"What are you saying, Sev? Hindi pwede yung sinasabi mo."
Halos thirty minutes na ata kaming nag-uusap ni Sevhire and we're talking about Ate Cadence--being my sister daw. I was so shocked. Why her? Hindi ko maintindihan.
"Just! You have to believe me! Si dad na mismo ang nagsabi sa amin." He said. "My auntie is your sister."
Napanganga ako ulit. "Hindi ko...hindi.. Sevhire! Hindi ko maintindihan!"
"Shh. Calm down, bulilit." Pagpapakalma niya sa akin. "Can you promise me one thing?"
Kumunot ang noo ko. Mas nilapit ko yung phone sa akin. "Ano yun?"
"Don't tell your brothers about this." Aniya na siyang kinabigla ko.
What? Mas lalo naman akong mahihirapan nun!
"Understand me, Just. Kailangan muna natin mapatunayan na si Cadence nga ang kapatid mo. Kaya huwag mo muna sabihin sa kanila. Besides, I bet they'll be f*****g mad at us."
"I'm sure 'bout that. Lalong lalo na si Kuya Trav. Sarili niya yung sinisisi niya sa pagkawala ng kapatid ko.."
"So you need to be quiet. Magtanong ka lang sa kanila.."
"How? Paniguradong magtataka sila, Sev."
Matagal na kasi naming hindi napag-uusapan tungkol sa namatay naming kapatid. My brothers don't want to talk about it anymore. Lalo lang daw tumitindi ang galit nila sa mga Syferath.
"Huwag ka lang pahalata, please Just.."
Lahat ata ng pangamba ko ay nawala nang marinig ko ang tono na iyon kay Sevhire, he's pleasing me and I don't know what to feel! Ang cute niya kasi kapag ginagawa niya iyon.
Tumango na lang ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita, we ended the call. Buong gabing 'yon ay hindi ako makatulog, iniisip ko pa lang na kapatid ko si Ate Cadence ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko.
Ate Cadence is kind, the thought of her being my real sister is good. Pero paano siya? How will she take this? Masyado niyang mahal ang mga Syferath. Paano na lang kung hindi siya sumama sa amin?
Kapag sumasagi sa isip ko na umiiyak si Ate ay masakit na sa akin.
Kinaumagahan ay nagmadali akong bumaba sa kwarto. Nakita ko agad yung text message ni Sevhire sa akin. Nag good morning din ako sa kanya, pagbaba ko sa hagdan ay si Kuya Trav agad ang naabutan ko. He's reading newspaper.
"Hi.." Bati ko sa kanya, "good morning."
Saglit na binaba ni Kuya Trav yung binabasa niyang dyaryo para masulyapan ako. "Good morning, sunshine!"
"Kuya naman..." Umirap ako, lagi niya 'kong tinatawag na sunshine. Sabi niya kasi, nung dumating daw ako sa buhay niya nawala yung pangungulila ni Kuya Trav sa namatay naming kapatid.
"Shit." I cursed nang maalala ang pinag-usapan namin ni Sevhire kagabi.
"Why? What's wrong, sis?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Trav.
Umiling ako. "No-Nothing... si Kuya KD?"
"At work. Bakit?" Kumunot ang noo ng kapatid ko.
Umiling ulit ako, pinagmasdan ko lang yung pagkain na nakalatag sa harapan ko. Paano ko ba sisimulan na magtanong kay Kuya nang hindi niya nahahalata?
Pasalamat talaga yang si Sevhire at gusto ko siya!
"Hey.. Justine, hindi mo ginagalaw yang pagkain mo. May problema ba?" Umusog palapit sa akin si Kuya Trav, wala na sa kamay niya yung dyaryo na mukhang kanina niya pang binabasa.
"Kuya, bakit nawalan tayo ng isang kapatid?" I asked him. Kumuha ako ng isang tinidor at tinusok iyon sa pancake para hindi mahalatang kinakabahan na ako.
Hindi siya nakasagot agad. Pasimple ko siyang sinilip at nakita kong nakatingin siya sa kawalan. Akala ko nga hindi na niya sasagutin yung tanong ko, e.
"Because of the Syferaths. Diba naikwento ko na sayo, yan?" Aniya.
"Yes. But I don't get it. Can you give me the full details?" Tanong ko ulit.
He sighed. "Just, basta Syferath ang dahilan nun."
Sa hitsura pa lang ng kapatid ko ay halata nang ayaw niya na talagang pag-usapan ang bagay na yun. Kahit ako ay ayoko rin naman, that's really a sensitive topic for us.
"But what if she's alive?" Napapikit ako nang kusang lumabas ang mga salitang iyon sa akin.
"What do you mean?"
Mas lalo kong pinokus ang tinidor sa pancake. I'm really nervous! Nangako ako kay Sevhire na hindi sasabihin kahit kanino ang tungkol kay Ate Cadence!
"Just a hunch, you know?" I really am trying my best to light up the topic. Ayokong bumigat ang presensiya nang pinag-uusapan namin.
Naramdaman ko ang pagsandal ni Kuya sa upuan, humalukipkip siya. "Well, if that so... I don't know what do coz if she's really alive then nasa mga Syferath siya."
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niyang iyon.
"Magagalit ka ba sa kanila? Kung ganoon nga?" Tanong ko, nang magkaroon na ako ng lakas ng loob ay tinignan ko na ang kapatid ko.
"Sino bang hindi?" May tigas sa tono ni Kuya Trav. "Bakit ba natin 'to pinag-uusapan?"
"Wala.." Madali akong umiwas ng tingin sa kanya. "I just want to know your reaction."
"Really?"
Fuck! My brother is f*****g smart! Alam ko 'yon. Siguro sa ngayon ay nahahalata na niya na may tinatago ako sa kanya. Kalmado akong tumayo sa kinauupuan ko.
"Yes! Kuya talaga... Sige, akyat muna ako ha?" Paalam ko, nag-angat lang siya ng tingin sa akin. Nananatili siyang nakasandal at nakahalukipkip. Akala ko ay gigisain niya ako sa tanong pero laking gulat ko nang bigla siyang tumango.
Kaya nagmadali ako sa pag akyat. Plano ko talaga na pumunta sa storage room. Sakto naman na naglilinis sina Nanay Luella doon, alam ko kasi na may mga hidden photos pa ang nasa storage room.
Sana may makita pa 'kong ebidensiya.
"Hi Nanay!" Bati ko kay Nanay Luella na nagwawalis at palabas na ng bodega.
Natigil siya sa ginagawa niyang pagwawalis para yakapin ako. "Anong ginagawa mo dito, nak? Maalikabok!"
"Nanay talaga.." Tumawa ako. "Tignan ko lang po yung mga lumang gamit ko." Ngiti ko.
Tumango naman si Nanay.. "Pagtapos kong magwalis dito, lumabas ka na rin, Justine, ha?"
"Opo!" Sagot ko.
Una kong pinuntahan yung malaking box. f**k! Ang alikabok! Hinawi ko yung ibang sapot ng gagamba at kinuha ang iilang litrato. Halos lumukot iyong mukha ko nang wala akong makitang ebidensya.
So it's true? Hindi talaga nasilayan nila Kuya yung kapatid namin? How will I confirm to Sevhire na si Ate Cadence nga iyon?
Sa paghahanap ko ng pictures ay isang hindi pamilyar na photo album ang nakita ko. Makapal ito at may kabigatan. Pagbuklat ko ay si Mommy agad ang nakita ko, she was with someone. Sinubukan kong ilipat ang mga litrato pero sila lang atang dalawa ang nandito.
The girl is not familiar. Siguro ay kaibigan siya ni Mommy noong kabataan niya? They're both beautiful! Makikita mo talaga dito sa photo album yung adventures nila. Sino kaya itong babaeng 'to?
"Sino kaya 'to?" Sabi ko sa aking sarili.
Habang pinagmamasdan ko yung babaeng kasama ni Mommy ay parang may namumukhaan ako sa kanya. Pero sino?
"Justine, hijah. Nahanap mo na ba yung mga gamit mo?" Narinig kong tawag ni Nanay Luella.
Sinarado ko yung album at tumayo na. "Opo!" Sabi ko, lumabas ako ng bodega. Talagang sinigurado ko na hindi mahahalata ni Nanay Luella yung dala dala kong photo album.
Mabilis akong pumasok sa kwarto. Ni-locked ko agad yun at tumungo ako sa kama.
Hindi ko pa nga nabubuksan ulit yung album ay may nahulog na agad na mga sulat. May kalumaan na yung mga sulat na 'yon dahil medyo brown na. Isa isa ko 'yong pinulot at pinilit basahin.
Pupunta ako diyan, Evangeline.
-Stella
Sino si Stella? Lalo lang akong naguluhan! Napatalon ako nang mag vibrate bigla ang phone ko.
Kuya Traveon:
Come down. We need to talk.
Shit! s**t! s**t! Nakahalata na ba siya? Patay ako! Baka mamaya ay magalit sa akin si Kuya? Tinago ko muna yung album sa ilalim ng kama ko.
Pag pihit ko ng door knob ay mukha agad ni Kuya Trav ang aking nabungaran!
"Kuya!" Napahawak ako sa dibdib.
"Sorry." He said, tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok.
"Uhh. Bakit?" Hindi ko sinarado yung pinto. Sinundan ko lang ng tingin si Kuya Traveon.
Nagkibit balikat siya. "Nothing." Aniya. "Bakit mo nga pala natanong yung tungkol sa kapatid natin?"
Hindi ko alam na iyon pala ang sasabihin niya. Lagot na! Ibig sabihin naghihinala na talaga si Kuya Traveon! He's looking at me. Hindi ko naman magawa na tignan siya ng diretsyo.
"You know what? If she's alive, ka edad niya siguro yung tita ni Sevhire.."
Humigpit ang hawak ko sa aking phone. This is bad!
"Just.." Untag niya.
Pinilit kong pakalmahin ang naghuhuramentado kong sarili. "Y-Yes?"
"Make a juice please? Leave your phone here. Lagi mo na lang dala, e."
Hindi pwede! "Kuya, may hinihintay kasi akong.... text." Dahilan ko.
I saw him licked his lips. "From?"
"From Kiana!" s**t! I'm so nervous right now! Parang may tumatambol na sa puso ko sa bilis ng pintig nito.
Akala ko papayagan na niya akong dalin ang phone ko pero laking gulat ko nang hablutin niya iyon sa akin.
"Kuya!" I protested. Sinubukan kong kunin ang phone sa kanya pero marahan niya lang akong hinawi.
"Go on, pag timplahin mo na 'ko ng juice. I won't check your phone. Promise." He said and flashed his smile.
Napanganga ako. Wala na akong nagawa. Kung ipagpipilitan ko na kunin yung cellphone ay baka lalo siyang mag hinala.
"Sige.." Pagsuko ko.
Bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si Nanay Luella na naghuhugaa ng pinggan. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng baso at malamig na tubig nang biglang may naalala ako.
"Nay, sino po yung Stella?" Tanong ko, wala namang masama diba?
Naramdaman kong natigil sa paghuhugas si Nanay Luella at saglit akong sinulyapan. "Bakit mo naman natanong hijah?"
"Wala naman po." Kibit balikat ko. "May nakita lang akong isang picture ni Mommy tapos may kasama siyang babae, Stella yung pangalan. Sino po siya?"
"Ahh! Si Stella ba? Siya iyong matalik na kaibigan ng mommy mo! Sobrang malapit yung dalawang yan sa isa't isa! Bakit hindi mo kilala si Stella? Iyon ang ina ng lalaking pumupunta dito! Si Jefferson!"
Napahinto ako. "Si-Si ... Sevhire po?"
Tumango si Nanay Luella. "Oo, hijah. Nanay ni Sevhire si Stella."
Lalo akong nanlamig sa kinatatayuan ko, iniwan ko na lang bigla yung ginagawa kong juice para sana kunin kay Kuya Trav yung phone ko at tatawagan ko si Sevhire.. Pero hindi inaasahang eksena ang nakita ko!
Si Kuya Trav. May kausap sa phone ko, at ganun na lang ang pagkalaglag ng puso ko nang may marinig akong pamilyar na boses sa kabilang linya.
"Justine, bakit hindi ka nagsasalita? I thought natanggap mo na? Alam kong mahirap paniwalaan. But, Cadence is your sister...."
Oh God!
"Sevhire!" Impit na sigaw ko. Tinapunan ako ng isang matalim na tingin ni Kuya Traveon.
"Just? Ikaw ba yon? Teka sino tong kausap--"
Pinatay ni Kuya Trav ang phone ko at marahang tinapon sa kama. Hindi ko alam ang i'rereact ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Tahimik lang na nakatayo si Kuya Traveon at nakayuko.
"So that's the reason why you're asking about our sister." Bulong niya.
"Kuya..." Sinubukan kong lumapit sa kanya, napatalon ako nang bigla niyang pinasadahan ang kanyang buhok at sinuntok ang pader! "Kuya!"
"We need to call, Kuya KD! We need to go to Quezon City!" Mariing wika ni Kuya Traveon.
Umiling ako at lumapit sa kanya. "Kuya! No! Baka magalit si Sevhire! Kuya!"
"f**k, Justine! Wala akong pakealam! We'll get her.. She's ours!"