Chapter Four

2091 Words
Kinabukasan ay naging masama ang gising ko. Hindi ko nga sigurado kung inabot ng oras yung tulog ko, e. Paulit-ulit kasi na pumapasok sa akin ang mga salita ni Kuya KD. He was pissed. Buti pa nga si Kuya Traveon ay walang imik, pero alam kong galit din siya sa akin.   "Happy birthday, hija." Humalik sa pisngi ko si Nanay Luella.   Nandito ako ngayon sa Swing. Dito ko kasi gustong mag isip-isip lalo na kung may mga problema. Tipid kong nginitian si Nanay.   "Birthday mo ngayon, bakit ang tahimik mo ata?" Tanong niya. Naupo siya sa tabi ko.   Umusog ako ng kaonti.   "Wala naman po." Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at pinaglaruan nalang iyon.   Sevhire just texted me. Noong una, kinilig talaga ako. Pero nung naalala ko kung ano ba talaga ang tingin niya sa akin ay biglang nawala ang ngiti sa aking labi.   "Justine.." Ani Nanay Luella at hinaplos ang aking buhok. "Kung ano mang problema mo, huwag mo nang isipin muna. Kaarawan mo ngayon, dapat ay masaya ka."   Ngumiti ako kay Nanay. She's right. Dapat ay huwag ko muna 'tong isipin ngayon. I spread my arms and hugged her tight. Kahit talaga wala na akong mama ay basta nandiyan si Nanay Luella, okay na.   Naging busy ang mga tao sa mansyon, they're preparing for my 15th birthday and I'm excited too. Next year 16 na ako, tapos next next year ay 17 na! Ibig sabihin, pwede na kami ni Sevhire. Hindi na bata ang tingin niya sa akin!   But sino ba ang babaeng ipapakilala niya? I don't have any idea. Sana naman ay hindi girlfriend dahil wala naman siyang nababanggit sa akin o kina Kuya. Pero what if kung girlfriend nga?   Magbebreak din sila.   I like Sevhire. So much. Lagi ko siyang nakikita nung mga 9 or 8 years old ako, kalaro niya kasi lagi sina Kuya KD at Kuya Traveon sa Basketball. Pero nung grade 6 ko talaga siya naging crush. Naaalala ko pa, I was crying like a baby when my food fell on the ground. Sevhire noticed me, lumapit siya sa akin at lumebel para magkasing pantay kami. He gave me his food and he also tapped my head.   Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. May charm kasi talaga siya na wala yung iba, e. He can be a good boy and also a bad boy at the same time. He's also a gentleman and sometimes a pervert. That's Sevhire.   "Ayan, ang ganda ganda mo talaga." Ani Ate Sunshine, yung baklang nag me-make-up sa akin.   Tumingin ako sa salamin at matamang tinignan ang hitsura ko, I really look like a kid. Bagsak ang buhok kong may malalaking curls sa gitna at kulay Blue pa ang dress ko. Idagdag pa yung red ribbon headband na suot-suot ko.   Lumabas ako sa kwarto at sinalubong ng yakap si Kuya Traveon, he's really handsome. Syempre, kuya ko yan, e.   "Happy birthday, baby." Ani Kuya Traveon, he kissed my forehead. "Baby pa rin kita diba?"   I waved my hand. "Kuya, please?"   Sabay kaming tumawa.   Naabutan ko ang iilan kong kaklase na nandito, sina Kiana, Greg, Carmen, Jessica, Trent at ang iba pa. Nasa unahang table sila. Nagpaalam muna ako kay Kuya na lalapit sa mga classmates ko.   "Happy birthday, Just!" Sabay sabay nilang bati.   Tumango ako at niyakap yung mga babae, nakipag apir naman ako kina Greg at Trent.   "You're so gorgeous, Justine." Ani Trent at ngumiti sa akin.   He's good too. Bagay sa kanya ang suot niyang black polo ngayon.   "Salamat." Sabi ko.   Naupo muna ako sa table nila, yung ibang business partners ni Kuya KD ay nilapitan din ako at binati. Hindi ko dala ang phone ko ngayon kaya hindi ko alam kung nagtext na ba si Sevhire o ano.   Argh, Justine! Huwag mo muna siya isipin please?   "Uy, 15 ka na." Marahan akong siniko ni Kiana.   Ngumisi ako. "Salamat."   "Si Sevhire mo?" Tanong niya at luminga.   Nagkibit balikat ako. "Wala pa ata."   Parang namalikmata ako nang mamataan na biglang lumungkot ang mata ni Kiana. What? Gusto niya rin ba si Sev? No. Namalik mata lang ako. Ayaw nga ni Kiana sa mga matatanda.   Aksidente akong napasulyap sa bungad ng Rancho at ang laki ng kaba ko nang makita ang sasakyan ni Sevhire.   Shit!   "E-Excuse me.." Paalam ko sa mga kaibigan ko at diretsyo ang punta sa direksyon nila Sevhire.   Napahinto ako saglit nang makita kong bumaba ang isang babae. Laglag ang aking panga. She's so pretty! Parehas kaming dalawa ng haba ng buhok. Parehas din ang pagkakakulot ng mga buhok namin pati na rin ang medyo brown na pagkakulay nito.   Anong laban ko sa kanya?   Okay. I think I need to act like a child now. Tutal, iyon naman ang tingin ni Sevhire sa akin.   "Sevhire!!!"   Humangos ako sa direksyon nila. Ang tangkad nung babae kaya mas lalo akong nagmukhang bata. Binalewala ko nalang iyon. If she's really is his girlfriend then I should be happy.   Tumakbo ako at mabilis na tinapon ang sarili ko sa kanya. Hindi naman siguro magseselos yung babae kasi bata lang naman ako.   "Justine. You're so beautiful." Napapaos na wika sa akin ni Sevhire kaya mabilis akong kumalas sa kanya.   May mainit na kamay ang humaplos sa akin. s**t! His effect!   Para mawala ang tensyon ay pinagdiskitahan ko na lang ang aking buhok.   "Is she your girlfriend, Sevhire?" Tanong ko.   Mabilis siyang umiling na kinabigla ko. "That's incest, bulilit! Really." Aniya.   Hindi ko alam kung anong meron sa kanila dahil bigla siyang siniko nung babae. "Ano mo siya?"   "She's Cadence Calliope. My gorgeous auntie." Nagkatinginan yung dalawa. "She's pretty right?"   Nang dahil sa aking narinig ay paulit-ulit akong tumango. OMG! "Yes! You look like a princess! Hello,  Ate Cadence! I'm Justine!"   Totoo iyon. Maganda naman talaga siya, kaya laking pasasalamat ko na tita lang siya ni Sevhire. Pero bakit parang masyado naman siyang bata?   "Ang ganda ganda mo rin, Justine."   Titig na titig si Ate Cadence sa mukha ko, hindi ko alam pero parang may inaalala siya? Inakbayan niya ako at hinarap kay Sevhire na ngayon ay parang hindi maipinta ang hitsura.   "Picture-an mo kami, Sev!" Ani Ate Cadence, nang hindi pa kumikilos si Sevhire ay tinawag niya ulit ito.   Maganda ang naging picture namin. "Wait lang, Ate Cadence! I think Kuya is now looking for me!" Dahilan ko.   Tumakbo ako nang mabilis at hinanap agad ng aking mata si Kiana nang mahagip ko siya ay mabilis akong yumakap.   "He's here!" Kinikilig ako. Walang girlfriend si Sevhire!   "Re-Really?" Ani Kiana at hinarap ako. Ngumiti siya ng tipid. "He's with?"   "His auntie!" Gumuhit ang ngiti sa aking labi. "Wait! Babalikan ko sila." Sabi ko nang maalala na nagpaalam lang pala ako saglit.   Saan ba maipaglalagyan ang tuwa ko? Hindi ko alam. Masyado akong masaya ngayon dahil alam kong wala pang girlfriend si Sevhire.   Natanaw ko silang dalawa na nag-uusap. Para akong batang tumatakbo, walang pakialam kung madapa man. Mabilis akong yumakap ulit sa kanya.   "Let's go, Sev!" Hinila ko na siya. "Follow us, Ate Cadence!"   Habang naglalakad kami sa bungad ng party ay hindi maalis ang ngiti sa aking labi.   "You're too hyper today." Anang niya sa akin.   Humagikhik ako. "Wala lang."   Pinakilala ko kay Nanay Luella si Ate Cadence, kahit siya ay nagandahan kay Ate! Iniwan ako pansamantala ni Sevhire kasi pinapasok ni Nanay silang dalawa sa mansyon. Si Kuya KD ay wala dito at mamayang gabi pa daw siya pwede.   Naiwan akong mag-isa sa may garden. Mas gusto ko muna dito, kapag kasi naupo ako sa table ng mga kaibigan ko ay baka mahalata nila Carmen ang pagkagusto ko kay Sevhire   Obvious pa naman ako pag nagkaka crush.   "Justine." Halos mapatalon ako nang may isang mainit na palad ang humaplos sa aking siko. Hindi ko siya magawang lingunin! "Happy birthday."   I gulped. "Tha-Thank you.."   "You're 15." Aniya, siya na mismo ang nagharap sa akin.   "Oo nga, e." Iniba ko ang tingin ko.   "What are your plans?" Nanunuyang tinig ni Sevhire sa akin.   He's with his usual good boy look. Ang kanyang mga mata ay malamlam lagi. Parang inaantok? Isa rin yan siguro kung bakit ako nagkagusto sa kanya.   "Plans?" Tanong ko. Hindi ko siya maintindihan.   "Yeah." Pinilig niya ang kanyang ulo. "After your birthday? Pwede ka na bang gumala?"   Natawa ako sa mismong tanong niya. Of course not. My brothers won't allow me. Baka nga pagpatak pa ng 18 ko ako makakalabas ng mag-isa lang o makalayo man dito sa Vista Verde.   "What?" Kahit siya ay natatawa rin. "What's funny?"   Napailing nalang ako habang tumatawa. "Alam mo naman kasing imposible."   Tinawag ako ni Nanay Luella kaya naman naiwan ko si Sevhire sa garden, nakalimutan ko palang itanong sa kanya kung may regalo ba siya. Parang kasing kanina ay wala siyang dala.   Naupo ako sa pinaka unahan. Malapit sa mga kaibigan ko, ako lang mag-isa dahil may ginagawang magic tricks yung magician. Nakakamangha nga ang mga iyon.   Maya-maya ay naramdaman ko ang presensiya ni Sevhire sa aking tabi.   "Hello." Baritonong wika niya at naupo sa tabi ko.   Fuck! Wala man lang pasabi? Namula agad ako!   Inusog ni Sevhire ang upuan dahilan para mas lalo akong mahirapan sa paghinga. Hindi ba niya alam na sa ginagawa niyang paglapit ay iyon ang magiging cause of death ko?   "You're uncomfortable." He looked at me, nakakunot ang kanyang noo.   "Hi-Hindi.." Sabi ko.   "Just!"   Sabay kaming napalingon ni Sevhire sa tumawag sa akin. It was Trent and he's holding a cute teddy bear! Pumunta siya sa harapan ko at itinapat ang stuff toy sa akin.   "Happy birthday, Just." Ani Trent.   Napangiti ako at kinuha yung bear. Hinaplos haplos ko yun. "Thanks Trent!" Tumayo ako at niyakap siya.   "Ayieeeeeeee!" Biglang nanuya nanaman ang mga kaklase namin. Lalo na si Kiana na kinikilig!   May naisip ako. Palihim kong sinulyapan si Sevhire na ngayon ay nakakuyom ang kamao. Binalik ko ang tingin kay Trent.   "Trent! Thank you talaga." Malambing na sabi ko. "Ang cute nung bear. Pinaka magandang regalo na natanggap ko. Buti ka pa." Nilakasan ko talaga yung huling sinabi ko.   Nakita ko ang pagpula ng pisngi ni Trent. Nilagay niya pa ang kamay sa batok. "Wa-Wala yun."   "Yung samin, Just! Nasa harapan, ha? Ayoko ibigay. Kasi ang corny." Ani Greg, he flashed his naughty smile.   "Justine! Gummy worms lang yung akin!" Ani Carmen.   "Akin panyo!"   Napahagalpak kami ng tawa kay Kiana. Lumapit ako sa kanila. Hindi ko namalayan na kanina pa pala nakahawak sa kamay ko si Trent. Nagbiruan kami at patuloy ang pang-aasar nila sa aming dalawa ni Trent.   "Huy! Iniwan mo na yung gwapong lalaki." Bulong ni Carmen sa akin at nginuso si Sevhire na parang bagot na bagot sa pinapanuod.   Shit! Masyado akong na carried away sa plano kong pagpapaselos!   "Guys! Be back later!" Paalam ko at pumunta na kay Sevhire.   Inayos ko ang buhok ko, nang paupo na ako sa tabi niya ay bigla naman siyang tumayo.   "Let's talk." Nagyelo ako sa boses niyang malamig.   I don't have any choice. Kapag nagsalita siya at nag-utos ay parang obligado mong sundin ang mga 'yon.   Sinundan ko siya at tumigil kami sa may Garden. Hindi pa rin siya humaharap sa akin. Both of his hands are inside his pockets.   "Who is that boy?" Ani Sevhire, humarap na siya.   "H-Huh?"   "The one who gave you the ugly bear." Aniya. Nabigla ako, ugly ba 'yon?   "Hindi naman pangit yung bear. Ang cute nga, e."   Tumingala si Sevhire. Wrong move ba ang pagsagot ko? Sa kanyang paglunok ay nakita kong gumalaw ang kanyang adam's apple! I nearly died!   "Pangit yun." 'Yon lang ang nasabi niya.   Sa tensyon sa aming dalawa na namumuo ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. My plan worked!   "Bakit? Trent is a good guy." Humalukipkip ako. "Gusto niya ako, probably after this he'll court me."   "And you will allow him?"   Tumango ako. "I'm already 15."   "You're just 15!" Tumaas ang tono ng boses ni Sevhire. "Hindi ka pa pwedeng mag boyfriend!"   "Bakit? Nasa edad ba ang pag boboyfriend? Paano kung si Trent na pala? What if he's the one? What if he's my soulmate--"   "What if he's not? And what if I am?"   Parehas kaming napatigil sa bigla niyang sinabi. Para naman siyang nabuhusan ng isang malamig na tubig at natauhan.   "Okay. Kung gusto mo magpaligaw sa Trent na yun. Then go." Aniya at akmang lalagpasan na niya ako.   Hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko ang braso niya at pinigilan. "Do you like me too? Sevhire, gusto mo rin ba ako? Kagaya ng pagkagusto ko sayo?"   "What are you saying?" Salubong ang kanyang kilay.   "Sevhire!" Napapadyak na ako. "I like you! I like you so much! Gusto mo rin ba ako?"   "Justine.. stop,"   "No! Ayoko! I like you Sevhire! There, umamin na ako. Now it's your turn! You like me too right?" I'm so desperate here!   "No."   Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya. Parang nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni Sevhire.   "Paano mo nasabi yung mga yun? You can't deny your actions! You're jealous!" Pagpupumilit ko pa. Nagbabaka sakaling mabuhay ko ang puso kong naghihingalo na.   "I am not, Justine. Bigla nalang lumabas yun sa akin--"   "Kasi nga gusto mo ako!"   "Hindi nga! You're a kid! Paano kita magugustuhan?"   Sinaksak ang puso ko don. Sinaksak at paulit-ulit na tinapakan.   "You want that boy to court you right? Then go, Justine." Aniya at iniwan ako.   I'm mentally killing myself now. I told you, Justine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD