bc

HE IS A BILLIONAIRE BEHIND HIS MASK (COMPLETED)

book_age18+
2.3K
FOLLOW
7.9K
READ
friends to lovers
sweet
bxg
serious
genius
cheating
enimies to lovers
first love
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

TJ Cannor CantosGreen, isa sa quadruplets na anak ng mag-asawang sina Timothy, Jewel at Rex (polygyny marriage) sa sitwasyong superfecundation (kung saan ay pwedeng magsama ang dalawang magkaibang dugo sa sinapupunan ng babae)

Kwento ng pag-ibig ng magkakapatid na ilan sa mga ito ay magdadala sa inyo sa damdaming kayo'y paiiyakin, pakiligin at iinisin.

Subaybayan ang pag-ibig ni TJ kasama ang kanyang mga kapatid na lalaki na sina Timj (Dos), RJ (Tres), Rexj (Kwatro) at ang dalawa sa triplets na sina Jacobr, at Nathanielt at nag-iisang babae na si Princess.

Feel free to cry, to laugh, and to be inlove.

chap-preview
Free preview
TJ and JACOBR LOVE STORY (LOLLIPOP GIRL)
CHAPTER 1 KISSES POV Halllaasaaahhh si papa ang sama nanaman ng tingin.... tskkk! "Hanggang ngayon ba ganyan parin ang suot mo!!!! sussss kong bata ka!!! " nasabi nalang ni papa kasi yumakap nalang ako ng mahigpit sabay sumakay na sa kotse. Mabuti nalang at may tumawag na sa cellphone nya. And after twenty minutes.... " Haaaayyy My Lord bless my day !!!! " sigaw ko ng makababa ako sa kotse ng papa ko na naghatid sakin. Abah iniwan ba naman ako ng kapatid ko!!!! Mabuti nalang to the rescue ang papa ko!!!! kaya yun si papa na naghatid sakin yeeeehhh!!!! Anak lang ako ng papa ko sa labas. May pamilya ang papa ko at may kapatid akong same age na ubod ng tahimik at may katarayang taglay kahit na ang mommy nya ay mabait naman.... Si Hanna Manalo... my step sister.. na lagi akong iniiwasan. Although 8 years na kaming nagsasama. Since namatay kasi ang mama ko ay kinuha na ako ng papa sa lola ko. At simula ng mapunta ako kay papa may isa siyang bilin sa akin at maging sa aking kapatid. Bawal magboyfriend kasi bata pa! Yeeaahhh This is not about my family. This is about my crush. Siya ang pag usapan natin hehe, buhay na buhay ang diwa ko ngayon kaya para nanaman akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Si Renz Ermino. I like him talaga kasi ang galing niyang magbasketball, gwapo at matalino. Nakilala ko sya noong first semester. Sa overall Intram yun na kasama ang highschool level sa program pero hiwalay ang mga sports activities. First time I meet him talagang nagslow ang lahat..... Ang tangkad nya kasi,.... Ang tangos ng ilong nya at ang cute ng manipis nyang labi at higit sa lahat ang galing nyang magdribble ng ball at magshoot kaya lang nagbago ang lahat kasi binasted nya ako. Oo binasted nya ako as in nagtapat lang naman ako na crush ko sya. Tsk! May makulit akong manliligaw si Kenjie na kasamahan nya. Ayaw ko sa kanya kasi mayabang at presko at higit sa lahat ay gusto sya ng sister kong tahimik. Ang kapatid kong inaakala nya na inaagaw ko ang lahat sa kanya. Ako si Kisses, 19 year old and first year college. Cute ng name ko noh, nagsimula daw kasi akong mabuo ng dahil sa halik Tsk! Landi ng nanay ko eh, namana ko ng kunte.... hehehe. BSBA ang kinuha kong kurso dahil yun ang gusto ng papa ko. Pero ang gusto ko talaga ay maging designer. Hilig ko ang magdesign ng mga damit kaya lang wala ehhh, dalawa kami ng kapatid kong BSBA. Sunod sunuran din sya kay papa. Dalawa kaming babae na di na nasundan kasi daw nagalit ang mama ni Hanna ng malamang may kafling pa si papa. Ang height ko ay 5'2" , di naman masama yun keysa four feet diba. Pero si Hanna ay 5'6. Sa nanay ko kasi ako nakakuha ng height! Girly ako pero I changed since Renz said that he hate the way I talk, the way I dress, the way I move so that I became a lesbian para makalapit ako sa kanya and boom nakakapag-usap na kami minsan pero iniiwasan nya parin ako, at si Kenjie na turn-off narin sakin hehe and I like it. Okay lang yun basta ayaw ko sa kanya. Kahit 5'2" ako may mabilog rin akong katawan. Di ako payat at di rin ako mataba. Sexy ako kahit maliit ako. At higit sa lahat kahit morena ako ay maganda ang kutis ko. Pero sabi nila maputi daw ako.... Ang totoo nyan ay hiram lang ang puti ko hehe. Bilugan ang aking mukha na may bilugang mata, matapos rin ang maliit kong ilong at medyo mamula mula ang labi ko. May dibdib din ako na tama lang sa katawan ko. May korte din ang kilay ko na natural at ang buhok ko ay natural na bagsak hanggang beywang pero ngayon ay nakapulupot pataas na tinatakpan ng sumbrero kong suot. Dahil din sa pagbabago ko naging brusko ako sa pagsasalita na halos wala ng gustong makipag usap sakin di tulad noong bago ako nagchange, marami akong friends ngayon kinakatakutan na ko ng mga babae na akala mo ay pagsasamantalahan ko sila Tsk! Nagsimula na ang second semester and ito yung pangalawang Linggo. Ang unang araw ng klase sa linggong ito. **** Ayyyyy bosetttt!!!!! I saw Renz with Faye sa bench, siya yung cheer leader ng team. Nakaramdam ako ng inis. Lunes na lunessss boseeettt agad!!! Sila agad ang nakita ko. Agad nalang akong pumasok sa room. Hilig kong kumain ng lollipop kapag nakakaramdam ako ng inis!!! Shiiittt!!!! Ah ahhh boseeet talaga at sa upuan ko ay may nakaupo. Lumapit ako sa kanyang harapan at nakapikit pa itong kumag na toh. Pinitik ko ang kanan niyang teynga. "Hey!!!! Alis dyan!!!! Can't you see it's my chair!!!! Alis!!!! " siga kong sabi. Wala akong pakialam sa kanya. Halaaaa first time kong makita ito. Bagoooo? Nagulat siyang tumingin sa akin. Yeaaahhhh nagulat nga talaga siguro siya. Kahit na may salamin sya ay kita ko ang mga mata niya. Ang ganda ng mata niya, kulay berde. Ang weird nga lang. Ang lapad ng birth mark niya sa kaliwang pisnge at may malaki rin siyang pasas sa kanang side ng ilong. Pero ang weird talaga kasi ang ganda ng labi nya na ang pula, ang pilik mata niyang parang babae at ang makapal niyang kilay na basta.... At ang bahagi ng pisngi niya ay ang ganda ng kutis na hindi nababagay man lang ang birth mark niya sa kabilang mukha. Narinig ko syang tumawa. Putcha! Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba.... At bigla syang tumayo..... Ngeeekkkk!!!! Putik ang tangkad..... Mas matangkad pa sya kay Renz... Nakita ko pa itong luminga linga. Naghahanap siguro ng mauupuan. And then,,, sa gawi sya ni Hanna pumunta dahil nakita ko pa itong kumaway para dito. Sa pag upo ko naman ay may tumalong tipaklong sa harapan ko. Ang laki.... Saan naman kaya toh galing....? Muli kong nilingon ang gawi nung lalaki at huli kong nakanguso sakin ang kapatid ko. Bakit parang ako ang pinag-uusapan ng mga yun... Tsk Tsk! Then I saw Renz and Kenzie na pumasok na sa room. Tumabi ito sa kinaroroonan ng grasshopper na yun... oo grasshopper hehe at ni Hanna. Ang grasshopper na yun.... Tsk! Nakakainis pa.... Si Hanna nakakatabi sya. .... si Renz yung tinutukoy ko tapos ako hindi..... During the class... Wowww ha napahanga ako sa tipaklong na yun, kabago bago lang sa klase at late na ngang mag in marami nang alam sa lesson!!! Wala naman sya noong unang linggo ng pasok... panu nya nalaman yun. Talino ahhh... Natapos na ang klase. Kakaluko at kausap na agad ni tipaklong sina Renz. Feeling close narin ang kapatid kong si Hanna sa baguhan. Ano kaya ang pinag uusapan nila.... Sumunod na araw ay nagkaroon ng groupings, napunta ako sa grupo ni tipaklong. Reporting yun ng lesson. Putcha parang tamad ang guro namin at kami ang pinagrereport ng lesson!!!! Ibang klase!!!! Tawa ako ng tawa ng pinaghahanap ako ni tipaklong. Sinasadya ko kasing hindi lumapit sa kanya. Binigyan kami ng oras ni proffesor para mag-usap kaming grupo. "Ikaw nalang ang nakikitang kong walang grupo . Are you Kisses Manalo? " salubong ang kilay na tanong nya sakin. " Oh bakit Grasshopper may reklamo ka ba!? " Singhal ko rito. Napakunot naman ang noo nya. Something weird talaga sa hitsura nya. "I have my name. TJ Cannor Cantos Green but you can call me TJ. " wika nya na napakaseryuso. "Tsk! Haba ng pangalan mo!!! Wag mo kong utusan! Katusan kita diyan eh! Grasshopper nalang! " pang- aasar ko dito. Napailing nalang ito sakin. Kasama ko rin sa grupo ang kapatid kong si Hanna. Nakaismid ito sa akin. Shhhhhh close na agad sila..... EH di wowww. Hinati nya ang lesson sa lima. Hehe yakang yaka ko naman ang napunta sakin kaya di rin sya mapapahiya sakin. Sa mga sumunod na araw ay hindi ko nakikita si Renz. Baka kumuha nanaman ito ng ibang slot ng klase kapag di sya nakakaattend sa subject na oras namin. Pinapayagan naman sya ng admin kasi sariling sikap niya ang pag-aaral nya. Ganun din ang ginagawa ko kapag nawawala sya. Sinusundan ko kasi sya. Ganun ako katindi manligaw. May oras na lagi nitong kasama si Faye. Dati naiinis ako kasi baka nililigawan niya si Faye pero nalaman kong magkakaroon ng audition para sa bagong member ng basketball team. Kaya siguro lage silang nag-uusap. Sumunod na araw ay maayos naming naereport ang naassign na topic samin. Siyempre matalino din naman ako diba. Naamaze nga lang talaga ako sa tipaklong na yun kasi ang dami nya pang naidagdag sa lesson namin. After class... Nakita ko yung si tipaklong mag-isa sa upuan nya. Gusto ko ring mapalapit dito kasi laging dumidikit sila Renz sa kanya. Si Hanna nga nakakalapit na sa grupo nila gawa ng baguhan na lalaking itoh eh. "Hey Grasshopper! " tawag ko rito na di man lang ako nililingon kahit nasa harapan na niya ako. Kaya naman pinitik ko ang ilong niya. "f**k! " galit nitong wika. "Are you crazy!" sabi nito na halatang galit ang boses. "Tinatawag kasi kita hindi mo ko pinapansin! Tsk! Tunay ba yang balat mo na yan huh!!!! at yang pasas mo....? " at akma kong hahawakan ang weird nyang birth mark. Di ko naman kasi alam kong ano ang sasabihin ko para malalapit dito. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko.... ang laki ng kamay nya... ang init.... Ehhhh ang weird.... bakit tumaas ang mga balahibo ko. Agad kong binawi ang kamay ko. "Don't dare to touch me lollipop girl! "seryoso nitong sabi at aba't lumalaban na.... "Wowww ha akala mo naman ginto ka!!!! Tskkk! Inutusan mo ba ako ha! " at pinitik ko uli ang teynga nya. Nakita kong namula ito. Sa tuwing pinipitik ko ang teynga nya ay napapansin ko talaga ang kutis nya. "Tsk! Ang kulit mong maliit na babae ka! " may pagkainis nitong wika. Sasagot na sana ako nung dumating si Hanna. " Something wrong TJ? " malambing nitong tanong. Pati kapatid ko weird narin. Lumayo nalang ako. Muling natapos ang klase. Patayo na toh at alam kong pupunta na ito sa next room namin. Agad akong pumuwesto. Alam kong madadaanan niya ako bago makalabas ng classroom. "Blaaaaggggg!!!! " Patay nasubrahan ata ako!!! Ang sama ng pagkabagsak nya....! Pinatid ko kasi. " Aduuuuyyyy grasshopper sorry!!!! Patangatanga ka kasi! Ano may nahuli kabang isda dyan!? " ay mali..... mali ang nasabi ko. Umupo ito sa sahig paharap sa akin at matalim nya akong tinitigan. Ang ganda ng mata nya..... Si Hanna naman ay agad ni pinulot ang mga aklat niyang tumilapon. Si Renz ay sumama ang tingin sakin ganun rin si Kenjie na inalalayan pa si TJ na tumayo. "Di ko sinasadya, maniwala ka Renz! " agad kong sabi rito. Kakabadtrip naman at hindi man lang ako pinansin. Sama sama silang lumabas. Kakainis.... Palpak ata ang naisip ko. Losser ba ako.....? Para akong tanga..... Lunch break na. Nakita ko si tipaklong na may kasama sa cafeteria na nasa loob ng campus. Dalawang matangkad rin. May kasama syang gwapo at yung isa ay parang may pagkakahawig sa kanya.... Hehe may pagkaweird nanaman..... Agad akong pumunta sa puwesto nila. "Grasshopper! " tawag ko rito na agad naman lumingon na sa akin. For the first time hehe napalingon na sya. "f**k kuya Uno, ikaw ba yung tinatawag!? Hehe " rinig kong wika ng kasamahan nya. "Shut up! " sagot nito Ang isang gwapo naman ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa at muling bumalik ang tingin kay TJ. "She's cute huh! " rinig ko pang wika nito kay TJ na kita ko namang sumama ang tingin nito sa lalaking gwapo. "Hi mga pare!!! " bati ko sa kanila. Nakuuu pooo tamang tingin lang sila sakin.... "What now lollipop girl!? Tsk! " yeeeeyyyy salamat kinausap din ako!!! "Sorry kanina ha.... Di ko sinasadya yun!!!! Maniwala ka! " at agad akong kumuha ng upuan at agad akong umupo na ang sandalan ay nasa harapan ko. Para astig. " Ay pre, Kisses nga pala, kaibigan ako ni TJ, pakilala ko sa kasamahan nila na ikinagulat nila. "Kisses ha.... Di bagay sa outfit mo ang name mo. Since when pa kayo naging friend!? wala kasing nababanggit si Uno samin " tanung sakin nung gwapo. "Ngayon lang hehe diba Grasshopper!? " agad kong sagot. Napatawa ng malakas ang werdo niyang katabi. Bakit ganun kakaiba ang mga boses nila. Ang sarap sa pandinig. Si grasshopper parang walang narinig. Dumating ang order nila at yung isang werdo ay nagdagdag ng pagkain para sakin.... Yeaaahhh nakalibre ako. Mamahalin ang inorder nila. Di halata sa suot ng mga ito. Tamang nakikinig lamang ako sa usapan nila. Wowww ang gagaling nila magenglish. Napapanganga ako sa usapan nila. "Hey little girl, are you okay?" si Jacobr ang nagtanong sakin nung napansin niyang natutulala ako sa kanila. " Ay oo naman!!!! Na amaze lang ako sa pagsasalita ninyo, alam nyo yun may accent !!! Ang galing!!!! taga san ba kayo? " Sa halip na sumagot ay tumawa nanaman ito. " You know what.... Ang cute mo. " si Jacobr na tinapik ang sumbrero ko. "Ayyyyy walang talo-talo!!! Ohhh guys friend ko na rin kayo ha!!!! Grasshopper, pogeng Philip at Jacobr mauna na ako!!! Salamat sa pagkain ha, nabusog ako hehe" at agad akong umalis na sa kinauupuan ko. Kailangan ko kasing mag CR at napadami ang kain ko. Habang nasa CR ako ay masaya ako. Nakagawa na ko ng moves para makalapit kay Renz ko. Mabilis lumipas ang isang Linggo. Monday nanaman.... Katatapos lang ang klase namin at may kalahating oras pa bago ang isa pa muling klase na magkakasama kami. Nakita ko sila Renz, Kenjie at TJ na nag-uusap sa may bandang hallway . Narinig kong pinipilit ulit nila si TJ na sumali sa grupo nila. "Renz!!! Wag nyo ng pilitin ang ayaw!!! " singit ko sa pag-uusap nila. Hehe nagpapapansin talaga ako eh. Nakita kong napailing sa sinabi ko si grasshopper. "Hoy giant grasshopper, bakit ba pakipot ka pa at pinapahirapan mo tong pareng Renz ko ha!!!! " na umaarko pa ang kilay at mata ko. "Hey lollipop girl, if you like him, tell it to him hindi yung kinukumpare mo pa. Tsk! " wika nito ng walang preno ang bibig. Putcha! Napahiya ako dunnn. "Im just kidding namula ka na agad! " sabay alis nito. Feeling ko talaga na bumawe ito sa pagpapahiya ko noong isang Linggo. Kitang kita ko na di nagustuhan ni Renz ang ginawa ko anu ba yan..... shiiittttt! Di pa sya nakakalayo ay bigla ko siyang nabatukan ng hawak kong libro. Shiiitttt may hawak pala akong libro!!!!! "Aray!!!! " sigaw ko na may pumulupot sa mga kamay ko at isinubsob ako sa sahig. Isa, dalawa, lima, hindi marami silang pumaikot sa akin at kay TJ. "Goddamn! " rinig kong sinabi niya at hinihimas ang ulong nasapol ko. Nakita ko ring dumarami ang tao sa paligid. Napatingin ako sa gawi ni TJ, nasaktan ito. Di ko namalayang lumuluha na pala ang mata ko . Nakita ko si TJ na lumingon na sa akin.... "Grasshopper!!! Tulong.... " umiiyak kong sabi kasi bigla akong nakaramdam ng takot at ang sakit ng pagkakahawak ng lalaki sakin. Pigang piga kasi ehhh.... babae parin ako. .. "What the hell are you doing!!!!! " sigaw niya sa akin. Nakatitig ito sa akin at galit ang mga mata niya. Bigla akong napahiya at nakaramdam ng matinding takot.... Maya maya.... "Tsk! Leave her alone!!!!" utos niya ng pasigaw na bigla namang sumunod ang lalaki at ang iba naman ay lumayo na parang walang nangyari. "And you lollipop girl don't ever try to poke me again! " pagbabanta niya sa akin na di parin nawawala ang galit sa mata niya. "f**k! " muli niyang mura na narinig ko. Dito na ko napahagulhol. Nagulat rin akong iniabot niya ang kanyang kamay upang alalayan akong makatayo habang umiiyak ako. "Stop crying! Ikaw nga itong nambatok, ikaw pa itong umiiyak! " Singhal niya sakin ngunit di ko talaga mapigilan ang di umiyak. "Ikaw naman kasi, bakit mo sinabi yun kay Renz!!! Tapos sino yung mga yun??? " tanong ko rito pero di ako pinansin at iniwan akong humihikbi pa. "Miss Kisses Manalo in my office now!!! " patay ang President ng university..... "Naku..... Si Pres. pa..... " narinig kong sabi ng isang studyante. Agad akong sumunod kay Sir Dennis Blanco. Galit ito at nakakatakot talaga ang mata nya... Bakit ko ba ginawa yun!!!? Ang ganda pa ng pagkabwelo ko kanina para lang maabot ang ulo nya.... Matangkad kasi sya. Putik talaga ohhh.... Sino kaya yung mga yun.... ? Nakarating ako sa 4th floor na office ni Sir Dennis. Natatakot tuloy ako ngayon kasi instead Dean ang kakausap sakin ay President na. Naupo ito sa swivel chair nya at pinaupo nya rin ako sa harapan ng table nya... Hindi nya pa ako kinakausap pero nakatingin sya sa cellphone nya. Maya maya ay nagring ito. Agad nya itong dinampot at tumayo. "Don't go somewhere else. Tsk! Di mo alam ang ginawa kong gulo Miss Manalo. " na agad lumayo sakin at iniwan ako sa kanyang opisina at lumabas. Napabuntong hininga ako. Binalot ng takot ang nararamdaman ko. Tumigil narin ang mga mata ko sa pagluha. Maya maya lang ay nakarinig ako ng chopper at ambulance. Kinabahan ako. "Ano kayang meron?" naitanong ko sa sarili ko. Agad akong lumapit sa glass window. Malaki ang office ni sir Dennis halos isang floor kasi ay office nya. Nakita ko na may sumakay sa chopper. Di ko naman makilala kung sino yung mga yun kaya bumalik ako sa pagkakaupo. Muli ay lumipas ang minuto at bumalik na si Sir Dennis. Ilang beses ko ring nakitang bumuntong hininga si Sir. Parang ang laki ng ibinigay kong problema dito. "Alam mo bang puwede kang mapatalsik sa school na ito Miss Manalo at kahit saang school ay hindi ka tatanggapin!? " malupit na pagkasabi agad ni Sir Dennis na nakasalubong ang kilay. Bakit ganun parang pakiramdam ko ay bumangga ako sa pader sa sinabi ni Sir. Binalot ako ng kaba. Si papa..... magagalit sakin yun.... "Sir sorry po talaga..... Di na po maulit...." tangi ko nalang nasabi at umiyak na ko ng umiyak na parang bata. Maya maya ay nagring ulit ang cellphone nya pero patuloy parin akong umiiyak. At maya maya lang ay bumalik ulit siya. "Tsk! Stop crying Miss Manalo. Huwag na huwag mo ng uulitin ang ginawa mo. And stay away from that man kung hatid mo at kapahamakan dito. Tsk! I advise you young lady.... Don't ever touch him again if you want to live long. Tsk! And one more thing, ayusin mo ang sarili mo. You are not like that... You can go now. " agad akong sumunod rito na parang maamong tupa at baka parusahan pa ako kahit na nagtataka pa rin ako. Akala ko ay katapusan ko na.... Hindi na ko humabol pa sa klase. Bawal na kasing pumasok onces na late. Hinintay ko na lamang na matapos ang klase at kakausapin ko si TJ. Pero walang TJ na lumabas. Wala rin akong mapagtanungan kasi ang sama ng tingin nila sakin kahit ng kapatid ko. Kahit sa mga sumunod na klase at wala si TJ. Dito na ko kinabahan. Baka sya yung sinakay sa ambulance o sa chopper kanina. Habang naglalakad ako, napahinto nalang ako. "Nakita nyo yung kanina!? Shocks! Sino ba yun?, first time kong makakita na may chopper na lumanding dito. Sinakay nila yung binatukan ni Miss Manalo. Tapos sumakay din yung gwapo at yung isang studyante ng Engr. Matalino daw yun eh. Jacobr ata yun!? " "Oo nga eh may ambulance rin kanina. Nawewerduhan nga ako kanina eh... si Manalo kasi parang ewan, kung ano anu ang nasa isip. Isa pa ayaw ko namang maniwala na mayaman ang mga yun dahil sa pananamit nila. Yung isa pwede pa. Oo nga baka yung isa. Madami namang mayayaman dito eh. Nasa top three rin kaya ang university na toh. " Mga usapan ng tao sa paligid ko at dito nanaman ako nakaramdam ng takot. Sino ba sya.... Hindi ko talaga siya nakita ng buong araw. Sana lang bukas ay makita ko na siya. Kailangan ko naring bumalik sa dating Kisses kasi lagot ako kay sir Dennis pag di ako nagbago. Halos mag uumaga na at gising parin ako.... Maaga nalang akong bumangon at hinanda ko mga susuutin ko. Agad akong pumunta sa kitchen at dahil maaga pa ay ako na ang nagluto ng almusal namin. Maaga narin akong kumain at naligo. This will be my new day being me again....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
554.3K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
785.0K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
18.7K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook