Nagkakulong kami ng tingin. Tila may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi niya masabi sa salita. May sinseridad. May sakit. May pagmamahal. At dun ko napagtantong kahit anong pilit kong itanggi, kahit anong lakas ng iyak ko sa garden kanina, kahit ilang beses akong umiyak sa gabi—hindi pa rin nawawala 'yung feelings ko para sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun na agad-agad ayos na kami. [LARZEN SCHUSTER WAYNE POV] She didn’t speak. Tumalikod siya at dumiretso pabalik sa garden, pero hindi ako sinundan. Naiwan ako sa madilim na parte ng hardin, pinagmamasdan siyang dahan-dahang mawala sa paningin ko. Pero may isang bagay akong napansin bago siya tuluyang lumayo—hindi niya binawi ang kamay niyang hinawakan ko kanina. At dun ko napatunayan, may pag-asa pa. Bumalik ako sa hideout

