CHAPTER TWENTY NINE

1616 Words
"John." Narinig kong tawag sa akin ni Uncle. Nasa hindi kalayuan si Uncle. Malapad ang pagkakangiti. Unti unti kaming naglalapit sa isa't isa. Matagal kaming nagtitigan ni Uncle nang maglapit na kami. Namiss ko siya. Ilang buwan na ba kaming hindi nagkikita? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang dahil sa tagal. Namiss ko ang amoy ni Uncle. Ang barakong amoy nito. Ang maskulado nitong pangangatawan. Ang b***t nitong napakatigas. Lahat ay namiss ko kay Uncle. "Kamusta ka?" Tanong nito. Hindi parin naaalis ang ngiti sa kanyang labi. Huminga ako ng malalim. "Ayos naman, Uncle. Miss na miss nga kita e." "Ako rin, John. Namiss kita." Sagot niya at ginawaran ako ng mahigpit na yakap. Tinugon ko rin ang yakap na iyon. Mas mahigpit pa nga. Parang ayoko ng bumitaw sa yakap na ito dahil paniguradong hindi na ito mauulit. Lalayo na sa akin si Uncle. Kumalas sa pagkakayakap si Uncle. Dalawang kamay naman nitong hinawakan ang pisngi ko. "Sumama ka sa akin. Kahit sa huling sandali man lang ay may maiwan ako saiyong marka." Hindi na ako nakatanggi pa dahil hinila na ni Uncle ang kamay ko kung saan. At hindi rin naman talaga ako tatanggi dahil gusto ko siyang makasama. Kahit sa huling sandali man lang. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. At kailangan naming sulitin ang bawat sandali. Nasa tapat kami ng isang kulay puting bahay. May kalakihan ito. Sa harapan ay may maliit na hardin na napapaligiran ng iba't ibang uri ng bulaklak. Biglang binuksan ni Uncle ang pintuan at tuluyan na kaming pumasok. Pagpasok namin, walang kalaman laman ang loob maliban lang sa isang malaking kama na nasa gitna. Lumingon ako kay Uncle. Nakangiti parin ito habang pinagmamasdan ang paligid ng bahay. "Dito natin susulitin ang buong isang araw na tayo lang ang magkasama. Walang iistorbo sa atin rito, mahal ko." Sabi nito nang ituon niya ang tingin sa akin. Nagagalak ang puso ko ngayon dahil kahit na iiwan na ako ni Uncle ay gusto niya paring makasama ako sa huling sandali. Pero sa isang banda, may lungkot din akong nadarama. Ngayon ang una't huli naming magkasama. Pagkatapos nito ay iiwan niya na ako. Hinawakan ni Uncle ang mga kamay ko at diretsong tumingin sa akin. "Kahit na anong mangyari, huwag mo akong kakalimutan, John. Dahil ako, mananatili ka sa puso at isipan ko." Matagal ang naging titigan namin ni Uncle. Unti unting naglalapit ang aming mga mukha. Hahalikan na ako ni Uncle. Pero bago niya pa ako mahalikan, biglang bumukas ang pintuan at inuluwa niyon si Caesar at Auntie Mabeth. Galit na galit silang lumapit sa amin. Nagtago ako sa likuran ni Uncle, pero nahigit ako ni Auntie at pinagsasampal ako. Si Caesar naman ay agad na inundayan ng suntok si Uncle. "Walang hiya ka talaga! Sinabihan na kita na huwag na huwag ka ng magpapakita kay Robert! Hayop kang bakla ka! Hindi mo mapapakinabangan ang asawa ko. Akin lang siya! Akin!!!" Galit na galit na sabi nito habang sampal at sabunot ang ginagawa sa akin. Hindi ako lumalaban kay Auntie dahil kahit na papaano ay nirerespeto ko parin ito biglang Auntie ko. "T-tama naaaa, A-auntieee..." BLAG! BLAG! BLAG! Biglang humandusay sa lapag si Uncle. Punong puno ng dugo ang mukha dahil sa mga sapak sa kanya ni Caesar. Takot na takot akong humangos papunta sa kanya upang estimahin. "U-uncle... huwag kang m-mamatay..." Pag-aalala ko sa kanya habang sabay sabay na nagtutuluan ang mga luha ko. "Tama lang sa kanya iyan, John. Dapat nga ay pati ikaw ay mamatay na rin." Napalingon ako kay Caesar na siyang nagsalita. Bigla itong naglabas ng baril at itinutok sa ulo ko. Hindi na ako nakakilos nang biglang... BOOOOOOM!!! "UNCLEEEEE!!!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa isang masamang panaginip na natunghayan ko. Hingal na hingal ako. Parang totoo ang mga nangyari. Akala ko ay mamamatay na talaga ako. Akala ko ay mawawala na si Uncle ng tuluyan. Huminga ako ng malalim. Hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Hindi parin mawala sa utak ko ang duguang mukha ni Uncle. Para talagang totoo ang panaginip ko. Para talagang totoo na papatayin ako ni Caesar. Anong ibig sabihin ng panaginip kong iyon? Bigla kong naisip si Caesar. Wala na ito sa tabi ko. Alas siyete na pala ng umaga. Mabilis akong bumangon ng kama. Dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig. "John, panaginip lang ang lahat. Isang masamang panaginip lang na hindi mangyayari kahit kailan." Pagpapakalma ko sa sarili ko. ----- "Hoy! Okay ka lang?" Pansin sa akin ni Migs. Kanina pa pala ako nakatanga sa harap ng pasyente ko habang ineestima ang swero nito. Mabilis akong kumilos upang hindi mahalata ni Migs ang pagkabalisa ko. Pero wrong move ata iyon. Sinundan ako ni Migs sa locker namin at doon ako kinorner. "Anong nangyayari sa'yo? Ilang araw kang absent. Tapos ngayon ay balisa ka. Bakit ba? Wala ka mang lang sinasabing kahit ano sa akin. Nakakatampo ka na, ah." Tanong ni Migs na may pagtatampo. Huminga ako ng malalim at naupo sa isa sa mga upuan sa locker. Tumingin ako sa kawalan at bigla nalang nagtuluan ang mga luha sa mata ko. Agad na lumapit sa akin si Migs. "Tingnan mo 'to. Wala ka pa ngang sinasabi, naiyak ka na agad. Ano ba kasing drama mo? Go, tell it to me." Humarap ako kay Migs. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago sinagot ang mga gusto niyang malaman. "G-gulong gulo ako ngayon. As in sobrang gulo. Hindi ko malaman kung bakit biglang naging komplikado ang lahat. Parang may mali e." Patotoo ko. Napairap sa akin si Migs. "Huwag mong sabihin na tungkol na naman ito sa Uncle mo?" Umiling ako. "E kanino? Doon sa pinsan mong masarap?" Umiling ulit ako. "Wala akong ideya, inday. Sabihin mo nalang agad." Humugot muna ako ng malalim na paghinga. "Tungkol kina Auntie Mabeth at Caesar. Nagbalik ulit sila." Nanlaki ang mga mata ni Migs. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "As in, the return of the comeback ang peg nila? Wow ha. Matapos nila kayong iwan ng Uncle mo sa ere, bigla nalang silang susulpot na parang wala lang ang nangyari." "Kaya nga e. Maski ako ay naguguluhan kung paano bang halos sabay silang nagsulputan." Kwinento ko ang lahat kay Migs. Mula sa pagsagip sa akin ni Caesar noong palayasin ako ni Auntie Mabeth. Sa paglaglag sa akin ni Luigi. Pati na rin ang masamang panaginip ko, at ang mensaheng nabasa ko sa cellphone ni Caesar na nagmula raw kay Migs. "Alam mo, Nurse ako at hindi Detective para pagdugtong dugtungin 'yang mga sinisiwalat mo sa akin. Pero kasi, napakadali lang ng sagot sa mga tanong mo." Matagal kaming nagtitigan ni Migs. Para bang pinapasa nito sa akin ang ibig niyang sabihin. "Ghorl, magkasabwat silang dalawa!" Hindi ko malaman kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Migs. Napaka imposible naman kasing mangyari 'yon. Paanong magkasabwat? "Ha? Hindi naman sila personal na magkakilala. Paano silang magiging magkasabwat?" Naguguluhan kong tanong kay Migs. Huminga ng malalim si Migs at taas ang kilay na tumingin sa akin. "Alam mo, ang hina ng pick up mo. Kaya minsan naloloko ka e. Hindi nila kailangang maging magkakilala, ghorl. Lahat ng bagay ay may paraan. Lalo pa at sinabi mong si Luigi ang naglaglag sa iyo sa Auntie mo. Ghorl, it's possible na siya rin mismo ang nagsabi ng relasyon niyo noon ni Caesar. Isip isip din. Isipin mo lahat. Huwag kang magpadala kay Caesar." Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Migs. Ano namang dahilan para magsabwatan pa silang dalawa? "Ang sabi sa akin ni Caesar, kaya daw siya nawala na parang bula ay natatakot daw siyang may mangyaring masama sa akin kapag nalaman ni Uncle na kami parin. Si Uncle ang nagbanta sa kanya kaya umalis ito ng walang paalam." "Na pinaniwalaan mo naman agad?" Mabilis akong tumango. Naitampal naman ni Migs ang kamay sa noo na parang dismayado. "Ang shunga mo! Hindi porket sinabi niya 'yon, paniniwalaan mo na agad. Nasaan ba ang utak mo, ghorl? Dapat ay doon ka sa Uncle mo naniwala." Napabuntong hininga ako at napaisip. May point nga naman si Migs. Ang kaso, mahal ko si Caesar kaya tinanggap ko ulit siya. Alam ko namang wala na akong magiging puwang pa kay Uncle. Ayokong magpaka-martyr para kay Uncle. Masaya na siya, dapat ay ganon din ako. Si Caesar, siya 'yung nandyan noong abala na si Uncle sa pagbabalik ng pamilya niya. Hindi niya ako iniwan. "At oo nga pala, wala akong kaalam alam na nagbalik na pala 'yang si Caesar. Isa 'yan sa mga pagdudahan mo sa kanya. Napaka imposible naman na M lang ang pangalan ko sa contacts niya. Apat na letra na nga lang ang pangalan ko, kinatamaran pa niya." Dagdag pa nito. Pinagpag muna nito ang uniporme bago tumayo. "O siya. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa'yo, Johnalyn. Huwag kang mabulag sa pagmamahal mo kay Caesar. Kailangang alamin mo ang intensyon niya kung bakit siya nagbalik. At huwag kang magpatalo sa bruha mong Auntie." Pahabol niya pa bago lumabas ng locker. Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan. Mas lalong naging komplikado ang lahat dahil sa mga sinabi ni Migs. Hindi ko na tuloy alam kung anong papaniwalaan ko. Gusto ko ring makausap si Uncle tungkol rito para malinawan din siya kung bakit ako umalis. Baka may alam ito sa mga nangyayari. At tungkol naman kay Caesar, pagmamasdan ko muna ang mga kilos nito. Tama nga si Migs na hindi dapat ako magtiwala sa kanya ng lubos. Baka nga may dahilan ang pagbabalik nito. O, baka nga magkasabwat sila ni Auntie Mabeth kaya halos sabay ang pagsulpot nila. Pero bakit? Paano at anong pakay nila? 'Yan ang malaking katanungan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD