CHAPTER 3
Lumabas na ang mga manlalaro. Ang mga dating kupunan na sikat sa campus ang unang makikita sa loob ng field. Madidinig ang sigawan ng mga estudyanteng nakakakilala sa mga ito. Sila ngayon ay nakasuot ng pulang uniporme. Hindi lang first year college ang nasa loob, kundi pinagsamang studyante mula first to fourth year college. Sayang at sila ay hindi makapaglaro para sa pangkalahatan.
Ang mga mga manlalaro na natira lamang sa kupunan nila ay si Kenjie at Renz na hindi nadamay sa mga kalukuhan naganap sa kanila. Nadisqualified sila dahil sa rambulang naganap noong huling laban dahil dumayo ang mga ito sa ibang paaralan.
KISSES POV
Hindi sila ang gusto kong makita. Ang grasshopper ko..... At sa wakas ay lumabas na sila.... Mga nakaputi ang mga ito. Ang lakas talaga ng dating nya sakin!!!! Ang tangkad nya hehe pati si Jacobr at si Philip ay ang lakas din ng dating kahit pa werdooo ang mukha nila. Awannnn ko ba..... Basta pumipintig ng mabilis ang puso ko.
First quarter, hindi pa naisasalang ang tatlo pero sila Renz ay Kenjie ay nag eenjoy na. Naiinip ako. Ang laki na ng lamang ng kabilang kupunan. Wala man ang kaexcitement. Hanggang sa nagkaroon ng sub.
Ipinasok nila si Philip.
"Wow!!! Ang galing nya!" hiyaw na agad ni Faye na katabi namin dahil agad agad ay nakascore ito.
Oo, tama sya, ang galing nyang dumepensa sa kalaban. Nakakainis gusto ko ring makitang lumaban ang TJ ko!!!!
Natapos ang first game. Bitin..... Ang 30 na lamang ng kabilang kupunan ay naging 20 nalang nung pumasok si Philip.
At muli ay magsisimula na ulit. Laking tuwa ko ng pinasok na nila ang dalawang may birth mark. Hehe sila yun!!!!
"Go Grasshopper!!!!!! " sigaw ko
"Go Jacobr my honeypie!!!!!! " sigaw naman ni Hanna na napatingin ako.
My honeypie????? Sigaw ng isip ko. Napatingin ito sakin at narealize nya siguro ang sinigaw niya kanila lang na narinig ko. Namula ito. Pero agad akong umiwas ng tingin.
Kanina ay parang nagtatalo sila sa baba pero nag okay naman.
Pumuwesto na sila.
Nakakagulat na si TJ ang naging point guard nila, si Renz ang naging shooting guard, si Kenji ngayon ay naging small forward, si Philip ang naging power forward at si Jacobr naman ang center.
Bawat isa sa kanila ay may mahalagang gampanin sa loob ng field.
Dumuble ang kabog ng dibdib ko. Nakita ko TJ na parang may hinahanap. Hehe ako yun kaya sumigaw na ako.
"Grasshopper!!!!!!!!!!! " sigaw ko na kumakaway kaway pa ko at booom wapeeeekkkkk nakita ako hehehe.
Nagtitinginan sakin ang mga kababaihan. Wala akong pakialam.
Shiiitttt ngayon ko lang napansin na walang suot na salamin ang grasshopper ko. Ayyyyy bakit kasi ang layo ko kaya di ko man lang makita ang mukha nya ng malapitan. Ang balat nya sa mukha ang natatanaw ko beyeeeennnn.
Nasa kabilang kupunan ang bola, nagsimula na ang point guard ng ibang kupunan na magdribol ng bola. At .....
"wowwww!!!!! Shitttt!!!! Ang bilis!!!!" nasambit ng aking bibig sa mabilis na pangyayari. Tahimik ang lahat. Oo kitang kita ng dalawa kong mata.
Hawak na ni TJ ang bola ng ganun kabilis at walang kahirap hirap na naagaw SA kalaban ay agad na pinasa kay Rex at.... Yunnnn three point shoot agad agad!!! Putcha!!!!!! Ang galing!!!!!!!
Doon nagsimulang umingay muli ang gymnasium. 46 ang score ng kabila at 29 naman ang kina TJ. Pero malaki ang pananalig kong mananalo ang team ng TJ ko.
Magaling magpaikot ng laro si TJ. Sya ngayon ang naging utak sa laro. Napaka alert ng kanyang isip sa bawat taktika. Matatapos na ang second quarter ngunit hindi parin nakakascore ang kalaban.
Oo lamang parin sila pero malaki naman ang nabawas sa lamang. Ang score ay 46-43. Sa tulong ito ng sunod sunod na three point shoot ni TJ. Mabilis makuha ni TJ ang suporta ng mga manunuod. May teamwork na nagaganap sa pangangalaga ni TJ. Mas lalo akong humanga sa kanya!!!!
Halos magiba na ang gymnasium sa ingay na pinakakawalan ng mga manunuod. Halos mahimatay naman ako kasi ang galing galing ng grasshopper ko!!!!!
Ang galing nilang lahat!!!!! Mas maganda ang kumbinasyon ng grupo nila ngayon. Panay ang hiyawan ng mga manunuod.
At sa bandang huli ay lumamang ang kupunan ng grasshopper namin ng 56 points sa score na 51-107!!!!!!!
Sinisigaw nila ang pangalan ng TJ ko!!!!! Wheeeeewww grasshopper ko yan!!!!!!!
Agad kaming bumaba nila Hanna at Faye. Nakipagsiksikan kami sa mga salungat na dumaraan.
Agad na yumakap si Faye kay Philip. Si Hanna naman ay kumalas sa kamay ko at tumakbo kay Jacobr.
Nakita kong nagpupunas naman ng pawis si grasshopper ko malapit sa bench kaya agad akong kumuha ng isa pang towel at tumakbo palapit sa kanya at tumuntong sa bangko. Di ko naman kasi siya maabot.
Agad akong inalalayan ni TJ at hinayaan nya akong punasan siya.
"Grasshopper ang galing mo naman!!!!! Love love love na kita super!!!! " sabi ko rito na dinadampian ko ng towel ang kanyang mukha.
Fuck!!!! sa di ko sinasadya ay nadali ko ang pasas nya.... I mean ang nunal niya na nanlagas at kumapit ito sa towel at ang kanyang balat naman ay parang tutuklap.... Ay hindi.... Tumuklap na nga eh... Ano yunnnnn????? at ang bilugan kong mata ay napatingin sa towel at nanlalaki. Napatingin ako kay TJ... Natatawa itong nakatingin sakin at ako naman ay gulat na gulat.
"Fix it kung ayaw mong pagkagulugan ako dito. " utos nito sakin na natatawa habang yakap na niya ako.
Agad ko naman sinunod ito. Kinuha ko rin ang nunal niya at ibinalik sa ilong niya ng nangingilig ang mga kamay ko. Gusto kong makita ang totoo nyang mukha pero natatakot din ako sa banta nya kasi ang dami pang girls dito. Paano kung gwapo nga sya talaga eh di kawawa ako... Pinunasan ko ng dampi lamang ang mukha nya at naiikabit kong muli ng maayos ang balat niya natuklap... Putcha.....
Di ako nagkakamali...... May pagka-Adonis talaga ang lalaking ito. At alam kong ganun din ang isa na kasama ni Hanna....
Ayyyyy yeeeeeeahhhhh bigla tuloy akong nahiya..... Feeling ko tuloy di na kami bagay kapag super napakagwapo niya.... Pero pikutin ko nalang kaya ito....
Alam kong napansin niya na namumula ako... Ibinaba niya ako sa bench at muli ay yumuko ito upang bigyan ako ng damping halik sa labi. Fucccckkkkk lumapat nanaman ang labi namin!!!!! Two points!!!!
" Isa pa..... " hirit ko na pinagbigyan naman niya ako ng mariin na halik.
Panalong wagas!!!!! At bigla akong tumalon sa kanya at nagpabuhat. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Akin ka na ha!" paninigurado ko dito. Abaaahhhh ako na ang nanliligaw, tanggi pa sya.
"Okay, sabi mo eh! eh ikaw ba sakin ka na!? " pilyo niyang sagot pero kilig much ako.
"Oong oo. Sayong sayo lang ako promise!!!!! " sigaw ko habang nagpapabuhat pa ako hehe.
Tumawag ng pag-iipon ang coach. Pinagsasama ang dating kupunan at ang grupo nila TJ para magpasalamat ang mga ito sa isa't isa.
Ibinaba ako ni TJ sa bench.
"Wait me there babe. " wika nito na ginulo pa ang aking buhok.
"Babe! Babe! Babe! " Sambit ng malandi kong labi.
Bukas malalaman ang napiling 5 star player.
Nag-usap usap silang manlalaro. Matapos ang importanteng pinag-usapan ay lumapit sa akin si Kenjie.
"Kisses can I ask you to be my partner tonight?" seryusong tanong sakin ni Kenjie.
"Sorry. I can't! " agad kong na may halong kaartehan.
Nakitaan ko naman ng disappointment ang binata. Eh ayaw ko talaga sa kanya eh.
Si Renz naman ang lumapit at nagtanong.
"Kakain kami sa labas, sama ka na! Kay Kenjie na tayo sumabay" pag-aaya nito.
Akala siguro nito ay gusto ko pa siya. Ngeeeekkkk dati yun..... Binabalewala nya ko dati diba.... Sinagot ko ang paanyaya nya ng paganong.
" Ahmmmm si grasshopper sasama ba?"
" I don't know. " agaran din nitong sagot.
"Excuse me. " sabay alis ko na sa harapan nila.
Agad kong pinuntahan kung nasaan ang hopper ko at kausap nya pa pala ang dating captain ng team. Seryosong pag-usap kaya dahan dahan nalang akong lumapit.
"Nice meeting you again Mr. Green! I heard lot about you . Di ko inaasahan na dito tayo magkikita. Pa autograph naman sa likod ko... " at inabot nito ang pentelpen .
Nakita ko namang nagsign nga ito sa likod niya.
"Salamat! Makakaasa ka na i zip my mouth. Have a goodnight pre. Mauna na kami.!" agad na paalam nito. "
Tiningnan lamang ako ni TJ sa mata. Ang hirap tumingala rito pag malapitan ang tangkad kasi.
"Hungry?" tanong nito sakin
"Kain tayo grasshopper!? " lambing ko.
"Ikaw ba ang kakainin ko babe!? Yeahhhh. Sure. Why not. " pilyo nyang tanong.
"Basta ba kakanin din kita eh.... Hehe.... Hmmm hindi nga... Gutom na ko... Kasama sila!? " ang tinutukoy ko ay kasamahan nila sa team
"Oo, ayaw mo!?"
"Hmmm okay lang basta kasama kita." agad kong sagot.
"Parang hindi eh.... Hintayin mo ko at magbibihis lang ako. " pagpapaalam nito matapos pisilin ang aking baba.
Muling lumapit sakin si Renz.
" Ang sweet nyo ah.... Nanliligaw na ba sayo!? " derecho nitong tanong.
" Hindi na uso yun ... Kami na nga eh. " derecho ko ring sagot.
"What!? Kelan pa!?"
"Oo nga , kanina lang!!! Gulat ka? Hehe! "
"Tsk! Ibang klase ka talaga! " pagkawika nito ay iniwan ako.
Maya maya ay binalikan na ako ni TJ kung saan niya ako iniwan.
Lumabas na kaming lahat sa gymnasium. Napagkasunduan na mag kikita kaming lahat sa Kamayan Restobar. Kanya kanya na silang lahat sa pagsakay sa kanilang mga kotse. Ang iba naman ay nagcab.
Inaya ako ni Kenjie na sa kanya na sumabay dahil wala naman daw sasakyan ang TJ ko. Dagdag pa ang tawa niyang nakakaluko. Harap harapan niyang sinabi ito sa TJ ko but instead na sumagot ito sa pang iinsulto ni Kenjie ay tahimik lamang siya. Ayaw umalis ni Kenjie.
Kinuha ko ang kamay ni TJ ko at kusa kong iniakbay ito sa balikat ko. Tinitingnan lamang ako ni TJ sa ginagawa ko.
"Hehe! " sabi ko habang nakatingin sakin.
"Ang liit mo..... " dinig kong sabi niya.
"Cute naman.... " sagot ko.
Tumingin ako kay Kenjie bago sumagot.
"No thanks Im with my grasshopper na!"
At pagsasabi nito ay nakita kong sumalubong ang kilay ni Renz at Kenjie.
Wala ng natira sa campus. Kundi kaming anim nalang. Nakita kong naghahalikan ang mga putcha. Inggit ako....
Halaaaaaaahhhhh hoiiiiiiii bigla tuloy akong napahiya. Tumingin nalang ako kay TJ.
"Saan tayo sasakay..... Gutom na ako....." paglambing ng tanong ko dito.
"Tsk! Di naman ikaw ang naglaro pero ikaw itong ginutom!" derecho nitong sabi.
"Napagod akong magcheer sayo!!!!! " pagtatanggol ko.
"Ako ba ang chenicheer mo o yung isa!?
Hallaaaaaahhhh may something.....
"Ikaw nga!!!! Grasshopper!!!!
Grasshopper!!!!! Yun nga ang sinisigaw ko ehhhh.
"Tsk!!! Talaga lang ha.... Tara sakay na tayo! "
"Anung sakay!?" takang tanong ko at nakita kong nakanguso ito sa unahan.
Napanganga ako sa aking nakita. Wowww!!!!! Magmomotor kami!!!! Paano nakarating toh dito ng di ko namamalayan???
Agad na sumakay ito sa motor at hinila ako para kabitan naman ako ng helmet sa aking ulo. Ang mga kasamahan ko ay nakaporma na. Kami nalang ang hindi pa. Kaya naman ay sumaklang na ako kahit na nakabestida ako.
Hindi ito ang firstime kong magmotor kasi nung sa lola ko ako nakatira ay sinasama ako ng lolo ko sa palengke at inaangkas nya ko sa motor niya. Si Hanna yes and Faye gawa ng laki ito sa karangyaan.
Yumakap ako sa katawan ng TJ ko. Ang sarap yumakap lalo na ramdam din niya katawan ko. Umiinit ako pero bahala sya,,,,,, hinahalik halikan ang kanyang likod, ang bango naman kasi. Hindi naman kasi fully covered ang suot kong helmet eh. Hehe
Tumigil na kami sa harap ng restobar. Agad akong bumaba. Pagkaalis ng helmet nito sakin ay agad niya akong binuhat at iniupo sa motor.
Halaaaahhhh tinitigan niya ako.
"Tsk stop kissing my back while I'm driving okay!" naniningkit ang mga mata nya habang sinasabi ito. Malala pa dito ay ang lakas ng boses niya.
Napahiya tuloy ako kasi ang daming nakarinig. Nagtatawanan pa sila kasi nag ipon ipon sila dito sa labas at sinadyang hintayin kami at sabay ata na papasok paloob. Nakakainis.
Nagbabadya ng lumabas ang mga luha ko ng bigla nya akong hinawakan sa batok at siniil ng halik. Ang sarap..... Ang bango ng hininga nya.... Ang tamis.... At naramdaman kong mariin itong humalik. Tumutugon na ko sa halik niya kahit hindi ako marunong.
Maya maya ay tumigil na siya at habol namin ang hininga, nakakalunod pala ngunit nananatili paring nakadikit ang labi namin...
"Kung gusto mo kong halikan, do it in my lips. Kapag panakaw mo kong hinahalikan nabubuhay ang alaga ko, baka makalimutan kong nirerespito kita..." ang sabi nito ng pabulong sabay dampi muli sa labi ko at ibinaba na niya ako sa motor. Wowww samin nakatingin ang lahat.
Pumasok na kami sa loob.
Inalalayan niya ako sa mga inorder naming pagkain. Ang dami.... Gutom talaga ako eh.... May shirmp din na pinagbalat pa niya ako nito at pinakilala sakin ang mga ibang food kung pano kakanin. Kaluka.... Mamahalin ang food ko at nakatingin saming anim ang iba na alam kong nagtataka lalo na si Kenjie. Magkakatabi kasi kaming anim at ang sweet din nila sa kapatid ko at kay Faye. Culinary nga pala ang isa course ng grasshopper ko pag TTh kaya sa food marami syang comment.
Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan pang mag-inuman at makijoin sa gigs ng banda. Iilan lang kaming mga babae. Di ako lumalayo kay TJ.
Pinagkaisahan nila si TJ lalo na si Kenjie. Si Kenjie na wala ng ginawa kundi pasimpleng iniinis ang grasshopper ko. Binigyan nila ng mikropono ang grasshopper ko at pinupush na pumunta sa unahan ng stage. Hinila naman ako ng TJ ko at balak pa ata akong isama sa unahan. Marunong kaya itong kumanta? Kakatakot na baka mapahiya kami....
Hindi nga ako nagkamali. Isinama nga niya ako sa taas ng stage at pinaupo niya ako sa mataas na stool.
Nagsimula na agad tumugtog ang mga instrumento.
Sinabi lang sa kanya ang kakantahin nito ayon sa pinapakanta ni Kenjie at ibinigay sa kanya ang nota.
"There's a calm surrender
To the rush of day
When the heat of a rolling wind
Can be turned away"
Wowwwww...... Ang lamyos ng boses ng TJ ko fuckkkk!!!!! Kahit na ahhhh OK na yung song... Wait nakatingin pa ito sakin..... Para akong natutunaw..... Mabuti nalang at nakamask ito kaya nabawasan ang kabog ng dibdib ko. What if nga walang mask ang TJ ko....
"Can you feel the love tonight" ito ang kinakanta nya by Elton John, abaaahhhh kahit luma na toh ay pinapanood ko parin ang movie ng the leon king.
An enchanted moment
And it sees me through
It's enough for this restless warrior
Just to be with you
And can you feel the love tonight?
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far
And can you feel the love tonight
How it's laid to rest?
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best
There's a time for everyone
If they only learn
That the twisting kaleidoscope
Moves us all in turn
There's a rhyme and reason
To the wild outdoors
When the heart of this star-crossed voyager
Beats in time with yours
And can you feel the love tonight?
It is where we are
It's enough for this wide-eyed wanderer
That we got this far
And can you feel the love tonight
How it's laid to rest?
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best
It's enough to make kings and vagabonds
Believe the very best.
Wowwwww ha natapos na ang kanta pero may isinunod pa ulit na by request ng may ari ng bar. Ang " I don't want to miss a thing" by Aerosmith.
Pigil na pigil ang pag pagpalirit ko. Tangshhhiiittt mahihimatay na ko sa boses ng grasshopper ko.... Anoooo ka Kenjie pang asar ang song mo kanina may pangbawe agad!!!! Kuhang kuha nya rin ang kumupya ng boses. Ang ibang guest nga na babae ay pumapaliret at pumapalakpak. Kakaiba talaga ang boses nya. Dinaig pa nya ang singer ng banda.
Nang matapos ang awitin ay ako na ang kusang humalik sa kanya..... Paulit ulit na pinanggigigilan ko ang labi nya. Abahhhh may permeso naman akong halikan sya sa labi eh. Nganga sila eh....
Hindi pa kami nakakaalis sa gitna ay si Jacobr naman at Hanna ang papalit sa pwesto namin. Tuwang tuwa ang kapatid ko.
"Hey kuya uno, ako naman ang manghaharana sa honey ko!" wika nito.
Ohhhh kuya..... kuya ang tawag sa kanya ni Jacobr dati pa..... Magkapatid nga siguro sila....
"Di pa nga ko nanghaharana tol, Tsk pinalalayas mo na agad kami dito. " sagot nito.
Hehe totoo yun kasi kay Kenjie at sa owner ng bar yung awit eh.... Yung sakin wala pa....
Bumalik na kami sa table namin. Kinanta nito ang "My Girl" and "Kiss From A Rose". Tulad ni TJ ay magaling rin itong kumanta. Nakakaakit rin ang kanyang boses. Taas pa nga balahibo ko sa kilig.
"Grasshopper.... Magkapatid ba kayo ni Jacobr? " tanong ko rito ng makita ko siyang nakatitig sakin.
"Yes. Why you like him more ? "
"No!!! Ikaw ang gusto ko. Nagtatanong lang eh! Like agad!? " mabilis kong sagot.
"How about that man?" na tumingin kay Renz na nakatingin pala sa akin.
Agad akong bumalik ng tingin kay TJ at ngumiti.
"Your the only one!" agad kong sagot na nilandi ko pa ang boses ko na ikinabig nanaman niya ako sa kanyang mga labi at siniil ng halik. Ang sarap talaga!!!!!
Ng matapos ang kanta ni Jacobr ay sinundan naman ito ni Philip na hindi nagpahuli at dinala rin si Faye sa stage.
Hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling ang mga ito at nakakaamaze talaga ang mga baguhan na ito sa campus namin. Bukod sa werdo, matalino at may taglay na talento sa lahat. Super kilig naman ang Faye abaaah naman!
Agad na kami ay nagpaalam sa kasamahan namin at kay coach. Pasado alas otso na at maaga pa ito sa kanila pero kailangan na naming umuwe.
May dalawang itim na sasakyan ang tumigil sa harapan namin.
Akala ko ay magmomotor kami pero matapos niya akong halikan sa labi ay pinapasok na niya ako sa loob at kasama ko si Hanna na pinapasok narin ni Jacobr matapos halikan. Sa loob ng sasakyan ay kami lang dalawa. At sa kabila namang sasakyan ay si Faye.
Hindi sila sumabay samin pero kanina ay may kausap ito sa kanyang phone at narinig ko pa itong nag i love you sa kausap. Bigla nanaman akong nasaktan. Sakin di sya nagsasabi ng ganun.....
Hmmmm baka yun yung babaeng maganda kanina. Bigla ko itong naalala tuloy.
"Sissy..... Kilala mo ba yung babaeng maganda kanina nung after lunch break?" lakas loob kong tanong dito nung nasa bahay na kami.
Napag-usapan naming iisang kwarto kami for the first time na matutulog. Nagkasundo kami diba.... Hehe nagulat nga ang papa namin kanina nung dumating kami na nagtatawanan.
"Yan din ang gusto kong itanong sayo kanina..... So ni isa satin walang nakakaalam kong sinu sya.... " titig nitong sagot sakin.
"Ang ganda nya noh..... Ang ganda ganda nya..... You saw it too. Hinalikan din sya ng boyfriend mo sa labi..... Hinalikan din sya ng grasshopper ko.... Mas matagal. May I love you pa ngang kasama..... " sabi ko dito ng nakanguso habang nakadapa.
"Bakit di ka ba sinasabihan ng TJ mo na mahal ka nya!? " Taka nitong tanong sakin.
"Hindi...... Bakit ikaw sinabihan ka na nya!!!? " ako naman ang nagtanong.
"Oo. Nalove at first sight daw sya sakin at di na daw nya ko pakakawalan. Hehe ang sweet no.... "
"Ay ano ba yan...... Bakit sakin waleyyyy!!! "
"Malay mo next time diba.... Sasabihin nya nalang sayo.... Basta masaya ako kahit panget sya..... Hehe! " si Hanna na tunay ngang masaya sa sinasabi.
"Halahhhh di mo pa ba alam!? "
"Ang alin ang di ko pa alam! ?" kinakabahan nitong tugon sakin.
" Sissyyyy hindi sila pangettttt for sure... maniwala ka sakin. May pagka-Adonis sila! " natutuwa kong sabi na kinikilig ako.
"Halaaaahhhh inlove ka na nga kasi pati mata mo nabulag na.....!" balik nito sakin.
"Naku sissy magpasalamat ka nalang at nagtatago sila sa fake nilang birthmark at malaking nunal as in pasas with matching salamin kasi marami kang makakaribal sa bf mo kung wala yun!!!! " pagbabanta ko rito.
"Yung totoo sissy!!!? "
"Oo nga!!!! Kanina ko lang nadiscover.... Pero di ko natuloy kunin yung birthmark nya sa mukha... Pero yung nunal natatanggal... Hehe hinahayaan nya na kasi akong chansingan sya promise!!!! " natatawa kong sabi dito.
Napaisip ng todo ang sissy ko..... At ako naman ay agad na nakatulog pagpikit palang ng mga mata ko. Wala pa kasi akong tulog eh....