Chapter Two

1983 Words
Nakita ko kung paano mag-unahan palabas ang mga kaklase ko. Iyon naman talaga ang hinihintay nila, e. Uwian.   "Justine, sasama ka sa amin?" Lumapit sa akin si Kiana.   Nilingon ko siya. "Saan?"   "Malapit sa D'eondre, sa may Sitio Lucas." Ani Kiana habang inaayos yung bag niya.   Ngumuso ako. Sevhire's not texting me, examination day lang namin ngayon kaya half day lang. Well, nag good morning text naman siya sa akin at sinabing maglalaro siya kasama ang mga pinsan niya sa Golf park.   "Hindi ko alam." Wala sa sarili na sabi ko.   "Trent's coming." Ani Kiana at binigyan ako ng isang kindat.   And so? Lagi nilang tinutukso sa akin si Trent. He's not my crush! Even my type! Hindi ko alam kung paanong nagsimula ang panunukso nila. They're crazy.   I shrugged my shoulders. "Then I'm not going."   "What? Bakit? Nahihiya ka?" Ani Kiana, nangingiti.   "Hindi ha! Alam mo naman kasi na si Sevhire ang gusto ko."   "Sevhire. Sevhire. Sevhire." She chanted his name. "Nakakarindi na rin kaya marinig yan! He's way older than you! Than us! Wake up, Just! He'll never see you as a lady. For him, you're just his little sister!"   Iniwan ko si Kiana doon, I don't wanna hear her sentiments! Alam kong hindi lang bilang little sister ang tingin sakin ni Sev.   "Nang-iiwan ka na ngayon?" Aniya, sumunod pala siya sakin. "Look, ayaw kong masaktan ka but try to find another guy. Not him."   "Kiana, paano kung crush niya rin ako?" Humarap ako sa kanya.   Napahinto siya. "Crush? Tingin mo bata siya para magkaroon ng crush sayo? Okay. Kung crush ka nga niya, nasaan siya?"   "Golf park.. He's with his family."   "See? You'll never be his priority."   Shit! Ang sakit non, ha! Nagpatuloy ako sa paglalakad at naabutan si Kuya Lito na naghihintay. I get that. I am not his responsibility. Hindi naman niya ako kaano-ano, pero masama bang umasa?   "Okay. Sasama na ako." Sabi ko at binigay ang bag ko kay Kuya Lito, kinuha ko muna ang phone ko at sinilid sa aking bulsa. "Kuya, mamaya pa pong 10pm sina Kuya KD. Hindi po muna ako uuwi."   "Eh, Ma'am.. Baka mapagalitan ako." Aniya at nagkamot ng batok.   Lumapit si Kiana sa amin at inakbayan ako. "Huwag kang matakot, kuya. Payagan mo na si Justine."   Saglit na tumahimik si Kuya Lito tapos ay tumango bigla. "Itext mo nalang ho ako, Ma'am."   Tumango ako at niyakap si Kiana, hindi ako malalagot sa mga kapatid ko dahil late naman sila uuwi. Makakauwi naman siguro ako ng maaga.   Sabay kaming pumunta ni Kiana sa shortcut ng D'eondre papunta sa Sitio Lucas. Kaming dalawa yung nahuli dahil yung iba naming kaibigan ay nauna na pala doon.   "Sino sino ba sila?" Tanong ko habang tumatawid kami sa matatarik na bato.   "Trent, Jessica, Carmen at Greg." Aniya.   Tumango ako, buti na lang at malapit lang yung D'eondre sa Sitio kaya nakarating kami agad. Naabutan namin yung apat na masayang naglalaro ng tubig sa Sapa.   "Uy! Sali!" Ani Kiana at mabilis na humangos ng takbo papunta sa kanila.   Ngumuso ako at nilabas ang phone ko. Para namang naghugis puso ang aking mga mata nang makita ko ang pangalan ni Sevhire.     From Sevhire:   Kumain ka na?         Actually sabay kaming kumain ni Kiana, ngumiti ako sa biglang pumasok sa aking isip at nag tipa ng isasagot sa kanya.       To Sevhire:   Hindi pa. :(       Nakangiti kong binalik ang cellphone sa bulsa ko, pumunta agad ako sa Sapa.   "Uy, Just! Advance happy birthday!" Tumakbo papunta sa akin si Carmen at binato ang sarili niya. Madiin niya akong niyakap.   "15 na siya." Narinig ko ang nanunuksong tono ni Greg.   "Salamat!" Kumalas ako kay Carmen. Nakita ko sa gilid sina Kiana at Trent na nag-uusap.   "Sa mansyon ka ba magbibirthday?" Tanong ni Jessica.   Tumango ako. Kung pwede nga lang sa Quezon City, e. "Sa tingin mo ba saan?"   "California. Diba nandoon yung iba mong pinsan?" Ani Jessica.   "Malamang uuwi 'yong mga yun." Ani Carmen, "Rich kid ka, e." At tumawa.   Naiilang ako sa tuwing sinasabi nila yan. Hindi naman kasi talaga kami mayaman, may kaya lang talaga. Pero ano nga bang masaya sa pagiging mayaman kung hindi mo nakita ang mga magulang mo? I grew up with my brothers only. Ang nag-alaga naman sa akin ay si nanay Luella, for me, she's my second mother.   Kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin, hindi na rin ako nag-abalang i check ang phone ko dahil alam kong busy rin si Sevhire. Naaabutan ko minsan ang biglang pagsulyap sa akin ni Trent, biglang namula ang magkabilang pisngi ko.   "He's looking at you." Ani Kiana at siniko ako.   Napangiwi naman ako doon. Trent is not ugly, in fact, isa siya sa pinaka pinagkakaguluhan sa school. But he'll never get my attention. Kay Sevhire lang ako.   Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kiana at nagpokus na lang sa nagkwekwentong si Greg.   "Alam niyo ba? Doon daw sa D'eondre maraming nawawala?" Aniya at pinanlakihan kaming lahat ng mata.   "Ta-Talaga? Bakit daw?" Tila natatakot na si Carmen.   "Meron daw kasing kuta ang mga demonyo sa D'eondre, sinumpa daw ang lugar na yun! Boo!"   "Ahhh! f**k you!" Napatayo at napatili si Carmen.   Umiling nalang ako sa mga nangyari. Ni hindi nga ako natakot man lang o kinilabutan, although tama si Greg na maraming nawawala sa D'eondre.   "Arte nitong si Carm, tanghaling tapat o!" Inis na sabi ni Jessica.   "Hell! Ang lapit kaya natin doon! Paano kung mabihag tayo? Diba, Just?" At dinamay pa talaga ako.   "Don't worry about Justine, Carm. I'll take care of her." Trent said at tinapunan ako ng isang tingin.   Tumindig ang balahibo ko sa biglang panunuya ng mga kaklase ko sa akin. Hindi naman ako makatanggi, they all know about Sevhire but they didn't know that he's my crush. Si Kiana lang. Alam ko kasing pagtatawanan lang nila ako at aasarin.   "Oo nga pala, since bukas na ang birthday mo, anong gusto mong regalo?" Ani Jessica.   Lahat kami ay nakapabilog at naka indian sit sa lupa.   "Ibalot nalang natin si Trent!" Sigaw ni Greg at nagkatawanan kami.   "Gago!" Ani Trent at binato ng maliit na bato si Greg.   Masaya talaga kami pag nagkakasama, sila yung matuturing kong tunay na kaibigan. Yung iba ko kasing mga kaklase, mga peke na. Ganoon naman ata talaga, habang tumatagal imbes na rumarami ay pakonti na ng pakonti ang mga taong pwede mo talagang pagkatiwalaan at yung mga taong totoo talaga ang pinapakita sayo.   Sinipat ko ang orasan at nakita kong alas kwatro na, alas diyes pa naman dadating sina kuya. Isa pa, baka wala si Sevhire at nandoon pa sa Golf park. Ano namang gagawin ko sa mansyon diba?   "Just." Napansin ko ang paglapit ni Trent sa akin, kitang kita ko ang dimple niya sa kanang pisngi. "Can we talk?" Tanong niya.   Sumulyap ako saglit kina Kiana. Mukhang hindi naman nila napapansin yung paglapit ni Trent sa akin dahil abala sila sa pagkwekwento ng kung ano-ano sa D'eondre, tumango nalang ako at inalalayan ako ni Trent na tumayo.   Lumayo kami ni Trent sa tatlo, palakad-lakad kami sa Sitio Lucas at nakikita ko ang iba't ibang hayop na malayang nakakagala sa bukid. Yung mga baka, kabayo at kambing..   "Advance happy birthday." Paos na wika ni Trent sa akin.   Ngumiti ako at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga. "Salamat."   "August 26, huh?" Aniya, nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa kanyang labi.   Ngumuso ako at nilagay ang kamay sa likod. "Excited na nga ako mag 18, e."   "Three years pa." Aniya at natawa. "Ang advance mo naman masyado."   Of course, legal age na ang 18. Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa pagtingin sa paligid.   "Hindi ka ba hahanapin sainyo?" Tanong ni Trent, he licked his lips.   Umiling ako. "Mamaya pa kasi uuwi sina Kuya, e."   "You're like living in a prison. Tapos sila yung mga guwardiya."   Parehas kaming natawa sa sinabing yon ni Trent. Tama naman kasi, dati rati hindi ako pwedeng umuwi na hindi sinusundo ni Kuya Lito. Kada fieldtrip ko nga ay kasama dapat lagi si Kuya Trav. Bantay sarado silang dalawa sa akin at ayoko ng ganon. Hindi naman kasi habang buhay ay kasama ko sila.   "Sorry nga pala." Aniya nakita kong medyo nahihiya siya.   "Saan?"   "Nang-aasar kasi sina Greg, e. I know that you won't like that."   "Hindi naman. Nakakahiya lang kasi."   "I know."   Napatalon ako nang maramdaman ang pag vibrate ng phone sa bulsa ko.   "Teka ha?" Paalam ko kay Trent at kinuha ang phone ko. Pangalan ulit ni Sevhire ang nakita ko, biglang nabuhay ang kaninang matamlay na t***k ng aking puso.       From Sevhire:   You're not answering my calls. Where are you, Just?       Kumunot ang noo ko at chineck ang notification bar, ang dami niyang missed calls at unread messages. Parang pinasabog ang cellphone ko sa dami nito!   "68 missed calls." Napaigtad ako dahil nakasilip na pala si Trent. Nilayo ko bigla ang phone sa kanya. "Why? Mga kuya mo ba yun? Pinapauwi ka na?"   Paulit-ulit akong umiling. Future boyfriend ko yun. "Balik na tayo?" Yaya ko.   Tumango naman siya.   Habang naglalakad kami ay ilang ulit akong natisod dahil ang atensyon ko ay nasa text ni Sevhire. What if? Hindi ulit ako magreply sa kanya? Mag pa miss ako? Tapos pag-alahanin ko siya? Lihim akong napangiti at binalik ang phone sa bulsa ko.   "Uyy! Anong ginawa niyo?" Nanunukso nanaman si Greg.   Tumakbo si Trent at dinaganan si Greg, nagtawanan yung dalawa.   "Guys! Gawin na natin yung movie trailer." Narinig ko si Jessica.   "Sa Filipino?" Tanong ni Carmen.   "Oo nga! Perfect 'tong Sitio Lucas para sa Horror trailer natin!" Tumayo si Kiana at tinignan ako. "Justine? Tara?"   "Huh?" Hindi ko siya maintindihan. Masyado pang maaga para mag kuhanan kami sa horror movie trailer.   Lumapit sa akin si Kiana, nakita ko kung paano sumayaw ang mahabang buhok niya dahil sa pagtakbo. Huminto siya sa harapan ko at saglit na nagpunas ng pawis.   "It's for our grades. I know that your brothers will understand." Aniya at hinawakan ang kamay ko. "Sumali ka na please!"   Natatakot ko namang inalis ang mga kamay ko. "Hindi pwede, Kiana! Hindi nga nila alam na gumala ako."   "But you said that 10pm pa naman sila uuwi?" Nagtaas siya ng kilay. "Bakit? Yung Sevhire nanaman ba?"   "It's not about him, okay?" Kahit na medyo kasali siya don. "At hindi ko rin sure yung 10pm. Paano kung mas maaga silang umuwi?   "Then we will shoot at 7pm. Okay na?"   Umiling ulit ako na siyang kinabusangot ni Kiana. "Imposibleng maka isang take lang tayo. What about the scripts? The actings?"   "Then we will do that now! Para mamayang 7pm, perfect na!"   "Sinong hahawak sa camera?"   "I have my tripod with me." Aniya at humalukipkip. "Ayaw mo lang ata sumama Just, e."   Umiling ako ulit at iwinasiwas ang palad ko. "Of course not! You said that it's for our grades. Bakit ako tatanggi? Masyado lang kasing mabilis. Unexpected."   "Unexpected plans are the best." Kibit balikat ni Kiana.   Nahihirapan na akong makipagtalo sa kanya, noon pa man ay hindi ako nananalo kay Kiana. Kinakabahan din naman ako, hindi biro ang magstay kami dito ng gabi lalo na't totoo talaga yung mga kwento ni Greg kanina. Yes, natatakot ako.   "Pero yung mga Acosta.." Nag-aalalang sambir ko. "Totoo yung mga kwento ni Greg, Kiana. Sa ibang lugar nalang tayo mag shoot o di kaya sa lumang bahay."   Biglang tinakpan ni Kiana ang bibig ko at hinila ang braso ko palayo kina Carmen na masayang pinaplano ang pagshoot ng movie trailer.   Huminto kami sa likod ng puno acacia. Pumameywang si Kiana.   "Alam mo naman na matatakutin si Carm, e."   "Atleast they'll know." Kumunot ang noo ko. "Gusto mo ba talagang mapahamak tayo?"   "No! Sino bang may gusto? Atsaka, sino bang nakakita na ang mga Acosta nga yung mga nangunguha sa mga tao? b***h please, panakot lang ang mga Acosta!" She hissed at me, namumula na rin ang mestizang kulay ni Kiana.   "Pero Kiana..." Pagod na sabi ko.   Inirapan niya ako. "Just, sabi naman ni Kuya Lito you can text him, right?"   "Pero magpapaalam muna ako." Sagot ko.   Sinubukan kong kunin ang phone sa bulsa ko nang agawin yun ni Kiana sa akin. Nanlaki ang mata ko nang i check niya 'yun. Hindi na ako nakahuma o naka protesta man lang dahil magagalit siya.   "168 missed calls and 99 unread messages from Sevhire." Nangingiti ang mga mata niya sa nakikita, bigla akong nahiya. "Let's do the shoot! Mamaya mo na kunin ang phone mo pag tapos na tayo." Aniya at iniwan ako.   Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang kumalabog ang puso ko at alam kong hindi ito dahil sa kilig. God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD