KAHIT DI MO NA ALAM

3229 Words
CHAPTER 20 Malalim na nag-iisip ni Mr. Montalban habang nakaupo ito sa kanyang swivel chair ng pumasok ang asawa nito na si Ginang Caroline at ang anak niyang si Liza. "Kamusta ang lakad mo dad? Napapayag nyo na po ba sa Mattew na pakasalan ako? " si Liza na nanginginig ang boses. "Nakakasiguro ka bang kay Mattew yan Lizaline!?" may diin nitong tanong. "Dad! O-ofcourse! I love Mattew dad. Sa kanya ang batang dinadala ko.... please believe me..." si Liza na umiiyak nalang bigla at siya namang inaalo ng ina. "Honey.... Ano bang nangyari? " si Ginang Caroline na siya namang nagtanong. "We need to wait one month for DDC test. Gusto nilang makasiguro na si Mattew ang ama ng batang yan. Hindi ako makagawa ng ano pang hakbang para mapanagutan ng mas maaga ang nangyari sa anak mo Caroline!" sa seryoso nitong boses. "Bakit ka pumayag honey? Karangalan at dangal na ng pamilya natin ang pinag-uusapan dito! Anak mo na ang nagsasabi na ang binatang yun ang ama! Kailangan mong paniwalaan ang anak mo Leandro! Ikaw ang ama kaya obligasyon mong protektahan ang anak natin! " si Caroline na tumaas na ang boses sa asawa dahil nadadala na siya sa emosyon ng anak. " Huwag mo akong didiktahan Caroline! Alam ko ang ginagawa ko! " "I can't leave without him dad... Please.... I really love Mattew.... " singit naman ni Liza. "Ako ang gagawa ng paraan upang pakasalan ng Mattew na yan ang anak natin Leandro! Hihinge ako ng tulong kay Papa kung wala kang magagawa! " si Ginang Caroline na nagmamatigas. "Huwag mo akong pangungunahan Caroline!!! " si Mr. Montalban na may hinahanap sa kanyang table at ng makita ito ay agad niya itong ibinagsak sa kanilang harapan. Wala pang isang Linggong nailalathala ang magazine na ito. "And what this all about!? Anong magagawa nyan sa problema natin!? Uunahin pa ba natin yan!? " ang asawa nito na naniningkit na ang mata. " Nakaengage ang binatang si Mattew Revilla na sinasabing ama ng batang dinadala ng anak mo Caroline! Iyan! Tingnan mo! Tingnan mo ang nag-iisang anak na babae na Miss Jewel Lyca Cannor na malaki ang share sa company ko! Isang pagkakamali ko lang mawawala ang lahat sa atin! " si Mr. Montalban na binuksan ang pahina kung nasaan nakaexpose ang detalye kay Princess at ang malaking larawan nito. Agad naman kinuha ni Liza ang magazine at gulat na gulat ito sa kanyang nakita. "Hindi ito ang babaeng nakita ko.... " bulong ng isip niya. Bumalik sa kanyang alaala ang babaeng sinabihan ni Mattew na mahal niya. Si Mattew na nakitaan niya ng luha sa mga mata. Ang babaeng may makapal na kilay at nunal. Kumuha ito ng pintelpen ay sinubukan niya itong imakeover at dun siya nanghina. "Ohhh my God..... She is... " si Liza na nanghina. "Can't you believe it? Ang babaeng yan ang kinababaliwan ni Mattew kung bakit hindi niya mabigyan ng pansin ang anak mo! Ang apo na babae ni Don Franco Cannor! Can't you imagine how difficult is this for me lalo na at sila ang kumikilos sa family ng mga Revilla ngayon upang alamin kung ano ang katotohanan!? I am not crazy na basta ko nalang isusuko ang kinabuhayan natin Caroline! Kaya huwag kang gagawa ng anumang ikakabagsak nating lahat! You don't know that man named Franco Cannor honey! He is a top billionaire in this world at gabok lamang tayo sa taong yan! Ikaw Liza siguraduhin mo lang na si Mattew ang ama ng anak mo dahil kapag hindi ipapatapon kita sa probinsya!" galit na boses ni Mr. Montalban na muling umupo sa kanyang swivel chair. *** Lumabas na ang result sa unang babaeng nagsasabi na si Mattew ang ama. Nauna itong mag pitong Linggo sa pagdadalang tao kumpara sa dalawa. Agad na binasa ni Mattew ang puting subre na inabot sa kanya ng doctor. At laking tuwa nito na hindi siya ang ama ng bata. Kailangan muli niyang maghintay ng dalawang Linggo pa para kay Veronica . At 18 days naman sa huli niyang nakasiping na si Liza. Kakauwe palang niya sa kanilang bahay ng makita niya ang kanyang kapatid na si Mark na bumaba ng hagdan sa unang pagkakataon. Nangayayat ito at halos napapabayaan na ang katawan. May kausap ito sa kanyang phone. "Yes please. Any earliest time tomorrow na makapagflight ako going to London. -ok thank you. " dinig niyang wika nito. "London bro!? " si Mattew na nagtatakang tinanung ang kapatid. " Oh yes. Tita Jewel invited me to stay there. Ako ang gusto nyang magmanage ng one of her business instead of staying here. He also asked me to join the organization about my situation. " "Wow! It's a good idea bro. And..... -" "Princess? Kapag may positive na mga babaeng nagamit mo, at anak mo nga ang isa sa kanila soon ikakasal kami sa London bro." wika nito sa seryoso nitong tinig na nakapagbigay ng pamumutla ng mukha ni Mattew . "We both under going for safety method upang magkaroon parin kami ng anak na di mahahawa sa sakit ko. May mga advance technology na makakatulong samin. But if its negative, sayo parin ang babaeng parehas nating minamahal. Sa ngayon, ako muna ang mag-iingat sa kanya." si Mark na tumalikod na rito ngunit may ngiting pinakawalan. "f**k! Hey you be good to her! Dont dare to kiss her until wala pang result! Her lips is still mine Mark! I kiss her many time and she's mine! " sigaw ni Mattew rito habang manginginig ang kanyang katawan. "Yeahhhh I'll try! I'm little bit busy bro kaya dyan ka na muna." at maya maya pa ay lumabas na ito ng bahay at rinig niyang umandar ang sasakyan nito sa garahe. Gustong hilahin ni Mattew ang oras upang bumilis ang araw at malaman niya ang lahat ng resulta. Hindi nanaman niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Di nanaman mapakali ang kanyang isip ngayong bumabalik nanaman sa eksena ang kanyang kapatid. Ito ba ang pasakit na kailangan niyang maramdaman dahil sa marami siyang babaeng nasaktan lalo na ginawa niya kay Princess? Sana noon pa ay tumino na siya ng sinabi ng kanyang ama ang tungkol sa kasal. BUHAT ng dumating sila ng London ay napansin na niyang matamlay ang kanyang bunsong anak na si Princess. Isang araw ay napagsolo nila ang kabahayan kaya naman malayang nakausap ni Jewel ang kanyang anak. "Let me guest baby ko.... Your worried na baka hindi na bumalik sayo ang binatang si Mattew? " si Jewel na hinaplos ang buhok ng anak na nakadapa sa kanyang unan. "Nay... Si tatay Timothy paano nyo minahal gayung may anak na sya kay Tita Jenly? " "Kasal na kami ng tatay Timothy mo noon baby ko nung nadiskubre kong may anak sya sa dati nyang nobya. Ang masasabi ko lang kapag talagang mahal mo ang isang tao, kahit sino pa yan mamahalin at mamahalin mo parin. At asahan mo na may masasaktan parin ngunit malulunasan parin naman ng sapat na panahon. That's the reality anak. " "Im starting to like Mattew nay. Nakaramdam ako ng sakit nung makita ko siyang hinahalikan ng nakarelasyon nya. Ayaw kong makaramdam ng ganito nay kasi di ako makarelax. Instead na makatulog ako, lagi na akong napupuyat. I know na hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ko sa kanya.... Pero bakit ganun nay gusto ko syang makita at gusto kong lage ko syang katabi?" " Because you love him. Ayaw mo lang aminin sa sarili mong mahal mo siya dahil pilit mo paring isinisiksik sa isip mo na he is not the right man for you kasi playboy, chickboy or womanizer sya. But the truth is nakuha at napatibok nya rin ang puso mo from the start. Do you still remember the first day you see him? Through his picture, nakita kitang ngumiti nun.... But after na nagkaroon ka na ng interest sa binata at pinasundan mo, nagbago ang lahat isn't it? You grown up na kasi anak kaya nararamdaman mo na yun." Sa sinabing ito ng ina ay umupo ito ng maayos at humarap sa ina. "What if nakabuntis sya nanay, anung gagawin ko? " malungkot niyang tanong. "Hmmmm, wala anak ko. Go with the flow lang. Ganun talaga, kailangan mong masaktan para maging matibay ka. Wait for your prince after na handa ka na. Siguro sa ngayon, libangan mo muna ang sarili mo. How about lets contact Mark? I know both of you can help each other.... Be a goodfriend. Malay natin yung naudlot mong paghanga sa kanya ay matuluyan na. Pero kailangan mo munang balansehin anak kasi si Mattew talaga ang para iyo. Gusto ko lang na tulungan mo si Mark na bumangon." YUMAKAP ng mahigpit si Mark kay Princess ng siya mismo ang nagsundo rito sa airport at mababakas sa mata ng lalaki ang luha sa kanyang mata. "Hey bakit naman ang laki ng ipinayat mo Mark, I hate it. Panget mo na.... Di na kita crush!" biro ng dalaga sa binata ng makaalpas sa pagkakayakap nito. "Really? Crush mo si ako? " gulat nitong tanong. "Ohhhh yeahhh!!! Oo nga, Dati pa! Tara let's go na. Hinihintay ka na nila tatay. Itotour ka namin tomorrow, sa ngayon magpapahinga ka muna. " aya nito. "Ayyyy wait, may ipinabibigay sayo ang fiancee mo. " At bigla itong may kinuha sa pocket ng kanyang leather jacket. Binuksan nito ang maliit na itim na box na may lamang kwentas at ang pendat nitong hugis puso na di kalakihan na napupuno ng mga kumbinasyon ng kulay ng diyamante. Ikinabit niya ito sa leeg ng dalaga. "He really pleased na gawin ko ito sayo honey. At pinasasabi niyang mahal na mahal ka niya. Tsk! Gago yun eh, I told him na babawiin na kita pero pinagbantaan nya ko na mapapatay nya ko and maghintay muna ako ng tamang oras. " natatawa nitong sabi. "He did? Kawawa ka naman.... Ikaw eh.... Inayawan mo kasi ako noon... eh di dapat maraming ka ng kambal na anak sakin!" natatawa nitong biro dito. "Tsk! Ang lupit mo sakin at nagawa mo pang ipaalala. Baka makalimutan kong may kapatid ako, nasiil na kita ng halik. Tara na nga!" at tinungo na nila ang sasakyan. Inubos nila ang isang linggo sa pamamasyal bago nagsimulang magtrabaho si Mark sa company na ipinahawak sa kanya ng magulang ni Princess. At sa libreng oras naman ay nakikilahok ito sa organization laban sa paglaganap ng HIV/Aids sa bansa kung nasaan siya ngayon. Dito nabuksan ang isipan ni Mark sa unang araw pa lamang na siya ay nakilahok. Na hindi kailangang mawalan ng pag-asa na mabuhay ng normal kahit na siya ay may HIV. Dito rin niya nakilala si Tessa na isang Pilipina. Si Tessa na ginahasa ng isang foreigner at patuloy na lumalaban. Mabilis niya itong nakapalagayan ng loob. Dahil isa rin pala ito sa empleyado niya kung kaya't nakakasama nila Princess ito sa mga lakad nila. "Hmmmm di masamang umibig muli Mark.... Okay lang naman sakin na hindi na ako ang tinitibok ng puso mo pero wag mo naman akong kalimutan..... Two weeks ka palang dito ha....Tsk!" si Princess na binisita si Mark sa kanyang opisina. "Huh!? Anong ibig mong sabihin!? " "Ay wag ka nga! I saw you and Tessa na pumasok sa motel!!! Wag kang dedeny luko ka!!!! Nakita ko kayo! " natatawa niyang sabi dito. "f**k!!! I'm still a man honey! Nga paIa, lumabas na ang result ng pangalawang babae ni Mattew. Nawalan na ko ng pag-asa sayo honey...kaya at the same time hindi naman mahirap mahalin si Tessa... Teyka, namimiss mo nanaman sya kaya nandito ka nanaman para titigan ako? " si Mark na pinipilit na maging masigla ang boses. "Hmmmm" si Princess na tumaas ang kilay at sinalat ang pendant ng kanyang kwentas. " Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mas gwapo ako dun.... " "I know. Di mo na kailangang sabihin. Una na ko... Salamat sa oras mo. Work ka na ulit....." nakanguso nitong sabi. "San ang lakad mo ngayon? " "Hmmmm, I miss your little brother Mark kasi Mark, kaya gusto ko syang silipin. Iiwanan muna kita dito. Ok lang ba? " "Sure honey. Kapag kailangan mo ng balikat ko, tawagan mo lang ako okay. " "Yap! " at bago ito umalis ay niyakap muna siya ni Mark ng mahigpit. "Always remember na im still loving you. At yung kay Tessa, walang nangyari samin. May cliyente kami sa motel na yun honey... Tandaan mo lang na nandito parin ako at naghihintay. Bibitaw lang ako kapag nasisiguro kong di ka na pakakawalan ng kapatid ko." maladamdamin niyang pahayag rito. "Thank you Mark. " na tumugon din sa yakap ng binata. NAIS ni Princess na naroon siya sa huling result ng DDC na gagawin naman kay Liza. Kaya matapos ang isang araw ay muli siyang nakauwe ng Pilipinas ng walang nakakaalam sa pamilya Revilla. Hindi man siya pinatulog ng buong gabi ay pinilit niyang bumangon upang mag-almusal kasama ang tatlo sa kapatid niya, at mga lolo at lola. Naubos ang oras ng mga kapatid niya sa kanya upang aliwin ang isipan niyang lumilipad. Lumabas pa sila ng bahay upang puntahan ang Ate Kisses niya at ang kanyang ate Hanna na ngayon ay nasa iisang bahay dahil sa palaging wala ang kanilang mga asawa. At dahil dito ay nalibang siya sa mga makukulit niyang nagwagwapuhang mga pamangkin. KINAKABAHAN naman si Mattew sa resulta ng DDC test nila ni Liza. Sa kanya inabot ang subre na puti ng doctor na nag-assist sa kanila. "f**k!!!! f**k!!! f**k!!! " sigaw ni Mattew habang umagos ang nag-uunahang luha sa kanyang mga mata. Laman ng malaking silid na yun ang mag-asawang Senator Jong and Mrs. Pearl Revilla, ang mag-asawang Mr. Montalban at Mrs. Caroline kasama ang kanilang anak na si Liza at ang kumatawan sa pamilya ng Cannor na si TJ. Naguguluhan sila sa ipinapakitang emosyon ni Mattew kung kayat kinuha ni Mr. Montalban ang papel na hawak ni Mattew. **** HALOS madurog ang puso ni Princess ng malaman niya ang balitang si Mattew ang ama ng dinadala ni Liza. Ang tawag mula sa kanyang kuyang si TJ na kasalukuyan ngayon na naroroon at kasama ni Mattew. Umasa siyang mapapasakanya pa ang lalaking kanyang iniibig. "Iniibig.... Iniibig ba kita Mattew kaya ako umasa ng ganito? Kaya ako nasasaktan nanaman ng ganito?" nausal ng bibig ni Princess na pilit itinatago ang sakit na kanyang nararamdaman. Oo, tulad din siya ng kanyang ama na si Rex Cantos , marunong magtago ng kanyang nararamdaman. Ayaw niyang ipakita na siya ay mahina. "Princess, are you okay? Kanina pa kitang nakikitang tahimik dyan. Gusto mo ng umuwe? O gusto mo ng malapad na balikat na iiyakan? " si RJ na ramdam niya ang tunay na nararamdaman ni Princess. "Kuya ihatid mo nalang ako ng Batangas. Dun nalang muna ako sa resort ng kuya Uno please. " walang emosyon na mukha ni Princess ngunit mababakas parin ang kalungkutan. "Okay. Tara na at baka malalim na ang gabi pagnakarating na tayo dun. " Kagat ang labing naglakad ito sa pintuan ng bahay nila Kisses na nakalimutan ng magpaalam sa mga ito, kung hindi pa humabol ang dalawang batang lalaki na panganay nila Hanna at Kisses ay aalis ito na wala sa sarili. "Tita Ganda! Go home na? " sabay na tanong ng dalawa. "Ohhhh my God...... Sorry sorry boys.... Opo uwe na muna ang tita ganda. But I'll be back soon okay. We're going to eat ice-cream pa before im going back to London okay. Go back to your nanay now Top and Ken here's my goodbye kiss now Hmmmm mhuuaaah!" paalam nito sa mga bata bago niya tinahak ang pinto ng kotse na binuksan ng isa niyang bantay. Ng mapag-isa na siya sa kwartong ipinahanda sa kanya ng kapatid niyang si TJ ay agad siyang dumapa sa kama at isinubsob ang mukha sa isang unan at kumuha pa siya ng isa pang unan at ipinantakip naman sa ulo nito saka niya inilabas ang sakit na kanyang nararamdaman. Nagagalit siya ngayon sa kanyang sarili na mapagkunwari. Inihanda na niya ang sarili para sa araw na ito. Ngunit hindi niya inaasahan na lubos na pala siyang umaasa sa isang bagay na ang katutuhanan ay pinahiram lamang sa kanya si Mattew. Si Mattew na noong umpisa pa lamang ay alam na niyang babaero. Ngunit sinabi nito na babalikan siya..... At hinahanap niya ang mga salitang iyon. Nagising na lamang siya na mugto ang kanyang mga mata kaya napilitan siyang gumamit ng dark sunglasses na nababagay naman sa kanya dahil tag-init. Suot ang new style one piece black butterfly swimsuit ay lumabas ang ganda at hubog ng kanyang katawan at tanging setro lamang ang tumatabing dito. Hinubad niya ito at pinakawalan sa hangin. Gayun din ang kanyang sunglasses na inihulog sa buhangin. Kasabay nanaman nito ang luha sa kanyang mata na kumawala at sabay na tinungo ang tahimik na dagat at sumisid. Hindi alintana ang tindi ng init sa kanyang balat at pilit na inenjoy ang paliligo. Hindi niya napansin na may iilang kalalakihang humahanga sa kanya at pinapanood siya. Ang ilan naman ay nakilala siya kaya panay ang kuha ng litrato nito gamit ang mga digital camera nila. Nang napagod sa paglangoy ay nakita niya ang kanyang kuya Rexj sa ilalim ng malaking payong at nakaupo ito sa mahabang beach bench. Hindi rin niya inaasahan na kompleto ang lahat ng kanyang kapatid na siyang naliligo ngayon kasama niya. At nakakalukong makita ang kanyang mga magulang na naririto rin. Kinawayan siya ng mga ito at kusang lumakad ang kanyang mga paa na lumapit sa mga ito. "Your completely here.... what a surprise..... " si Princess na muntik pang mapiyok. At humalik sa magulang. "Kanina ka pa sa arawan anak. Magpahinga ka muna at hindi naman mauubos ang dagat. " ang tatay niya na si Rex na itinuro ang lounge chair sa kanyang tabi. Ang isa sa mga crew naman doon na nag-aasikaso sa kanila ay lumapit kay Princess at binigyan ito ng malaking tuwalya na ibinalot naman nito sa katawan saka siya umupo sa itinuro ng kanyang ama. "Your the star now honey baby princess namin so keep listening..." wika ni Rex saka kinuha nito ang kanyang gitara at kinantahan niya ang kanyang anak na babae. Ipikit mo man ang iyong mata 'Di pa rin naman mag-iiba Nabalutan ng poot ang puso mo Tila malimit kang ngumiti ngayon 'Di ka rin naman ganyan noon Naubusan ng t***k ang puso mo Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan? 'Di ka na babalik sa lilim ng ulan Sa bawat saglit, handang masaktan Kahit 'di mo alam Subukang muli at pagbigyan Ang ating nakaraan Kahit 'di mo na alam Ipikit mo na ang iyong mata Ang nakaraa'y limutin na Umaasang 'di ka na mawawala Sadyang mahirap lang ngumiti ngayon Minahal kita mula noon Ibalik na ang t***k ng puso mo Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan? 'Di ka na babalik sa lilim ng ulan Sa bawat saglit, handang masaktan Kahit 'di mo alam Subukang muli at pagbigyan Ang ating nakaraan Kahit 'di mo na alam Kahit 'di mo na alam Kahit 'di mo na... Sa bawat saglit, handang masaktan Kahit 'di mo alam Subukang muli at pagbigyan Ang ating nakaraan Kahit 'di mo na alam Kahit 'di mo na alam Kahit 'di mo na alam Kahit 'di mo na... Kahit 'di mo na... Kahit 'di mo na alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD