"KUMUSTA ang resulta nang test Doc?" Parang musika sa pandinig niya ang boses ni Grayson sa tabi niya. Ang nag-aalalang tinig niya ay nagpapagaan sa pakiramdam niya. Akala niya ay magpapadala ito nang doctor sa bahay, pero nagulat siya nang dumating ito. At sinamahan pa siyang magpunta sa ospital. Kahit ayaw sana niya. "She's alright, but you have to make sure she eats on time. She had the right medication since I was the one who prescribe her that, a few years ago." Anang ni Doctor Falcon saka siya binalingan. "I heard what happened to your father. I'm sorry hija." Tumango lang siya. Ayaw niyang pag-usapan 'yon dahil malulungkot lang siya. Personal na magkakilala ang kanyang ama at ang doctor. "Salamat sa concern sir." Nagawa niyang lingungin ito nang palabas sila nang gusali. "Kaya

