"Good morning, John." Nakangiting bungad sa akin ni Uncle pagbukas ko ng pintuan. Nanlaki ang mata ko pagkakita rito. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. "Dinalhan kita ng breakfast. Niluto ko 'yung adobong baboy na tuyo na paborito mo." Sagot nito na hindi napapalis ang ngiti. Pinambilugan ko ito ng mata. "Kaya ko namang lutuin 'yan. Mas masarap pa kaysa dyan." "Alam ko. Kaya nga nainlove ako sa'yo, e." Banat nito. Tumalikod ako dahil hindi ko napigilan ang sarili kong kiligin dahil sa sinabi nito. Tangina! Huwag kang bibigay, John. Itaas mo ang bandera ng mga api. "Huy! Ang aga mo naman ata, Uncle? Ay, ano 'yan? Mukhang masarap, ha. Pasok ka." Biglang dumating si Migs at pinapasok si Uncle sa loob ng kanyang apartment. Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa ginawa niya pe

