Nagtungo muna si Joey sa rest room upang punasan ang damit niya na natapunan ng inumin ni Sofia at inayos niya na rin ang kanyang sarili. " Bakit kaya kahit naka bihis kana ng ganyan mukha ka parin kasambahay" Pang iinsulto ni Sofia kay Joey nang sundan niya ito sa rest room. " May problema kaba sa akin?" Nakangiti pang tanong ni Joey at nilapitan siya ni Sofia at nilagyan ng lipstick ang mukha niya. " Kulang yung make up mo kaya dagdagan natin" Pang aasar pa ni Sofia at pinigilan ni Joey ang kamay niya at kinuha nito ang lipstick na hawak- hawak niya. " H'wag mo na dagdagan ang make up ko dahil baka mamaya naka sunod sa akin ang asawa mo" Nakangisi naman sabi ni Joey at sinampal siya ni Sofia. " Stupid ka pa rin hanggang ngayon, para sabi ko sayo hindi ikaw ang type ng asawa ko, isan

