Umiwas ako ng tingin kay Sevhire at marahang umatras. Kailangan ko ng sapat na hangin para makahinga ng mabuti. Anong sinasabi niya? Saan siya susugal?
"Just.."
"Sevhire." Banggit ko, "A-Anong.. hindi ko gets."
Nakita ko ang biglang paglitaw ng ngiti sa kanyang labi. He put his hands inside his pockets, pinilig niya ang kanyang ulo. "Bakit hindi mo gets?"
What? Ano ba kasing susugal? He left me clueless. Bigla na lang siyang tumalikod at umalis! Gustong-gusto ko siyang tawagin at hilahin papunta sa akin. Ano nanaman ba 'tong puzzle na 'to? Kailangan ba lagi na lang ako ang magso'solve sa kanya.
He's really a mystery to me.
Kaya wala akong nagawa, pumunta ako sa sala para daluhan sina Kuya at Sevhire, they're drinking alcoholic beverages. Jack Daniels? Hindi ko alam.
"So what's your plan for your business?" Ani Kuya KD at sinimsim ang laman ng kanyang baso.
"I don't know. Hindi pa naa-assign ni Dad kung anong maiiwan sa aming tatlo." Kibit balikat ni Sevhire.
"Stan and Syche, right?" Tanong ni Kuya Traveon.
Tumango naman si Sevhire at nagsalin ng panibagong iinumin. Hindi nila ako napapansin dahil nakaupo lang ako sa couch at hawak hawak ko ang tablet, patay malisya ko silang pinapakinggan.
"We will think about that, Sev. Maganda ba talaga sa Quezon City?" Rinig kong tanong ni Kuya KD.
"Yes! Kitang kita naman sa ebidensya.." Tawa ni Sevhire.
Kumunot ang noo ko. Anong ebidensya? Pasimple akong lumingon sa kanila, I squinted my eyes to see them, nakikita kong may pinapakita si Sevhire sa kanyang phone. Ano kaya iyon? Kung lumapit kaya ako?
Napailing ako. No! That's a bad move! Baka pag-isipan nila akong nakikinig sa usapan na may usapan.
"She's really something." Rinig kong komento ni Kuya Traveon. "Kailan ko ba makikita ulit si Cadence?"
Parang nawala ang nakadagan sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni Ate. So it was Ate Cadence, huh? Iyon pala ang ebidensiya na pinakita ni Sevhire sa kanila. Gusto kong tuksuhin si Kuya Traveon ngayon. Talagang naging crush niya pala si Ate Cadence.
"Man, you're having a crush on Sevhire's auntie." Halakhak ni Kuya KD.
Inayos ko ang upo ko para mas makita ko sila.
"I don't think so. Iba lang talaga pakiramdam ko sa kanya and she's taken anyway." Ani Kuya Traveon.
Tumayo na ako, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-angat ng tingin ni Sevhire. Nakuha ko pala ang atensyon niya.
"Nanay Luella, nasaan po yung ibang mga tao?" Tanong ko para maka-iwas sa mga nanunusok na tingin ni Sevhire.
Lumapit sa akin si Nanay at hinaplos ang aking buhok. "Nag-aani na ng mga ubas para sa bagyo."
Tumango ako. I want to experience that too!
"Pwede po ba akong sumunod?"
"Sumunod saan, Justine?"
Nakanguso akong lumingon sa mga Kuya ko. "Doon sa taniman, I want to harvest grapes too! You can come with me if you want."
"But we're busy." Dahilan ni Kuya KD kaya bagsak ang aking balikat.
Eh ano naman? I can do it alone. Hindi na ako bata. Tinignan ko si Nanay Luella, nagbabakasakaling mailigtas niya ako sa aking mga kapatid.
"Sabi ng Kuya mo..."
"I can come with her. I'm not busy."
Awtomatiko ang biglang paglamig ng kamay ko nang maulinlingan ko ang kanyang boses. Nahirapan akong lumingon sa kanya, nang maamoy ko na ang natural niyang bango ay lalo akong nanghina.
"Are you sure Sevhire? Pwedeng si Nay Luella na lang ang sumama kay Justine?" Taas ang isang kilay ni Kuya Trav.
"Kuya! Maybe Nanay Luella is busy.." Nilingon ko si Nanay. "Right Nanay?"
Nakangiting tumango si Nanay Luella, para ngang nagaalangan pa siya sa ngiti niyang iyon, e.
"Okay. Para ma tour din si Sevhire sa ibang sakahan. Tour him, Justine, okay?" Ani Kuya KD.
Gusto kong tumalon sa saya! Parang nawala ako sa sarili at hinila si Sevhire palabas ng bahay, pinalabas ko rin si Israel. Hindi mapakali ang aking puso sa kaisipang mauulit lahat ng mga nangyari noong isang araw.
"Hindi ka nila kayang tanggihan. Your charm is just too strong." Ngisi ni Sevhire at pinatakbo ang kabayo.
Lihim akong napangiti. "Hindi, ha! Minsan lang 'tong pag payag nila.. kasama ka kasi."
"Dapat pala lagi mo akong kasama para pumayag sila." Ani Sevhire, nang may madaanan kaming mabato ay napakapit ako sa balikat niya. "No not there."
I don't get him. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, alam kong ramdam na niya ang lamig ng mga ito. I was so shocked when he placed my hands near his stomach. Parang niyayakap ko na siya!
"Hold tight at huwag bababa." Ani Sevhire at mas lalong binilisan ang pangangabayo.
I can't focus myself. Hindi ito ang unang beses na yumakap ako sa kanya pero pakiramdam ko laging first time. Parang gusto ko na lang na yakapin siya ng matagalan hanggang sa maubos ko ang bango niya!
Nang makarating na kami sa sakahan ay una akong bumaba at tumakbo kina Ate Ising at Kuya Cardo.
"Pwede pa subok?" Tanong ko at ngumiti sa kanila.
"Justine! Pinayagan po ba kayo ni Senyorito Traveon?" Gulat na tanong ni Ate Ising.
Tumango ako. "Opo." Ngiti ko.
Wala silang nagawa, tinuruan lang nila ako sa pagkuha ng ubas. Siguro sobrang tamis ng mga ito dahil nilalanggam sila! Masarap kaya?
Abala ako sa pagkuha at paglagay ng mga ubas sa basket, hindi ko naman nararamdaman si Sevhire. Tumigil ako saglit at saktong pagtingin ko sa likod ay nakita kong kumukuha din pala siya.
Lumabi ako. "Sev.." I called his nickname.
Mabilis naman siyang lumingon. "Bulilit?"
Nginuso ko ang aking tabi. "Dito ka."
Wala pang isang segundo ay nakita ko na siyang lumipat sa tabi ko dala dala yung basket. He's really adorable! Lalo na kapag yung expression ng mukha ay yung hindi alam ang gagawin.
Habang kumukuha ako ng ubas ay biglang pumasok sa isip ko yung mga nasabi niya kanina.
"Sevhire, saan ka susugal?" Tanong ko.
Napansin kong napatingin siya saglit sa akin tapos ay binalik ang atensyon sa mga ubas. "Why do you want to know?"
"Masama ba?"
"Sayo." Napapaos na wika niya sa akin.
Literal na natigilan ako sa pagkuha ng prutas. "Ha?"
"Ulitin ko pa ba?" Tanong niyang nanunuya.
Hindi ko alam! Pakiramdam ko kapag inulit niya iyon ay mawawalan ako ng oxygen!
"Bahala ka.." s**t!
"But I want you to look at me." Mas lalo akong nanigas sa kanyang sinabi.
Parang nag stuck ang kamay ko sa ere nang marahan niyang hinawakan ang baba ko para paharapin ako sa kanya. Kitang kita ko ang mata niyang nagdadala ng mga emosyong kailanman ay hindi ko mabasa.
Napapikit ako nang haplusin niya ang aking pisngi. "You're too young that's the reason why I'm still scared. But I want to risk.. so bad."
"H-Ha?" Parang nanuyo ang lalamunan ko at biglang nahirapan akong lumunok.
"Susugal ako sayo." He said those words without leaving my stare. Ako ang umiwas ng tingin, tumikhim ako at nagpanggap na walang narinig.
Justine, don't fall too fast! Yes! I've already fallen pero sana huwag masyadong pahalata!
Tumawa ako ng peke para mabawasan ang tensyon. "Sevhire naman! Alam kong alam mo na crush kita pero huwag ka namang paasa."
Hindi ko sinasadyang sabihin iyon sa kanya pero... nasabi ko na, e!
Nagulat siya sa sinabi ko. Lalo akong naasar nang tignan niya ako. "Ako? Paasa?"
I want to slap myself! "Wa-Wala..."
"Sinong paasa? Ako?" At talagang inulit niya pa ha!
"Uwi na kaya tayo?" Tinignan ko siya at inirapan.
Tumayo si Sevhire at naglahad ng kamay. So, uuwi na nga? Nagpapa bebe lang ako, a! "Yeah. Aalis na rin pala ako."
"Saan ka pupunta?" Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at tumayo.
"Home." Ngiti niya.
Tumango ako. "Hinahanap ka na ng girlfriend mo?"
Natawa siya. "I don't have a girlfriend... Ka MU meron."
MU? Mutual Understanding? Gusto ko siyang sapakin sa sinabi niya.
"Gusto mo siyang makilala?" Tanong niya pa, ngayon talagang inaasar na ako ni Sevhire!
Umiling ako, this time hindi ko tinanggap yung pag-alalay niya sa akin sa pagsakay ng kabayo. "Huwag na. Ayoko rin namang makilala yun."
I can hear his manly laugh. "Are you sure? Kilalang kilala mo pa naman siya."
"Okay okay! Sino ba?" Inis na sabi ko.
Bigla niyang hinila ang kamay ko at iginaya ulit palapit sa kanya. "Si Justine Villania Monteverde."
Hindi agad ako nakapagsalita. Mula pag uwi ko ay hindi ko siya nakausap, hindi rin naman siya kumibo kaya hindi ko talaga alam ang nangyari. Nagkulong lang ako sa kwarto ko, I tried to divert my attention on other things pero hindi ko magawa! Hindi ko nga mabasa ng maayos yung niregalo sa aking libro ni Kuya KD na Hello, Peter Pan.
Napabalikwas ako ng higa ng may nagvibrate. Para bang naka automatic na ang puso ko na biglang bibilis sa pagtibok.
Sevhire:
Just, do you have a sister?
Kunot noo kong tinignan ang mensahe niya. Hindi naman siya na wrong send dahil naka type doon ang nickname ko. Pero bakit niya natanong iyon? Medyo natagalan ako sa pagsagot.
Ako:
Yes. Pero wala na.
Naalala ko kasi yung kwento sa akin ni Kuya KD, our mom gave birth to a baby girl before she died. Sadly, hindi nailigtas yung supposed to be ate ko dahil sa sunog. Nag vibrate ulit ang phone ko.
Sevhire:
What if all along your sister is alive?