bc

Behind Professor Maddoxx’s Door

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
fated
heir/heiress
vampire
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Professor Maddoxx Blackwell is the man I was never supposed to fall in love with. He's mysterious, distant, and far too dangerous for someone like me. But when I accidentally discover the secret he's kept hidden for centuries, I realize there's more to my professor than meets the eye.

He's a vampire.

And now that I know the truth, Maddoxx gives me a choice: keep his secret and walk away—or make an agreement that will bind me to him.

I choose him.

But becoming his comes with a price.

Because behind Professor Maddoxx's door lies a world of blood, desire, secrets, and a love that may cost me my humanity.

chap-preview
Free preview
Prologue
The Agreement “I like you, Professor Maddoxx.” Ilang segundo akong naghintay ng sagot mula sa lalaking nakaupo sa likod ng kaniyang desk. Pero sa halip na magulat o magpakita ng kahit kaunting interes, ibinaba lang niya ang hawak niyang ballpen at tiningnan ako. Napatingin siya sa sunflower na hawak ko at muling tumingin sa akin. Hindi ko magawang iabot sa kaniya dahil hindi ko alam kung tatanggapin niya. “Are you done, Miss Santos?” Napakurap ako. “That's all you're going to say?” “What else do you expect me to say?” Napakagat ako sa labi. Alam kong hindi ako ang tipo ng babaeng madaling sumuko, pero iba talaga ang lalaking ito. Ilang beses na niya akong tinanggihan, at sa bawat pagkakataon, mas lalo lang akong nahihirapang lumayo sa kaniya. “Hindi mo ba talaga ako magugustuhan?” tanong ko. “I'm your professor, Cassandra. You should know better than to develop feelings for someone like me.” “Pero hindi ko naman pinili na mahulog sa'yo. At seryoso ako, gusto kita.” “Then learn to control it.” Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong mainis sa pagiging malamig niya, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang mapansin kung gaano siya kagwapo. His sharp features, dark eyes, and perfectly composed expression made him look almost unreal. Professor Maddoxx Blackwell. The man I couldn't stop thinking about. At kung alam ko lang ang tunay niyang pagkatao, baka hindi ko na siya nilapitan sa unang pagkakataon. Pero huli na ang lahat. Because that night, I discovered the secret he had spent centuries hiding. And I became part of it. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napadaan sa hallway kung saan naroon ang office ni Professor Maddoxx. Minsan, may dahilan ako para puntahan siya. Kadalasan, wala naman talaga. Gusto ko lang siyang makita, kahit saglit. Alam kong nakakahiya na ang ginagawa ko, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa tuwing makikita ko siyang naglalakad sa campus, automatic na sumusunod ang tingin ko sa kaniya. At kapag may pagkakataong magkasalubong kami, kahit simpleng pagbati lang ang matanggap ko, sapat na iyon para gumanda ang araw ko. That was how pathetic I had become. Isang gabi, matapos ang ilang oras na paghihintay sa library, nakita ko siyang lumabas ng university. Agad kong inayos ang mga gamit ko at sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang malaman. Gusto ko lang siyang sundan. The streets were unusually quiet that night. Iilan na lang ang mga sasakyan, at halos sarado na ang mga tindahan sa paligid. Medyo malamig ang hangin, kaya hinila ko pababa ang manggas ng jacket ko habang patuloy na naglalakad. Malayo na ang narating ni Professor Maddoxx sa unahan ko. Minsan, nawawala siya sa paningin ko kapag lumiliko sa isang kanto, pero palagi ko rin siyang nakikitang muli. Hanggang sa bigla siyang nawala. Napahinto ako sa paglalakad. “Professor?” Walang sumagot. Napatingin ako sa magkabilang direksiyon. Nasa isang makitid na eskinita ako, malayo sa mga ilaw ng pangunahing kalsada. Dapat ay bumalik na lang ako, pero bago pa ako makapagdesisyon, may narinig akong mga yabag sa likuran ko. “Hey, pretty girl. Saan ang punta mo?” Tatlong lalaki ang papalapit sa akin. Halatang nakainom ang mga ito, at amoy alak ang hangin habang palapit sila nang palapit. Napaatras ako. “Excuse me. Uuwi na po ako.” “Ang sungit naman.” Tumawa ang isa sa kanila. “Samahan ka na namin.” “No, thank you. Kaya ko na po.” Sinubukan kong dumaan sa gilid nila, pero hinarangan ako ng isa sa mga lalaki. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. “Wag kang matakot. Makikipag-usap lang naman kami.” “Please, let me pass.” Hindi na ako nakapagsalita nang biglang may humawak sa braso ko. Napasigaw ako at pilit na kumawala. “Bitawan mo ako!” “Hoy, dahan-dahan lang!” natatawang sabi ng isa. “Baka masaktan ang babae.” Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa kanila. Walang ibang tao sa paligid, at hindi ko maabot ang phone ko dahil mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng lalaki. Then I heard a familiar voice. “Let her go.” Napalingon ako. Nakatayo si Professor Maddoxx sa bungad ng eskinita, nakasuot pa rin ng itim niyang coat. Wala akong ideya kung saan siya nanggaling, pero sa sandaling makita ko siya, nakaramdam ako ng ginhawa. “Professor!” tawag ko. Tumingin sa kaniya ang lalaking may hawak sa akin. “Kaibigan mo ba siya?” tanong nito. “Kung gusto mo, puwede ka ring sumama sa amin.” Hindi sumagot si Maddoxx. Sa halip, dahan-dahan siyang lumapit. “I said, let her go.” May kung anong pagbabago sa boses niya na nagpatahimik sa mga lalaki. Pero dahil lasing ang mga ito, hindi nila pinansin ang babala niya. “Anong gagawin mo kung hindi?” Nang sumugod ang isa, mabilis na umiwas si Maddoxx at hinawakan ito sa leeg. Isang iglap lang, bumagsak ang lalaki sa semento. Napatulala ako. Hindi ko man lang nakita kung paano niya ito nagawa. Sumunod na umatake ang dalawa pa. Ngunit bago pa nila siya mahawakan, mabilis silang napabagsak ni Maddoxx. Para bang wala lang sa kaniya ang kanilang lakas. Hindi ko maipaliwanag ang nakita ko. He moved too fast. Far too fast for an ordinary human. “Professor...” mahina kong tawag. Hindi siya sumagot. Nang makitang hindi na gumagalaw ang isa sa mga lalaki, umatras ako. May kung anong malamig na takot na gumapang sa katawan ko. Then Maddoxx turned toward them. At doon ko nakita ang dugo. Hindi ko alam kung kanino iyon nanggaling, pero may bahid ito sa mga daliri niya. Lumapit siya sa isa sa mga lalaking nakahandusay at yumuko. “Please...” narinig kong mahinang pagsusumamo ng lalaki. Pero hindi siya pinakinggan ni Maddoxx. Sa isang iglap, hinawakan niya ang lalaki at kumagat sa leeg nito. Napakapit ako sa bibig ko para pigilan ang sigaw. His fangs. Dalawang matutulis na pangil ang malinaw kong nakita nang bahagya siyang lumingon. Ang mga mata niyang dati kong hinahangaan ay tila nagbago rin, naging mas madilim at nakakatakot. Hindi ito panaginip. Hindi ito ilusyon. The man I had fallen in love with was not human. Nang tuluyan nang tumahimik ang mga lalaki, dahan-dahang tumayo si Maddoxx. May dugo sa kaniyang labi habang nakatingin siya sa akin. Hindi ako makagalaw. “Cassandra.” Napaatras ako nang marinig ang pangalan ko. “Stay away from me,” bulong ko. Hindi siya lumapit. Tinitigan lang niya ako habang unti-unting bumabalik sa normal ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “You shouldn't have followed me.” “Y-you killed them.” “They were going to hurt you.” “Pero... pero ano ka?” Nanatili siyang tahimik. Napaluha ako habang napapatingin sa mga lalaking nakahandusay sa lupa. Gusto kong tumakbo, pero nanginginig ang mga tuhod ko. “Are you going to kill me, too?” Bahagyang nagbago ang tingin niya. “That depends on you.” Parang tumigil ang paghinga ko. Lumapit siya nang isang hakbang, at agad akong napaatras. “I can let you walk away,” sabi niya. “But you will never speak about what happened tonight. You will never tell anyone what you saw.” “And if I refuse?” His gaze sharpened. “Then I will have to deal with you.” Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya, at ayokong malaman. “Please, Professor. I won't tell anyone.” “Better be true to your words, Cassandra. I can hear you wherever you are.” Napatingin ako sa kaniya. Kahit nanginginig pa rin ako sa takot, may isang bagay na malinaw sa isip ko. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko, pero hindi ko rin kayang magkunwaring walang nangyari. “What do you want from me?” Sandali siyang natahimik bago sumagot. “Your silence. And your cooperation.” I frowned. “Cooperation?” “I need blood, Cassandra. Human blood.” Napalunok ako. “Are you saying... you want mine?” “Yes.” Napatingin ako sa mga kamay niya, saka sa mukha niyang hindi na maitago ang tunay na pagkatao. “You're a vampire.” “Now you understand why you can't tell anyone.” I should have run. Dapat ay iniwan ko na siya roon at hindi na lumingon pa. Pero sa halip, nanatili ako sa harapan niya, sinusubukang intindihin ang lahat ng nalaman ko sa loob lamang ng ilang minuto. “What's going to happen to me?” Professor Maddoxx studied me for a moment. “I won't kill you, Cassandra. In exchange, you will become my blood bank. You will provide me with blood when I need it, and you will keep everything about me a secret.” Hindi agad ako nakasagot. Ang lalaking matagal ko nang hinahangaan ay isang bampira. May kakayahan siyang pumatay, at ilang minuto lang ang nakalipas, nakita ko mismo kung paano niya ginawa iyon. At ngayon, gusto niyang itali ako sa isang kasunduang hindi ko kailanman naisip na kakailanganin kong pasukin. “What if I say no?” “Then we have a problem.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung takot lang ba ang nararamdaman ko o may bahagi rin sa akin na ayaw siyang tuluyang mawala sa paningin ko. I looked at him again. “Fine. I'll agree.” His expression remained unreadable. “But you have to promise me one thing,” dagdag ko. “What is it?” “Don't kill me.” For the first time that night, he looked almost amused. “I already told you I wouldn't. But I am telling you, once you mention anything about this, you are putting your life in grave danger.” Napatingin ako sa kaniya ng nagtataka. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. “Anong ibig mong sabihin?” “I’ll protect you once you agree.” Bahagya akong natahimik at nakatitig lamang sa kaniya. Kinakabahan at natatakot man hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mga sandaling iyon. Sa mga sandaling kaharap ko siya at kausap. Huminga ako ng malalim. “Then we have a deal.” I uttered. Inilahad niya ang kamay niya. Pagkatapos ng ilang segundong pag-aalinlangan, tinanggap ko iyon. His hand was cold against mine. At sa sandaling iyon, nagsimula ang kasunduang magbabago sa buhay ko. Hindi ko alam kung ilang beses kong pagsisisihan ang desisyong iyon. Hindi ko rin alam kung gaano kalalim ang mga sikretong itinatago ni Maddoxx Blackwell. Ang alam ko lang, pumayag akong maging blood bank ng lalaking minamahal ko. At mula sa gabing iyon, everything has changed.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MANO PO, NINONG (The Forbidden Love)

read
260.1K
bc

The Arranged Bride of the Moravilla

read
3.0K
bc

Kuya Obsession Series 3: Taming my Rude Seniorito(Spg)

read
178.2K
bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

read
89.5K
bc

Salatin Mo, Doc. Demetrius (SPG)

read
89.2K
bc

UNANG TIKIM: MY DAD'S BESTFRIEND (SSPG)

read
14.3K
bc

Inangkin ako ni Ninong (SPG)

read
39.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook