[AZALEA CHANDRIA MONTAJES POV] Naalimpungatan ako nang maramdamang nakatulog na pala ako, ang weird nang panaginip ko, there qas a blurd man standing in front of me. Hindi ko man naiintindihan ang mga sinabi niya pero mayroon saakin na mukhang malapit ang loob ko sa kaniya. Nandito parin ako sa kwarto ni lola, napakatahimik ang paligid. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahina at patlang-patlang na tunog ng makinarya na konektado kay lola. Bawat huni noon ay tila martilyong humahampas sa puso ko. Parang binibilang nito ang bawat segundo na kasama ko pa siya—at unti-unti na iyong nauubos. Dahan-dahan akong lumapit sa kama niya. Naka-upo na ako sa gilid, pilit tinatago ang panginginig ng aking katawan. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal. Ang dating masigla at malakas kong lola…

