Chapter 6: The Mysterious Man

2033 Words
"MAG-ANTAY ka lang dito." Sabi ni Grayson matapos niyang i-park at kotse sa basement nang isang gusali. Saka ito umalis. Tatlumpong minuto rin siyang nag-antay. Nang biglang bumukas ang pinto nang kotse sa tabi niya. A man wearing a hoody black jacket sit in the front seat. "Who are...." "Drive!" Ang pamilyar na boses nito ang nagpabalik sa kanyang huwisyo. Paano ba naman ang cool ng lalaking bigla na lang sumakay sa tabi niya. He was like a different person when he was in his casual rugged outfit. Does he have a dual identity? "I said drive!" Mautoridad na utos nito. He might look different but his manner is still the same. "Bakit ganyan ang ----" "You're not supposed to ask questions, Missy. Don't forget to wipe out the GPS history when we get home. And you didn't see me like this." Lintaya nito, ang tingin ay nagsasabing manahimik lang siya. Napatango na lang siya dala nang pagkalito. Anong klasing personalidad kaya mayroon ang boss niya. Para kasing sa sandaling 'yon isa itong mapanganib na taong may itinatagong sekreto, but the heck she can't help but admire how cool he looks like. Para itong isang villain sa isang k-drama na napanood niya. Parang gusto tuloy niyang mainlove dito bigla. Pero kaagad ring niyang pinagalitan ang sarili. In love agad dapat crush lang. Hindi siya meant to be dito. "Sir, may split personality ba kayo?" Biglang tanong niya dito. "Mukha ba akong pyscho?" "Ang cool mong psy---" kusa niyang pinigalan ang sarili. Masyado siyang naamuse sa boss niyang ito. He told her to park near the closed establishment. The place was a bit dim since the streetlight was far from their area. "Mag-antay ka lang dito." sabi nito, then pulls on his hoodie jacket, and puts a masked on. Then he went off the car. Sneaking like some criminal, and disappear from her sight when he climbed up the wall. Napahawak pa siya sa manibela at sinundan ito nang tingin. "Anong ginagawa n'ya?" Paano nito nagawang umakyat sa mataas na pader na 'yon nang walang kahirap hirap. Ang cool noon pero---ang lakas nang loob nitong gawin 'yon kahit hindi pa ganun kalalim ang gabi. Hindi ba nito na isip na baka may makakita dito. Alam kaya ni Mr. Flores ang pinaggagawa nang boss nila? She was twitching her finger on the steering wheel, waiting. Fifteen minutes later the car door opened, and she almost got a heart attack. Kaya napahawak siya sa dibidb niya. "What?" Inosenting tanong nito. "Let's go." Turan nito saka may kung anong inilagay sa bulsa nito. It was some kind of USB or something. Humugot siya nang malalim na paghinga bago binuhay ang makina nang kotse. Samo't saring tanong ang naglaro sa utak niya pero hindi naman niya magawang magsalita. Magnanakaw rin kaya ito, pero masyado na itong mayaman para magnakaw. Pano pala kung may dugong kriminal rin ito. Nahihintakutang sinulyapan niya ito. "Why are you so restless," kuryos na tanong nito. "Well---, sir excuse my manner, pero ang isa kayong Corporate CEO... are you also a thief?" She couldn't control her pitch, she was accusing him. Pero nginisian lang siya nito. "Think it like that." He shrugged it off. Naguguluhan pa rin siya nang makarating sila sa bahay. Kaagad itong umakyat sa second floor at nagtungo sa silid nito. Ignoring the people who greeted him. "Gutom ka na siguro, hija." Anang ni Manang Dory saka siya inakay sa dining room. She famished. Paano naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magdrive. Bumalik pa kasi sila sa building kung saan ito nagbihis ulit. Kaya napapagod talaga siya. Pero wala siyang dahilan magreklamo. It was her job anyway. Naglaway siya nang maamoy ang masarap na pagkaing ihinain sa harap niya. Noon kumalam ang sikmura niya. Mukhang narinig rin 'yon ni nila Manang kaya natawa ang mga ito. "Hindi ho halatang gutom na ako." Nahihiyang sabi niyan dito. Kaya iniwan siya nang dalawa upang ipagpatuloy ang trabaho ng mga ito. Siya naman ay nagsisimula na sanang kumain nang dumating si Grayson. Ipinaghila nito ang sarili nang upuan. Hindi man lang siya nito pinansin. Kaagad namang kumilos si Manang Dory upang ipaghain ito. Nabalot nang katahimikan ang boung durasyon nang hapuanan nila. Nang bigla itong magsalita. "Have you taken care of the GPS?" He broke the deafening silence. "Tapos na, sir." "Good." Then silence. Grayson left as soon as he finished his meal. "Mommy Dory nakita mo 'yon?" Hindi maitago ni Vanesa ang katuwaan. "Sinabayan niya si Ms. Jennie na kumain." Anang nito. Parang OA naman ang reaksyon nitong 'yon. "Kahit si Sir Billy hindi ko pa sila nakitang kumain nang magkasabay." "Ah..." "Hmm---"Nanunudyo ang mata ni Vanesa na tuminngin sa kanya. "Bakit?" "Nothing..." pamesteryosang sagot nito. Kaya napailing na lang siyang dinala ang pinagkainan sa sink. Sinundan siya nito. At nagsimulang maghugas habang pakanta kanta. Nakakatuwa talaga ito. Naisip niya. Malamig ang hangin pero masarap sa pakiramdam ang nanunoot na lamig mula sa hangin sa katawan ni Jennie. Lumabas siya sa terrace na upang magpababa nang kinain. Nag-inat pa siya saka humugot nang malalim na paghinga. Saka siya pumikit. She finally felt relaxed. Nakatanaw siya sa karimlam ng langit nang maramdaman niyang tila may nakatitig sa kanya. At ganun na lang ang gulat niya nang paglingon niya nagtama ang mata nila nang lalaking may-ari nang mga matang matamang nakatitig sa kanya. Halata ang amusement sa mga mata ni Grayson. Pero kaagad ring nagbago ang ekpresyon nito. Hindi man lang niya namalayan ang presensya nito. Pansin niya ang laptop sa harap nito. Anong oras na pero nagtatrabaho pa rin ito. GRAYSON's eyes froze at Jennie. She closed her eyes with her lips traced with a grin, looking innocently sexy. Nanlaki ang mata niya sa isipin 'yon. Ilang ulit na ba niyang naiisip na sexy ang labi nang PA niya? Sinubukan niyang umiwas nang tingin pero sa huli ay pinagmamasdan na rin niya ito. She was wearing her cartoon characted pajama. Kaya parang bata lang ito dahil sa height nitong nasa five two lang ata. But she looks really adorable, kahit medyo magulo ang buhok nito. "Just great, Grayson. You're into that weird lady. " Wala sa sariling naisuklay niya ang palad sa buhok niya. "Pasensya na sa abala, sir" Nahihiyang usal nito. "Pero late na nagtatrabaho pa kayo." "It's alright?" he utters. "What?" He must be out of his mind. Bakit ba masyado siyang mabait dito. Kahit hindi naman dapat. He scolds himself. At bakit ba parang sobrang intersado siya dito? Her scent felt so familiar. At talagang nakakadama siya nang kakaibang kasiyahan kapag maamoy niya ito. Natagpuan niya ang sariling naglakad palapit dito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-atras nito. "Late na nga pero bakit gising ka pa?" "Gising ka pa rin nga eh." Sabi nito saka tinakpan ang sariling bibig. "Ang ibig kong sabihin maaga pa sir." "Why do you always sound sarcastic?" Usig niya dito. "Feeling n'yo lang 'yon sir. Sige una na ako, good night." Anang nito saka patakbong bumalik sa silid nito. NAGING MAAYOS an nakalipas na dalawang lingong pagtatrabaho niya para kay Grayson. Nakapagod pa rin ang schedule nito pero mag-eenjoy siyang kasama ito. Aminado siya talagang na aattract siya dito. Pero sympre hanggang paghanga lang naman dahil malamang hindi siya bagay dito. Kaya marahil madali na para sa kanya ang pakibagayan ang ugali nito. Though talagang minsan mahirap ispellingin ang ugali nito kapag asar ito sa di niya malamang dahilan. Palabas na niya for lunch nang tawagin siya nito. "May kailangan ka sir?" Tanong niya dito, kahit ang totoo ay nagdarasal siyang huwag siya nong utusan muna kasi nagugutom na rin siya. Isa pa nag-aantay si Peter sa kanya. Nagulat siya nang matangap niya ang tawag nito kanina. Hindi raw kasi siya nagpupunta sa gym. Mukhang na miss siya nito bigla. Somehow natuwa siya dahil naalala siya nito. Pero hindi niya mahanap ang excitement tulad nang dati. Kung sabagay matagal na niyang tinaggap na di siya nito type. "Let's have lunch somewhere else." Biglang turan nito habang inaayos ang sleeve nito. She scratches her ears, feeling uneasy. Pero dahil mukhang nahihirapan ito kaya nilapitan niya ito. Wala naman itong sinabi, kaya siya na ang nagtupi nang sleeve nito. Saka siya napasunod na lang dito palabas sa office. Tinext na lang niya si Peter na macacancel ang lunch nila. Pero nagulat siya nang naroon na pala ito sa lobby ng building. "Jennie, " Tawag nito sa kanya. Napahinto pa si Grayson saka napatingin sa direksyon ni Peter. "Sir, I'll go get the car." Aniya saka mabilis na kumilos. Sumunod naman sa kanya si Peter "Pasensya na, biglang nagbago ang isip nang boss ko, the last minute. Bawi ako next time ha." Hinging paumahin niya dito. Saka siya naglakad patungo sa basement. Baka mainip ang boss niya mabad mood na naman. "Was that your boyfriend?" Naningikit ang mata nitong nakatingin sa kanya. She was driving and he sat next to her. Madalas ay sa unahan talaga ito nauupo. "No." Tipid na sagot niya. "Someone special, I see." She could sense mocking or something. Was he in a bad mood, again? "Parang ganun na nga, well. I got a crush on him since middle school. Pero hindi niya ako pinapansin. Hindi kasi ako kasing ganda nang mga dinidate niya." She wanted to laugh at her unrequired confession. "I think you getting it wrong." "Ha?" "Never mind." Excited na naglakad sila papasok nang La Buena Comida. Sikat ang restaurant sa masasarap na pagkain mula sa iba't ibang bansa sa mundo. The perks of having a billionaire boss, she can eat delicious and expensive dishes as well. It was the third time they eat together at a classy and expensive restaurant. And she's enjoying the experience. They even eat at the same table. It's almost as if they're dating. Bigla siyang napangiti dala nang excitement. "What's so funny?" Amuse na napatitig ito sa kanya. "Well---, siguro dahil masaya akong kumain sa masarap at mamahaling restau." she replied half-honestly. Pano excited rin siyang kumain kasama nito. "And you're happy with that?" he asks, smirking. "You're so simple-minded, Missy." "Siguro, tama ka, Sir. Noong buhay pa si Papa, madalas kaming kumakain sa mamahaling restu." Bigla siyang nakadama nang lungkot nang maalala ang ama. Ang laki nang nagbago sa buhay nila nang mawala ang ama niya. Nasanay siya sa maalwang buhay dahil may sarili namang negosyo ang ama. Kaya't buhay prinsesa siya at ang queen ang kanyang ina. That how her father treated them. Kaya spoiled talaga ang ina niya. Kaya kahit mahirap na sila pakiramdam ata nito reyna pa rin ito. Sa isiping 'yon ay napailing siya. "But thanks to my well-off boss, I had this privilege again." "Okay, I'll make sure I fulfill your fantasy." Biglang saad nito na ikinagulat niya. Para naman kasing bigla niyang gustong umasa. Kaya napatango na lang siya. Dapat siyang magtrabaho nang mabuti para manatili ang mababaw na kapritso niya. Pero sa totoo lang mas naeexcite naman talaga siyang kasama niya ito. Nag-eenjoy siyang kausap ito dahil nakikinig ito sa mga business ideas niya. Kung sana nagawa niyang pigilan ang ina na huwag ibenta an talent agency noon. Hindi kasi interesado ang ina niya sa pagpapatakbo nang kompanya. Pero ang papa niya bata pa lang ay minulat na siya sa pagpapatakbo nang negosyo. Kaya gusto niyang magsumikap para mabawi 'yon o kung hindi man ay magkaroon siya nang sariling negosyo balang araw. "Grabe, iniisip lang kita, and there you are." Kapwa sila napatingin sa pinagmulan nang tinig. It was Elias. "Don't tell me you two are dating?" Tanong nito kay Grayson saka naupo sa tabi niya. He gave her a quick glance. "We're having lunch can't you see." Kibit balikat na sagot nito. "Well, that's good news, "Sagot ni Elias. Hinila nito ang upuan upang mas malapit ito sa kanya. Bigla tuloy siyang nailang. "Can you leave us alone?" May diing utos ni Grayson dito. Kitang kita niya ang pagtangis nang bagang nito. "Nope." Nakangiting sagot ni Elias dito. "How could I leave a lovely lady with you? Would you like to date me?" He turns to her, almost making her choke up. "Hindi ako intersadong makipagdate." "What?" Halos sabay pang tanong ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD