Naiinis na tinignan ni Enzo si Joey at Zeus dahil mababakas kasi sa mukha ng dalawa na talagang masaya mga ito. Inabot ni Zeus ang isang bouquet ng bulaklak kay Joey at hinalikaan niya ito sa pisngi kaya biglang tumayo si Enzo. " Simulan na natin ang pag uusap" Biglang pagkakasabi ni Enzo at napatingin sa kanya ang lahat. " Kailangan po natin kumuha ng isang modelo para ipapaakilala ang tinayo natin apartment buliding may naiisip ba kayong pwede maging modelo?" Saad ng project manager at tumaas ng kamay ang isa sa mga myembro ng marketing team. " Bakit pa tayo maghahanap kung nasa harapan naman natin ang pwede maging modelo sa nagawa natin proyekto" Nakangiting sabi ng isa sa mga myembro ng marketing team na si Director Suarez. " Ano ang ibig mong sabihin?" Interesadong tanong naman

