CHAPTER 4
Pasado alas nuebe na ng gabi ng makarating na mansion ng Cannor ang tatlong binata ng nakamotor. Agad naman silang pinagbuksan ng nakatalagang security guard ng makilala si Philip. Hindi pa sana ito papapasukin dahil sa kakaibang hitsura ng dalawa.
Hindi naman kasi sila dito umuuwe kapag galing ng paaralan. Kumuha si TJ ng suit na pag mamay-ari ng personal guard ng kanyang ina. Ang Tito Kim niya na ama ni Philip.
Malapad ang ngiti ng mga binata na maabutan nilang kumpleto sa sala.
"What a surprise!!!! Inay yan ba ang sinasabi mong nainjured!? Tskkkk! Gabi ng kung umuwi! Uno babae pala yung nakapatumba sayo! Hehe" bati ni Dos sa kapatid na yumakap na sinundan ng iba pang mga kapatid .
Binati din nila si Jacobr at sinalubong ng banggaan ng dibdib. Ang tahimik na sala ay umingay. Nagsama ang quadruplets at ang triplets. Binuhat naman ni TJ ang nag-iisa niyang kapatid na babae at pinaghahalikan.
"Ayyyyyy kuya ang baho mo maligo ka muna saglit!!!!! Anooo bayan amoy usok ka!!!! Amoy pawis ka rin" reklamo nito.
"Ang reklamo ehhh!!!! Gustong gusto nga ng lollipop ko ang amoy ko eh!!!!! "
"Lollipop!? Mo!? Ang baduuuyyyy!!!! Sino naman yun!? " si princess na umupo na sa nag iisang couch.
Humalik naman si TJ sa kanyang ina at sa kanyang mga tatay gayun din si Jacobr.
"Ang ganda raw ng larong pinakita nyo boys!? Congrats! Nagugustuhan nyo na atang pumirmi dito ah. " wika ni Rex , isa sa asawa ni Jewel.
( Dear readers kung nabasa nyo po yung book 1 ko, karugtong po ng kwento ito. Kinasal po sa bansang Europe si Rex, Jewel at Timothy. Polygyny po ang relasyon na mayroon sila at legal. At maari rin pong magbuntis si Jewel na mayroon pong dalawang ama. Ito po ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Dito sa Pinas bawal ang polygyny kaya sa London parin sila nakastay. )
"Yes Tay. Pumapag-ibig narin.....! Sagot naman ni Jacobr.
"Akala ko ba di ka pa handa magkagf ha tol! " sagot naman ni Kwatro
"Yeaaaahhh akala mo lang yun!!!! Oy mga tatay magpapakasal na ko!!!! Aayain ko na syang magpakasal baka mawala pa eh. Nay ok lang po ba!? " lambing ni Jacobr sa ina na yumakap na.
"Pagpapalit mo na ako!? " pagbibiro naman ni Jewel.
"Inay naman eh, seryuso po. Na love at first sight po talaga ako. " agarang sagot nito.
"Maganda ba!? " tanong ni Tres
"In my eyes yes!!!! "
" Wowww ha, pinatos ka nya kahit ganyan hitsura mo sa harap nya!? Bulag ata yun eh! " si Nathaniel naman na nakaupo sa sandalan ng sofa.
"Inform ba kayo mga anak na ang shinoshota nyo ay nakafixed marriage na? " si Timothy na seryoso ang tinig.
Nagulat si TJ sa narinig niya maging si Jacobr.
"How!? " sabay na tanong ng dalawa.
"We did a research sa family background ng mga kinahuhumalingan nyong babae." sagot ni Rex
"Si Hanna Manalo ay nakatakdang ikasal nextyear sa isa sa anak ni Senator Revilla. " panimula ni Timothy .
"Si Kisses Manalo naman ay sa anak ng Mayor ng Pasig na si Kenjie Gomez next year din. I think you know him. So kids baka gusto nyo ng maghanap ng iba!? " seryosong pahayag ni Rex.
"Paktay!!!!! Mga tollll iibig lang kayo sablay pa!!! " pang iinis Princess.
"Inay...... Gawan nyo ng paraan..... Akin lang si Hanna. Bubuntisin ko na sya pangako para kay Lolo!" seryosong pahayag ni Jacobr.
"Naerecord mo ba mahal ko!?" natatawang tanong ni Jewel kay Rex.
"Oo mahal ko. " agarang sagot ni Rex sa asawa.
" Princess, papayag ka ba na ikaw ang ipapalit ko kay Hanna sa anak ng Senator!? " si Jewel naman na nakita si Princess
" Ano ba yan inay pati ako nadamay! Bakit ako!? Paano nalang kung panget pala yung anak ni Senator ! Jacob naman eh!!!! " palag ni Princess.
"Princess ibibigay ko sayo yung Hotel sa Palawan! Diba gusto mo yun!? " agad na alok ni Jacobr.
" Totoo!? Sige. Pero inay sa ibang bansa kami ikakasal ha, mabilis dun ang devorse eh. " mabilis na sagot ni Princess
"Tsk! Ang bilis pumayag eh! Ehhhh ikaw TJ!? Paano ka!? Di naman pwedeng si Princess ulit...." si Dos na seryosong nakatitig sa kanya.
"Sa akin sya ikakasal. Bubuntisin ko nalang sya agad. Hindi ko naman kailangan ipagkalulo ang prinsesa ko para lang makuha ko ang gusto ko. " si TJ na nakangiti pang nakatingin sa kapatid na babae.....
"Ang sweet talaga ng kuya ko....... Pero ang totoo takot mabawasan ng mana....... Ehhhh luko mo kuya..... " si Princess na natatawa.
"Basta kids nandito lang kami. We will support nyo. Kung ako sayo TJ anak, sadyain mo ang ama ni Kisses. Di naman ganun kataas ang posisyon nung Mayor para magkagulo. Its all about business at kaya mong tapatan yun. " wika ni Timothy .
"Philip, yung kay Faye wala kang problema sa pamilya nya. Maganda rin ang estado ng pamilya nya kaya kung sigurado ka na rin sa girlfriend mo makipagcommitment ka na. She is beautiful. I like her for you. " si Jewel.
"Inay bakit yung samin ni kuya di mo man lang pinupuri? "
"Anak ko kayo na ang pumuri sa gfs nyo, tama na yun.... Pero Jacobr nice one ha.... Pang model din ang katawan ng honey mo. And TJ, she is so cute..... Hindi ka ba mahihirapan!? "
" Naku inay, papantay din naman, no matter what!? Tsk! Ang cute nga EH!? "
" Hey balita ko maliit na babae na cute! Gusto ko syang mameet Uno, pakilala mo naman!!!! " si Nathanielt
" Sure kapag sure nako na buntis na. Teyka kelan nga pala kayo uuwe!? "
" Naman pinapauwe na kami!!!! "
" May be tomorrow after namin kay Senator. " sagot naman ni Rex
" Hey sweetie do you still remember the way you disguise, kuhang kuha ng mga anak mo eh noh.... Nakakalusot na silang lumabas ng bahay..... And that's enough for tonight. Tara na at masyado ng malalim ang gabi. Magpahinga na tayo. Maaga pa tayo sa mga lolo at lola nyo. " pagyaya na ni Timothy.
Matapos ang gabi ay maaga ring umalis ang tatlo at bumalik sa condo. Matapos maligo at magbihis ay naglakad lamang sila papuntang University. Walking distance lang naman kasi ito sa school.
Sa maingate palang ng university ay pinagkakaguluhan na agad sila. Lalo na si Philip na natural ang dating ng hitsura.
Namimiss na TJ ang kanyang lollipop, isang subject lang sila magkakasama ngayon at mamayang hapon pa. Pang HRM ang klase nya ngayon at sabayan pa ng pang culinary subject nya.
Sa di inaasahan ay kitang kita niya kung pano ito nagmamadaling lumapit sa kanya at sinalubong siya nito ng maagang pagtalon sa kanyang katawan upang yakapin siya.
Gandang ganda talaga siya sa kanyang girlfriend. Iba ng ganda nito sa lahat.
Buhat buhat niya itong niyakap ng mahigpit.
"Miss me babe!? " tanong niya rito.
"Subra!!!! Di mo manlang kinuha sakin ang number ko kagabi grasshopper. Akala ko ba boyfriend na kita!? " si kisses na hindi parin bumababa at umaawat ng yakap.
Tanging tingin na lamang ang mga nakakakita.
Inilapag na ni TJ ang kanyang gf ay bahagya itong yumuko at siniil ng halik sa labi.
"I miss you more babe. Go back to your class and see you sa lunch break okay. " wika ni TJ na pinisil pa sa baba ang asawa.
"I love you grasshopper ko..... " wika ni Kisses na talagang sinadya niya ay may gusto siyang marinig.
Instead na sumagot si TJ ay muli niya itong binuhat, niyakap at hinalikan sa labi.
"Ihahatid kita mamaya sa bahay nyo okay. Gusto ko rin makausap papa mo. " nakangiti nitong wika pagkatapos halikan ang nobya.
"Si ano????? Si papa???? Ihahatid mo ako!? hala patayyyyy kakatayin ako nun babe!!!!! "agarang sagot ni Kisses.
Biglang natawa si TJ sa reaksyon ng kanyang nobya.
"Okay ihahatid nalang kita ng di nya nakikita. Ok na ba yun!? I have your number already babe. Sabi ng mama mo lastnight tulog ka na nong tumawag ako kaya di na kita pinagising pa. " sagot nito na di parin binababa si Kisses.
"Tumawag ka sa bahay!? " takot nitong tanong.
"Yes. Dont worry babe. Everything will be fine and you will be mine officially. Okay. Here. Go your class now! " na binaba na muli si Kisses.
Naghiwalay na ang landas ang dalawa. Magkaiba kasi ang building ng mga business courses sa HRM.
Lunch break. Nagkakagulo na sa billboard ng school dahil sa inilabas na ang mga napiling star player. Nasa cafeteria ang grupo ng mga basketball team. Nagtatalo ang mga ito nung dumating si Kisses at Hanna na piniling makinig muna sa malapit sa kanila.
Kampante namang nakaupo lang sila Philip, Jacobr at TJ habang nakikipagdiskasyon sila Kenjie na sinasang-ayunan naman ni Renz.
"Coach gagawin nyong Captain si TJ eh bago lang naman siya sa grupo.!? " kanina pa nitong pangungulit sa matanda nilang coach.
"Believe me Mr. Gomez, si Mr. Cantos Green ang nararapat sa posisyon na yun. Kailangan ng team natin ang tulad nya. Isa pa, kayo ang nagrecruit sa batang yan. And his background in playing that sports game ay high qualified. He is also a captain from the place he came from. An MVP player. Sa ngayon ay yan lang ang masasabi ko. " paliwanag ng coach.
"Okay fine!!!! Pero coach gusto ko sanang hamunin si TJ kung totoo ngang ang sinasabi nyo, Two vs. One . Deal coach? Kapag natalo nya kami ni Renz tatanggapin namin sya as our Captain. " hamon nito.
"OK Lang ba yun sayo Mr. Cantos Green?" si coach na tumingin kay TJ na nakatingin kung saan at nakangiti.
Sinunson ni coach kung saan nakatingin si TJ ganun rin ang mga mata sa paligid na nakasubaybay sa usapin nila. Kay Kisses pala ito nakatingin.
Hiyang hiya naman si Kisses na ang lahat ng mata ay nasa kanya.
Tumayo na si TJ at lumapit sa nobya. Kinabig sa balikat at giniya sa kanyang inuupuan.
Sinipa pa nito si Philip upang umalis sa pwesto nito na napapakamot nalang ang ulong umalis at kumuha muli ng bangko niya.
Si Jacobr ay ganun rin at nag iba pa ito ng table na pinuwestuhan.
" Seat beside me babe. Are you hungry!? Waiter please yung order ko." si TJ na inaalalayan niya ang nobya sa pag-upo.
Agad namang kumilos ang waiter na kanina pa palang hinihintay rin ang pagdating ng Kisses.
Napapailing naman si coach sa nakikita niya habang masama ang tingin naman ni Kenjie sa dalawa .
"Coach I'm not available for this night. Set it for tomorrow night if he wanted to have a match. " na tumingin ng makahulugang kay Kenjie.
Tinapos na nila ang meeting.
Magana namang kumain ang lahat. Si Kenjie at Rex ay tumabi na kina Kisses na ganun rin si Philip.
"Tsk! Hey guys paano ko naman masusulo ang girlfriend ko kung di kayo lulubay. " si TJ na seryoso ang boses.
"Naging kayo lang ni Kisses tinataboy mo na agad kami Tsk!!!! Masaya kung marami! " si Rex na siyang sumagot.
"Hey TJ san ka nakatira? inuman tayo sa inyo." si Kenjie na masama parin ang tingin sa kanya.
"Babe okay lang ba sayo!?" si TJ na nagpapaalam sa GF nito.
"Pre inuman lang magpapaalam ka pa sa kanya?" si Kenjie
"Hehe, ok lang grasshopper, pwedeng sumama sa inyo?" agad namang sagot ni Kisses.
"Sure. Hatid nalang kita ng maaga mamaya sa inyo after. Ipapaalam narin kita kay mama. Wait. "
"Hehe mama na agad?"
"Yes. Soon!"
"Tsk! " si Kenjie
"Walking distance lang pre. Tara after class. 4pm. Game. " na pinaglaanan na ng pansin si Kenjie at agad narin kinuha ang phone at may tinawagan.
"Yes Tita Hope, it's me TJ. Late ko na pong ihahatid si babe Kisses ko with Hanna please...... -yes tita- ...... -thanks- ...... - ingat po kayo. " si TJ na nagpaalam na sa phone.
Si Kisses naman ay tulala sa ginawa ni TJ. Gayun din si Kenjie at Rex.
"Its that really my mom!? "
"Yes. You can check your phone. Confirm it. Magtetext na sayo yun anytime babe. " nakangiti nitong sabi.
At hindi nga ito nagkakamali. Nagtext nga sa kanya ang mommy niya.
****
MANALO HOUSE
Flashback.
After the basketball game na umuwi ang mga bata.
Gulat ang mag-asawa noong tumawag si Hanna sa kanila ng alas singko ng hapon. Nagpaalam kasi itong malalate ng uwi dahil manunuod ito ng basketball with lots of classmate. Sinama nitong ipinagpaalam si Kisses na never namang nangyari.
At noong umuwi sila ng gabi ay nakakagulat rin nasa isang mamahaling sasakyan sila nakasakay at pinagbuksan pa sila ng pintuan ng kotse. At higit sa lahat ay magkasundo na ang dalawang magkapatid na nagtatawanan pa.
At bago sila tuluyang magpahinga, alas dyes ng gabi ay may tumawag pa sa kanila.
Galit na galit pa ang papa nila noong sinabi na siya ang boyfriend ng anak nilang si Kisses. Pinatayan pa nga nila ito ng tawag.
Dahil rin sa pangungulit ng pagtawag ni TJ ay muli nilang sinagot ang tawag ng binata at inalam narin nila ang pangalan ng mga ito.
Dito nila napag-alaman na si TJ ay isa sa apo ng numero unong negosyante at top 3 sa multiple billionaire sa buong mundo na si Don Franco Cannor.
Para makasiguro ay nagpasend pa ito ng proof kung totoo ang mga sinasabi ni TJ na agad namang pinaunlakan ng binata. Ang mga family pictures nila ang mabisang paraan para maniwala ito at ang Lolo pa mandin ang kasama ng mga ito sa litrato. Nakipagvedio chat pa ito sa magulang para mapatunayan na sila ang nasa litrato.
Sagad na ang lamig ng aircon sa kwarto ng mag-asawa ngunit dalawa silang pinagpapawisan ng todo habang kausap ang si TJ na apo ni Don Franco.
Higit sa lahat ay nasa likuran nito ang pamilya ng lalaki kasama ni Miss Jewel at Timothy na kilalang kilala sa industriya na bigla nalang ring nawala noon. Nalaman nalang nila na nagsasama ang mga ito sa ibang bansa kasama pa ang isang asawa ni Jewel na si Rex Cantos.
Narito sila sa Pilipinas. Mismong si Mr. Timothy narin ang nakausap nila. Nabanggit nito na maglalaan sila ng oras kapag nagdecide na ang mga batang magpakasal.
Nalaman din nilang pati si Hanna ay shota din ng isa sa apo ng matanda at nakausap din nila si Jacobr.
Ang mama nila Hanna ay mapulang mapula ang mukha dahil hindi niya eniexpect na kahit sa vedio lang ay matindi ang dating ng usapan nila.
Nakiusap rin ang mga ito na wala munang makakaalam ng mga pinag-usapan nila ngayon gabi at hayaan muna ang mga batang mag-enjoy.
Si Hanna at Kisses ay wala ring nalalaman pa sa tunay nilang katauhan. Nalaman nilang nainlove ang kanilang mga anak sa mga lalaking simple lamang at ibang mukha.
Pagkatapos nilang makipag - usap dito ay nagkaroon ng problema ang ama nila Hanna dahil alam niyang pinagkasundo na nito ang mga anak niya sa kumpare rin niya.
At hito nanaman at tumawag ang TJ na late na nilang isasauli ang kanyang mga anak.
Na kanina lang rin at nakatanggap siya ng mail sa senator na sila ay may urgent meeting kinabukasan at alam niyang tungkol ito sa pag iisang dibdib ng mga anak nila. Ito ay si Hanna at bunso nilang anak na si Mattew.
Ramdam na ramdam ng mag-asawa ang tensyon ngayong araw.
Nakaset din ang outing ng pamilya niya ngayong Sabado. Reunion ito ng Gracias-Manalo family na inimbitahan pa niya ang magkapatid na TJ at Jacobr.
Wala ring alam ang dalawa niyang anak na darating ang mga ito sa outing nila ayon narin sa pakiusap ng dalawa.
Ang nangingibabaw ngayon sa isipan ng ama nila Kisses ay hindi niya na pakakawalan pa ang oportunidad na nabihag ng kanyang anak ang mga binatang ito. Ipupush pa nya lalo ang mga anak na makalapit dito kahit na mabuntis ang mga ito ng maaga at sinuportahan pa niya. Ganyan kung mag-isip ngayon si Mr. Manalo.
****
"Sissy nakareceive ka ba ng message kay mama!? " si Hanna na ngayon ay kasalukuyan silang nasa classroom at naghihintay ng susunod na klase.
"Yes.... Kahit daw bukas na tayo umuwi!? " natatawa nitong sabi.
"Did you tell them na may boyfriend tayo!? " si Hanna.
"Not me. Si TJ. Nakausap na raw nya ang papa at mama natin. "
"Secret lang natin toh diba..... Ohhh my gulayyyy..... Anu bang meron!? Bakit.... Diba dapat magalit sila?" pagtataka naman nitong tanong.
Nag-uusap ang mga ito nang lumapit ang kaibigan ni Hanna na sina Letty, Rose at Lucy.
"Hey girls, totoo ba!? Boyfriend nyo na talaga yung mga alam nyo na!?" si Rose na umupo sa bakanting upuan at tumabi.
" Tsk! Oo. Alam na alam ko na ang gusto nyong sabihin ehhh.... Ehhhh ganun talaga girls nainlove kami EH.... " sagot naman ni Hanna.
"Ginayuma ata kayo ng mga birthmark nila ahhhh....nohhh hehe" tukso naman ni Letty na natatawa.
"Heeeyyyy pero wowww ha galing magbasketball kahit ako papatos na ko hehe sikat kaya sila ngayon, at higit sa lahat sikat din kayo!!!!! Si Miss Faye shota nya rin yung gwapo ehhh nohhhh lakaaasss yun yung nakasungkit!!!! " wika naman ni Rose.
"Malapit na ang practice ng cheering squad best, next week na yun. Ikaw Kisses baka gusto mong magjoin at ng may maihagis kami. " si Lucy na seryoso sa sinasabi.
"Ngeeeekk hehe ayaw ko. Manonood nalang ako. Di ko hilig ang pagsayaw" sagot ni Kisses.
Natapos ang usapan nila dahil sa pagpasok ng kanilang Proffesor. Ito ang huli nilang klase ngayong araw. At ng matapos nga ay sabay na lumabas ng classroom sila Renz, Kenjie, Hanna ay Kisses.
Nagtagpo silang lahat sa cafeteria. Kasama narin ni Philip si Faye na ikinatuwa ng magkapatid.
"Ano tohhhh? Kayo may partner, kami wala!? " si Renz na nangangamot ng batok.
"Tsk!!! its your problem guys, not mine! Deretchong sagot ni TJ na humalik pa sa labi ni Kisses matapos buhatin.
"Lets go. " aya naman ni Jacobr.
Gulat na gulat sila Kenjie at ang iba pa nung tumigil sila sa sinasabi nilang condo unit na tinutuluyan nila TJ.
Tama sila na walking distance nga lang ito pero ito ay isa sa pinakaexpensive na condominium dito sa Pasig. Tahimik nilang tinahak ang hallway ng building at bawat staff dito ay magalang silang binabati.
Gulat na gulat din ang mga ito na sa ika twenty eight floor sila lumapag kung saan ay para sa VIP suit lamang ito.
Ang buong floor ay sila lamang ang umuukupa.
"Hey guys this is my suit. At magiging sayo babe soon. But this building is owned by the father of Philip. You can stay here overnight. May walong kwarto naman ito. Lets go to the dining area. Naipahanda ko na ang hapunan natin. " paanyaya ni TJ sabay buhat sa natutulalang si Kisses at dumerercho sila sa dining area.