John? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Galit ka ba sakin? Mag-usap naman tayo, please. I need to talk to you about your Uncle. Arthur: 15 misscalls and 25 text messages Arthur calling... "Hindi mo ba sasagutin iyan? Kanina pa ring ng ring 'yang phone mo." Napalingon ako kay Uncle at tipid na ngumiti rito. "Ah, wrong call lang ito, Uncle." Sagot ko. Napagdesisyunan kong i-off nalang ang cellphone ko upang hindi na mangulit sa kakatawag sa akin si Arthur. Hindi pa ako handang kausapin ito. "Oo nga pala, Uncle. Bili muna tayo ng pagkain. Baka gutumin tayo sa byahe, e." Sabi ko rito. Lulan kami ng sasakyan nito patungo sa Batangas. Balak naming magbakasyon muna kahit mga dalawang araw lang bago kami bumalik ng Maynila. Gusto naming solohin muna ang isa't isa. Matagal tagal rin

