SH*TANGINA Iniwan ba naman ako sa gantong sitwasyon. "Don't mind them, just focus on me.....baby" Mabilis nga ako na tumayo at umupo sa medyo may kalayuan nang kinauupuan niya, 'hayst akala niya ba madadala niya ako sa ganun ganun lang, tsk N.E.V.E.R', Nag start nanga ulit ang laro nila kaya napahinga ako nang maluwag dahil bumaba na siya sa court Napailing na lang ako habang pinapanood silang tumakbo sa court. Grabe, kung makatingin ‘yung mga girls sa team ni Larzen, akala mo may shooting ng K-drama dito. Pero aminin ko, magaling talaga siya. Hindi lang sa academics at pagiging SSG president—pati pala sa sports, panalo rin. “Ugh,” bulong ko sa sarili ko, pilit na hindi na lang tinitingnan ‘yung pawisang hitsura niya na kahit pawis, gwapo pa rin. Ano ba 'yan Azalea, tumigil ka nga.

