ISANG malalim na paghinga ang pinawalan ni Jennie nang sa wakas ay makarating sila sa destinasyon. The air felt refreshing. Ewan niya kung bakit doon sila nagpunta sa Batanes, gayong maraming property na pag-aari ang pamilya Williams, tulad nang resort at hotel sa Batangas, Palawan at sa Baguio. Pero sa Batanes sila naroon. Dating bahay na pag-aari ni Billy pala 'yon pero ipinarenovate para maging isang apartment type na hotel. "What do you mean?" Narinig niyang sabi ni Grayson sa babaing kausap nito. "Sorry sir, walang sinabi si Sir Billy na dalawa kayong darating. Na fully book na kami kahapon." Nahihiyang paliwag nito. "Lagi naman kasi kayong mag-isang magpupunta dito kaya hindi ko na naitanong." "May spare bed naman siguro." Singit niya. Mukha kasing asar na ang boss niya. Good m

