"BAKIT BA ako nangpapaniwala sa sinabi niya." Inis na turan ni Jennie nang makaakyat siya sa kuwarto. Iniwan na lang niya ang mapang-asar na boss niya. Bigla ba naman siyang paasahin tapos--- kainis siya. "Wala ka lang talaga atang taste sa lalaki." Parang nag-eecho pa sa utak niya ang boses nitong may kasamang nakaka-asar na ngiting aso. But she was sure he was serious when he said that. Pero bilang nabago ang mood nito. Bakit ba kasi niya inalam kung may girlfriend ito. Wala lang kurysos lang siya talaga. Pero nang itanong nito kung gusto niyang mag-apply parang gusto niyang sabihing oo. Bigla kasi siyang kinilig. Kaso ayon wala pala siyang taste. Kaluka! Hangang nakatulog siya ay hindi nawala ang inis niya dito. -------- NAPAHINTO si Grayson nang marinig ang tinig ni Jennie sa

