[AZALEA CHANDRIA MONTAJES POV] Nag-abang agad ako nang masasakyan papuntang adress nang hospital na ibinigay sa akin nang doctor na iyon. Mga ilang minuto nga ay may huminto nang taxi kaya agad akong sumakay para makapunta na agad sa hospital na iyon, kailangan ako ni lola ngayon. Ilang oras pa ang ginugol ko para makapunta doon dahil medyo may kalayuan ito kung saan kami nakatira. Pagkadating ko nga ay agad akong nagbayad, hindi na ako nag-abala pang kunin. ang sukli dahil nagmamadali na talaga ako. "wait for me, lola"saad ko habang hinihingal na sa kakabilis magtakbo, pinuntahan ko ang counter area at tinanong kung anong room si Mrs. Lagania. Sinabi naman nito na nasa room 201 ito naka admit, kaya agad akong sumakay nang elevator, habang naghihintay akong bumukas ito ay hindi ako m

