"Paano ba natin gagawin yan?" Nakapameywang na tanong ni Jessica.
Nasa taas kami at nakaupo sa malaking bato, kinakabahan na nga ako at nanlalamig na ang mga kamay ko. We're not in Sitio Lucas anymore, nasa mismong gubat na kami! And guess what? It's already five in the afternoon!
"We've already finished the script." Ani Carmen at iniwagayway ang hawak hawak na papel.
Kinuha ni Kiana ang papel na hawak ni Carmen. Binigay niya yung isa sakin. " I-practice mo."
Bumaba ang tingin ko sa papel at kinuha yun. Binasa ko yung mga nakalagay at mabilis na kumunot ang noo ko dahil sa iilang scenes na nakalagay doon.
"Akala ko ba horror? E, bakit marami kaming sweet scenes ni Trent?" Hindi ko na naiwasan ang pagtatanong.
"Uhh. Justine, ako yung nag suggest. Don't blame Kiana." Ani Trent na ngayon ay kaharap ko na.
Tumango na lang ako. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Greg at biglang pagbubulungan niya kay Trent. I hate this day. Must be an off day for me, nawalan ako bigla ng gana.
"Tara na?" Anyaya ko sa kanila.
"Wait! We should prepare the props first! Tapos practice before the shoot." Nagtaas ng kamay si Jessica.
"You're too excited, Justine. Akala ko nakapag paalam ka na kay Kuya Karl?" Tanong ni Greg.
I just sighed at tumalon pababa sa bato. I don't want to have useless argument with them. Alam kong kwekwestiyunin nila ang pagmamadali ko. Wala, e. I really am not in a mood. Sana naman sa birthday ko, hindi ganito.
"Ganyan daw talaga pag malapit na mag birthday, nag PMS." Rinig kong bulong ni Carmen sa mga kaibigan namin.
Pumwesto na ako malapit sa puno ng acacia at sumandal. Binasa ko ang script at sinubukang isaulo 'yon.
"Just! Practice tayo." Lumapit sa akin si Jessica. Nakalugay na ang mahaba niyang buhok.
Tumango ako. "May scene ba tayong dalawa?"
"Oo." Sagot niya, "yung part na kinuha na si Carms ng multo." Ani Jessica na nagpatayo ng balahibo ko.
Fuck this project! Third year pa lang kami tapos ay ganito na ang ginagawa? Ang depensa naman nila ay sinasanay na daw kami para sa senior high. Okay, naiintindihan ko pero dapat ay hindi naman ganito ka komplikado.
Wala naman akong naalala na pinangarap kong maging artista.
Nagsimula na kaming umarte ni Jessica, unang part yung nag-uusap kaming dalawa. Ang scene kasi ay masisiraan ng sasakyan ang barkada. Hindi na nga ipapakita na nakasakay talaga kami sa sasakyan, yung naghahanap na agad kami ng matutuluyan.
"O my God! Rysa, nawawala na tayo!" Ani Jessica, Rysa kasi ang pangalan ko sa movie trailer na ginagawa namin at siya naman si Lottie.
"Lott, calm down, okay? Mahahanap din natin sina Vaness, Cole at Ton." Pagpapakalma ko sa kanya.
Bale si Kiana ang kumukuha sa amin kaya wala siyang scene dito, si Vaness si Carmen, si Cole si Trent at si Greg naman si Ton.
"Pero kahit na! Rysa, we're in the middle of--"
Napatigil sa pagsasalita si Jessica nang makarinig kami ng isang kaluskos. Napapikit ako at pasimpleng tumingin kay Kiana na halatang nagulat din. Yes! Hindi kasama yung kaluskos. Hindi talaga!
"Rysa! Lottie!" Biglang pumasok sa eksena si Trent. "Akala ko nawala na kayo!"
"Ano ba kasing meron dito sa lugar na 'to? I want to go home na!" Padabog na sabi ni Jessica.
Lumabas si Carmen kaya sabay kaming napatingin sa kanya. Minakeup-an siya ni Kiana that's why she's pale. Nakatitig lang siya sa amin at kahit na alam kong arte lang ang lahat ng ito ay kinakabahan ako.
"Help me-Ahhhhhhhh!!!" Matinis na sigaw ni Carmen ang umalingawngaw sa buong kagubatan, bigla siyang hinila sa paa. May nakatali kasing lubid sa paa ni Carm at si Greg ang hihila nun.
"Vaness!!" Sabay sabay na sigaw namin.
"CUT!" Ani Kiana, kaya napalingon kami agad sa kanya.
"What? Why? Hindi pa tapos yun ha?" Reklamo ni Jessica.
"Let's just continue this tomorrow."
Parang aligaga si Kiana, pinanuod ko ang bawat kilos niya. Nagmamadali niyang nilagay ang camera at tripod niya sa kanyang backpack. Nakita ko ang butil ng kanyang pawis sa noo. What's happening?
"We can't, Kiana. Birthday bukas ni Justine." Angal ni Jessica.
Si Carmen ay lumabas na kasama si Greg.
"Some other day, then. " Tila naiirita na sabi ni Kiana habang nilalagay ang backpack sa likod nito.
Umirap si Jessica, mabilis siyang kinausap ni Trent. Ako naman ay lumapit kay Kiana at bumulong.
"Bakit?" Bulong ko.
Tumingin siya sa paligid. "I'm sorry, Just. Dapat ay nakinig ako sayo." Aniya na parang kinakabahan.
"Anong nangyayari ba?" Tanong ko ulit. She's really scared!
"I saw a shadow. Hindi ko alam kung ano yun basta malapit lang sa atin. Kailangan mong pilitin si Jessica. Kinakabahan ako. Nasa gubat tayo, what if yung mga Acosta yun? I don't want to die, Just! Sabihin mo--"
"Okay. Okay. Calm down! Kung meron ka ngang nakita huwag kang papahalata. Okay? Stay here."
Kahit na lumalamig na ang palad ko ay sinubukan ko paring gumalaw ng normal. Alas siyete na ng gabi, nasa loob pa kami ng gubat. Sino bang hindi kakabahan? Idagdag mo pa yung nakita ni Kiana.
"Sa susunod nalang 'to." Humarap ako sa tatlo. "Examination day pa naman diba?"
"Oo nga, Jessica. I'm hungry! We need to go home." Ani Carmen at hinila si Jessica.
Ngumiti nalang ako dahil mukhang napapayag ko na sila.
"Just, hatid na kita." Ani Trent.
"What? Bro, mapapagalitan tayo." Ani Greg, mag pinsan kasi sila.
"I don't care, Greg. Gabi na at baka mapahamak pa si Justine." Depensa ni Trent.
Umiling nalang ako kay Trent at lumapit kay Kiana. "Okay lang ako, mauna na kayo."
"Sure ka? Kayong dalawa lang ni Kiana ang maiiwan?" Pahabol ni Carmen pero mukhang kanina pang uwing-uwi.
Tumango ako. "Yes, may aayusin lang kami." Sabi ko.
Nakita ko ang huling sulyap sa akin ni Trent bago sila umalis, si Kiana ay panay kapkap sa bag niya tapos ay nilahad ang phone ko.
"Let's go?" Ani Kiana.
Tumango ako.
Ilang ulit ko ng tinext si Kuya Lito, nasa palabas na kami ng Sitio Lucas ni Kiana. Kami lang dalawa ang naglalakad sa gitna ng gabi. Hindi ko na maitago ang pinaghalong takot at kaba. 7:30pm na!
"Hindi pa rin ba sumasagot si Kuya Lito?" Tanong ni Kiana, huminto muna kami saglit.
Umiling ako. "Kanina ko pa nga tinetext, e."
"Baka kumakain? Or baka parating na?" Dagdag niya.
Hindi ko alam. Dati naman kapag tinatawagan ko si Kuya Lito o isang text ko lang ay dumadating na.
"Sige na, mauna ka na." Sabi ko. "I'll wait here."
"Are you sure? Madilim dito. Besides, we're in D'eondre." Aniya.
Well, I guess I'm brave enough. Malayo naman kami sa lugar kung saan nakita niya yung anino. "I'm okay. Baka hinahanap ka na rin sa inyo."
Mahaba-habang pagpapaalamanan pa ang ginawa namin bago siya umalis. Ayaw pa niya kasi sa una, hanggang sa sinabi kong malapit na mag eight o'clock.
"Kuya, nasaan ka na?" I'm so frustrated right now. Frustrated and scared at the same time.
Paulit-ulit na 'kong nagpaikot-ikot. Iba na rin yung nararamdaman ko sa paligid. Damn, Justine!
"Oh f**k!" Naituptop ko bigla ang kamay ko sa aking bibig. Inis kong natampal ang noo ko. "Old number na pala ni Kuya Lito ang meron ako!"
I'm so dumb! Bakit hindi ko naalala yun? Sa sobrang inis ko ay sinipa ko yung maliit na bato na nasa harap. Kasunod non ay ang pagrinig ko ng isang maingay na kaluskos.
Alerto kong tinignan yung paligid. Dammit, I'm shaking! Bigla na lang umusbong ang matinding kaba sa akin!
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Tinignan ko ang phone at tinignan ang mga texts ni Sevhire.
From Sevhire:
Just, where are you?
From Sevhire:
Justine, bakit nakapatay ang phone mo?
From Sevhire:
Bulilit, nasan ka na?
Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitignan ang mga text niya sa akin. May bigat na presensiya na akong nararamdaman sa likod. Mas binilisan ko pa ang lakad, binulsa ko na ang cellphone ko at sinubukang maging mas alerto pa.
Nang makakita ako ng isang malaking bato ay mabilis akong nagtago doon. Bahagya akong sumilip, ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang maaninag ko ang isang lalaki. s**t! s**t! s**t! Parang naiiyak na ako sa nangyayari. Ayokong mahuli!
"Ahhh-mmm"
Tumigil ata ang t***k ng puso ko ng may isang tumakip sa aking bibig pero nang makilala ko kung sino iyon ay napanatag na ako. I'm with my hero, right now.
Mahigpit na hinawakan ni Sevhire ang aking kamay. Payuko kaming umalis sa malaking bato at yumuko.
Sinilip ko yung lalaki, nagtaka ako dahil hindi man lang niya ako hinanap. Nakatayo lang siya.
"Anong ginagawa mo sa gitna ng gabi?" Baritonong wika ni Sevhire, mabilis niyang binitawan ang kamay ko.
Napatingin ako doon. Parang galit siya.
"What, Justine? What are you doing? Examination mo lang, ha? Ilang subjects ba ang sinagutan mo?"
"Pumunta kami sa Sitio para mag shoot ng movie trailer--"
"Ng gabi?"
Napahinto kaming dalawa sa paglalakad. Bakit ba galit na galit siya? "Why are you here? Paano mong nalaman kung nasaan ako?"
"Because you're not answering my calls and texts! f**k. I almost broke the call button coz I'm so worried!" He hissed at me, kitang kita ko ang pag-igting ng bagang niya. Umiwas siya ng tingin.
"Pa-Paano mo nga nalaman na nandito ako?"
"Bakit saan ka ba pwedeng pumunta?" Ani Sevhire at inirapan ako.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Halatang nagmamadali siya dahil sa laki ng hakbang na ginagawa niya. Napapagod na nga ako kaso ayoko namang magreklamo dahil baka magalit nanaman.
"Sorry." Sabi ko kahit na malabo niyang marinig.
Pero bigla siyang huminto, malapit na pala kami sa mansyon.
"Ano yun?" May tabang sa tono ng pananalita niya.
Yumuko ako at pinaglaruan ko nalang ang case ng phone. "Sabi ko, sorry."
"Para saan?" He put his hands inside his pocket. Nanatiling nakatalikod sa akin si Sevhire.
Ngumuso ako. "Kasi...kasi nagpagabi ako."
"You're still a child, Just. I know you're 15 tomorrow but still a kid. Dapat sayo, inaalagan."
Kumirot ang puso ko. Iyon lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Hanggang bata lang? Maybe Kiana's right. For him, I am just his little sister.
Natanaw ko na ang mga kotse ng mga kapatid ko. I bit my lowerlip. Mapapagalitan ako.
Pagtapak ko pa lang sa loob ng bahay ay malamig na aura agad ng mga kapatid ko ang aking nakasalubong. Si Sevhire ay kasama ko pa rin.
"Justine." Kitang kita ko na ang pagpupuyos ni Kuya KD. "Where have you been?"
"Kuya, let her rest--"
"Shut up!" Sigaw ni Kuya KD kay Kuya Traveon. "You know what time is it, Justine?!" Baling niya sa akin.
Napapaigtad na lang ako sa bawat sigaw niya.
"Ano bang pumasok sayo at nagpahuli ka ng uwi?" Napapikit ako ng padabog niyang nilapag sa center table ang hawak niyang folder. "Sagot!"
"Man, take it easy." Napatingala ako nang umabante si Sevhire para mapantayan si Kuya. "May project lang ata na ginawa. Huwag mo pagalitan."
"Project? Sa gabi?" Ngiwi ni Kuya KD.
"Exactly my thoughts." Tango ni Sevhire. "Pero huwag mong sigawan."
"Sevhire, thank you for everything. Alam kong kapatid na rin ang trato mo kay Justine but could you please leave us alone? Thank you for your time.." Ani Kuya KD. "See, Justine? Bumyahe pa siya ng Cavite para mahanap ka coz you're not even responding to our texts and calls!"
"Just, umakyat ka muna sa kwarto mo." Halukipkip ni Kuya Traveon, tinignan ko lang siya.
"You can go now, Sevhire." Ani Kuya KD.
No! Mapapagalitan lang ako, taranta akong tumingin kay Sevhire na nakatingin kay Kuya KD. Wala akong makitang emosyon sa kapatid ko, he must be really mad. Kasalanan ko naman.
Matagal bago sumagot si Sevhire, akala ko nga hindi na siya sasagot kay Kuya pero bumagsak ang puso ko ng tumango siya.
"You need to clear things out with your brothers." Ani Sevhire at tinapik ang balikat ko.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, para akong isang tanga na umaasa sa wala. Oh right, Justine! Kapatid nga lang talaga ang turing niya sayo. No more, no less!
Fuck!