Chapter 4

1043 Words
HUSTONG pagpasok ni Nanay ay narinig niya ang sinabi ni Roselle. Nalaglag ang dala niyang tinapay at pati ang bote ng soft drinks ay nabasag. Bakas ang gulat sa mukha ni Nanay pati na ang sakit na dulot ng balita ni Roselle. Alam ko ang sinasabi ng lahat na blessing ang pagkakaroon ng anak pero hindi pa ako handang maging ama. Ang sabi niya gumagamit siya ng pills at naniwala ako sa kanya. Sa dami ng mga naka-s*x ko, alam ko kung kailan ako magwi-withdrawal at wala pa akong nabuntis ni isa sa mga babaeng ’yon. “Huwag kang aalis,” sabi ko sa kanya at tinungo ang kinaroroonan ni Nanay. “Ako na po ang maglilinis nito. Pumasok na kayo sa loob.” Kaagad pumasok si Nanay at hinayaan akong linisin ang nabasag na bote. Maging ang tinapay ay hindi na rin niya pinulot at napansin ko rin ang panginginig ng kanyang kamay. Lumapit siya kay Roselle. “Ano’ng pangalan mo at ano’ng relasyon mo sa anak ko?” “Roselle Fernandez. Nagkakilala kami ni Wulf sa bar,” sagot niya kay Nanay. Napansin ko rin na hindi siya gumagamit ng po at opo. “Sa bar? Sa tinutugtugan niya?” Ang boses ni Nanay ay maikukumpara sa bloke ng yelo. Napakalamig at halata ang pagkadisgusto sa kausap. Tumango si Roselle. “Puwede n’yong kumpirmahin sa anak n’yo kung hindi kayo naniniwala sa ’kin.” “Tama ba ang narinig kong buntis ka? Alam ba ’yan ng mga magulang mo?” “Wala na ’kong ama at hindi ko pa nasasabi sa nanay ko at sa asawa niya. Si Wulf ang ama ng baby ko at dapat lang na siya ang unang makaalam. Aksidente lang ang pagkakarinig n’yo kanina.” Nakita ko nang pasadahan ng tingin ni Nanay si Roselle. Hapit ang pantalon na maong at spaghetti strapped na pink ang suot niya. Alam kong hindi ganito ang tipo ng aking ina para sa akin. Sa Aplaya man kami nakatira, disenteng babae pa rin ang pinapangarap niya para sa akin. “Ayaw kong maging bastos sa ’yo, pero sigurado ka bang sa anak ko ang ipinagbubuntis mo?” deretsong tanong ni Nanay sa kanya. “Dahil alam mo, Roselle, sa panahon ngayon na walang halaga ang puri sa karamihan ng babae, talamak din ang pagpapaako ng bata kahit hindi ’yon ang ama ng ipinagbubuntis nila. May hitsura ka at mukhang may pera ang pamilya mo. Bakit ang anak ko ang pipiliin mo?” Nakita ko ang paglunok ni Roselle. “K-Kay Wulf ang batang dinadala ko.” “Pero wala kayong relasyon? Kilala ko ang anak ko, Roselle. Hindi tatanggi ’yan kapag gusto niya ang babae. Pero kung hindi palay ang lumalapit sa manok, wala rin mangyayari. Ngayon lang kita nakilala at kahit kailan hindi ka binanggit ng anak ko sa barong-barong na ’to.” Hindi inalis ni Nanay ang tingin sa kausap. “Mukhang nag-aaral ka pa katulad ng anak ko. At kung anak niya ang dinadala mo, saan sa tingin mo kayo maninirahan? Maliit ang bahay na ’to at kung uupa kayo sa labas, walang pera ang anak ko.” “M-May savings ako.” “Savings? Hanggang saan ang savings kung wala kang trabaho? At isa pa, lalaki ang anak ko. At kapag nalaman ng iyong ina ang tungkol dito, siguradong magagalit ’yon lalo na kung ikaw ang gagastos sa inyong dalawa.” “Puwede naman akong magtrabaho habang hindi pa malaki ang tiyan ko,” katwiran niya. Umiling si Nanay. “Hindi ka nag-iisip katulad ng anak ko. Magtatrabaho ka habang hindi pa malaki ang tiyan mo, pero paano ang pag-aaral mo?” Hindi nakasagot si Rosell at sumulyap sa akin. “Wulf, ayusin mo ang gusot na pinasok mo. Maiwan ko na kayo,” paalam ni Nanay. Natapos kong ligpitin ang kalat kanina at ngayon ay kailangan na naming mag-usap ni Roselle. “Dala mo ba ang kotse mo?” tanong ko kay Roselle. Tumango siya. “Nakaparada sa gilid ng kalsada.” “Doon tayo mag-usap. Huwag dito. Marami akong itatanong sa ’yo.” *** NANG marating namin ang kotse ni Roselle ay sinabi ko sa kanya na magdrive at doon kami mag-usap sa may stadium. Bakante ’yon ngayon at tahimik dahil walang naglalaro. “Ano’ng nangyari at nabuntis ka?” tanong ko sa kanya. “Ilang beses ba tayong nag-s*x?” angil niya sa ’kin. “Kung makapagtanong ka, parang ako lang ang nasarapan sa ginawa natin, ah.” “Roselle, hindi ’yon ang pinupunto ko at alam mo ’yan. Ang sabi mo sa ’kin, naka-pills ka. Paanong nangyari na nabuntis ka?” Naroong kagat-kagatin niya ang kanyang kuko, siguro ninenerbiyos. “Hindi ko alam. Palagi naman akong umiinom ng pills pero baka nakaligtaan kong uminom no’ng minsang nag-s*x tayo sa bahay namin. Nakailang rounds ba tayo no’n?” Sa daming beses na may nangyari sa amin sa bahay nila, hindi ko na matandaan, at lahat naman ay hindi iisang beses lang. Sa nakalipas na tatlong buwan ay nakilala ko kahit kaunti si Roselle. Wild siya at mahilig sa s*x. Kahit nga sa bahay nila, kung saan siya abutan kapag ginusto niya ay basta na lamang niya akong hahalikan at mamalayan ko na lang na naipasok na niya ang kamay niya sa loob ng pantalon ko. Napasuklay ako sa buhok ko. “Ilang buwan na ’yan?” Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil hindi pa ako handang maging ama pero ayaw ko ring abandonahin ang anak ko. Mahirap man kami pero hindi ako pinalaki ni Nanay na tumatakbo sa responsabilidad. “Ang sabi ng doktor, six weeks.” Mabilis akong nagbilang sa isip ko at kahit ano’ng pilit kong bilang ay pumapatak ’yon sa araw na walang nangyari sa ’min. Naisip ko na lang na estimate din lang siguro ng doktor ang sinabi nitong bilang. Ayaw ko namang itanong kung may iba pa siyang idine-date dahil baka iba ang maging dating. “Ano’ng gagawin natin?” Hindi ko alam ang gagawin sa oras na ito at alam kong pareho kaming shock sa pangyayari, kahit na alam namin na kapag nag-s*x ay maaaring makabuo ng bata. Ito na ’yong sinasabi ni Nanay na pagdadalos-dalos ako. “Panagutan mo ang dinadala ko. Pakasalan mo ’ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD