Sevhire at nakita kong ginalaw niya yung swing niya.   "Para sa akin mature yun! Ang dull naman kung lagi kaming serious diba? Okay din kaya yung may kalokohan minsan." Sagot ko.   "Anong gusto mo sa lalaki?"   Doon na talaga ako natigilan. I looked at him. Gusto ko sanang sabihing, yung katulad niya. Pero ayoko. I'm not that desperate to have his attention.   "Yung lalaking kaya akong tagalan. Yung lalaking kayang makipag kulitan sa akin, yung lalaking open minded sa lahat ng bagay, yung lalaking irerespeto ako sa mga desisyon ko, yung lalaking kayang maghintay, yung ako lang ang mahal, yung hindi ako pagseselosin.. kasi selosa ako, e. I want a guy who can make me feel that I am the air to his life..." Yung katulad mo.   "Ang dami mo namang gusto." May nababakasan akong panunuya sa tono niya. "What if that guy is older than you?"   "Huh?" Hindi ko siya maintindihan.   Hindi nakatingin si Sevhire sa akin at narinig ko ang kanyang pag tikhim. "No, scratch that. What if you're in a relationship then you found someone better? Yung mas bata-"   "Yung mas immature?" Hindi ko na siya pinatapos. Tumingala ako at ginalaw ang swing. "Ayoko sa lalaking ka edad ko o mas bata sa akin. They're pretty immature, arrogant, lahat na! Masyadong mababaw ang tingin nila sa pag-ibig. Kaya mas gusto ko yung lalaking mas matanda sa akin."   "What's the difference?" I was pretty amazed by his accent pero hindi ko na pinahalata iyon sa kanya.   Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Experience. Yun ang pagkakaiba nila. Mas maraming experience yung mga older guys."   Kumurba sa kanyang labi ang tipid na ngiti. "You're just 15 yet you talked like a lady."   "It's not about the age."   "I know." Aniya at mas lalong lumawak ang ngiti.   Biglang tumahimik ulit ang paligid. Sa daming tao na pwedeng pagtanungan ni Sevhire bakit ako pa? Hindi kaya tinetest niya ako kung gaano ako ka matured? Kung ganoon nga, ano kaya ang resulta?   "Sevhire..."   "Hmm?"   Binaba ko ang kamay ko na nakahawak sa magkibalang dulo. "Sana... maging crush mo ako kahit na isang araw lang."   There! Nalagpasan ko na ata ang pagiging desperada ng malalandi naming kaklase. I can't help it! This is the chance and I just grabbed the opportunity!   "Bakit gusto mo isang araw lang?"   Halos lagutan ako ng hininga sa sagot niya.   "Pag ba.... pag ba sinabi kong.. m-maging crush mo ako forever, papayag ka?" Utal utal na sabi ko.   Umiling siya. Parang hindi pinag-isipan yung sagot at sinasabi ko pa lang yung mga salitang 'yon ay alam na niya ang isasagot niya.   You're really breaking my heart, Arrhenius!   "Ahhh." Tumayo ako at tumalikod. Alam kong halata na sa ilong ko ang pamumula nito. "Uwi na ako."   I know, that's a very childish move. Anong magagawa ko? Gusto ko na lang ikulong ang sarili ko sa kwarto at umiyak!   "Do you want to know my reason?" Naramdaman kong tumayo na rin siya.   "H-Huwag na..." Sabi ko habang pinunasan ang luha na tumakas sa aking mata.   "Why not?" Aniya, he held my hand. Pinipilit niya akong iharap sa kanya.   "Ayoko, e."   "Nagtatampo ka, bulilit?"   Hindi ko siya sinagot. That endearment!   "Bulilit." Naramdaman ko ang biglang pagpaos ng boses niya.   "Nagka girlfriend ka na ba?" Tanong ko bigla to distract myself.   "Yes." Ani Sevhire.   Hindi ko pa rin siya nililingon. Nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya. Ang swerte naman nung naging girlfriend ni Sevhire. "Bakit kayo nag break?"   "Malabo kaming nagsimula kaya malabo rin kaming nag tapos." He said na parang ayaw na talaga niyang pag-usapan. "We were both young at that time. Walang ibang inisip kundi yung nararamdaman namin, I am not really sure about my feelings."   "Infatuation?" Dagdag ko.   "Yes. I was just infatuated."   Tumango ako. Hindi ko alam kung naka ilang minuto na kaming ganito ang pwesto. Basta ako, ayoko muna siyang makita dahil ayokong bumigay agad. Ito na yung pangalawang beses na sinubukan kong ibaba ang sarili ko sa kanya. And for the second time around, I failed. I don't want to be mad at him. Dapat nga ay matuwa pa ako dahil hindi niya ako pinapaasa, he can pretend that he likes me too pero hindi niya ginawa. At iyon din ang isang rason kung bakit patuloy ko siyang nagugustuhan.   Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil kay Carmen, nagpasama kasi siya sa paggawa ng projects. Wala namang nangyari sa amin ni Sevhire pagkatapos ng tagpong 'yun. Hinatid na niya ako at nakipagkwentuhan pa siya kasama ang mga kapatid ko.   "Tulala ka diyan?" Nagulat ako nang pumitik sa hangin si Carmen.   "Wa-Wala.." Pagsisinungaling ko.   Sinarado niya ang kanyang notebook at tinignan ako ng mariin. Nandito kami ngayon sa bahay niya sa Paleo Verde.   "Buti pinayagan ka ni Kuya KD?" Tanong niya.   Umupo ako ng maayos at kumain ng chips na nakalapag sa mesa. "Sabi ko gagawa ako ng project."   "Anong nangyari kahapon? Bat ka umalis? Wala si Kiana diba?"   "Wala.. Pinakita lang ni Sev yung regalo niya."   Humilig si Carmen sa akin. "Anong regalo?"   "Tree.. house?"   Nagulat ako nang bigla niyang hampasin yung lamesa. "Di nga? Effort, a!"   "Sakto lang.."   "Oh bakit parang nawalan ka nanaman ng gana? Justine, stop stressing yourself!"   "I'm not stressing myself. Okay lang ako."   "Talaga?"   Bumuntong hininga ako bago tuluyang humilig sa upuan. "Ang sakit Carmen. Ang sakit umasa sa wala. Tangina."   "Oy! f**k. Yung bibig mo!" Makasigaw naman 'to parang hindi nagmumura. "Mag kwento ka nga!"   Inusog ni Carmen yung upuan para makalapit ako sa kanya. Yumuko ako at pinatong ang ulo ko sa mesa. "Kasi, e. Alam mo yung parang meron pero wala naman? Alam mo yung gusto kong sumuko pero hindi ko magawa kasi umaasa ako, e. I'm hoping for something... something--"   "Something what? Something miracle na mangyayari? At bakit? Justine.. Ito lang talaga ang masasabi ko, you're young, you're just 15 and you're just infatuated. Stop dreaming and stop imagining, you'll get over it sooner or later. Si Trent nalang huwag na yung Sevhire."   "Kung makapag salita ka, parang alam mo naman yung nararamdaman ko." Buntong hininga ko.   "Minsan sa sobrang pag o-over flow ng feelings, akala ng iba love na talaga yung nararamdaman nila. Parang ikaw, akala mo inlove ka na, masyado ka lang kasing na excite, e. Masyadong bago yung nararamdaman mo, kaya ayun. Namamaling-akala na."   I raised my hand to stop her. "Oo na! Ang sakit na, ha? Tama na."   "Try to measure things first before making a decision. You can never undo it once it's made."   Kaya naman simula nung araw na yun ay iniwasan ko na si Sevhire, hindi ko na sinagot ang mga tawag niya sa akin o text. Pinilit ko ang sarili kong iwasan ko siya. Pag-uwi ko galing kina Carmen ay nagulat ako nang makita ko ang Ranger niya. He's here. Damn.   Dumapo ang tingin niya sa akin. Nasa labas siya kasama ang mga Kuya ko, nagtatawanan silang tatlo at damn! Hindi ko magawang hindi siya tignan!   "Just! Come here. May tacos dito." Anyaya ni Kuya Trav.   Ngumiti lang ako at umiling, nagmadali akong pumasok at umakyat sa kwarto nang higitin niya ang braso ko.   "Justine.."   "Sevhire... A-Ano ba?" Sinubukan kong kumawala sa kanya pero hindi ko magawa. "Bitaw po.."   "Bulilit.. ayoko." Kalmado niyang wika at pinilit akong iharap sa kanya.   "Sevhire, bumalik ka na kina Kuya, baka magtaka yun."   "They won't." Aniya at mas lalo akong linapit sa kanya. "Are you avoiding me?"   Yumuko ako. I can't. "Hindi."   "Stop avoiding me, Just." Aniya, ramdam ko ang mga tuhod kong nanginginig na..   "Hindi nga kasi!" Iritado ko ng wika sa kanya.   "Hindi talaga?" Napasinghap ako ng bigla niyang haplusin ang aking pisngi.   "Sevhire... makikita ka nila kuya--"   "Sorry.." Aniya at hinaplos ang aking buhok. "Sorry. Susugal na ako, Just.. Susugal na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD