Maraming taon nang lumipas at nanatiling alala na lang ang lahat kay Enzo masakit man para sa kanya na kahit kailanman hindi niya na makakasama ang babaeng mahal niya pero pinilit niya parin na maka bangon. Nagkaroon ng isang karamdaman si Don Felipe kaya si Enzo na ang namuno sa lahat, siya na ang kasalukuyan nagpapatakbo ng kanilang organisayon at kompanya na itinayo ng kanyang ama. Natuloy ang pagpapakasal niya kay Sofia kaya naman mas lumakas pa ang koneksyon at kapangyarihan ni Enzo ngunit lahat ng iyon ay hindi nakakapag pasaya sa kanya. Hindi naging maganda ang buhay niya kasama si Sofia dahil kahit kailanman hindi niya ito minahal kaya hinayaan niya na lamang na muli itong mkipag relasyon kay Sandro. "Gumising kana, kailangan ba talaga pupuntahan pa kita dito sa apartment mo?"

