CHAPTER 2
Maagang pumasok si TJ sa unang klase niya. Sya palang rin ang tao sa loob ng classroom. Naupo siya sa silya na dati niyang inuupuan. Iniisip niya ang nangyari kahapon. Magdamag siyang di nakatulog sa kakaisip sa babaeng yun.
TJ POV
Kanina pa tumatakbo ang babaeng yun sa isip ko ... Tsk kagabi pa pala. Ni hindi ako pinatulog ng babaeng yun.
She is small girl pero grabe!!!!! Small but terrible talaga oo Tsk! Paano kaya lumakas ang babaeng yun!? Tindi ng iimpact sa ulo ko ng pangbabatok nya ahh tsk! Iyakin din naman huhhh haiiissst!!! Kamusta kaya sya....?
Baligtad ata..... Bakit ako ang nag-aalala sa kanya ngayon.... ako tong nasaktan kahapon pero tsk! Napapailing nalang ako.
Napapikit nalang ako at parang ngayon pa ko dadalawin ng antok.
***
KISSES POV
Balik sa dati, nakabestida na ulit ako na above na knee. Naka 3 inches na takong para naman makasabay ako sa mga matatangkad tulad ng kapatid ko na mabuti nalang ay i know how to walk like a lady parin. Nakalugay ang mahaba kong buhok at naglight make up narin ako. Pero yung mata ko.... mababakas parin na wala pa akong tulog.
Maaga akong umalis sa bahay. Nag cab na lamang ako at pinasabi ko na lamang sa katulong na sabihin kina papa na nauna na ako.
Like what I expected, nakatingin sila sakin... Bakit ba ang daming mata....? Ganda ko noh ... pero ang totoo judgemental mga toh, magbubulongan lang rinig ko pa.
Akala ko na ako ang mauuna sa classroom.... Bigla akong kinabahan kasi nakita ko sya.... Dahan dahan akong lumapit dito.
Hindi ko alam kung paano ako makakabawe sa ginawa ko sa lalaking toh....
I'm about to kiss his chicks saying sorry.....
"f**k! " sigaw ng isip ko.
Four seconds?
"Ahhhhhh!!!!! Bakit ka lumingon!!!!!! Grasshopper naman ehhhh!!!! Sa pisngi lang kita hahalikan eh!!!!! First kiss ko yun!!!!! Kakabosssseeet!!!! " sigaw ko na pumapadyak ang mga paa ko.
"What the-!!! Lollipop!? Ki-Kisses!? is that you!? " may pagtataka niyang tanong.
"Bakit para kang nakakita ng multo!? Kainis! " na tinitigan ako ng masama.
" Tsk! Ano pang kaya mong gawin!? Kahapon nambabatok ka tapos ngayon manghahalik ka naman! "
"Di ko naman sinasadya yun grasshopper.... Sorry na.... "
" So lahat ng ginagawa mo di mo sinasadya? Yung kapag may naiisip ka , gagawin mo nalang at sasabihin mo na di mo sinasadya? " titig na titig sya sakin habang sinasabi ito.
Hindi na ko nakasagot kasi nakita ko na may pumapasok sa loob. Kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. Hindi pa nga kami okay sa nagawa ko noong una, nasundan nanaman....
Ang lambot ng labi nya.... Tapos ang bango nya... Hindi ko alam kung yung pabango nya o yung hininga nya.... Yung puso ko kanina pa kumakabog. Kakainis pero buti nalang at malakas parin loob ko na magsalita.
Dumating na ang grupo nila Renz kasama si Hanna sa pagpasok.... Wala paring namamansin..... Si Renz nginitian ko pero wala nakatitig lang. Kahit si Kenjie na akala ko makukuha ko ang atensyon pero wala rin.
Ang tahimik ng buong umaga ko. Di ko nga namalayang lunch break na. Ako nalang ang tao sa loob ng classroom. Ang lungkot pag ganito. Walang kumakausap.
Si grasshopper nga pala.... Kailangan kong kausapin.... Dali dali akong lumabas ng room. Di ko makita ang grupo nila.... Pero ang cafeteria ang hindi ko pa napupuntahan.
Di nga ako nagkakamali. Agad akong pumasok.
"Grasshopper....! " tawag ko na napatingin naman sya agad sakin.
Ayyyyy maliiiii...... Wrong timing ba ako.... May meeting ba sila at ang dami nila dito!? Ang basketball team!? Yung 12 players tapos yung coach!? Yung cheer leader!?
Halaaaahhhh. Nakatingin sila sakin ngayon. Gulat o inis!? Si Hanna nandito rin.... ?
"Ahhhh ehhhhh.... Sorry..... " nasabi ko nalang. Nakakahiya naman.....
****
Nagulat ang lahat sa loob. Lahat ng laman ng cafeteria ay involve sa gagawing competition sa lahat ng school sa Manila. Nagkaroon ng madaliang pagselect ng grupo para sa team ng basketball dahil ang ibang member ay naban at hindi maaaring maglaro.
Si Kisses na nakatayo sa may maindoor ng cafeteria na maaaring hindi nabasa ang nasa labas na placard ay bigla nalamang magsasalita.
Biglang sinipa ni TJ si Philip na kasalukuyang katabi nito. Nakuha ni Philip ang gustong sabihin ng kaibigan at tumayo ito.
Nagulat ito ng makita si Kisses na iba na ang outfit. Ang ganda ng babaeng ito kahit maliit. Para siyang manika lalo na ang buhok nitong bagsak at maitim. At alam ni Philip na tinamaan dito ang kaibigan niya.
"Seat. " malamig niyang sabi.
Si Kisses ay hindi parin makagalaw sa kinatatayuan niya.
Muling suminyas si TJ kay Philip na kitang kita ni Hanna ang ginagawa ni TJ para sa kapatid. Napangiti naman si Hanna. Sa totoo lang kasi hindi talaga sila close ng kapatid kaya lang seyempre ay magkapatid parin sila.
Nilapitan ni Philip si Kisses at pumuwesto ito sa likuran ng babae. Dahan dahan niya itong itinulak upang makarating sa tabi ni TJ.
"Continue. " utos ni TJ sa nagsasalita kanina bago naputol .
Si Kisses ngayon ay katabi ni TJ at katabi rin ito ni Hanna sa kaliwa. Nalaman niyang kasali si Hanna sa cheering squad. At siya lang rin ang hindi kasali sa grupo.
Napansin si TJ na namumula si Kisses sa kinauupuan nito habang nakayuko.
"Are you okay? " malamig na tinig ni TJ na nakaagaw ng pansin sa lahat.
Napaangat ng ulo si Kisses. Nagulat ito na sa kanya nanaman nakatingin ang lahat. Hindi niya alam kung siya ba ang tinatanong ni TJ.
"Are you okay lollipop? " muling tanong nito.
"A-ako ba yun? " si Kisses na nauutal dahil sa gulat.
"Tsk!" tanging sagot lamang ni TJ
"No worries grasshopper okay lang ako."
"LQ!? " ang coach ng team na kanina pa naiintriga sa dalawa at nakangiti.
Napaubo naman si Kisses sa narinig kaya naman may agad na lumapit na may isang basong tubig mula kung saan at inabot kay TJ na siya namang inilagay sa harap ni Kisses at hindi pa nakakaalis ang kamay nito ay agad na kinuha ni Kisses ang baso kaya naman nagdikit ng kanilang mga kamay na nagdulot naman ng kakaibang pakiramdam sa dalawa. Si TJ na ang unang kumalas sa pagkakahawak ni Kisses.
May matang nakasubaybay.
Walang umimik kaya binasag naman ni Jacobr ang katahimikan.
"Should we eat first? We can talk while we eating if you want. Gutom narin ako. " wika nito.
Sinang-ayunan naman ito ng karamihan. Di naman nagtagal ay natapos na ang kanilang pinag-uusapan. Magkakaroon agad ng practice ngayong gabi para sa manlalaro. Bumuo rin ng dalawang team upang makaselect ng five players at ngayong gabi rin ito isasagawa.
Hindi humihiwalay si Kisses sa tabi ni TJ habang ang lahat ay bumalik na sa kanikanilang klase maliban kina Renz, Kenjie at Hanna na nasa likuran pa nila. Pag MWF ay iisa ang klase nila Kisses at TJ, pero dapat si Kisses ngayon ay wala sa klase ngayon dahil bubuntot ito kay Renz.
"What now Lollipop girl!? May kailangan ka ba at until now nakadikit ka parin sakin!? " malamig na tinig nanaman ni TJ.
Nagulat si TJ nang bigla itong yumakap sa kanya at umiiyak.
Nakita ito nila Hanna, Renz, Kenjie,Philip at ni Jacobr na ang lapad ng pagkakangiti sabay lakad at tinapik lamang ang balikat ng kapatid. Kasunod na nito si Philip.
"Congrats pre! " narinig pa ni TJ na wika ni Philip.
Si Kenjie naman ay sumama ang tingin sa dalawa. Nakitaan ng pagkatalim ang kanyang mga mata sa nagyayakapan. Si Renz ay gayun din pero umiwas ito ng tingin. Di lingid sa kanilang kaalaman na napansin ito ni Hanna. Kahit siya ay naiinis dahil nakitaan niya si Kenjie ng kakaiba ay napangiti parin siya dahil ang kapatid niya ay kay TJ na niya napapansing napapalapit.
"Hey why are you crying again! Tsk! " problemadong tanong ni TJ.
Pero bago ito sumagot ay humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Sorry na nga kasi..... " sumisikdo nitong sabi.
Instead na sagutin niya ito ay binuhat niya si Kisses na parang bridal habang umiiyak parin ang babae. Nagulat man si Kisses sa ginawa ni TJ ay nagpaubaya ito.
Gulat na gulat ang mga nakakita at hindi pa nakakaahon sa pagkagulat ay may eksena na naman. Sunod sunod na itim na mamahaling sasakyan ang biglang tumigil sa harapan nila.
Si TJ ay napatigil rin sa kinatatayuan niya. Ang balak niyang dalhin lang ito sa room ay di na natuloy.
Si Philip ay hila hila si Faye na dumarating papunta sa gawi niya mula sa harapan. Si Jacobr naman ay lumampas sa kanila at tumagaktak ang pawis.
Biglang hinila naman ni Jacobr mula sa likuran si Hanna sa kinatatayuan nito at hinapit sa beywang at iginiya papunta sa tabi nila TJ.
Si Hanna ay gulat na gulat si ginawa ng binata. Merong kakaiba sa mga lalaking ito.
Napaangat ng mukha si Kisses. Buhat parin siya ni TJ. Kitang kita niya na maraming bumaba na mga nakaitimang mga lalaki na higit sa tatlumpo ang mga ito.
Kasunod nito ay tumatakbo ang kanilang President ng university at ang mga nasa admin. Humilira ito sa likuran nila TJ.
Ang mga student ng campus ay unti unting kumakapal sa paligid.
May isang makisig na bumaba sa kotseng nasa harapan nila kung saan nakapuwesto sa driver seat. Ito si Kim. Ang ama ni Philip. Napangiti ito ng makita ang anak na nakaakbay sa katabi nitong babae. Si Faye.
Nagsipagyukuan naman ang mga staff ng University. Kasunod nito ay pinagbuksan naman ng nakaitiman na lalaki ang mismong nasa harapan nila, ang passenger seat.
Inilabas nito ang napakaeleganteng babae. Sa mata ng mga naroroon ay para silang nakakita ng napakagandang dyosa. Napakaeleganti nitong tingnan sa suot na off shoulder black dress. Ang alindog niyang walang kupas. Ang buhok niyang natural sa pagkacurly ng bahagya na kulay mais. Ang maporselana nitong kutis. At napakaamo nitong mukha.
Ito ang nakikita ni Kisses habang ibinababa siya ni TJ.
Kita niyang kay TJ ito nakatingin ng walang emosyon. Gayun din ang ginawa niya kay Jacobr at Philip. At muling bumalik ang tingin kay TJ na maya maya ay pinag laanan si Kisses ng pansin.
KISSES POV
Ang ganda niya...... Napakaganda..... Bakit ganun nalang sya makatingin kay TJ, yung mga mata na akala mo ay iiyak na malamlam na masaya pero ang ganda nya talaga.
Naramdaman kong ibinaba ako ni TJ. Hinila niya ang kamay ko palapit sa kinaroronan ng magandang babae. At ng makalapit kami ay binitawan niya ang aking kamay.
Mula sa aking harapan at nakita kong hinalikan niya ito sa labi ng matagal at niyakap.
Bakit nakaramdam ako ng selos. Bakit bigla akong nanliit..... Haiiii maliit na nga ako, nanliliit pa ako....
" I miss you so much nay..... I love you.... why are you here? " dinig kong sabi nito sa babae.
Di ko namalayang lumuha ang mata ko at napaatras ako ng bahagya. Agad kong pinunas ng palad ko ang luhang dumaloy sa pisnge ko. Sumagot sa yakap ang babae.
Nakita kong lumapit din si Jacobr at dumampi rin ng halik sa labi ng babae at yumakap.
"Humalik din sa labi... pero dampi..... Yung kay TJ ang tagal" bulong ng isip ko.
"Bakit nagpapahalik ang babaeng ito!!!? " bulong ng isip ko.
Dumikit kami ng kapatid ko at pareho kaming nagtataka.
Si Philip naman ang sunod na lumapit at humalik sa pisnge at hindi nito binitawan ang kamay ni Faye. Di tulad ng ginawa sa kanila ng dalawang may birth mark sa mukha.
Bumati naman sila Sir Dennis Blanco at humalik rin ito sa kamay ng babae.
"Den-den..... Kamusta? " rinig kong tanong dito at nakangiti pa nitong bati sa President ng school.
Ang ganda ng boses niya at ang ganda ng labi at may mapuputing ngipin na pantay pantay.
"Ate.... Natutuwa akong makita kang muli. Mas lalo kang gumanda.... Tara sa loob at napakainit dito. Baka mamaya mawalan ako ng trabaho pag nalaman ni Kuya Rex at Kuya Timothy na pinaiinitan kita. Tsk biglaan kang napasyal. Pasensya kana." malinaw kong narinig mula kay Sir Dennis.
So close sila.....
Ang magandang babae ay hinapit ni TJ sa beywang.
Ouuuutchhh nasaktan ako dun ahhhh....
Pero bago sila naglakad ay kinuha niya ang kanang kamay ko at hila hila akong kasamang pumunta sa building ng admin.
EH EH sinasama ako.....
Si Hanna naman ay kita kong hapit ni Jacobr ang beywang at ganun rin si Philip kay Faye. Ako sa kamay lang..... Mga boseeetttt.
Ang paligid ay tahimik kahit makapal ang tao. Medyo malayo ang building na lalakarin namin kaya ang mga nakaitiman ay mabilis na kumilos at may payong na inilahad sa aming tatlo, ako, si TJ at yung hapit nitong babae. Ganun rin ang kina Faye at Hanna. Feeling ko importante rin kaming bisita. Hehe pero todo ng kaba ko.
Napakamisteryo talaga sakin ng mga taong ito.
Kaming tatlong babae ay naiwan sa lobby at silang lahat ay nasa malawak na office ni Sir Dennis.
Walang naimik sa aming tatlo. Para kaming mga tanga na alam naming may kanya kanya kaming katanungan sa aking isipan. Nagtitinginan lang kami.
Maya maya pa ay lumabas na sila. Sa akin nakatingin ang magandang babae. Halos matunaw ako at napatayo. Sa mga tingin nya ay may kakaiba.
Yumuko ako rito bilang pag galang.
" Uuwe kami agad after the practice.... Take some rest... " narinig kong sabi nito at humalik muli sa labi ng babae ng dampi at yumakap.
Pagkatapos nito ay kinuha niya ko sa puwesto ko kung saan ako nakatayo sabay nauna na kaming lumabas sa lahat.
Talagang naging blanco ang isipan ko ngayon..... At puro question mark lamang ang laman nito. Kakainis....
Humabol kami sa klase kahit nangangalahati na sa lesson. Sabay kaming pumasok sa room na magkahawak ang kamay.
Ang alam ko ay bawal itong ginagawa namin pero hindi man lang kami sinita ng proffesor namin.
Ang putchang si Grasshopper nakakarecite pa sa lesson. Hanga na talaga ako sa utak na mayroon ang kumag na toh. Kung gaano sya kalaking tao ay ganun rin ata ang baon nitong IQ.
Natapos nanaman ang klase at may thristy minutes pa muli bago ang susunod na klase.
Nakita ko itong pumikit mula sa kinauupuan ko. Hindi siya inaabala ni Kenjie at Renz na titig ni titig rin sa lalaki.
Teyka.... Hindi lang kami ang nakatitig sa kanya.... Lahat ng student sa loob.ang ulo nito ay nakasampay sa pader at sinasabit naman sa sandalan ang leeg nito.
Nakalongsleeve ito at maong na kupas. Halata rin na mumurahin ang mga suot nitong damit maliban sa isa. Ang pabango niyang branded at alam niyang mamahalin.
Nagkatinginan kami ni Renz. Bakit parang wala na akong nararamdaman dito. Bumawe ako ng tingin dito at muli kong ibinalik ang tingin kay TJ.
Ang bilis ng oras. Pumasok na ang sumunod na proffesor namin at nakita kong tulog parin si TJ. Walang gustong gisingin siya. Kaya ako na ang may lakas ng loob na tumayo at pumunta sa hulihan.
Nakaramdam nanaman ako ng kilabot kasi lahat sila nakatingin sakin. Haiiii nakuuuu bahala sila.....
"Grasshopper..... " Sambit ng aking bibig pero wa epekto....
"Grasshopper..... " muli kong tawag sa pangalan niya.
Tsk! Wala talaga. Naisip ko sanang pitikin ang kanyang ilong pero baka magalit... Kaya naman tatapikin ko nalang ang kanyang mukha. Werdoooo talaga ang balat nya....
Nakapuwesto na ang aking kamay malapit sa kanyang mukha ng bigla itong nagising dahil sa nag-alarm ang kanyang phone. Kaya sa pagkagising nito ay ang palad ko ay nasa kanyang labi tumapat na para tuloy niyang hinalikan ito. Patay......
"Tsk! Lollipop girl I'm awake now. Go back to your chair. " nakatitig nitong sabi matapos kong binawe ang aking kamay sa labi nya.
"Hehe" tanging nasagot ko lamang at bumalik na ko sa upuan ko.
Katabi na nito sa Hanna. Kakainis gusto ko ring tumabi sa kanya.
Tapos na ang klase. Narinig kong nagpapaalam si Hanna kay papa na gagabihin siya umuwe dahil kausap nito si Papa sa phone.
"Hanna ako rin.... Ipaalam mo ko.... Sabay na tayo. " Malakas kong sabi sa kanya sa likuran nya.
Napalingon ito sa akin at bumuntong hininga pero pinagpaalam nya rin ako. Hehe.
Agad akong lumapit sa grupo ni TJ at kumawet sa braso ng binata.
"Grasshopper sama ako..... Magchecheer ako sayo!" masaya kong wika rito na tumitig lang siya sa akin.
"Tsk! " rinig ko pa mula rito.
"Sakin..... Bakit hindi mo nalang sabihing sa kanya.." sagot nito.
Halaaaahhhh bakit parang ramdam kong naiinis ito....
"Sayo nga.... Promise..... " sagot ko na nakipagtitigan pa ko sa mga mata yang maganda. Feeling ko talaga ang gwapo ng kaharap ko , putcha lang talaga ang nunal nito sa ilong na kasing laki ng pasas at at balat nito sa mukha. Ok lang ang salamin kasi malinaw ko namang nakikita ang mata niyang maganda.
Yung mata nya na nakita ko na may pagkakahawig..... Pero di ko matandaan....
Nahuli kong nakatingin sakin si Rex at maging si Kenjie. Pero bahala sila. Kay TJ na ako kahit panget si TJ sa mata ng ibang babae ay ok lang sakin, ramdam ko namang safe ako. Sabi nga nila, mas masarap magmahal ng panget kasi wala kang kaagaw. Pero di ko pa alam ang nararamdaman ko para kay TJ basta gusto ko sa kanya lang ako.
Si Hanna naman ay nakita kong may hinahanap gayung nasa harapan naman niya si Kenjie.
Maya maya pa nga at nakita kong dumarating sila Jacobr at Philip sa kinaroroonan namin. Si Jacobr ay agad na lumapit kay Hanna ay humalik sa pisnge nito.
"Miss me honey!? " rinig ko pang wika nito kay Hanna na ikinapula ng kapatid ko at malakas ang loob na umakbay ito sa kanya.
Ahhhhh ooohhhhh iisa lang ba kami ng nararamdaman sa mga lalaking ito. Werdooooo strike.
Ang mga kalalakihan ay napapanganga nalang sa kanilang nakikita. Ang ibang kababaihan naman ay natatawa sa amin.... ehhhh ano naman....
Mapapansin na parang walang planong mag siuwian ang mga studyante. Kumalat kasi sa campus na magkakaroon ng labanan ngayong gabi upang makapili ng five star player sa grupo.
Sabay sabay naming tinungo ang gymnasium. Nakakawit ako sa bisig ng aking TJ. Pasalamat sya sakin at kahit maliit ako ay maganda ako. Napapansin kong sinasabayan nya ang bawat hakbang ko , kaya medyo nauuna ang iba sa amin. Ang liit kasi ng mga binti ko eh.....
At ng hindi makatiis ay nagulat akong pinangko nanaman niya ako sa bisig nya. Hehe sarap ng feeling kaya gusto ko ng matangkad eh....
"Tsk! " rinig ko rito. Titig na titig ako sa kanya habang kalong niya ako at nakasabit na ngayon ang aking mga kamay sa kanyang leeg.
"Grasshopper ang bango mo..... " lakas loob kong sabi na dumikit pa ko sa leeg niya.
"Ang liit mong babae pero ang bigat mo." reply nito sakin.
"Hindi ko naman sinabing buhatin mo ko eh." muli kong tugon sa kanya.
" Ang bagal mo kasi. "
" Eh ang hahaba kaya ng mga binti ninyo grasshopper... Ang hirap maglakad.... Takong ko lang ang tumaas pero same parin ang length ng hakbang ko nohhh...." paliwanag ko rito.
Dahan dahan nya akong binaba ng mapansin kong malapit na kami sa entrance ng gymnasium. Marami na palang tao sa loob.
"Go, don't go so far. Pumuwesto kayo sa madali ko kayong makikita. " wika nito na yumuko at humalik pa sa noo ko.
Yeahhhhhh sarap.....
Humanap kami ng pwesto nila Hanna. Sa unang pagkakataon ay dito kami nagkasundo. Magkahawak pa ang aming kamay ng aking sissy. Nasa gitnang bahagi kami. Paano akala moy totoong laban talaga sa dami ng tao.
Dito ko kin nalaman na ang mga makakalaban nila ay ang mga naban na manlalaro. Training narin ito para sa kanila. Bigla akong kinabahan ngayon.