NAKADAMA nang pagka-irita si Jennie nang makita niya ang ngiting sumilay sa labi ni Grayson habang nakikipag-usap ito kay Emily. Bakit nito iniiwasan si Emily, mukhang gusto pa rin niya ang babae. Nasabi niya 'yon dahil parang kinikilig pa ito. Kay nang tumingin ito sa kanya ay inirapan niya ito. Buti na lang at bumukas na ang lift sa floor kung saan ang office ni Emily. "Bakit mo tinagihang maging date si Emily. Mukha namang type mo pa rin ang ex mo." Walang prenong sabi niya dito. "Sinong may sabi." "Eh di ako kasasabi ko lang kaya, sir." Pabalang na sagot niya. Pero nagulat siya nang may kung anong dinukot ito sa bulsa nito. Then held her hands, saka inilagay 'yon doon. Isang pirasong gummy candy. "Stress reliever Miss." Hindi niya napigilang mapangiti. Sabay iling. Gusto niya ton

