Chapter One

1906 Words
Malungkot akong lumabas ng room, kinausap pa kasi ako ni ma'am Arcilla kaya ako yung nahuli. Nakakahiya na nga! Sevhire is waiting for me tapos pinaghintay ko siya? What a turn off!   Bago ako lumabas ng campus ay sinigurado ko munang maayos ang hitsura ko. I brushed my hair and fixed it. Ginawa kong fishtail ang tali ko.   "Just!"   My heart skip a beat when I heard his voice! Quota na! Natabunan na ng boses ni Sevhire ang pagputak sa akin ng teacher ko kanina. Nagpakita na ako sa kanya at ngumiti, my eyes sparkled when he flashed his nakakatunaw ng kaluluwa smile!   Lumapit sa akin si Sevhire, para namang nag slow motion ang mundo ko dahil sa swabe niyang paglalakad. Huminto siya sa aking harapan at naglahad ng kamay. Wait? Ang bilis naman niya ata manghingi ng matamis kong oo? He's not courting me yet!   "Yung bag mo." Aniya.   "Ha?" Nawala ako sa aking sarili. Anong bag?   Ngumisi siya at may kinuha sa likod ko, naramdaman ko nalang bigla ang pag gaan ng pakiramdam ko. Ah! Yung bag ko. Okay, ang assumera ko sa part na yun.   "Sorry, Just. Your teacher talked to you again because of me." Ani Sevhire, naglalakad kami patungo sa sasakyan niya.   Pinagsalikop ko ang aking daliri. "Wa-Wala yun, Sev..."   Para sa kanya ay okay lang kahit hindi ko siya tawaging Kuya, he's good with that kaya nakasanayan ko na rin, besides he's my crush so why would I call him kuya?   Napawi ang ngiti ko nang makita ko si Kuya Lito na naka abang din. What?! Bakit sinama pa ni Sevhire yung isang driver namin?!   "But still, I'm sorry. Alam kong galit ka, e." Pumunta siya sa harapan ko at inabot ang aking kamay.   Oh God!   "Hi-Hindi nga..."   Ang titig niya ay nasa baba lang habang hawak hawak ang aking kamay. "Are you sure? Coz I'll make it up to you. I know that you're upset." Aniya sa isang bigong boses, ang cute niya! Lalo na't dala dala pa ni Sevhire yung pink backpack ko!   Paulit-ulit akong tumango at inalis ang kamay ko sa kanya. Sorry, Sevhire.. Nagpipigil lang. "Hindi ako galit."   I was enjoying our moment together nang biglang magsalita si Kuya Lito...   "Ma'am Justine at Sir Sevhire, aalis na ho ba tayo?"   Nanlaki ang aking mata? What? We're leaving? No! My brothers will not allow me to have a good moment with him! Masyado kasi silang strikto pagdating sa akin! Nang nakita ko ang pagtango ni Sevhire kay Kuya Lito ay nataranta na ako, Sevhire tried to hold me but I shoved his hands away. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.   "Ga-Galit pala ako.. Galit ako, Sev! Nakakainis." Tumalikod pa ako, I even stomped my foot para lang mapaniwala ko siya.   "I thought you're not mad?" I almost shivered nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinarap sa kanya.   Umiwas ako ng tingin. I have to do this! Kung hindi ay baka magpadala nalang ako sa kagwapuhan ng lalaki sa harap ko!   "Galit ako sayo. Sabi mo babawi ka diba? Then take me to D'eondre!" Kunwari ay naiinis ako.   Tumahimik si Sevhire, kahit si Kuya Lito ay hindi rin nagsasalita at pinapanuod lang kaming dalawa. Ngumuso ako nang umalis si Sevhire sa harapan ko at binigay yung bag ko kay Kuya Lito.   "Is it okay with you if we're just going to walk?" Ani Sevhire, nakakunot ang noo niya habang tinatanong ako.   So we're really going to D'eondre? Tapos maglalakad lang kami? Meaning? More alone time with him! Palihim akong ngumiti, ayoko naman kasing isipin niya na masaya pa ako.   "Okay." Tipid na sagot ko at nauna na sa paglalakad.   This is really good to me! An alone time with my crush! Parang nakalimutan kong napagalitan ako ng teacher ko kanina. That's his effect to me!   Naramdaman ko ang paghabol sa akin ni Sevhire dahil nauna ako sa kanya, marahil ay nakipag-usap pa siya kay Kuya Lito na ipaalam ako sa mga kapatid ko and I know my brothers will be furious about this. But I don't care.   "Mapapagalitan ka." Ani Sevhire nang mahabol na niya ako, he's panting. Bigla naman akong naawa. Masyado atang naging mabilis ang paglalakad ko.   "I don't think so." Kahit na alam kong mapapagalitan na nga ako. "Let's just walk faster."   "You'll get tired. Pagod ka na nga sa school tapos bibilisan mo pa yung paglalakad?" Reklamo niya.   Namula ako. Ang hirap pigilan yung ngiti! He's really concerned! "Eh gagabihin tayo kung hindi natin bibilisan." Napahinto ako sa paglalakad. Actually okay lang naman sakin na gabihin basta kasama ko siya.   Pumunta si Sevhire sa harapan ko at nagsquat, nakatalikod siya sa akin. Anong ginagawa niya?   "Hump in." Ani Sevhire..   "Ano?" Sasakay ako sa kanya   Medyo umangat siya ng kaonti. "Hump in, bulilit."   Bulilit? Sinong bulilit?! Akala mo ha? Sa sobrang pagka-asar ko ay patalon akong sumakay sa likod niya. I heard his manly cough kaya napangiti nanaman ako, I should do that often!   "Bakit mo naman ako pinasan? Mabigat na ako." Pag-iinarte ko. This is not the first piggy back ride. Yung pinaka una nung bata pa 'ko, close kasi sina Kuya Karl at Sevhire hangga't sa naging close na rin kaming dalawa.   "Oo nga, e. Try to lose some weight." Biro niya.   Hinampas ko siya sa balikat. "Bwisit ka!"   "Asar talo." Halakhak niya.   Nilakad ni Sevhire ang kalahati ng Valle Verde, nag-aalala na nga ako dahil baka pagod na siya, pero siya naman kasi, e, pinasan pasan pa ako.   "D'eondre." Ani Sevhire, nandito na pala kami sa ilog.   Bumaba na ako sa pagkakapasan sa kanya, wow. Hindi man lang siya nag unat unat?   "Come." Aniya at naglahad ng kamay.   Tinignan ko lang 'yon. "What?"   "Come with me and take my hand. Baka madulas ka. Your brothers will kill me for sure." Ani Sevhire.   "What am I? A kid?" Umirap ako.   Nilagpasan ko lang yung kamay niyang nakalahad. Hindi naman madulas dito, e. Umapak ako sa malalaking bato, ramdam ko ang presensiya ni Sevhire na nakasunod sa akin. Pumunta ako sa favorite spot ko at naupo.   "The usual spot." Ani Sevhire, minsan kasi sinasamahan niya ako dito sa D'eondre kaya alam niya rin kung saan ko gusto maupo.   "Because of the view." Sabi ko.   Umupo si Sevhire sa tabi ko, kitang kita dito ang pagragasa ng malinis na tubig. Gusto kong maligo! Pero hindi ngayon, wala akong ekstra na damit.   "Why D'eondre?" Biglang nagsalita si Sevhire.   "Huh?"   Umayos siya ng upo, tinaas niya ang isang tuhod at doon pinatong ang kanyang braso. "Bakit D'eondre ang tawag dito?"   "Si Don D'eondre Acosta kasi ang dating may ari ng Vista Verde." I started. "He got involved to illegal drugs kaya ayun, pinakulong."   "Is that it?" Ani Sevhire.   Umiling ako. "Nabalitaan din kasing pinatay ni Don D'eondre yung asawa nito, dati kasi yung asawa ni Don D'eondre ang pinaka mabait dito at sikat sa mga tao. Kaya yung nalaman yung pagpatay sa kanya ng asawa niya. Pinaalis si Don D'eondre sa Vista Verde."   "So D'eondre is a name?" Kumuha si Sevhire ng maliit na bato at saka hinagis sa ilog.   Tumango ako. "Kaya yung mga Acosta hindi na pwedeng tumapak dito sa Vista Verde. Mga rebelde na sila dito."   "Wow. Masyado palang malalim yung pinanggalingan ng pangalan ng lugar na 'to." Aniya, nakita ko ang pagtayo niya. "That's why we need to go now."   Tumingala ako sa kanya. "Anong connect? Akala ko babawi ka?"   "Bumawi na ako." Ngisi niya. "Let's go, Just. Mamaya may Acosta dito."   "Are you afraid?" Ako naman ngayon ang ngumisi.   "Of course not!" Aniya nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang. Okay, he's already pissed.   "Really?" Hindi pa rin ako tumigil sa pang-aasar. "Edi dito muna tayo."   "Justine. We can't. Uuwi rin ako sa Quezon City."   "Bakit? Saan ka ba galing?" Nagtaas ako ng kilay.   Tinanggap ko yung kamay niya na naghihintay sa akin para makatayo ako.   "Work." Sagot lang niya, paalis na kami sa ilog.   Oh. That's why he's wearing an office attire. Galing pa pala siyang trabaho then pumunta pa siya dito para sunduin ako? Parang tumaba ang puso ko sa effort na iyon ni Sevhire.   "What are your plans for your birthday?" Tanong niya na kinahinto ko sa paglalakad. Birthday?   "You didn't know? Your birthday is approaching, Justine." Aniya.   Nang hindi ko pa rin makuha ang sinabi niya ay humalakhak si Sevhire at inakbayan ako, ngumuso naman ako dahil naamoy ko ang natural niyang bango.   "Malay ko ba. I'm busy studying." Dahilan ko na lang. Siya kaya? May suprise sa akin?   Kinurot bigla ni Sevhire ang pisngi ko kaya hindi ako naka ilag agad natatawa naman siyang tumakbo palayo.   "Sevhire!" Kulang nalang ay batuhin ko siya ng sapatos ko. Parang mas bata pa siya kumilos sa akin, e!   Naghabulan kami palayo sa D'eondre, tawanan lang namin ang maririnig sa buong Valle Verde, nang mahabol ko siya ay pinaghihimpas ko si Sevhire sa braso.   "Kainis! Bwisit!"   Humalakhak siya.   Hinuli ni Sevhire ang kamay kong walang tigil sa paghampas sa kanya, nang magtama ang mga mata namin ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi dahil sa pagtakbo ko, hindi dahil sa inaasar niya ako kundi dahil tinititigan niya ako. He's seven years older than me. Palagay ko ay normal naman 'tong nararamdaman kong pagka crush sa kanya.   "May ipapakilala ako sayo." Ani Sevhire habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.   "Si-Sino?" Hindi ko maalis ang titig niya sa akin. His eyes are like living magnets!   "Basta. I will invite her on your birthday."   Her? Babae? Lumagapak ang pag-asa ko kay Sevhire. Inis kong inalis ang kamay ko sa kanya at nauna na ako sa paglalakad.   "Tara na. Nakauwi na siguro si Kuya KD." Walang gana na sabi ko at naglakad na.   Wala akong imik habang naglalakad kaming dalawa. Panay naman ang tingin ni Sevhire sa cellphone niya. Nakakatampo naman, bakit ngayon niya lang ipapakilala sakin yung babae? Kahit natanaw ko na ang sasakyan ni Kuya KD ay hindi naman ako kinabahan.   "Justine!" Sumalubong agad ang ngiti sa akin ni Kuya Trav.   "Kuya!" Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Ang bango rin ng kapatid ko!   "Just."   Tumindig ang balahibo ko nang marinig ang lamig ng boses ni Kuya KD. s**t! Danger zone!   Bumitaw ako kay Kuya Trav, Kuya KD is standing infront of us. He's wearing a black sando and jersery shorts, ngumuso ako.   "You're late." Nagtaas ng kilay si Kuya KD.   "My fault. I'm sorry." Si Sevhire ang sumalo sa atensyon na binibigay sa akin ni Kuya KD. "Pumunta kami sa D'eondre."   "Anong ginawa niyo dun?" Si Kuya Trav ang nagtanong. Sinimangutan ko siya kasi gumagatong pa!   "Wala. Fresh air?" Sabi ko, humarap ako kay Sevhire. "Sev! Diba, uuwi ka na? Pagabi na ha? Uwi ka na, ingat!"   Halos ipagtulakan ko pa si Sevhire maka-alis lang siya. Baka kasi kung ano ano pa ang maitanong ni Kuya KD.   "I told you, Just. Pay respect!"   Here we go again..   "Kuya, Sevhire is okay with that. Hayaan mo na si Justine." Buti pa si Kuya Trav, naiintindihan ako.   "Calling him in first name basis?" Ani Kuya KD. "Not good to me."   "Bakit ba kasi?" Iritado kong wika. "He's not my brother nor cousin, why do I need to call him Kuya? Minsan nga mas isip bata pa siya sa akin!"   "She's right." Ani Kuya Trav.   "Do you think your reason is valid?" Humalukipkip si Kuya KD, pinilig niya ang kanyang ulo na parang hinahamon ako.   Hindi ko siya sinagot at tinalikuran na, hindi ko pinansin yung mga tawag niya sa akin. Dumiretsyo ako sa loob ng bahay paakyat papunta sa kwarto ko, nagkulong agad ako!   Okay! I get their point! They want me to respect Sevhire. But how? He's my crush! Hindi naman pwedeng idahilan ko na crush ko si Sevhire kaya ayoko siyang tawaging Kuya! I love my brothers, but they're just too over protective especially Kuya KD.   Humiga nalang ako sa kama ko at tiningala ang kisame. Two days from now, Fifteen na ako. And Sevhire is still Twenty two.   "Age gap sucks." I whispered to myself at pinikit ang mata dahil sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD