Chapter7: Out of the House

2062 Words
GUSTO niyang matawa sa reaksyon ng dalawang binata sa harap niya. Ayaw lang naman niyang bigyan nang pag-asa si Elias. Hindi talaga siya komportable dito. Lalo na kung napapalipad hangin ito. "You can never date her, you won't want to date someone like her," Nakangising asong sabi ni Grayson. Ramdam niyang gusto lang siya nitong insultuhin. Bigla tuloy siyang nawalan nang ganang kumain. "What do you mean bro? Jennie was such a beauty, and I knew she's also lovely inside." Depensa ni Elias sa kanya. Dahilan upang mag-init ang mukha niya. So he wasn't that bad at all. Mukhang marunong mag-appeciate ang tulad nito. "Well---, will you just leave us alone." He gave Elias a stern warning. Ipinagpasalamat na lang niyang dumating na ang kameeting ni Elias. Para kasing asar na ang amo niyang masungit na naman. Pero kumindat pa si Elias bago umalis. Kaya kinawayan na lang niya ito. "You like him?" Formal na tanong nito. "Hmm, mukha naman siyang desenting tao, and he finds me pretty too." She said trying to lift her pride. "Such a poor judge of character." He sounds annoyed. "Hindi ka bagay makipagdate kahit kanino." "At bakit?" She bit her lips, feeling sore with his remarks. Anong karapatan nitong husgahan siya. Alam kaya nitong masakit 'yon sa pride niyang gasgas na. "Dahil sinabi ko!" Deklara nito. "Stop leading him on." "Hindi ako ganun,Sir?" "You do--- you keep smiling at him." Pasigaw na sabi nito na ikinagulat niya. At ikinatingin sa kanila nang ilang customer na nasa paligid nila. Hindi siya makapaniwala sa walang kuwentang dahilan nito. Sa inis niya ay tumayo siya. "Tapos na akong kumain sir, salamat sa lunch. Mag-antay na lang ho ako sa kotse." Hindi na niya binigayan nang pagkakataong magsalita pa ito. Hanggang sa makabalik sila sa opisina ay hindi na sila nag-usap pa. Ipinagpasalamat na rin niya 'yon dahil hindi na siya nito inabala the rest of the day. Naiirita lang siya sa malamig na pagtrato nito sa kanya. Talo pa nito ang babaing may period araw araw. Kinancel pa nito ang meeting nito, kaya umuwi na lang sila. "You clean the car before you rest." Utos nito bago pa man siya makababa sa kotse. "Aalis ako bago magdinner. " Paalam niya dito. Alam niyang kailangan pa rin niyang gawin 'yon. "Fine!" He answered sarcastically. Naiiling na sinundan na lang niya ito nang tanaw.. "Such a grumpy guy." Hindi niya mapigilang komento. Parang gustong malaglag nang balikat niya nang tinginan ang kotsing kailangan niyang linisin. "Sana nagpacarwash na lang siya diba." Nakasimangot na reklamo niya. Pero wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito. "Anong ginagawa mo?" Kunoot noong tanong ni Vanesa nang lapitan siya. Nakangusong tinignan niya ito pero tinawalan lang siya nito. "May ginagawa ka kaya mainit ang ulo ni boss?" "At anu naman?" Inosenting tanong niya. "Sadyang ipinaglihi ata siya sa sama nang loob." Napapailing na saad niya. "Ikaw ang unang PA niyang naglilinis nang kotse." Pumalatak ito. "Ipagawa mo na lang sa maintenance 'yan," suhesyon nito. "Huwag na, mukhang nag-eenjoy siyang pahirapan ang buhay ko. Siya ata ang evil step mother ko." Inabot siya nang halos isang oras para mapakintab nang husto ang kotse. Kumakalam na rin ang sikmura niya dahil sa gutom. Kaya na halip na lumabas para makipagkita kay Adelyn. Nagpasya na lang siyang itext ito para i cancel ang usapan nila. She was about to have dinner nang magsalita si Grayson sa likod niya. "I thought you were going on a date?" His sarcastic voice made her roll her eyes. Ano na naman kayang problema nito? "Wala na akong lakas para makipagdate, Sir." She replied. Paano pa siya lalabas kung mukha siyang basang sisiw sa pawis kanina. "Sa ibang araw na lang ako makikipadate." Aniya hindi pinansin ang masamang tinging ipinukol sa kanya nito. Kaagad na niyang tinapos ang dinner niya, saka ito iniwan. Huwag lang sana siyang kabagan dahil halos hindi na niya nanguya ang pagkain niya. Mabuti na lang ay hindi na nito sinabing magstay siya gaya nang madalas nitong gawin kapag kumakain ito. NGISING wagi ang namutawi sa labi ni Grayson nang umalis sa harap niya si Jennie. Pero may plano itong makipagdate sa susunod. He'll make sure na hindi magyayari ang susunod na 'yon. "You're being unreasonable." pinagalitan niya ang sarili. Hindi niya maunawaan kung bakit naasar siya sa ideyang na makikipagdate ito kung kani-kanino. Sa di niya malamang dahilan she was really disturbing his peaceful mind. Kahit alam naman niyang hindi niya dapat gawin 'yon. Empleyado lang niya ito. Wala namang kaso kung makipagdate siya sa employee niya but he can't imagine dating Jennie. Pero mula kung saan ay lumitaw sa utak niya ang nakangiting imahe nito. Parang bigla tuloy nag-init ang katawan niya sa pag-iisip ito. At kung bakit sa tuwing naiisip niya ito. Sumasagi sa utak niya ang imahe nang katawan nang babaing naka one night stand niya. Kaya siya naguguluhan. Dahil nabubuhay ang mga ugat sa katawan niya kapag malapit ito. Her scent as too addicting kaya lalo niyang gustong lapitan ito. "You, interested in her." Tudyo nang utak niya, dahilan upang marahas na napa-iling siya. "No, I don't like her, she's not even my type," kumbinsi niya sa sarili. Though his head was filled with Jennie's innocent face, grinning at him. "Kasalanan ito ni Billy, why did he hire her anyway." He hit his table making a loud thud sound. Billy did that on purpose, he was sure he planned to make Jennie her assistant, but he contradict his own assumption. Ano namang mapapala ni Billy kung gagawin nito 'yon. He brushed off his hair and sighed. "Should I just fire her?" Mabilis na bumangon siya sa kama. Saka kumabas sa silid niya. He can't let her stay at his house anymore. Hindi na niya inabala ang sariling kumatok. Bahay naman niya 'yon. She'll be out of his house first thing in the morning. Determinadong saad niya. Pero naggulat siya nang makita niya itong nakapamaluktot sa kama, na tila ba may dinaramdam na kung ano. Inataki siya ng labis na pag-aalala kaya napalapit siya dito. Napamura siya. "Anong nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?" Sunod-sunod na tanong niya dito. "Damn!" Pinagpapawisan ito habang nakapikit at ang kamay ay nakadiin sa t'yan nito. "I'm--- I'm fine." Anang nitong tila kinakapos pa nang hangin. "No, you don't look fine to me." Pasigaw na saad niya dito. Dapat niyang dalhin ito sa ospital. Aktong bubuhatin niya ito nang pigilan siya nito. His skin feel warm when she grab his arm. And it feels like thousands of volts of electricity surged through his skin that he couldn't explain. Naramdaman na niya ang pakiramdam na 'yon few nights ago with the strange woman. His eyes froze at her knotted forehead. She was seriously in pain. But she was able to smile at her. Making his chest, pounding. "Puwede... p'wede mo bang i-abot 'yong bag, kailangan ko nang gamot?" Walang salitang sinunuod niya ito. Binuksan ang bag nito saka ihihulog sa couch ang lahat nang laman noon. Noon niya nakita ang isang maliit na bote nang gamot. He took out one med at isang basong tubig na naroon sa ibabaw nang lamp table. "Thanks." Sabi nito saka muling nahiga. "Are you sick?" "No. I-- just had stomach cramps. I...I'll be fine soon." She was still snuggled up in bed. "Pasensya na sa abala, sir. Bakit ka pala nandito?" tanong nitong, ikinabigla niya. "Ah... Go on, tell her to leave now," sulsol nang utak niya. "I--- uhm." Tumikhim siya. "Dumaan lang ako, tapos narinig ko ang ingay dito," dahilan niya , but he averted his gaze. Brushing off his hair. "Ah salamat" Bumungtong hininga ito. Saka nito sinabing nakaidlip na ito nang sumakit bigla ang tiyan nito. "Will you be alright now?" Worried na tanong niya dito. Tumango naman ito. Natagpuan niya ang sariling inaayos ang kumot nito. Dapat ay pinapalayas na niya ito, bakit parang gusto pa niya alagaan aito? He end up worriedly watching over her. "Puwede ka nang umalis, sir. Nakakailang na nakatingin ka sa 'kin." Nagawa pa nitong ngumiti. Mukhang bumuti na nga ang pakiramdam nito. Kaya nakahinga siya nang maluwag. "Magpahinga ka na," aniya saka napipilitang iwan ito. "You did well Grayson." Pang-aasar nang konsensya niya. --Meanwhile.--- Mabilis na nagkubli si Vanesa nang makita niyang lumabas sa silid ni Jennie ang boss niya. Saka ito nakakalukong ngumiti. Sigurado siyang may namamagitan sa dalawang 'yon. Ramdam na niya 'yon sa unang araw pa lang ni Jennie sa bahay. Mabilis na inilabas nito ang phone saka nagsimulang magdial. HINDI maiwasang mapangiti ni Jennie dahil sa concern na nakita niya sa mata nang binatang boss. Mula nang mamatay ang ama niya, hindi na niya naramdamang may nag-alala sa kanya. Tulad nang nakita niya kanina sa mata nito. Ibang iba sa masungit at arroganting ugali nito. May tinatago palang kabutihan ang binatang boss niya. Ipinagpasalamat niyang nawala na ang sakit nang t'yan niya. Kung tutuusin kasalanan nitong kaya inataki siya nang cramps niya. Gutom na siya kanina pero inutusan pa siya nitong magcarwash. At dahil sa inis niya halos lunukin niya ang pagkain kanina. Kaya 'yon nang napala niya. Well kasalanan din niya. Dapat kasi maging consistent naman ang ugali nito para may dahilan siyang isisi dito ang pag-ataki nang stomach cramps niya. Nagka-ulcer siya noon dahil sa strict diet implimentation nang kanyang ina. Na-eestress s'ya kaya sa halip na kumain ay nawawalan na siya nang gana. Pero matagal nang hindi umaataki 'yon. Dahil nag-iingat na rin naman siya. Ayaw naman niyang lumala ang sakit niya kaya ayaw niyang magutom at ma stress. Ala una na nang sa wakas ay makadama siya nang antok. At dahil napasarap aang tulog niya kaya nagising siya nang alas nuwebe kinabukasan. Muntik pa siyang mapatalon sa kama dahil doon. Aktong babaa siya nang pumasok si Vanesa sa silid niya. May dala itong tray. "Ano 'yan?" Aniya saka sinilip 'yon. Ikinagulat niyang ipinagdala pa siya nito nang pagkain. "Utos ni sir Grayson, kumain kang mabuti at magpahinga." Sabi nitong may mapanuksong ngiti. Pero hindi niya pinansin 'yon. "Okay naman na ako, sa baba na lang ako kakain, nakakahiya ipinagdala mo pa talaga ako." Kahit naman ganun alam naman niyang pareho lang sila nang estado nito. Empleyado pa rin siya kaya hindi tamang pagsilbihan rin siya nito. "Hay naku,"kumumpas pa ang kamay nito. "Utos 'to ni Boss, kaya dapat kang sumunod. Kundi ako ang masesermunan." Paliwanag nito. "Iyong totoo, nagdedate kayo ni Boss?" Bakas ang kurysusidad sa mata nito. "Oi, hindi ah, ikaw talaga," ramdam niya ang pag-init nang mukha nito. "Paano mo nasasabi 'yan baka may makarinig sa'yo." "Tayo lang ang nandito. Eh---akala ko lang nadedate kayo. Baka mali ang interpretation ko." Nakatawang saad nito. Saka kunwa'y tinampal ang bibig. "Pero kumain ka na, nakaalis na si sir. Nagpasundo siya sa company driver kaya huwag ka na raw mag-alala pa." Sabi nito na ikinalaki nang mata niya. Natampal niya ang noo nang mapagtantong nahuli siya nang gising . "Okay na ako. Maliligo na ako." Aniya pero pinigilan ulit siya nito. Nagulat siya nang magsimulang nagdial ito. Dalawang ring lang at dinig niya ang boses ni Grayson sa kabilang linya. Saka ito nagsimulang magsumbong sa kausap. Pinanlakihan niya ito nang mata pero ngumiti lang ito. Saka inabot sa kanya ang cellphone. "Hello---" "You listen to her and rest. I'll be sending the doctor later." Formal na sabi nito. "Pero okay na ako, Sir. It--- it was just----" "Should I just fire you then?" His autocratic voice echoed in her ears. He wasn't raising his voice at her but she could feel his words running toward her spine. It wasn't fear, she felt ecstatic and overjoyed that he worried for her. "Hindi." Parang batang napagalitang sagot niya. "Good. Just do what Vanesa will tell you." Iyon lang at tinapos na nito ang tawag. Hindi makapaniwalang titingnan niya si Vanesa. "Tatlong taon na ako dito, pero never ko pang nakitang may ganyang ugali si Sir Grayson. Kahit nga sa ina niya. Hindi sila in good terms nang pamilya niya, alam mo ba 'yon?" "Talaga ba, kaya pala." Wala sa sariling sagot niya dito "Ngayong alam mo na huwag kang magtatanong tungol sa pamilya niya. Ayaw niyang pag-usapan 'yon." Kuwento nito. Nakuryos tuloy siya kung bakit ito hindi in good terms nang pamilya nito. Iyon kaya ang dahilan nang malungot na mga mata nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD